Share

The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife
The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife
Author: Blissful Shore

KABANATA 1

Author: Blissful Shore
last update Last Updated: 2025-01-07 15:03:53
Ang aking asawa na si Joaquin Lorenzo ay isang home-based son-in-law. Orihinal na gusto ko ang kanyang nakababatang kapatid na si Joseph, ngunit dahil sa isang class reunion, aksidenteng nagkaroon kami ng one-night-stand ni Joaquin dahil sa kalasingan.

Alam ng lahat ang tungkol sa pangyayaring iyon at walang choice ang aking Dad kung hindi ipakasal ako kay Joaquin, pero ang kondisyon ay siya ang magiging son-in-law ng pamilya, which means, magiging sunod-sunuran siya.

Ang ama naman ni Joaquin na nakipaghiwalay sa kanyang ina ay pinakasalan ang ibang babae. Hindi maganda ang relasyon nilang mag-ama habang nasa mabuti akong sitwasyon dahil maalaga ang aking mga magulang mula pa noong bata ako.

Kaya nga lang, nagpakasal ako sa taong hindi ko gusto kaya ako hindi masaya dahil hindi kami nagkatuluyan ng nakababata niyang kapatid.

Dahil wala akong gusto kay Joaquin, pinapatulog ko lang siya sa sahig tuwing gabi at hindi ko gustong makatabi siya sa kama.

At kapag kumakain kami sa hapagkainan, lagi siyang kinukutya ng aking kapatid at pinagpipintasan ang bawat niyang kilos, ni hindi siya pinapayagang manguha ng pagkain sa mesa.

Sa isa namang party kasama ang mga kaibigan ko, biglang umulan nang malakas at lumapit si Joaquin para bigyan ako ng payong.

Dahil maldita ako, nasisiyahan ako kapag pinapagalitan siya kapag may gagawin siyang hindi ko nagugustuhan, pero may kakaiba sa kanya, parang wala siyang pakialam sa kahit anong ginagawa naming pang-aapi sa kanya, hindi siya kailanman nagalit at nanatili siyang maamo.

Speaking of Joaquin Lorenzo, masasabi kong medyo gwapo siya kaso medyo mahiyain siya at nalaman kong sobrang baba ng mga grado niya sa school, siya lang naman ang nasa huling listahan sa kanilang section.

Habang naiiba ang nakababata niyang kapatid na mas guwapo, matalino at higit na sa lahat ay sikat sa campus. Ngunit naglaho ang nag-aapoy kong pagmamahal sa kanya nang dahil sa pangyayaring iyon na naging dahilan ng aking matinding kalungkutan.

Sa kalagitnaan ng gabi, bigla akong napabangon sa kama at sinipa ko si Joaquin na mahimbing na natutulog sa sahig para utusan na kumuha ng tubig.

Mabilis siyang bumangon para sundin ang aking iniuutos at pagbalik niya ay dinalhan niya ako ng maaligamgam na tubig, hindi na rin ako nasurpresa sa kanyang pagiging maalalahanin.

Ngunit sa tuwing naalala ko ang gabing sinamantala niya ang kahinaan ko noong gabi ng reunion, nakaramdam ulit ako ng matinding galit, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibuhos ang baso ng tubig sa kanyang mukha.

As usual, hindi siya marunong magalit at tahimik lang siyang tumalikod papasok sa banyo.

Pinagmasdan ko lang ang kanyang likuran at hindi ko maiwasan makaramdam ng awa ngunit agad din itong nawawala dahil siya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko.

Sa loob ng tatlong taon na kinasal kami, wala siyang ibang natanggap kung hindi pang-aabuso galing sa akin at sa aking pamilya. At sa loob ng mga taon na iyon, sunod-sunod ang nangyaring kamalasan sa buhay ko, isa na roon ay na-bankrupt ang negosyo ni Dad at may isang bagay na hindi ko matanggap, iyon ay nag-file ng divorce si Joaquin sa akin.

Nang maibigay niya ang divorce agreement papers, sinabi niya sa akin ang dahilan na bumalik na si Juliana, ang dati niyang mahal.

Hindi ko maitatanggi  na nakaramdam ako ng lungkot, para akong sinasakal sa leeg at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Pero ayaw kong makita niya akong nanghihinayang, nagpanggap akong wala akong pakialam at hindi nalulungkot, matapang ko pa ngang pinirmahan ang divorce agreement sa harapan niya.

Pagkatapos kong pumirma, maririnig ko ang kanyang malalim na boses sa aking tabi.

"Gusto mo bang magpadala ako ng driver para ihatid ka?"

Natigilan naman ako saglit bago ako nakapag-react.

Ang mansion na nasa harapan ko ay ang tirahan namin ng aking pamilya sa loob ng dalawampung taon, pero hindi na namin ito pag-aari ngayon.

Dahil sa pagkalugi, nabenta ang lahat naming ari-arian. At sa hindi inaasahang pangyayari, itong asawa kong si Joaquin Lorenzo ay sekretong nagtayo ng kompanya at mas mayaman na siya ngayon kaya niya nabili ang aming mansyon,

Wala naman akong lakas ng loob para hingiin sa kanya ang bahagi ng aming ari-arian, lalo na't nagmula sa sarili niyang sikap ang tinatamasa niyang yaman.

Napatingin sa akin si Joaquin na hindi ako minadali at ang maamo niyang mukha ay nagpapaalala sa akin sa mga nagawa kong pang-aabuso sa kanya noon kaya medyo nakaramdam ako ng kahihiyan.

Kung tutuusin, maari siyang gumanti sa akin ngayong ako ang nalulugmok, maari niyang iparanas sa akin ang mga pagpapahirap na ginawa ko sa kanya noon. Ngunit nakakamangha na hindi niya iyon ginawa, at nanatili siyang mabait tulad ng dati.

"Huwag na, Joaquin, kaya ko ng umuwi mag-isa." Sagot ko at napabuntong-hininga.

"So bakit mo ako pinuntahan ngayong gabi?" Maririnig ko ang tanong niya mula sa likuran.

"Ah, hindi, napadaan lang ako." Pagrarason ko at mabilis na naglakad papalabas ng bakuran na hindi siya nililingon.

Nagsimula namang umulan sa labas, at humigpit ang hawak ko sa hawak kong regalo. Hindi ko pa rin nalilimutan na ngayon ay ang ikatlong anibersaryo ng aming kasal.

Hindi ko man siya binigyan ng magandang tingin noon, ngunit pagkatapos kong napagtanto na gusto ko pala siya, parang gusto kong manatili para makasama siya.

Kaso hindi ko inasahan na ibibigay niya sa akin ang isang divorce agreement. Napangiti ako ng mapait at hinayaan ang pagbuhos ng ulan na sumabay sa aking kalungkutan.

Kinabukasan, nagkasakit ako at hindi ako makabangon sa kama. May narinig naman akong ingay mula sa ibaba at napilitan akong bumangon kahit nanghihina ang katawan ko.

Nagulat naman ako nang makita ang aking ama na nakatayo sa gilid ng terrace na nagwawala dahil pagod na raw siyang mabuhay sa ganito kahirap na sitwasyon.

Nakatira kami ngayon sa isang lumang gusali na marumi ang kapaligiran, mura din kasi ang upa kaya ganito kagulo.

Ang aking ina naman ay napahagulhol habang pinipigilan ang aking ama na tumalon, at kung tatalo man si papa, susunod nalang din raw siya.

Sumasakit ang ulo ko ngayon sa nasasaksihang pangyayari at sinubukan kong lapitan ang aking ama at sinabihan na hangga't nabubuhay pa kami sa mundo, palaging may pag-asa.

Napansin ko ang seryosong titig ng aking ama at ramdam ko na mayroon siyang sasabihin na hindi maganda.

"Caroline, maari mo bang hilingin kay Joaquin na tulungan tayo? Tiyak na tutulungan niya tayo dahil asawa mo siya, hindi ba?"

Napatingin ako sa aking ina na agad sumang-ayon, "Oo, anak. Hindi man tayo naging mabuti sa kanya noon pero alam kong bibigyan niya tayo ng isa pang pagkakataon basta't magmakaawa ka lang sa kanya."

Napalunok ako ng laway, walang ideya ang magulang ko na nakikipaghiwalay na pala sa akin si Joaquin.

Tumanggi ako sa pabor nila na magmakaawa sa lalaking iyon ngunit pinilit ako ni Dad at wala akong choice kung hindi pumayag nalang.

Bago umalis, mayroong binigay si Mom na kaunting pera na tinira niya para ipambili ko ng sexy na damit para gamiting pang-akit kay Joaquin. Bumili ako ng isang fitted red v-skirt at sex pointed-toe leather shoes.

Kumuha pa si Mom ng isang make-up artist para lagyan ako ng palamuti sa mukha para gumanda lalo ang aking hitsura.

Napatingin ako sa aking sarili sa salamin at bakas sa mukha ko ang pagsisisi. Mukhang hindi lang ako magmamakaawa kay Joaquin, para ko na rin siyang nililigawan.

Napaisip ako na kahit siguro maghubad ako sa harapan niya, hindi niya ako papatulan.

Hindi ko pa rin lubos na maintindihan hanggang ngayon kung bakit may nangyari sa amin noong gabi ng class reunion? Totoo kayang lasing lang din siya at inakala niyang ako ang kanyang mahal?

Sinubukan kong alisin ang mga pag-aalala sa aking isipan at hindi ako pwedeng sumuko at kailangan na magkunwaring magmamakaawa sa lalaki.

Nalaman ko naman na nasa loob pa ng kompanya si Joaquin kaya ako dumeretso doon. Sinamahan ako ng aking magulang na hinintay ako sa ibaba at inaasahan nila na magdadala ako ng magandang balita.

Mas lalo akong na-pressure na tingnan ang mukha nilang puno ng desperasyon at hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

Pagpasok ko sa hallway, maraming tao ang tumingin sa aking direksyon at pansin ko ang kakaiba nilang titig. Maririnig ko rin ang mga negatibo nilang komento at pangungutya.

Nagkunwari lang akong walang narinig, itinuwid ko ang aking katawan, at deretso ng naglakad papasok sa opisina ni Joaquin.

Nang makita ko siya sa loob, nakaramdam ako ng takot at medyo nagdalawang isip na lapitan siya.

Sa oras na ito, nakaupo siya sa kanyang upuan, marangal siyang tingnan sa suot niyang itim na tuxedo habang nakatingin sa akin na mayroong ngiti sa labi. 

Related chapters

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 2

    Pinisil ko ang aking mga daliri at ipinaliwanag ang aking layunin kung bakit ako nagpunta at hindi ko maitago ang matinding kahihiyan.Biglang nagdilim ang mga mata ni Joaquin, at ngumiti siya sa akin at nagtanong, "Ano sa tingin mo ang rason kung bakit kita tutulungan?"Dahil alam kong hindi magtatagumpay ang paghingi ko ng tulong, gumawa na ako ng palusot para makaalis. "Kung gayon, magpanggap ka nalang na hindi ako nagpunta rito."'Yun nga lang, kahit gaano kasama ang pakikitungo namin sa kanya, hindi pa rin siya gumaganti sa pamilya namin, pero magagawa niya kayang tulungan ang pamilya ko matapos ang lahat ng iyon? Napaka-walanghiya ko talaga para magkaroon ng lakas ng loob na magmakaawa sa kanya. Hays, sobrang nakakahiyang isipin itong mga pinanggagawa ko. Gusto kong tumakas ngayon ngunit mabilis niya akong pinigilan, "Caroline, sabihin mo sa akin kung ano ang nais mong hilingin, kung sa tingin kong madali lang, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka." Aniya.Natig

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 3

    "Hoy, hindi ba ikaw si Miss Caroline Tan? Akala ko ba nagpunta tayo rito para mag-inuman pero bakit ka napag-suot ng pang trabaho?" Matapos iyong sabihin ng lalaki ay biglang humagalpak ang tawa sa loob ng private room. Hinigpitan ko ang hawak sa cart at huminga ng malalim.Well, nahuli na nila ako, at determinado silang ipahiya ako at hindi ako makatakas, kailangan ko pang makakuha ng ilan pang tip mula sa kanila. Sa mga nagdaang araw, nagpupumilit na ang mga taong nangongolekta ng utang na mag bayad kami at walang mabigay ang aking ama na palaging nagwawala at nagtataka sa kanyang buhay habang ang ina ko ay palagi nalang umiyak. Ang kapatid ko naman ay palaging lumalayag. Itinulak ko ang cart ng inumin at sinubukan kong manatiling kalmado, napilitang magbigay ng isang magalang ngunit mapait na ngiti sa kanila. "Oh? What a coincidence. Glad to see you here on my little sister's club! I know you're all having fun and you might as well give me some tip!" "Tsk, tsk, tsk..." U

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 4

    Kumibot ang gilid ng labi ko, gusto kong magalit sa kanya dahil sa pangmamaliit niya sa akin ngayong maunlad na ang buhay niya. Hindi na talaga siya ang lalaking nakilala ko dati. Pinipigilan ko ang sarili na magalit at pilit na ngumiti, "Mr. Lorenzo, please stop joking with me. I have to do something. Bye.""Pumayag ka nga kay Michael, bakit hindi ka pumapayag sa akin?" biglang seryosong tanong ni Joaquin at may bahid na panlalamig sa kanyang tono.Kumunot ang noo ko, "Anong pinagsasabi mo?" "Ngayon lang, hiniling mo kay Michael na maglabas ng sampung milyon, at susunod ka sa gusto niya. Tapos nagbigay ako ng sampung milyon, bakit hindi mo ako magawang samahan magdamag?"Hindi ko napigilang imulat ang mata ko. Alam ko lang na gagastos ng malaking pera si Michael janina at naghamon lamang ako na bigyan niya ako ng sampung milyon kaya  hindi ko inaasahan na seseryusuhin ito ni Joaquin ngayon. Lumapit sa akin si Joaquin na patuloy na naghithit ng sigarilyo at bumuga ng usak sa

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 5

    Kinakabahan akong tumingin sa direksyon ng banyo at nakita ko siyang naglalakad papalabas na nakatapis lamang ng tuwalya. Siya ay may karaniwang malawak na balikat at makitid na baywang, at ang proporsyon ng kanyang katawan ay parang pang-modelo.Ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi ngunit hindi siya ganoon kaitim, at mayroong kaunting kinang ang kanyang kutis. Hindi ko siya masyadong napansin noong class reunion dahil tulala lang ako lagi, hindi ko alam na ganito pala kalakas ang kanyang dating. Nang mapagtantong nabighani ako sa katawan niya, umiwas ako ng tingin.Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki na may dalang init.Napaatras ako nang may kaba at nauutal na tinanong siya, "T-tapos ka na ba? Nagugutom ka ba? B-baka gusto mong ipagluluto kita ng makakain.""Magluluto ng pagkain?" Humalakhak ang lalaki, medyo sarcastic ang tono nito, "Bukod sa marunong ka lang kumain, ano ba ang kaya mong lutuin?"Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi, mukhang isa akong walang kuwentan

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 6 

    Bigla niyang pinatay ang sigarilyo sa kanyang kamay para yakapin ako at sumagot siya sa aking mga halik. Sa isang iglap, hinubad niya ang lahat ng kanyang damit at inilagay ako sa malambot na kama.Bigla namang sumilay ang isang masakit na alaala at kumunot ang noo ko, ngunit isang pahiwatig ng pagdududa ang sumilay sa aking isipan.Ano ba ang nangyayari? Hindi ba ginawa na namin ito sa reunion ng klase? Bakit niya pa... Wala akong oras para isipin ito, unti-unting lumilihis ang aking mga iniisip. Hindi ko alam kung gaano katagal akong pinahirapan ni Joaquin, pero ramdam ko na parang walang katapusan ang enerhiya niya. Nang magising ako kinabukasan at tanghali na ngayong araw. Naririnig ko ang tunog ng tubig mula sa banyo. Naupo ako at ramdam ang aking masakit na katawan tsaka biglang kong nakita ang isang mantsa ng dugo sa kama.OMG! Ano bang nangyari?Hindi ba ibinigay ko sa kanya ang aking virginity noon? Bakit nagdudugo pa rin ako? Iniisip ang isang posibilidad, kum

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 7

    Ang tumawag ay ang aking matalik na kaibigan na si Charlene.Sa sandaling nakakonekta ang tawag, ang nasasabik na boses ni Charlene ay agad kong narinig. "Caroline! I'm back!" Balita niya. "WHAT?!" Nagulat naman ako. Nang mabalitaan kong bumalik na sa China ang aking matalik na kaibigan, biglang nawala ang lungkot sa aking puso nitong mga nakaraang araw.Nag-abroad ang best friend ko three years ago. Simula nang mag-abroad siya, wala akong makausap, at walang nakakasama sa mga shopping."Kakababa ko lang ng eroplano. Magpahinga muna ako sa hotel. Pagkatapos ay pwede na tayong lumabas at mag-hangout!""Yay! I'll wait for you, Charly."Tuwang-tuwa akong tumugon, at nang ibinaba ko na ang telepono, bigla kong napagtanto na hindi pala ako libre ngayon. Kailangan kong humingi ng pahintulot kay Joaquin na lumabas mamayang gabi. Ngayon ay nahihirapan akong kausapin ang lalaking iyon, siguradong hindi siya papayag. Sa pag-iisip nito, bigla akong nakaramdam ng inis. Isantabi ko na

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 8

    Parang hindi siya ang nagpadala sa akin ng malabong mensahe kanina.Napaubo ako habang sinusubukang kumalma. "It's okay, it's okay. I just wanted to ask you kung babalik ka ba mamayang gabi para makapaghanda ako ng mga ingredients para ipagluto ka ng pagkain."Having said that, I was really looking forward na hindi na siya babalik sa gabi."Joaquin..."Habang hinihintay ko ang sagot niya, biglang may boses ng babae mula sa kabilang dulo ng telepono ang narinig ko.Natigilan ako saglit. Iyon ba ang kanyang mahal na tinatawag niyang moonlight goddess? Magkasama ba silang dalawa ngayon?"Hindi mo na ako kailangang ipagluto. Kumain na ako. Hindi mo na ako kailangang hintayin sa gabi. Pwede ka nang matulog mag-isa.""Ah, okay.." Matamlay akong tumugon at nakarinig ako ng beep sound galing sa phone ko.Pinutol niya na ang tawag.So kasama niya pala ngayon si Moonlight Goddess niya kaya hindi na ako dapat maghintay na bumalik siya mamayang gabi. Malinaw na dapat akong maging masaya

    Last Updated : 2025-01-07
  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 9

    Sa oras na ito, isang pamilyar na boses ang biglang maririnig mula sa likuran.Matagal ko nang hindi naririnig ang boses na iyon.Bahagyang bumilis ang tibok ng aking puso, at maraming mga nakaraang pangyayari ang pumasok sa isipan ko.Ang lalaking ito ay nakasuot ng malinis na puting polo at hinatid ako sa paaralan sakay ng kanyang bisikleta.Kumuha siya ng isang scratch paper at ipinaliwanag sa akin ang math problem na hindi ko maunawaan.Alam niyang mayroon akong buwanang dalaw, kaya pinainit niya ang iced yogurt na hinahangad ko bago ito pinainom sa akin.At kahit ikakasal na ako sa kapatid niyang si Joaquin, nagawa niya pa rin akong kausapin at alam kong matindin ang kanyang lungkot na hindi kami magkakatuluyan. Isa iyong masayang kahapon na hindi ko na mababalikan at matindi pa rin ang aking panghihinayang. Lahat ng ala-alang iyon ay isa-isang naglahong parang alikabok hanggang sa kumalma ulit ang puso ko. Paglingon ko, nakita ko si Joseph Lorenzo.Ang ganda talaga ng

    Last Updated : 2025-01-07

Latest chapter

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 50

    Nang makita ko siyang nagbukas ng pinto, nakaramdam ako ng kaba."Joaquin!" Tawag ko sa kanya.Huminto siya agad at tumingin sa akin.Huminga ako ng malalim at tinanggal ang coat ko sa harap niya.Binili ko ang translucent na tulle pajamas na ito sa hiling ni Charlene nang mamili kami noong nakaraan. Siya rin ay bumili ng isa, isang maliwanag na pula, at ang akin ay itim.Naalala ko ang unang pagkakataon na sinuot ko ito nang wala si Joaquin dahil may ginagawa siya at wala siya sa bahay pero hindi ko alam kung bakit bigla siyang bumalik nang gabing iyon.Talagang tandang-tanda ko pa ang tingin niyang iyon sa akin.Ang dilim ng mga mata niya, parang gusto akong kainin.Hindi ko na sinuot ang pajama na ito muli pagkatapos ng gabing iyon. Kahit na pinaasa ko siya at minura, gumawa ng mga bagay na nakakahiya sa kanya, natakot ako sa mga mata niya nang gabing iyon.Parang ngayon, tinitigan niya ako ng matalim, parang gusto na naman akong kainin.Noong una, hindi ko naintindihan ku

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 49

    Malalim na huminga ang tatay ko at sinabi, "Sige, maghihintay ako."  Ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya kaya ibinaba ko agad ang telepono.  Sumandal ako sa pinto at nag-isip nang matagal.  Mabilis na umikot ang orasan sa dingding  at ang dilim at pagdududa ay dahan-dahan akong nilamon.  Handa ba akong magsakripisyo para ipaputol ang mga kamay at paa ko?  Habang iniisip ko kung ano ang magiging pakiramdam na mawalan ng mga galamay, niyakap ko ang mga binti ko ng may takot at naramdaman kong nilalamig ang buong katawan ko.  Subukan ko na naman, at magtanong kay Joaquin kahit mawalan ako ng lahat ng aking dangal at pagpapahalaga sa sarili, mas mabuti na ito kaysa maputol ang mga kamay at paa, hindi ba?  Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang usapan namin ni Joaquin.  [Pwede bang bumalik ka ngayong gabi? Maaaring ibigay ko ang kahit anong gusto mo.]  Matagal akong naghintay, ngunit hindi siya nag-reply. Nakahiga ako sa sahig, nakatingin sa telepono nang walang la

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 48

    Doon lang kumalma ang tatay ko.Pero gabi na, paano ko kaya makukuha ang pera?Sino pa ang pwede kong lapitan kundi si Joaquin? Pero tinanggihan ako ni Joaquin na pautangin.Ano ang gagawin ko?Nagmukmok ako sa gilid ng kalsada at tinawagan ang lahat ng nasa address book ko na pwede kong hingan ng pera.Kahit ang kapatid ko, kinausap ko sila ng mahinahon at pinakiusapan na pautangin ako.Pero wala pa ring gustong magpahiram, at may ilan pang nagbiro sa akin. Nang tawagan ko si Charlene, nasa ospital siya kasama ang nanay niya.Sinabi niya sa akin na malubha ang kalagayan ng nanay niya at kailangan ng malaking pera para sa paggamot.Hiningi niya ang pera sa tatay niya, pero tinanggihan siya. Habang nagsasalita siya, nagsimula na siyang umiyak.Nakita ko siyang ganito, at hindi ko rin kayang magpahiram sa kanya ng pera.Pinatahan ko siya at sinabi na alagaan niya nang mabuti ang sarili at ang nanay niya, at pagkatapos ay tinapos ko ang tawag.Tumingala ako sa langit, at ang mga lu

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 47

    Siguro ay nahatak ko ng sobra, at agad na dumaloy ang dugo mula sa likod ng aking kamay kung saan nakapasok ang karayom.  Tiningnan ako ni Joaquin at ang kanyang mga mata ay bumaba sa kamay ko, ang kanyang makapal na kilay ay kumunot nang malalim.  Natakot ako na baka magalit siya, kaya agad kong binitiwan ang kanyang kamay.  Biglang niyakap ni Juliana ang braso ni Joaquin, halos buong katawan ay nakadikit sa kanya, at ngumiti ng matamis sa akin.  "Miss Caroline, may gusto ka bang sabihin kay Joaquin? Mabait naman siya at hindi mo kailangang matakot sa kanya."  Nakita ko na sobrang dikit ni Juliana kay Joaquin, kaya’t hindi ko na siya tinanong kung uuwi siya mamaya.  Kung magdudulot ako ng lungkot kay Juliana, hindi lang siguro ako mahihirapan manghiram ng pera, baka pati ako parusahan niya.  Habang naguguluhan ako sa aking mga iniisip, bigla akong tinanong ni Joaquinng kalmado,  "Ano bang nangyari?"  Ito na siguro ang pinakamagandang pagkakataon para manghiram ng pera.

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 46

    Habang ako’y nagmamasid sa paligid, bigla kong nakita ang isang pamilyar na tao.  Si Joaquin Lorenzo.  Bumukas ang aking bibig at muntik na siyang tawagin ngunit bigla namang lumapit ang kanyang kasintahan at tinangay siya ng malambing habang hinawakan siya sa braso.  "Joaquin, bakit ka nandito? Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kunin ang resulta at maghintay na lang sa ibaba?"  Pinagpag ni Joaquin ang buhok ni Juliana at ang mga kilay niya ay lumuwag, "Nababahala ako na mag-isa ka."  'Nababahala ako na mag-isa ka.' Habang pinapakinggan ko ang sinabi niya kay Juliana, tinitigan ko ang IV bottle sa aking kamay at ang karayom sa likod ng aking kamay. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata.  "Oh..." sabi ni Juliana na may lungkot sa labi at nakatingin kay Joaquin, "Tumaas lang ang lagnat ko, wala kang dapat na ipag-alala."  Habang nagsasalita sila, naglakad silang magkasama patungo sa direksyon ng elevator.  Awtomatikong akong

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 45

    Madilim ang kwarto, at ako lang mag-isa sa katahimikan ng silid.Baka hindi nga nakabalik si Joaquin?Mabilis akong tumayo mula sa kama at tumakbo papalabas. Dahil sobrang sakit ng mga binti ko, muntik na akong madapa sa hagdan.Si Nay Selda ay naglilinis sa sala. Nang makita ako, napatanong siya, "Ma'am Caroline, ba't gising pa kayo? Siguro gutom pa kayo. Ano po ang gusto niyong kainin? Ihahanda ko po."Wala akong ganang kumain, kaya tinanggihan ko siya at nagtanong, "Bumalik na po ba si Joaquin?""Hindi po." sagot ni Nay Selda, "Ma'am , gusto niyo bang tawagan ko po siya para umuwi na dito?" "Huwag na po!" mabilis kong pagpigil.Habang tinitingnan ko ang bakanteng bakuran, napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat.Napanaginipan ko si Joaquin at nakita ko siyang pinapahiya ako.Pumasok ang hangin mula sa bintana, at bigla akong nalamigan. Nang mag-isa akong nasa salas, narealize ko na basa ako ng pawis.Pinunasan ko ang pawis sa mukha ko at umakyat ako pabalik sa kwar

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 44

    "Ay, miss, anong nangyari sa noo mo?"Tumigil na ang pagdurugo sa noo ko, pero may malaking bukol na ngayon. Mabilis na kinuha ni Nanay Selda ang yelo para ipahid sa akin.Nakita ko ang malungkot na ekspresyon ni Nanay Selda, at parang may tinik na tumusok sa puso ko.Noon, kahit ang mga kasambahay ay nagmamalasakit sa akin, pero ang tatay ko, ni hindi man lang.Matapos kong mangako sa tatay ko, umalis siya na walang anumang malasakit sa akin.Kanina sa ospital, sinabi ng kuya ko na talagang nagbago na ang tatay namin. Ang tanging inaalala niya ay pera, hindi na ang pamilya namin.Hindi ko noon pinaniwalaan, pero ngayon, buo na ang paniniwala ko.Bumangon ako at nahulog ang katawan ko sa mesa, sobrang sakit ng ulo ko at lalong sumakit ang puso ko.Nag-aalala si Nanay Selda at nagtanong, "Ma'am Caroline, gusto mo bang tawagan ko na si Sir Joaquin?" "Huwag na!" mabilis kong pinigilan si Nanay Selda.Malinaw na hindi na ako gusto ni Joaquin.Sigurado akong kasama niya ang kanya

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 43

    Nabahala ang tatay ko at gusto niyang magsalita, pero mabilis ko siyang hinila at desperadong dinala papalabas ng kumpanya.Pagdating namin sa labas ng kumpanya, sumigaw ang tatay ko sa galit, "Anong ginagawa mo? Kung tinanong ko lang kanina, bibigyan na ako ni Joaquin ng pera.""Bibigyan ka ng pera? Bakit ka bibigyan ng pera? Hindi mo ba nakikita na wala na siyang kinalaman sa pamilya natin? Hindi na niya ako gusto, kaya bakit niya ibibigay ang pera sa'yo, hindi na siya parte ng pamilya natin!"Sumigaw ako sa galit, at ramdam ko ang sakit sa mga templo ko. "At saka, sino ang nag-utos sa'yo na pumunta sa kumpanya niya at gumawa ng gulo? Sino ang nag-utos sa'yo na saktan ang kasintahan niya? Kailan ka naging ganitong klaseng tao?""Tama na! Paano mo ako pinagsasalitaan ng ganyan? Gumagawa ako ng eksena dahil mas pipiliin mong makita ang tatay mo na maputol ang mga kamay at paa kaysa humingi ng pera kay Joaquin!""Sabi ko na sayo, hahanapan ko ng paraan. Talaga bang iniisip mong pab

  • The Son-In-Law's Ruthless Revenge on His Ex-Wife   KABANATA 42

    Sa huli, pinilit lang akong pakasalan ni Joaquin pero hindi pa rin naniwala ang tatay ko."Paano mangyayari iyon? Paano hindi mo mahal si Caroline? Dati, sumusunod ka sa lahat ng gusto ni Caroline. At itong babaeng ito, ito ba ang kabit mo?!" "Dad! Tama na, tama na!" Pilit kong hinihila si Dad papalayo doon pero nagmamatigas siya. Ayaw niyang makinig. "Kung hindi mo ipaglalaban ang sarili mo siya lang ang nakikinabang. Nandito ako ngayon, at ako ang aayos nito para sa'yo!"Dismayado niyang sabi. Habang nagsasalita siya, ini-ikot niya ang mga manggas at nagkunwaring sasampalin si Juliana.Nagulat ako at sinubukan ko siyang hilahin palayo, pero huli na.Habang itataas niya ang kamay para sampalin si Juliana, biglang kumilos si Joaquin at agad na hinawakan ang pulso ng tatay ko.Si Juliana ay lumapit kay Joaquin at nagtago sa mga bisig nito, ang mga luha ay namuo sa kanyang mga mata: "Joaquin, sino sila at bakit nila ako sinasaktan?""Don't worry, I'll handle this." Pinrotektah

DMCA.com Protection Status