Saglit siyang natigilan, tila nag-aalangan kung dapat niya akong sagutin. Pero sa huli, dahan-dahan siyang umiling, pilit na pinapalabas ang isang mahina at pilit na ngiti. "Nothing," sagot niya, pero may bahid ng pagod at bigat sa tinig niya. "If meron man, kaya ko naman. Kakayanin ko hanggang gumraduate sa college. Ilang days na lang naman." Hindi ako kumbinsido. Masyado siyang tahimik, masyado niyang pinipilit ipakita na ayos lang siya—pero hindi ako tanga. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Clythie..." Mahina kong tawag sa kanya, pero umiwas siya ng tingin. "Narnia, kumain ka na lang muna," aniya, saka tinulak palapit sa akin ang plato ng pagkain. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. Marami ka pang haharapin." Alam kong may gustong sabihin si Clythie—alam kong may tinatago siya. Pero sa ngayon, hinayaan ko na muna siya. Marami pa akong kailangang alamin, marami pa akong kailangang tapusin. Tahimik akong kumuha ng pagkain, pero hindi ko mapigilang mag-isip. "Paano m
Terakhir Diperbarui : 2025-04-05 Baca selengkapnya