Semua Bab ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3): Bab 61 - Bab 70

91 Bab

Kabanata 61 Narnia

Saglit akong natulala, pinipigilan ang sarili kong bumigay sa bigat ng konsensya. Mahal ko si Urania, pero hindi ko siya pwedeng hilahin sa dilim na ginagalawan ko. Bago ko i-lock ang phone, sinilip ko kung may tawag o text mula kay Eros. Pero gaya ng dati—wala. Tahimik. At ang tahimik mula sa kanya ay hindi isang magandang senyales. Ayon sa mga nahagilap kong balita, may nangyari sa underground. May nanggugulo sa ranggo ng mafia. Hindi ko alam kung sino, pero sigurado akong malaking isda ang kumikilos. At sa mundo namin, kapag may gustong umangat, may dapat bumagsak. Napapikit ako nang maalala si Hussein Drystein Mikaelson—ang lalaking pinagkatiwalaan ko para kay Urania. Alam kong hindi niya ako bibiguin. Kapag dumating ang oras na kailangan ng proteksyon ni Urania, sigurado akong gagawin niya ang nararapat. Pero sa ngayon… wala na. Unti-unting lumulusaw ang tiwala ko sa mga kaibigan ni Eros. Pati na rin sa mga kapatid nila. Lahat sila ay pinagdududahan ko. Wala akong matibay n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Kabanata 62 Narnia

Kaya kahit anong sigaw ng ilang indibidwal laban sa kanila, hangga’t may perang pumapasok, mananatili silang hindi matitinag.Gamit ang pera, pinapatahimik nila ang ingay.Gamit ang impluwensya, binubura nila ang bakas ng kanilang kasalanan.At wala namang nagrereklamo. Wala namang tunay na lumalaban.Dahil sa bansa nating ito, nasanay na ang tao sa ganitong sistema.Naging normal na lang ang maging mahirap,Naging normal na lang ang maging tauhan ng gobyerno,Naging normal na lang ang maging bulag sa tunay na realidad.At kung ang buong mundo ay sanay nang yumuko sa kanila, patuloy lang ang ganitong sistema.Isang sistemang bulok. Isang sistemang walang hustisya. Katulad ng justice system—para saan pa ito kung hindi naman ito para sa mahihirap? Para saan pa ang mga batas kung ang tunay na makapangyarihan ay hindi kailanman hinahatulan?Ang hustisya sa bansang ito ay hindi nagbubulag-bulagan—pilit lang niyang tinatalikuran ang katotohanan.Sa harap ng pera, ang batas ay nagiging isang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

Kabanata 63 Narnia

Bumagsak ang tingin ko sa nationality niya.Irish and Italian.Napatigil ako. Napaayos ng upo.Possible kaya? Posible kayang anak siya ng Irish Mob o Italian Mafia? Pero kung ganun, ibig sabihin... wala siyang koneksyon sa American Mafia, lalo na sa La Nera Bratva.O baka naman... mas malalim pa ang koneksyon niya kaysa sa inaakala ko?Napahilamos ako, pilit hinahagod ang tensyon sa mukha ko. Takte! Anong gagawin ko? Kailangan ko na talagang makuha ang black folder na 'yon sa lalong madaling panahon.Ang dami nang nangyayari. Ang dami nang dapat kong asikasuhin, pero parang pabigat nang pabigat ang sitwasyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Napatigil ako nang marinig ang pag-vibrate ng phone ko sa ibabaw ng lamesa. Monroe calling... Nagtatakang sinagot ko ang tawag. "Bakit, Monroe?" agad kong tanong, ramdam ang kaba sa dibdib ko. "Ma’am, bad news. Lady Esmeralda got kidnapped... by her own biological father." Napatayo ako sa gulat, muntik nang mabangga ang mesa. "Ano?! Kail
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

Kabanata 64 Narnia

Bumuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili ko habang papalapit kami sa Devil Village. Sa labas, mukhang kalmado lang ako—walang bakas ng kaba o pangamba. Pero sa loob, punong-puno ng tensyon ang dibdib ko. Alam kong hindi basta-basta ang papasukin ko. Ang Devil Village ay hindi lang isang ordinaryong gated community. Isa itong fortress ng mga may pinakamalalakas na pangalan sa mundo ng negosyo—at sa mundo sa ilalim ng lupa. Hindi ka makakapasok dito nang basta-basta. Kailangan ng matinding koneksyon o malakas na dahilan para makalagpas sa security. At ang dahilan ko? Si Tita Cassy. Napatingin ako kay Monroe. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero alam kong alam niya ang bigat ng gagawin ko. Kaya kahit inis ako sa kanya, hindi ko rin siya masisisi kung bakit gusto niyang siguraduhin na kalmado ako. "Tingin mo, papapasukin tayo nang ganito lang?" tanong ko, sinisilip ang labas ng bintana. Kitang-kita ko ang mahahabang pader ng village at ang mga high-tech security cameras n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-28
Baca selengkapnya

Kabanata 65 Narnia

Oo nga pala. Dating Mafia Lord si Tito Dark. Hindi lang basta Mafia Lord—siya ang isa sa mga pinakakinatatakutan at pinakarespetadong pangalan sa ilalim ng lupa. Anong pumasok sa isip kong sumugod dito nang walang babala? Mabilis kong kinapa ang pulso ko. Putcha, ang bilis! Parang ako na mismo ang nag-iihaw sa sarili kong kaluluwa. Buhay pa kaya ako ‘pag lumabas ako rito? Hindi ko alam. Pero andito na ako. Bahala na. Bumukas ang gate, at agad akong sinalubong ng tanawing nagpanginig sa kalamnan ko. Walang kahit anong sigaw o ingay—pero ramdam ko ang mabigat na presensya ng mga taong nakabantay sa paligid. Ang mga mata nilang matatalas ay nakatutok sa amin, para bang sinusuri kung dapat ba kaming patuluyin o hindi. Napalunok ako. Putangina talaga. Ang mansyon nina Tita Cassy at Tito Dark ay parang isang kastilyong itinayo sa gitna ng kadiliman—malawak, marangya, pero may halong hindi maipaliwanag na panganib. Kahit may pagka-elegante ang arkitektura nito, ramdam ko pa rin ang l
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

Kabanata 66 Narnia

Ano daw? Nakasalubong ko ang tingin ni Monroe—nakakunot ang noo niya, para bang seryoso sa sinabi niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko. "Ano sabi mo? Pakiulit nga?" Siga kong tanong, may diin ang boses ko. Pero ang mokong? Hindi natinag. Tangina, may lakas pa ng loob ngumisi! "Ma’am, kasi po, para kayong lalaking handang rumatrat ng baril. Baka isipin ng mga tao dito, gera ang pakay niyo imbes na bisita lang kayo ni Ma’am Cassandra." Pinanliitan ko siya ng mata, gusto ko siyang sapakin pero nagtimpi ako. "Putangina ka, Monroe." Nanginginig na ang kamay ko sa gigil pero pinigilan ko ang sarili ko. "Hindi naman po ako nagsisinungaling, ma’am," sagot pa niya, hindi man lang kinakabahan. Napabuntong-hininga ako nang madiin. Hindi ko alam kung may suicidal tendencies lang talaga ‘tong gagong ‘to o trip lang niya akong asarin. "Tumahimik ka na lang, Monroe, kung ayaw mong iwan kita dito bilang peace offering kay Tito Dark." Doon na siya natahimik. Pero ramdam kong pinipigil niya an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

Kabanata 67 Narnia

Napansin kong bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ni Tita Cassy bago siya tumango. "Hmm… well, totoo naman ‘yan. Matagal-tagal na rin simula noong huli tayong nagkita." Huminga ako nang maluwag. Mukhang hindi na niya ako pagtutulungan ng mga bodyguard niya. For now. "Halika, pumasok ka. Taman-tama, kakagawa ko lang ng lemon tea," anyaya niya bago lumingon sa isang guwardiya. "Sabihin mo kay Dark na huwag muna siyang magpakita rito, baka tumakbo pabalik ang bisita natin." Nanlaki ang mata ko. "A-Ano po?" Tiningnan ako ni Tita Cassy na may makahulugang ngiti. "Wala, wala. Pasok na." Tangina, bakit parang may binabalak ‘tong si Tita Cassy? "Ahm, may dala po pala akong cupcakes. Tamang-tama po sa lemon tea niyo po." "Ay, gusto ko yan! Hali ka. Usap tayo sa loob. By the way, kumusta na kayo ni Zuhair? Batang yun' di ka ulit dinala dito buti't napadalaw ka." Tangina! Si Eros agad ang topic? Napakamot ako sa batok, pilit na pinapanatili ang ngiti ko kahit gusto kong magla
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Kabanata 68 Narnia

Napapikit ako sa inis. Hindi ko ito maiintindihan nang buo, pero ilang keywords ang tumatak sa akin—pangalan, dates, at ilang confidential-looking na dokumento na mukhang hindi basta-bastang file lang. Mabilis kong inayos ang mga papeles at itinago ang folder sa ilalim ng suot kong leather jacket. Pinagtagpi-tagpi ko ang zipper at tiniyak na hindi ito halata. Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid. Hindi pa ako pwedeng umalis agad. Masyadong halata kung sakaling may nanonood sa akin. Napatingin ako sa kama ni Eros. Matigas ang mukha kong umupo rito, hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangang magpahinga kahit saglit para hindi mahalata ang biglaan kong pagdating. Sa gilid ng mata ko, natanaw ko ang isang picture frame sa bedside table. Isang group photo. Sila Zebediah, Eros, Zeus, at Zephyr—nakangiti, nakayakap sa isa't isa, at halatang masaya. Ang setting? Probinsya. Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit may kumurot sa dibdib ko. Matagal akong hindi nakahinga nan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Kabanata 69 Narnia

"Are you sure?" Muling tanong ni Monroe, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. Napairap ako sa ere, bahagyang bumuntong-hininga bago sumagot. "Oo. Dito ako matutulog hangga't makakaya kong iwasan sila ni Eros," sagot ko. Monroe raised a brow, hindi pa rin kumbinsido. "Bakit ayaw mong tanungin si Zuhair nang harap-harapan?" Napatingin ako sa kanya na parang natanong niya ang pinaka-absurd na bagay sa mundo. "May sira ba utak mo?" Asik ko, hindi na nag-abalang itago ang iritasyon ko. "Sa palagay mo magsasabi siya ng totoo sa’kin?" Nagkibit-balikat siya, para bang hindi apektado sa pagsimangot ko. "Maybe. He's into you." Napangisi ako nang wala sa oras, pero may halong pang-aasar ang sagot ko. "Sabihin mo yan sa pagong." Napailing siya, halatang sawa na sa kakulitan ko, bago dahan-dahang itinaas ang bintana ng kotse. Alam kong gusto na lang niyang tapusin ang usapan bago pa ako tuluyang mapikon. "Okay. I'll just update you, ma'am. Keep safe," huling sabi niya bago tuluyang pi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Kabanata 70 Narnia

"Hindi ka talaga uuwi?" Ikatatlong tanong ko sa kanya.Sumulyap lang siya sa akin habang nakahiga sa kama, abala sa phone niya. Ilang araw na siyang nandito sa bahay ko at naging palamunin na."Sa susunod na. Di ka nag-open ng social media?" Biglang tanong nito."Hindi. Bakit?"Umupo siya sa kama at ibinigay ang phone niya sa akin. Nagtataka man, tinanggap ko ito at kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang ipinakita niya sa akin."Si Selene?! Engaged na?" Gulat kong tanong, hindi makapaniwala.Nagkibit-balikat lang siya at biglang tumayo, tila wala lang sa kanya ang reaksyon ko. Hinayaan ko siya at napaupo ako sa dulo ng kama, patuloy na binabasa ang trending topics sa Twitter.Halos sila na yata ang topic sa lahat ng sulok ng internet. Takte! Ang bata pa ni Selene para mag-engaged! Oh, wait—hindi nga pala ito ang first wedding niya, second na pala. Edi wow."Happy Valentine's Day!"Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Eros na papalapit sa akin, hawak ang isang bag
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
5678910
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status