Nanigas ako bigla. Ang tunog at tawang iyon ay kay…JOAQUIN! Bakit ang malas ko? Parang kahit saan ako magpunta, palagi ko siyang nakikita. At ngayong nandito siya, sigurado akong tapos na ang lahat. Si Joaquin, suot ang isang maayos na black suit at kurbata, ay nakatayo sa hindi kalayuan. Tila ba siya’y isang taong mataas ang posisyon at puno ng dignidad. Kahit ang simpleng tingin niya ay nagdadala ng nakakatakot na presyon. Noon, siya’y mapagpakumbaba at mahinahon, ngunit ngayon ay parang isa siyang hari na hindi maaaring suwayin. Napabuntong-hininga ako. Napakalaki ng naging pagbabago niya, para bang ibang tao na ang sumanib sa kanya. Si Charlene, na dati’y sobrang naiinis kay Joaquin at palaging galit kapag pinag-uusapan siya ay biglang natahimik at mukhang takot. Pati si Joseph ay ngumisi at nagsabi: "Kapatid, hindi ba dapat nasa ospital ka?" *Huh?* Pumunta si Joaquin sa ospital? Nasaktan ba siya? Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang p
Habang mas nagiging tensyonado ang sitwasyon, biglang nagsalita si Joseph kay Joaquin. "Sabihin mo nga, magkano ba talaga ang binayaran mo para sa pamilya nila? Kung hindi lang ako na-late ng uwi, hindi mo sana nakuha ang pagkakataong bayaran iyon para sa kanila." "Talaga?" Humalakhak si Joaquin nang malamig, "Kung hindi ako, tiyak na hindi rin ikaw ang papalit." "Hindi mo masisiguro ‘yan," sagot ni Joseph na puno ng kumpiyansa. "Kung nandito ako sa city, si Caroline ang unang lalapit sa akin." Ako? Lalapit kay Joseph para humingi ng tulong? Hindi ko alam. Ang mga haka-haka ay hindi kailanman nagkakaroon ng tiyak na sagot. Ang mukha ni Joaquin ay naging mas madilim pa kaysa kanina. Marahan niyang kinakatok ang gilid ng mesa gamit ang kanyang mahahabang daliri. Ang kilos na tila walang pakialam ay puno ng malamig na intensyon. Habang tumatagal, ang tensyon sa paligid ay parang nakakasakal. Sa bawat katok niya, parang tumitindi ang tibok ng puso ko. Hindi ko
"Tapusin mo muna ang sigarilyo bago ka umalis." Hindi siya naninigarilyo sa harap ko noon. Pero ngayon, palagi ko siyang nakikitang nagyoyosi. Ang madalas niyang pagyoyosi ay patunay na malakas ang bisyo niya rito. Alam kong kaya niyang kontrolin ang emosyon at mga pagnanasa niya, pero nakakaintriga kung paano niya kinokontrol ang bisyo niya sa sigarilyo. Nakaupo siya nang pabaluktot sa upuan, ang kamay niyang may hawak na sigarilyo ay nakasandig lang sa manibela. Tila nakatingin siya sa kawalan, tamad ang postura ngunit nakakapukaw ng atensyon. Ang usok na lumalabas sa kanyang mga labi ay parang may kakaibang alindog na halos nakakabighani. Masyado akong nalibang sa iniisip ko, at bago ko pa maialis ang tingin ko sa kanya, bigla niyang sinabi sa malamig na tono. "Get out of my car!" Nayanig ang puso ko at napatingin ako sa kanya nang litong-lito. Hindi niya ako tinitingnan, pero malamig pa rin ang ekspresyon niya. "Sino'ng nagsabing umakyat ka rito? Bumaba ka
Ngunit hindi niya ako binitiwan. Sa halip, tinanong niya ako nang mariin, "Kung narito siya noon sa bayan, pupunta ka ba talaga sa kanya para humingi ng tulong at maging babae niya kapalit ng pagbabayad ng utang ng pamilya mo?" "Hindi!" Kahit ano pa ang naging plano ko noon, ang sagot ko ngayon ay "hindi!" Inakala kong ikatutuwa niya ang sagot ko at pakakawalan ang baba ko. Pero bigla na lang siyang sumigaw at puno iyon ng pagkabigo, "Caroline, sa tingin mo ba talagang mahal ka niya? Nilapitan ka lang niya dahil—" “Sumosobra ka na, Joaquin!!” Nakakainis! Sinasabing may mahal na si Joaquin at wala siyang nararamdaman para sa akin. Habang si Joseph naman ay lumalapit sa akin at may ibang intensyon.Ano ba talaga? Wala na bang karapatang mahalin ang isang tulad ko? Hanggang dito na lang ba ako—paglaruan ng iba? Matagal niya akong tinitigan nang may galit tsaka biglang tumawa. Nakakakilabot ang ngiti niya—parang ngiti ng isang demonyo. Binitiwan niya ang baba
Ang una kong nakita ay ang aking ama na nakahiga sa kama, puno ng mga sugat.Namutla ang aking mukha at galit kong tinanong, "Anong nangyari? Sino ang nanakit sa'yo?"Patuloy lamang sa pag-iyak ang aking ina at hindi nagsalita.Wala akong magawa kundi tanungin ang aking ama kung ano ang nangyari. Nakahiga siya sa kama, umiiyak sa sakit pero hindi nagsalita.Galit kong sinabi, "Sabihin mo sa akin, sino ang nanakit sa'yo? Dati mo bang kaaway?"Nakita ng aking ina na halos namumula na sa pag-aalala ang aking mga mata.Nagsimula siyang magsalita, nanginginig at umiiyak, "Sa totoo lang, kasalanan ito ng iyong ama dahil isa siyang sugarol.""Ano?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Nagpunta ka sa casino? Hindi ba't sinabi mo noon na hindi mo babalikan ang mga ganyang bagay ba nakasisira ng buhay natin? Bakit ka ba nagsugal ulit, Dad?!" "Gusto ko lang naman manalo ng pera at makabawi." Ang sabi ng aking ama na may lungkot sa boses. "Sino'ng mag-aakala na mamalasin ako? Sigurado akon
Malapit nang kumalat ang balitang naging kalaguyo ako ni Joaquin. Pagdating ng panahong iyon, ako, na dating anak ng isang mayamang pamilya, ay magiging tampulan ng tsismis ng mga tao sa bayan. Paulit-ulit akong tinanong ng aking mga magulang kung totoo nga bang hiwalay na kami ni Joaquin. Pagkarinig ng kumpirmasyon mula sa akin, agad na minura ng aking ama si Joaquin at kanyang pamilya hanggang sa labingwalong henerasyon. Malamig na tumawa ang kapatid ko, "Binayaran na niya ang lahat ng utang ng ating pamilya at nagbigay pa ng sampung milyon. Ano pa ang gusto niyo? Hindi niyo ba naisip kung paano natin siya tinrato noon? Sapat na ang ginawa niya para sa atin." "Pero hindi niya dapat iwanan si Caroline kahit yumaman na siya," galit na sagot ng ni Mom. Napabuntong-hininga ako. "Bakit hindi? Wala naman siyang gusto sa akin at wala siyang utang na loob sa akin. Hindi ba't normal lang na iwanan niya ako?" Napipi si Mom ko sa sinabi ko. Nataranta ang tatay ko at nagma
Ang apat na malalaking salitang "DANCE FESTIVAL" ang biglang bumulaga sa aking paningin. Hindi ko namalayang pinulot ko ang leaflet. Ang salitang "3 million bonus" ay agad nagpasigla sa akin. Mabilis kong binasa ang mga detalye. Isa pala itong patimpalak sa pagsasayaw na magkasamang inorganisa ng ilang malalaking international hotels. Sa huli, pipiliin ang pinakamahusay na mananayaw sa pamamagitan ng pagboto, at ang premyo ay tatlong milyon! Pagkabasa ko pa lang ng impormasyon, agad akong naakit. Kung makukuha ko ang premyong iyon, nangangahulugan na mababayaran ko ang kalahati ng utang sa pagsusugal ng tatay ko. Tiningnan ko ang oras ng pagpaparehistro, at nalaman kong magtatapos ito ngayong gabi. Alas-otso na ng gabi. Mabilis kong sinuri ang lokasyon at mabuti na lang, malapit lang ito. Sinundan ko ang ruta papunta sa isang marangyang hotel. Pagkapasok ko sa lobby, agad kong nakita ang isang pamilyar na pigura. Si Joaquin Lorenzo na naman! Talaga namang paran
Ngumiti si Patrick at nagsalita, “Sa totoo lang, akin itong hotel, at ang dance party na ito ay isa lang bagay na inorganisa naming magkakaibigan para maglibang. Gusto lang naming makita ang ilang magagandang babae. Kaya ang makakasali lang dito ay yung mga top-notch na maganda ang itsura at katawan. Siyempre, kami na mismo ang nagbabantay sa registration. Ang HR, masyadong seryoso at walang sense. So game ka ba, little girl Caroline Tan?” Little girl?! Sino ba ang tinutukoy niyang “Little Girl”? Napapailing ako sa loob, habang iniisip kung bakit parang parang second-rate character itong si Patrick. Ngunit napilit akong ngumiti nang magalang. “Kung ganon, pwede ba akong sumali sa event na ito?” Hinagod ni Patrick ang kanyang baba habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, saka tumango at nagsabi, “Well, maganda naman ang katawan mo, at hindi rin matatawaran ang itsura mo. Pero...” “Pero ano?” tanong ko agad. Napabuntong-hininga si Patrick. “Ang iniisip ko lang, bak
Nang makita ko siyang nagbukas ng pinto, nakaramdam ako ng kaba."Joaquin!" Tawag ko sa kanya.Huminto siya agad at tumingin sa akin.Huminga ako ng malalim at tinanggal ang coat ko sa harap niya.Binili ko ang translucent na tulle pajamas na ito sa hiling ni Charlene nang mamili kami noong nakaraan. Siya rin ay bumili ng isa, isang maliwanag na pula, at ang akin ay itim.Naalala ko ang unang pagkakataon na sinuot ko ito nang wala si Joaquin dahil may ginagawa siya at wala siya sa bahay pero hindi ko alam kung bakit bigla siyang bumalik nang gabing iyon.Talagang tandang-tanda ko pa ang tingin niyang iyon sa akin.Ang dilim ng mga mata niya, parang gusto akong kainin.Hindi ko na sinuot ang pajama na ito muli pagkatapos ng gabing iyon. Kahit na pinaasa ko siya at minura, gumawa ng mga bagay na nakakahiya sa kanya, natakot ako sa mga mata niya nang gabing iyon.Parang ngayon, tinitigan niya ako ng matalim, parang gusto na naman akong kainin.Noong una, hindi ko naintindihan ku
Malalim na huminga ang tatay ko at sinabi, "Sige, maghihintay ako." Ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya kaya ibinaba ko agad ang telepono. Sumandal ako sa pinto at nag-isip nang matagal. Mabilis na umikot ang orasan sa dingding at ang dilim at pagdududa ay dahan-dahan akong nilamon. Handa ba akong magsakripisyo para ipaputol ang mga kamay at paa ko? Habang iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam na mawalan ng mga galamay, niyakap ko ang mga binti ko ng may takot at naramdaman kong nilalamig ang buong katawan ko. Subukan ko na naman, at magtanong kay Joaquin kahit mawalan ako ng lahat ng aking dangal at pagpapahalaga sa sarili, mas mabuti na ito kaysa maputol ang mga kamay at paa, hindi ba? Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang usapan namin ni Joaquin. [Pwede bang bumalik ka ngayong gabi? Maaaring ibigay ko ang kahit anong gusto mo.] Matagal akong naghintay, ngunit hindi siya nag-reply. Nakahiga ako sa sahig, nakatingin sa telepono nang walang la
Doon lang kumalma ang tatay ko.Pero gabi na, paano ko kaya makukuha ang pera?Sino pa ang pwede kong lapitan kundi si Joaquin? Pero tinanggihan ako ni Joaquin na pautangin.Ano ang gagawin ko?Nagmukmok ako sa gilid ng kalsada at tinawagan ang lahat ng nasa address book ko na pwede kong hingan ng pera.Kahit ang kapatid ko, kinausap ko sila ng mahinahon at pinakiusapan na pautangin ako.Pero wala pa ring gustong magpahiram, at may ilan pang nagbiro sa akin. Nang tawagan ko si Charlene, nasa ospital siya kasama ang nanay niya.Sinabi niya sa akin na malubha ang kalagayan ng nanay niya at kailangan ng malaking pera para sa paggamot.Hiningi niya ang pera sa tatay niya, pero tinanggihan siya. Habang nagsasalita siya, nagsimula na siyang umiyak.Nakita ko siyang ganito, at hindi ko rin kayang magpahiram sa kanya ng pera.Pinatahan ko siya at sinabi na alagaan niya nang mabuti ang sarili at ang nanay niya, at pagkatapos ay tinapos ko ang tawag.Tumingala ako sa langit, at ang mga lu
Siguro ay nahatak ko ng sobra, at agad na dumaloy ang dugo mula sa likod ng aking kamay kung saan nakapasok ang karayom. Tiningnan ako ni Joaquin at ang kanyang mga mata ay bumaba sa kamay ko, ang kanyang makapal na kilay ay kumunot nang malalim. Natakot ako na baka magalit siya, kaya agad kong binitiwan ang kanyang kamay. Biglang niyakap ni Juliana ang braso ni Joaquin, halos buong katawan ay nakadikit sa kanya, at ngumiti ng matamis sa akin. "Miss Caroline, may gusto ka bang sabihin kay Joaquin? Mabait naman siya at hindi mo kailangang matakot sa kanya." Nakita ko na sobrang dikit ni Juliana kay Joaquin, kaya’t hindi ko na siya tinanong kung uuwi siya mamaya. Kung magdudulot ako ng lungkot kay Juliana, hindi lang siguro ako mahihirapan manghiram ng pera, baka pati ako parusahan niya. Habang naguguluhan ako sa aking mga iniisip, bigla akong tinanong ni Joaquinng kalmado, "Ano bang nangyari?" Ito na siguro ang pinakamagandang pagkakataon para manghiram ng pera.
Habang ako’y nagmamasid sa paligid, bigla kong nakita ang isang pamilyar na tao. Si Joaquin Lorenzo. Bumukas ang aking bibig at muntik na siyang tawagin ngunit bigla namang lumapit ang kanyang kasintahan at tinangay siya ng malambing habang hinawakan siya sa braso. "Joaquin, bakit ka nandito? Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kunin ang resulta at maghintay na lang sa ibaba?" Pinagpag ni Joaquin ang buhok ni Juliana at ang mga kilay niya ay lumuwag, "Nababahala ako na mag-isa ka." 'Nababahala ako na mag-isa ka.' Habang pinapakinggan ko ang sinabi niya kay Juliana, tinitigan ko ang IV bottle sa aking kamay at ang karayom sa likod ng aking kamay. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata. "Oh..." sabi ni Juliana na may lungkot sa labi at nakatingin kay Joaquin, "Tumaas lang ang lagnat ko, wala kang dapat na ipag-alala." Habang nagsasalita sila, naglakad silang magkasama patungo sa direksyon ng elevator. Awtomatikong akong
Madilim ang kwarto, at ako lang mag-isa sa katahimikan ng silid.Baka hindi nga nakabalik si Joaquin?Mabilis akong tumayo mula sa kama at tumakbo papalabas. Dahil sobrang sakit ng mga binti ko, muntik na akong madapa sa hagdan.Si Nay Selda ay naglilinis sa sala. Nang makita ako, napatanong siya, "Ma'am Caroline, ba't gising pa kayo? Siguro gutom pa kayo. Ano po ang gusto niyong kainin? Ihahanda ko po."Wala akong ganang kumain, kaya tinanggihan ko siya at nagtanong, "Bumalik na po ba si Joaquin?""Hindi po." sagot ni Nay Selda, "Ma'am , gusto niyo bang tawagan ko po siya para umuwi na dito?" "Huwag na po!" mabilis kong pagpigil.Habang tinitingnan ko ang bakanteng bakuran, napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat.Napanaginipan ko si Joaquin at nakita ko siyang pinapahiya ako.Pumasok ang hangin mula sa bintana, at bigla akong nalamigan. Nang mag-isa akong nasa salas, narealize ko na basa ako ng pawis.Pinunasan ko ang pawis sa mukha ko at umakyat ako pabalik sa kwar
"Ay, miss, anong nangyari sa noo mo?"Tumigil na ang pagdurugo sa noo ko, pero may malaking bukol na ngayon. Mabilis na kinuha ni Nanay Selda ang yelo para ipahid sa akin.Nakita ko ang malungkot na ekspresyon ni Nanay Selda, at parang may tinik na tumusok sa puso ko.Noon, kahit ang mga kasambahay ay nagmamalasakit sa akin, pero ang tatay ko, ni hindi man lang.Matapos kong mangako sa tatay ko, umalis siya na walang anumang malasakit sa akin.Kanina sa ospital, sinabi ng kuya ko na talagang nagbago na ang tatay namin. Ang tanging inaalala niya ay pera, hindi na ang pamilya namin.Hindi ko noon pinaniwalaan, pero ngayon, buo na ang paniniwala ko.Bumangon ako at nahulog ang katawan ko sa mesa, sobrang sakit ng ulo ko at lalong sumakit ang puso ko.Nag-aalala si Nanay Selda at nagtanong, "Ma'am Caroline, gusto mo bang tawagan ko na si Sir Joaquin?" "Huwag na!" mabilis kong pinigilan si Nanay Selda.Malinaw na hindi na ako gusto ni Joaquin.Sigurado akong kasama niya ang kanya
Nabahala ang tatay ko at gusto niyang magsalita, pero mabilis ko siyang hinila at desperadong dinala papalabas ng kumpanya.Pagdating namin sa labas ng kumpanya, sumigaw ang tatay ko sa galit, "Anong ginagawa mo? Kung tinanong ko lang kanina, bibigyan na ako ni Joaquin ng pera.""Bibigyan ka ng pera? Bakit ka bibigyan ng pera? Hindi mo ba nakikita na wala na siyang kinalaman sa pamilya natin? Hindi na niya ako gusto, kaya bakit niya ibibigay ang pera sa'yo, hindi na siya parte ng pamilya natin!"Sumigaw ako sa galit, at ramdam ko ang sakit sa mga templo ko. "At saka, sino ang nag-utos sa'yo na pumunta sa kumpanya niya at gumawa ng gulo? Sino ang nag-utos sa'yo na saktan ang kasintahan niya? Kailan ka naging ganitong klaseng tao?""Tama na! Paano mo ako pinagsasalitaan ng ganyan? Gumagawa ako ng eksena dahil mas pipiliin mong makita ang tatay mo na maputol ang mga kamay at paa kaysa humingi ng pera kay Joaquin!""Sabi ko na sayo, hahanapan ko ng paraan. Talaga bang iniisip mong pab
Sa huli, pinilit lang akong pakasalan ni Joaquin pero hindi pa rin naniwala ang tatay ko."Paano mangyayari iyon? Paano hindi mo mahal si Caroline? Dati, sumusunod ka sa lahat ng gusto ni Caroline. At itong babaeng ito, ito ba ang kabit mo?!" "Dad! Tama na, tama na!" Pilit kong hinihila si Dad papalayo doon pero nagmamatigas siya. Ayaw niyang makinig. "Kung hindi mo ipaglalaban ang sarili mo siya lang ang nakikinabang. Nandito ako ngayon, at ako ang aayos nito para sa'yo!"Dismayado niyang sabi. Habang nagsasalita siya, ini-ikot niya ang mga manggas at nagkunwaring sasampalin si Juliana.Nagulat ako at sinubukan ko siyang hilahin palayo, pero huli na.Habang itataas niya ang kamay para sampalin si Juliana, biglang kumilos si Joaquin at agad na hinawakan ang pulso ng tatay ko.Si Juliana ay lumapit kay Joaquin at nagtago sa mga bisig nito, ang mga luha ay namuo sa kanyang mga mata: "Joaquin, sino sila at bakit nila ako sinasaktan?""Don't worry, I'll handle this." Pinrotektah