Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s
Terakhir Diperbarui : 2025-04-12 Baca selengkapnya