Naningkit ang mga mata niya nang hindi ako sumagot. Nakahalata siya. "Takte, Alvarez. Sumagot ka." Napatingin ako sa kanya, pilit pinapanatili ang poker face ko, pero alam kong halata na. "Wala namang problema." Mahinahon kong sagot, kahit na ramdam kong gusto ko siyang sapakin para tumigil siya sa kakatanong. Mabilis siyang napangisi. Hindi ‘yong usual na nakakalokong ngiti—pero isang uri ng ngiti na nagsasabing, nabasa na naman niya ako. Ganun ba talaga ako mabilis basahin? Bakit at papaano? "Selos ka." Putangina. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa konklusyong ‘yon, pero halatang sigurado siya sa sinabi niya. Napalunok ako. No way in hell na aaminin ko ‘yon. Kaya umiwas ako ng tingin, nagkibit-balikat, at naglakad papalayo. Pero mali. Mali dahil naramdaman ko ang mabilis niyang paglapit sa akin, ang malamig niyang palad na marahas na humawak sa braso ko. Bago ko pa magawang umatras, hinila niya ako palapit sa kanya. "Tingin ka sa’kin, Alvarez." Napatin
Terakhir Diperbarui : 2025-03-11 Baca selengkapnya