Parang hindi siya ang nagpadala sa akin ng malabong mensahe kanina.Napaubo ako habang sinusubukang kumalma. "It's okay, it's okay. I just wanted to ask you kung babalik ka ba mamayang gabi para makapaghanda ako ng mga ingredients para ipagluto ka ng pagkain."Having said that, I was really looking forward na hindi na siya babalik sa gabi."Joaquin..."Habang hinihintay ko ang sagot niya, biglang may boses ng babae mula sa kabilang dulo ng telepono ang narinig ko.Natigilan ako saglit. Iyon ba ang kanyang mahal na tinatawag niyang moonlight goddess? Magkasama ba silang dalawa ngayon?"Hindi mo na ako kailangang ipagluto. Kumain na ako. Hindi mo na ako kailangang hintayin sa gabi. Pwede ka nang matulog mag-isa.""Ah, okay.." Matamlay akong tumugon at nakarinig ako ng beep sound galing sa phone ko.Pinutol niya na ang tawag.So kasama niya pala ngayon si Moonlight Goddess niya kaya hindi na ako dapat maghintay na bumalik siya mamayang gabi. Malinaw na dapat akong maging masaya
Sa oras na ito, isang pamilyar na boses ang biglang maririnig mula sa likuran.Matagal ko nang hindi naririnig ang boses na iyon.Bahagyang bumilis ang tibok ng aking puso, at maraming mga nakaraang pangyayari ang pumasok sa isipan ko.Ang lalaking ito ay nakasuot ng malinis na puting polo at hinatid ako sa paaralan sakay ng kanyang bisikleta.Kumuha siya ng isang scratch paper at ipinaliwanag sa akin ang math problem na hindi ko maunawaan.Alam niyang mayroon akong buwanang dalaw, kaya pinainit niya ang iced yogurt na hinahangad ko bago ito pinainom sa akin.At kahit ikakasal na ako sa kapatid niyang si Joaquin, nagawa niya pa rin akong kausapin at alam kong matindin ang kanyang lungkot na hindi kami magkakatuluyan. Isa iyong masayang kahapon na hindi ko na mababalikan at matindi pa rin ang aking panghihinayang. Lahat ng ala-alang iyon ay isa-isang naglahong parang alikabok hanggang sa kumalma ulit ang puso ko. Paglingon ko, nakita ko si Joseph Lorenzo.Ang ganda talaga ng
Inaalala ko ang mga panahong hindi pa ako mahiyain at duwag sa harapan ni Joaquin pero ngayon iba na talaga, ako na ang natatakot sa kanya. Hays, andami talagang nagbago sa isang iglap. Sa sandaling nakakonekta ang tawag, narinig ko ang pagtawa ni Joaquin na nagpatindig ng aking balahibo. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "I'm sorry, nakatulog lang ako. Nagising ako at sasagutin ko na sana ang tawag mo, pero binaba mo na.""Oh?" Mabagal na sagot ni Joaquin, "Kung gayon, ano ang ginagawa mo ngayon?"Natigilan ako at wala akong choice kung hindi magsinungaling, "Natutulog ako. Nagising ako sa tawag mo kanina. Nakahiga lang din ako ngayon sa kama habang kausap ka."Tiningnan ko ang walang ekspresyon na mukha ko sa salamin at hinangaan ang kakayahan kong magsinungaling.Lalong lumakas ang tawa ni Joaquin, at nagdulot ito sa akin ng kaba at mas lalo akong nanlamig. Si Joaquin ay isang klase ng tao na hindi palangiti o palatawa at matagal ko na iyong napapansin kaya ku
Ang pinakamalaking takot ko ay nagkatotoo.Nasa bar si Joaquin, at matagal na pala niya akong nakita!Ang mga kasinungalingang sinabi ko lang kanina ay parang sampal sa mukha ko.Nanatili akong nakatayo, hindi makagalaw.Hinalikan ako ni Joaquin nang matagal at mariin bago ako binitiwan.Hinaplos niya ang namamaga kong labi gamit ang kanyang mahahabang daliri.Ang kanyang madilim na mga mata ay nakangiti sa akin, pero malamig ang tono ng kanyang boses. "Natulog ka ba sa bar?" Nainis ako nang maisip na alam pala niyang nasa bar ako, pero tinawagan pa rin niya ako para magtanong, dahilan para magsinungaling ako."Alam mo naman palang nandito ako, bakit kailangan mo pa akong tanungin?" Naiinis kong sagot. Ang mga mata ni Joaquin ay dumilim, at tila may ngiting nanunukso, "Inakala kong sasabihin mo ang totoo. Binigyan pa kita ng pagkakataon, pero nagsinungaling ka pa rin hanggang huli." Ang mga daliri niya ay gumalaw sa paligid ng leeg ko, na parang anumang oras ay kaya niyang
Pagkapasok namin sa kwarto, isinandal niya ako sa pinto at hinalikan nang mariin. Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko, at sa tindi ng halik niya, parang nawalan ako ng ulirat. Bigla siyang bumulong sa tainga ko, may bahagyang tawa, "Kanino ka nagpapasikat sa suot mong napaka-seksi?" Hindi ako sumagot. Dinala niya ako sa kama at sa dalawang galaw lang, napunit na ang suot kong palda. Ang lalim ng tingin niya, puno ng galit, "Alam mong darating siya ngayon, kaya nagbihis ka nang ganito kaganda para salubungin siya?" Gusto ko sana siyang ismaran, pero natatakot akong lalo lang siyang magalit. Kaya inis nalang sinabi, "Kailan ba ako nagdamit nang pangit?” Napairap siya, malamig ang ekspresyon at may halong pangungutya. Biglang tumunog ulit ang cellphone ko — si Joseph na naman ang tumatawag. Kinuha ni Joaquin ang cellphone ko at tanong niya, tila nanunukso, "Gusto mo bang sagutin ito?" Mabilis akong umiling. Ngumiti siya nang may kalokohan: “Paano n
[Juliana Smith] Ha? Sino 'yun? Sa pagkakaalala ko, parang wala naman akong kilalang ganitong tao, at hindi ko rin siya kilala at wala akong maalala na naka-save ang numero niya sa cellphone ko. Habang naguguluhan ako, biglang hinablot ang cellphone mula sa kamay ko. Napalingon ako at gulat na makita si Joaquin na nakatayo sa likuran ko, nakatapis lang ng tuwalya. Doon ko lang naalala. Oo nga pala, cellphone niya ito, at baka isa si Juliana sa mga kakilala niya. Napabuntong-hininga ako. Mukhang kailangan ko nang magpalit ng cellphone at ringtone. Hindi pwedeng pareho pa kami ng gamit. Lumapit si Joaquin sa bintana para sagutin ang tawag, pero buong oras ay nakatitig siya sa akin. Sinundan ko ang tingin niya at napansin ang sarili ko. Pagkatapos ng isang segundo, namula ako sa hiya at agad kong kinuha ang nightgown sa gilid ng kama at isinuot ito. Pagkatapos, naupo ako sa dulo ng kama na parang walang nangyari. Tumingin siya sa ibang direksyon, pero ang ngiti
Biglang sumimangot si Joaquin, at nagkaroon ng bahagyang dilim sa mukha niya. Napahagikhik siya nang malamig, "Talaga bang gusto mong makasama ko siya?" Napanganga ako. Ano raw? Anong ibig niyang sabihin na gusto niyang makasama si Juliana? Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto niya mula sa simula? Kung sasabihin ko bang huwag na siyang makipagkita kay Juliana, susundin ba niya ako? Isa na akonf kinamumuhian at pinagpaparusahang asawa kaya may kapangyarihan pa ba akong gawin iyon? Habang nilalamon ako ng sarili kong pag-aalipusta, bigla siyang tumayo mula sa pagkakadagan sa akin. Kumuha siya ng sigarilyo at malamig na nagsalita, "Ikaw kasi ang nagsabing hanapin ko na ang ibang babae, para makapunta ka agad kay Joseph, 'di ba?" "Hindi, huwag ka nganf mag-isip ng ganyan!" Sabi nila, ang mga babae raw ang mahilig mag-overthink at maging prangka pero parang mas malala pa siya! Pinigilan niya ang sarili at tahimik na nagpatuloy sa paninigarilyo sa tabi ng bin
"Hello? Sino 'to?" "Caroline..." Nanikip ang dibdib ko nang marinig ang malumanay na boses na iyon. Si Joseph. Punong-puno ng hinanakit ang boses niya, "Ngayon, kahit tumawag ako, ayaw mo na rin bang sagutin?" "Bakit ka tumatawag?" Kung tutuusin, hindi pa naging malinaw ang relasyon namin ni Joseph. Wala kaming pangako sa isa't isa, puro kalituhan lang ang nararamdaman namin noon. Pero kahit ganoon, palagi akong nakakaramdam ng pagsisisi at pagkakautang ng loob sa kanya. Nag-aatubili siyang tanungin, "Anong nangyari kagabi... ayos ka lang ba?" Alam kong narinig niya ang sigaw ko kagabi, pati ang mga ungol na hindi ko napigilang kumawala. Alam niya kung ano ang nangyari. Pinipigil ko ang emosyon ko, "Ayos lang... normal lang naman na nangyayari iyon sa mag-asawa." Bigla siyang natahimik, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat niyang paghinga. Noon, nagustuhan namin ang isa’t isa sa isang bulag na paraan, pero ngayon, ang damdaming iyon ay na
Nang makita ko siyang nagbukas ng pinto, nakaramdam ako ng kaba."Joaquin!" Tawag ko sa kanya.Huminto siya agad at tumingin sa akin.Huminga ako ng malalim at tinanggal ang coat ko sa harap niya.Binili ko ang translucent na tulle pajamas na ito sa hiling ni Charlene nang mamili kami noong nakaraan. Siya rin ay bumili ng isa, isang maliwanag na pula, at ang akin ay itim.Naalala ko ang unang pagkakataon na sinuot ko ito nang wala si Joaquin dahil may ginagawa siya at wala siya sa bahay pero hindi ko alam kung bakit bigla siyang bumalik nang gabing iyon.Talagang tandang-tanda ko pa ang tingin niyang iyon sa akin.Ang dilim ng mga mata niya, parang gusto akong kainin.Hindi ko na sinuot ang pajama na ito muli pagkatapos ng gabing iyon. Kahit na pinaasa ko siya at minura, gumawa ng mga bagay na nakakahiya sa kanya, natakot ako sa mga mata niya nang gabing iyon.Parang ngayon, tinitigan niya ako ng matalim, parang gusto na naman akong kainin.Noong una, hindi ko naintindihan ku
Malalim na huminga ang tatay ko at sinabi, "Sige, maghihintay ako." Ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya kaya ibinaba ko agad ang telepono. Sumandal ako sa pinto at nag-isip nang matagal. Mabilis na umikot ang orasan sa dingding at ang dilim at pagdududa ay dahan-dahan akong nilamon. Handa ba akong magsakripisyo para ipaputol ang mga kamay at paa ko? Habang iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam na mawalan ng mga galamay, niyakap ko ang mga binti ko ng may takot at naramdaman kong nilalamig ang buong katawan ko. Subukan ko na naman, at magtanong kay Joaquin kahit mawalan ako ng lahat ng aking dangal at pagpapahalaga sa sarili, mas mabuti na ito kaysa maputol ang mga kamay at paa, hindi ba? Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang usapan namin ni Joaquin. [Pwede bang bumalik ka ngayong gabi? Maaaring ibigay ko ang kahit anong gusto mo.] Matagal akong naghintay, ngunit hindi siya nag-reply. Nakahiga ako sa sahig, nakatingin sa telepono nang walang la
Doon lang kumalma ang tatay ko.Pero gabi na, paano ko kaya makukuha ang pera?Sino pa ang pwede kong lapitan kundi si Joaquin? Pero tinanggihan ako ni Joaquin na pautangin.Ano ang gagawin ko?Nagmukmok ako sa gilid ng kalsada at tinawagan ang lahat ng nasa address book ko na pwede kong hingan ng pera.Kahit ang kapatid ko, kinausap ko sila ng mahinahon at pinakiusapan na pautangin ako.Pero wala pa ring gustong magpahiram, at may ilan pang nagbiro sa akin. Nang tawagan ko si Charlene, nasa ospital siya kasama ang nanay niya.Sinabi niya sa akin na malubha ang kalagayan ng nanay niya at kailangan ng malaking pera para sa paggamot.Hiningi niya ang pera sa tatay niya, pero tinanggihan siya. Habang nagsasalita siya, nagsimula na siyang umiyak.Nakita ko siyang ganito, at hindi ko rin kayang magpahiram sa kanya ng pera.Pinatahan ko siya at sinabi na alagaan niya nang mabuti ang sarili at ang nanay niya, at pagkatapos ay tinapos ko ang tawag.Tumingala ako sa langit, at ang mga lu
Siguro ay nahatak ko ng sobra, at agad na dumaloy ang dugo mula sa likod ng aking kamay kung saan nakapasok ang karayom. Tiningnan ako ni Joaquin at ang kanyang mga mata ay bumaba sa kamay ko, ang kanyang makapal na kilay ay kumunot nang malalim. Natakot ako na baka magalit siya, kaya agad kong binitiwan ang kanyang kamay. Biglang niyakap ni Juliana ang braso ni Joaquin, halos buong katawan ay nakadikit sa kanya, at ngumiti ng matamis sa akin. "Miss Caroline, may gusto ka bang sabihin kay Joaquin? Mabait naman siya at hindi mo kailangang matakot sa kanya." Nakita ko na sobrang dikit ni Juliana kay Joaquin, kaya’t hindi ko na siya tinanong kung uuwi siya mamaya. Kung magdudulot ako ng lungkot kay Juliana, hindi lang siguro ako mahihirapan manghiram ng pera, baka pati ako parusahan niya. Habang naguguluhan ako sa aking mga iniisip, bigla akong tinanong ni Joaquinng kalmado, "Ano bang nangyari?" Ito na siguro ang pinakamagandang pagkakataon para manghiram ng pera.
Habang ako’y nagmamasid sa paligid, bigla kong nakita ang isang pamilyar na tao. Si Joaquin Lorenzo. Bumukas ang aking bibig at muntik na siyang tawagin ngunit bigla namang lumapit ang kanyang kasintahan at tinangay siya ng malambing habang hinawakan siya sa braso. "Joaquin, bakit ka nandito? Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kunin ang resulta at maghintay na lang sa ibaba?" Pinagpag ni Joaquin ang buhok ni Juliana at ang mga kilay niya ay lumuwag, "Nababahala ako na mag-isa ka." 'Nababahala ako na mag-isa ka.' Habang pinapakinggan ko ang sinabi niya kay Juliana, tinitigan ko ang IV bottle sa aking kamay at ang karayom sa likod ng aking kamay. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata. "Oh..." sabi ni Juliana na may lungkot sa labi at nakatingin kay Joaquin, "Tumaas lang ang lagnat ko, wala kang dapat na ipag-alala." Habang nagsasalita sila, naglakad silang magkasama patungo sa direksyon ng elevator. Awtomatikong akong
Madilim ang kwarto, at ako lang mag-isa sa katahimikan ng silid.Baka hindi nga nakabalik si Joaquin?Mabilis akong tumayo mula sa kama at tumakbo papalabas. Dahil sobrang sakit ng mga binti ko, muntik na akong madapa sa hagdan.Si Nay Selda ay naglilinis sa sala. Nang makita ako, napatanong siya, "Ma'am Caroline, ba't gising pa kayo? Siguro gutom pa kayo. Ano po ang gusto niyong kainin? Ihahanda ko po."Wala akong ganang kumain, kaya tinanggihan ko siya at nagtanong, "Bumalik na po ba si Joaquin?""Hindi po." sagot ni Nay Selda, "Ma'am , gusto niyo bang tawagan ko po siya para umuwi na dito?" "Huwag na po!" mabilis kong pagpigil.Habang tinitingnan ko ang bakanteng bakuran, napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat.Napanaginipan ko si Joaquin at nakita ko siyang pinapahiya ako.Pumasok ang hangin mula sa bintana, at bigla akong nalamigan. Nang mag-isa akong nasa salas, narealize ko na basa ako ng pawis.Pinunasan ko ang pawis sa mukha ko at umakyat ako pabalik sa kwar
"Ay, miss, anong nangyari sa noo mo?"Tumigil na ang pagdurugo sa noo ko, pero may malaking bukol na ngayon. Mabilis na kinuha ni Nanay Selda ang yelo para ipahid sa akin.Nakita ko ang malungkot na ekspresyon ni Nanay Selda, at parang may tinik na tumusok sa puso ko.Noon, kahit ang mga kasambahay ay nagmamalasakit sa akin, pero ang tatay ko, ni hindi man lang.Matapos kong mangako sa tatay ko, umalis siya na walang anumang malasakit sa akin.Kanina sa ospital, sinabi ng kuya ko na talagang nagbago na ang tatay namin. Ang tanging inaalala niya ay pera, hindi na ang pamilya namin.Hindi ko noon pinaniwalaan, pero ngayon, buo na ang paniniwala ko.Bumangon ako at nahulog ang katawan ko sa mesa, sobrang sakit ng ulo ko at lalong sumakit ang puso ko.Nag-aalala si Nanay Selda at nagtanong, "Ma'am Caroline, gusto mo bang tawagan ko na si Sir Joaquin?" "Huwag na!" mabilis kong pinigilan si Nanay Selda.Malinaw na hindi na ako gusto ni Joaquin.Sigurado akong kasama niya ang kanya
Nabahala ang tatay ko at gusto niyang magsalita, pero mabilis ko siyang hinila at desperadong dinala papalabas ng kumpanya.Pagdating namin sa labas ng kumpanya, sumigaw ang tatay ko sa galit, "Anong ginagawa mo? Kung tinanong ko lang kanina, bibigyan na ako ni Joaquin ng pera.""Bibigyan ka ng pera? Bakit ka bibigyan ng pera? Hindi mo ba nakikita na wala na siyang kinalaman sa pamilya natin? Hindi na niya ako gusto, kaya bakit niya ibibigay ang pera sa'yo, hindi na siya parte ng pamilya natin!"Sumigaw ako sa galit, at ramdam ko ang sakit sa mga templo ko. "At saka, sino ang nag-utos sa'yo na pumunta sa kumpanya niya at gumawa ng gulo? Sino ang nag-utos sa'yo na saktan ang kasintahan niya? Kailan ka naging ganitong klaseng tao?""Tama na! Paano mo ako pinagsasalitaan ng ganyan? Gumagawa ako ng eksena dahil mas pipiliin mong makita ang tatay mo na maputol ang mga kamay at paa kaysa humingi ng pera kay Joaquin!""Sabi ko na sayo, hahanapan ko ng paraan. Talaga bang iniisip mong pab
Sa huli, pinilit lang akong pakasalan ni Joaquin pero hindi pa rin naniwala ang tatay ko."Paano mangyayari iyon? Paano hindi mo mahal si Caroline? Dati, sumusunod ka sa lahat ng gusto ni Caroline. At itong babaeng ito, ito ba ang kabit mo?!" "Dad! Tama na, tama na!" Pilit kong hinihila si Dad papalayo doon pero nagmamatigas siya. Ayaw niyang makinig. "Kung hindi mo ipaglalaban ang sarili mo siya lang ang nakikinabang. Nandito ako ngayon, at ako ang aayos nito para sa'yo!"Dismayado niyang sabi. Habang nagsasalita siya, ini-ikot niya ang mga manggas at nagkunwaring sasampalin si Juliana.Nagulat ako at sinubukan ko siyang hilahin palayo, pero huli na.Habang itataas niya ang kamay para sampalin si Juliana, biglang kumilos si Joaquin at agad na hinawakan ang pulso ng tatay ko.Si Juliana ay lumapit kay Joaquin at nagtago sa mga bisig nito, ang mga luha ay namuo sa kanyang mga mata: "Joaquin, sino sila at bakit nila ako sinasaktan?""Don't worry, I'll handle this." Pinrotektah