All Chapters of ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3): Chapter 31 - Chapter 40

50 Chapters

Kabanata 31 Narnia

"Saan ka magpapasko?"Napatigil ako sa pagtimpla ng kape. Inangat ang tingin kay Clythie, na nasa harap ko at sumisimsim ng tea. Seryoso ang mukha niya, parang may gustong ipilit.Napatingin ulit ako sa mug at pinagpatuloy ang pagtimpla. "Sa bahay. Katamad lumabas." Kibit-balikat kong sagot."Sama ka sa akin. I'll go sa house ni Diwata." Masaya niyang sabi habang nakangiti nang parang excited na bata.Kumunot ang noo ko. "Mag-iingay lang tayo run." Simangot kong tutol."It's Christmas. Mas masaya nga eh.""Si Noémie kase uuwi sa province. Doon siya magpapasko together with her grandparents." Tukoy niya sa best friend niya.Kilala ko si Noémie, pero hindi kami close. Naiingayan ako sa babaeng 'yon. Maganda siya—chinita girl. Yun lang nagustuhan ko sa kanya."Pinayagan ka ng tita mo?""Yep! Kay Diwata lang naman ako. She knows about Diwata." Confident niyang sagot, sabay kindat.Napailing na lang ako at sumimsim ng kape. Habang tinititigan ko siya, napansin ko kung gaano siya blooming.
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Kabanata 32 Narnia

Dumating ang 24th ng Disyembre. Hapon na, pero nakahilata pa rin ako sa sofa, nakatunganga sa TV habang lumalantak ng chichirya. Sabi ni Clythie, alas siete ng gabi ang punta ko sa location para sabay na rin sa simbang gabi.Napakamot ako sa ulo. Di ko kasi alam kung gaano na kahaba sungay ko—baka lagpas na ng simbahan at hindi ako makapasok.Habang tinatapos ko ang kinakain ko, biglang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko at agad na lumingon.At doon ko nakita si Eros, na parang feeling at home na naman. Walang pasabi, dumiretso siya sa loob, hinubad ang sapatos at iniwan sa gilid na parang bahay niya ‘to."Musta, Bebelabs?" nakangising bati niya. "Sa village namin tayo mag-Christmas. Maraming handa."Nanlaki ang mata ko. "Anong ‘tayo’?! Sinong may sabi sayong sasama ako?"Ngumiti siya ng nakakaloko, saka umupo sa tabi ko, walang pakialam kung may personal space pa ba ako. "Sabi ko."Napatunganga ako sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha nito!"Bakit bigla-bigla ka nalang pumasok sa p
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Kabanata 33 Narnia

Nakita ko na lang ang sarili kong kausap si Clythie sa phone, habang paulit-ulit akong humihingi ng pasensya."It's fine. It's fine. Sasabihin ko kay Diwata na ‘di ka magpapasko kasama namin," mahinahon niyang sagot, kasabay ng mahina niyang tawa sa dulo.Napahilamos ako sa mukha at napakamot sa ulo, ramdam ang bigat ng konsensya."Sorry talaga. Biglaan kasi."Nakakahiya. Sh-t! Bakit ba hindi ako makahindi sa lalaking yun?! Mapapatay ko na talaga si Eros sa inis!"Nah! Just enjoy na lang, okay? Kahit ‘di ko man alam kung saan ka magpapasko at sino kasama mo, I know you're going to be fine and enjoy your Christmas. Merry Christmas, Narnia. Thank you for being kind and sweet to me. Thank you for being part of my life. I love you," malambing niyang sabi, ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.Napasandal ako sa cabinet at wala sa sariling napangiti. Ito ang dahilan kung bakit ko siya naging crush—ang sweet niya, ang bait, at plus points na yung pagiging hot niya."Baliw… Merry Christmas
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Kabanata 34 Narnia

Matapos ang eksena na ‘yon, agad kaming lumabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang Mustang, at kahit naiinis ako sa presensya niya, wala akong nagawa kundi sumakay.Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan, tanging tunog ng makina at Christmas songs mula sa radio ang pumuno sa espasyo. Pero kahit anong iwas ko, ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ni Eros sa akin.Lalo na sa hita kong bahagyang nakalitaw dahil sa slit ng dress.Napasimangot ako nang mapansing hindi na siya kuntento sa tingin lang—isang kamay niya ang dahan-dahang bumaba mula sa kambyo at lumapag sa hita ko.Napaupo ako nang maayos at sinamaan siya ng tingin. "Kamay mo, Smith."Imbis na sumunod, mas lalo lang siyang ngumiti ng nakakaloko, walang kahirap-hirap na hinaplos ang balat ko na parang pagmamay-ari niya. “Bakit naman, Bebelabs? Ayos din pala ‘to. Easy access.”Napairap ako nang makitang sumulyap pa siya sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan.“Putangina ka talaga,” singhal ko habang tinata
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Kabanata 35 Narnia

"Oh, nandito na pala si Zuhair at kasama niya ang girlfriend niya!"Agad akong napakurap sa narinig ko pagkalabas ng Mustang. Wait… what?Nang tumingin ako sa katabing si Eros, wala man lang siyang reaksyon. Tangina! Ano 'to?! Kailan ako naging girlfriend ng lalaking to'?! At bakit inaabangan nila kami?Bago ko pa maitama ang nanay ni Eros, biglang lumapit sa akin ang bunsong kapatid niya, isang dalagitang may nakaka-hypnotize na asul na mata."Hi po! I'm Zephy. How are you po? I'm happy to meet you in person po. You're my Girl Crush po talaga!"Nanlaki ang mata ko sa bilis ng bibig nito. Ano daw?"I'm happy na girlfriend ka po ni Kuya Zuhair, but also sad because bakit siya po ang napili niyong maging boyfriend? Eh! I know naman there's someone na better than him for you, Ate Narnia."Putangina! Gusto kong bawiin lahat ng desisyon kong bumaba ng kotse! Ate? Teka, teka, teka—anong nangyayari?!"Ow, sorry! I'm being feeling close. It's okay po ba na tatawagin kitang Ate Narnia?"Parang
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Kabanata 36 Narnia

"Sa akin muna si Narnia, huh! Etotour ko lang siya sa Devil Village." Nakangiting paalam nito kay Narnia."Sige. Hahayaan kita ngayon pero mamaya, sa'kin ang babaeng yan."Pinagmasdan ko lang ang dalawang nagpalitan ng tango at nakita ko ang sarili kong mahinang tinulak ni Eros palapit kay Selene.Di ba ako tao? Wala ba akong karpatan magsalita? Parang wala ako ah!"Teka...teka... pumayag ba ako, Selene? At bakit sa kanya ka nagpaalam? Pwede mo naman akong tanungin aber?""Dahil siya yung kasama mo at bilang kaibigan niya rin, alam kong siya nag-invite sayo." Kibit-balikat nitong sagot."Nagpipilosopo ka ba?" Inis kong tanong.Nalaman ko na lang nakatayo kami sa harap ng isang mansyon. Nilingon ko si Eros. Kumaway ito sa akin at tinuro ang mga kaibigan niya na ngayon ay iinikot na ang leletchoning baboy.Wala sa sarili akong napatango. Para saan yun?Napailing na lang ako at muling tumingin sa harap. Napatingala pa ako dahil malaki ang bahay."Bahay niyo ni Daemon yan?" Inulit ko ang
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Kabanata 37 Narnia

"Eros..." mahina kong tawag sa kanya habang nakamasid sa paligid."Hmmm? Bakit, bebelabs?" bulong niya pabalik, malambing ang tinig."Bakit ang gagara ng decorations niyo? Ang astig!" hindi ko mapigilang mapahanga habang iniikot ang tingin sa makukulay at magagarang palamuti."Talagang magara, Alvarez! Mahal 'yan. Pinaghandaan namin." mayabang niyang sagot habang nakapamulsa."Bakit?" nagtataka kong tanong."Competition kasi 'yan. Kung sino ang may pinakamagandang decorations, siya ang mananalo. Lalo pang gumanda ngayon kasi nakisali ang asawa nila Cain at Daemon. Mas competitive tuloy.""Huh? Bakit kailangan pa ng competition? Pwede namang hindi, ‘di ba?""Bebelabs, ganito kasi 'yan. Wala naman talaga kaming pakialam diyan dati. Nagdedecorate kami, pero simpleng mga ilaw at palamuti lang, madalas sa tabing daan lang. Iba ngayon kasi ang magbibigay ng premyo ay si Sean.""Si Sean? E ano naman?"Napangisi si Eros. "Siya kasi ang nabunot para mamigay ng prize. Alam mo namang kung kuripo
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Kabanata 38 Narnia

Masaya ako. Sobra. Walang halong biro. Para bang ngayon ko lang tunay na naramdaman ang ganitong klaseng saya—hindi pilit, hindi pansamantala. Pakiramdam ko, nabuhay ako hindi lang para sa paghahanap ng hustisya para sa mga magulang ko, kundi para rin sa sarili kong kaligayahan. Parang sa unang pagkakataon, hindi lang paghihiganti ang dahilan ng bawat hakbang ko. Hindi lang sakit at pangungulila ang bumabalot sa akin. May dahilan palang mas malalim para mabuhay—mga taong tinanggap agad ako, isang pamilyang hindi ko inakalang magiging close sa akin. Close? Parang ewan lang. Pinilit lang naman ako ni Eros dito. Siraulong yun!Pero di ko rin maitanggi na, sa kanila, hindi ako isang enstrangera lamang. Hindi ako isang tao na para bang iba sa kanila? Ganun ang naramdaman ko pero kahit ganun, di ko mapigilang mag-overthink. Ang daming what if's sa isipan ko. Hindi ko alam, sadyang natatakot akong maniwala sa nakita ko at nafefeel ko ngayon kahit na sincere naman sila sa akin. Ramdam ko
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Kabanata 39 Narnia

It's almost 2 AM, pero buhay na buhay pa rin ang kasiyahan sa labas. May nagvivideoke, ang ilan ay lasing na at naghuhugutan ng kanta, habang ang iba nama’y nagkukwentuhan pa rin sa ilalim ng malamlam na ilaw ng bonfire. Dahan-dahan nang nauubos ang mga tao—yung iba, umuwi na kasama ang mga asawa nila, kasama ang kanilang mga antok na anak. Ako naman, hindi na rin nakaiwas nang hilahin ako ni Eros papasok sa loob ng bahay. Medyo nahihilo na rin ako, dala na rin siguro ng pagod at ng kaunting alak na nainom ko kanina. Sabi niya, sa bahay raw ng mga magulang niya kami matutulog—gusto niyang makita ko ang kwarto niya, sabi nito, para naman malaman ko kung anong klaseng buhay ang meron siya noon. Pagdating namin sa bahay, sumalubong sa amin ang dim light ng sala. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay at saya na naiwan namin sa labas. Pero kahit walang tao, ramdam ko pa rin ang init ng selebrasyon—nagniningning pa rin ang Christmas lights na nakapalamuti sa paligid, nagbibigay ng mahina
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Kabanata 40 Narnia

Pero agad yun nawala na parang bula sa isipan ko makitang mahimbing akong nakatulog sa bisig ni Eros, nalulunod sa init at presensya niya. Nagising ako sa marahang paggalaw niya, at noon ko lang napansin kung paano niya idiniin ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mahinang paghinga niya, ang init ng hininga niya na dumadampi sa balat ko. Napapitlag ako nang maramdaman ang banayad na dampi ng labi niya sa gilid ng leeg ko, para bang nananaginip siya at hindi niya namamalayang ginagawa niya iyon. "Eros..." bulong ko, pero hindi siya gumalaw. Sa halip, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. At sa sandaling iyon, naisip ko—baka nagiging overthinker na naman ako. Lalo na't nasa ibang bahay ako. Ganito ako minsan eh, basta nasa ibang bahay at bago sa akin ang lahat. Nagiging alerto lahat—pakiramdam ko, pandinig ko, at nagiging observant ako. Talo ko pa ang mga investigator sa akin. Napatingin ako sa bintana. Sumilip sa kurtina ang liwanag mula sa labas. Ibig sabihin, tanghali
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status