Nakita ko na lang ang sarili kong kausap si Clythie sa phone, habang paulit-ulit akong humihingi ng pasensya."It's fine. It's fine. Sasabihin ko kay Diwata na ‘di ka magpapasko kasama namin," mahinahon niyang sagot, kasabay ng mahina niyang tawa sa dulo.Napahilamos ako sa mukha at napakamot sa ulo, ramdam ang bigat ng konsensya."Sorry talaga. Biglaan kasi."Nakakahiya. Sh-t! Bakit ba hindi ako makahindi sa lalaking yun?! Mapapatay ko na talaga si Eros sa inis!"Nah! Just enjoy na lang, okay? Kahit ‘di ko man alam kung saan ka magpapasko at sino kasama mo, I know you're going to be fine and enjoy your Christmas. Merry Christmas, Narnia. Thank you for being kind and sweet to me. Thank you for being part of my life. I love you," malambing niyang sabi, ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.Napasandal ako sa cabinet at wala sa sariling napangiti. Ito ang dahilan kung bakit ko siya naging crush—ang sweet niya, ang bait, at plus points na yung pagiging hot niya."Baliw… Merry Christmas
Matapos ang eksena na ‘yon, agad kaming lumabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang Mustang, at kahit naiinis ako sa presensya niya, wala akong nagawa kundi sumakay.Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan, tanging tunog ng makina at Christmas songs mula sa radio ang pumuno sa espasyo. Pero kahit anong iwas ko, ramdam ko ang panaka-nakang sulyap ni Eros sa akin.Lalo na sa hita kong bahagyang nakalitaw dahil sa slit ng dress.Napasimangot ako nang mapansing hindi na siya kuntento sa tingin lang—isang kamay niya ang dahan-dahang bumaba mula sa kambyo at lumapag sa hita ko.Napaupo ako nang maayos at sinamaan siya ng tingin. "Kamay mo, Smith."Imbis na sumunod, mas lalo lang siyang ngumiti ng nakakaloko, walang kahirap-hirap na hinaplos ang balat ko na parang pagmamay-ari niya. “Bakit naman, Bebelabs? Ayos din pala ‘to. Easy access.”Napairap ako nang makitang sumulyap pa siya sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan.“Putangina ka talaga,” singhal ko habang tinata
"Oh, nandito na pala si Zuhair at kasama niya ang girlfriend niya!"Agad akong napakurap sa narinig ko pagkalabas ng Mustang. Wait… what?Nang tumingin ako sa katabing si Eros, wala man lang siyang reaksyon. Tangina! Ano 'to?! Kailan ako naging girlfriend ng lalaking to'?! At bakit inaabangan nila kami?Bago ko pa maitama ang nanay ni Eros, biglang lumapit sa akin ang bunsong kapatid niya, isang dalagitang may nakaka-hypnotize na asul na mata."Hi po! I'm Zephy. How are you po? I'm happy to meet you in person po. You're my Girl Crush po talaga!"Nanlaki ang mata ko sa bilis ng bibig nito. Ano daw?"I'm happy na girlfriend ka po ni Kuya Zuhair, but also sad because bakit siya po ang napili niyong maging boyfriend? Eh! I know naman there's someone na better than him for you, Ate Narnia."Putangina! Gusto kong bawiin lahat ng desisyon kong bumaba ng kotse! Ate? Teka, teka, teka—anong nangyayari?!"Ow, sorry! I'm being feeling close. It's okay po ba na tatawagin kitang Ate Narnia?"Parang
"Sa akin muna si Narnia, huh! Etotour ko lang siya sa Devil Village." Nakangiting paalam nito kay Narnia."Sige. Hahayaan kita ngayon pero mamaya, sa'kin ang babaeng yan."Pinagmasdan ko lang ang dalawang nagpalitan ng tango at nakita ko ang sarili kong mahinang tinulak ni Eros palapit kay Selene.Di ba ako tao? Wala ba akong karpatan magsalita? Parang wala ako ah!"Teka...teka... pumayag ba ako, Selene? At bakit sa kanya ka nagpaalam? Pwede mo naman akong tanungin aber?""Dahil siya yung kasama mo at bilang kaibigan niya rin, alam kong siya nag-invite sayo." Kibit-balikat nitong sagot."Nagpipilosopo ka ba?" Inis kong tanong.Nalaman ko na lang nakatayo kami sa harap ng isang mansyon. Nilingon ko si Eros. Kumaway ito sa akin at tinuro ang mga kaibigan niya na ngayon ay iinikot na ang leletchoning baboy.Wala sa sarili akong napatango. Para saan yun?Napailing na lang ako at muling tumingin sa harap. Napatingala pa ako dahil malaki ang bahay."Bahay niyo ni Daemon yan?" Inulit ko ang
"Eros..." mahina kong tawag sa kanya habang nakamasid sa paligid."Hmmm? Bakit, bebelabs?" bulong niya pabalik, malambing ang tinig."Bakit ang gagara ng decorations niyo? Ang astig!" hindi ko mapigilang mapahanga habang iniikot ang tingin sa makukulay at magagarang palamuti."Talagang magara, Alvarez! Mahal 'yan. Pinaghandaan namin." mayabang niyang sagot habang nakapamulsa."Bakit?" nagtataka kong tanong."Competition kasi 'yan. Kung sino ang may pinakamagandang decorations, siya ang mananalo. Lalo pang gumanda ngayon kasi nakisali ang asawa nila Cain at Daemon. Mas competitive tuloy.""Huh? Bakit kailangan pa ng competition? Pwede namang hindi, ‘di ba?""Bebelabs, ganito kasi 'yan. Wala naman talaga kaming pakialam diyan dati. Nagdedecorate kami, pero simpleng mga ilaw at palamuti lang, madalas sa tabing daan lang. Iba ngayon kasi ang magbibigay ng premyo ay si Sean.""Si Sean? E ano naman?"Napangisi si Eros. "Siya kasi ang nabunot para mamigay ng prize. Alam mo namang kung kuripo
Masaya ako. Sobra. Walang halong biro. Para bang ngayon ko lang tunay na naramdaman ang ganitong klaseng saya—hindi pilit, hindi pansamantala. Pakiramdam ko, nabuhay ako hindi lang para sa paghahanap ng hustisya para sa mga magulang ko, kundi para rin sa sarili kong kaligayahan. Parang sa unang pagkakataon, hindi lang paghihiganti ang dahilan ng bawat hakbang ko. Hindi lang sakit at pangungulila ang bumabalot sa akin. May dahilan palang mas malalim para mabuhay—mga taong tinanggap agad ako, isang pamilyang hindi ko inakalang magiging close sa akin. Close? Parang ewan lang. Pinilit lang naman ako ni Eros dito. Siraulong yun!Pero di ko rin maitanggi na, sa kanila, hindi ako isang enstrangera lamang. Hindi ako isang tao na para bang iba sa kanila? Ganun ang naramdaman ko pero kahit ganun, di ko mapigilang mag-overthink. Ang daming what if's sa isipan ko. Hindi ko alam, sadyang natatakot akong maniwala sa nakita ko at nafefeel ko ngayon kahit na sincere naman sila sa akin. Ramdam ko
It's almost 2 AM, pero buhay na buhay pa rin ang kasiyahan sa labas. May nagvivideoke, ang ilan ay lasing na at naghuhugutan ng kanta, habang ang iba nama’y nagkukwentuhan pa rin sa ilalim ng malamlam na ilaw ng bonfire. Dahan-dahan nang nauubos ang mga tao—yung iba, umuwi na kasama ang mga asawa nila, kasama ang kanilang mga antok na anak. Ako naman, hindi na rin nakaiwas nang hilahin ako ni Eros papasok sa loob ng bahay. Medyo nahihilo na rin ako, dala na rin siguro ng pagod at ng kaunting alak na nainom ko kanina. Sabi niya, sa bahay raw ng mga magulang niya kami matutulog—gusto niyang makita ko ang kwarto niya, sabi nito, para naman malaman ko kung anong klaseng buhay ang meron siya noon. Pagdating namin sa bahay, sumalubong sa amin ang dim light ng sala. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay at saya na naiwan namin sa labas. Pero kahit walang tao, ramdam ko pa rin ang init ng selebrasyon—nagniningning pa rin ang Christmas lights na nakapalamuti sa paligid, nagbibigay ng mahina
Pero agad yun nawala na parang bula sa isipan ko makitang mahimbing akong nakatulog sa bisig ni Eros, nalulunod sa init at presensya niya. Nagising ako sa marahang paggalaw niya, at noon ko lang napansin kung paano niya idiniin ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mahinang paghinga niya, ang init ng hininga niya na dumadampi sa balat ko. Napapitlag ako nang maramdaman ang banayad na dampi ng labi niya sa gilid ng leeg ko, para bang nananaginip siya at hindi niya namamalayang ginagawa niya iyon. "Eros..." bulong ko, pero hindi siya gumalaw. Sa halip, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. At sa sandaling iyon, naisip ko—baka nagiging overthinker na naman ako. Lalo na't nasa ibang bahay ako. Ganito ako minsan eh, basta nasa ibang bahay at bago sa akin ang lahat. Nagiging alerto lahat—pakiramdam ko, pandinig ko, at nagiging observant ako. Talo ko pa ang mga investigator sa akin. Napatingin ako sa bintana. Sumilip sa kurtina ang liwanag mula sa labas. Ibig sabihin, tanghali
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili. Delikado? Kaya nga ako aalis, ‘di ba? Kasi mas delikado kung dito ako. Dito sa piling ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero niloko lang pala ako. Tahimik akong humarap muli sa kanila. Nakita kong lumapit si Ulysses, hawak ang baril sa tagiliran, pero hindi naman tinutok. Para lang sigurong paalala kung sinong may kapangyarihan. “Sa tingin niyo ba papayag akong maging bihag habang buhay?” matigas kong tanong. “Dahil lang buntis ako, dahil lang may buhay akong dala sa tiyan ko, wala na akong karapatan mamili?” “Narnia,” sabat naman ni Acheron, isa sa matagal ko nang kasama sa grupo. “Hindi mo naiintindihan. Hindi ka lang basta-basta nagbuntis. Kung totoo ang iniisip naming lahat... anak ‘yan ng—” “Shut up!” sigaw ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang gusto kong itago ito sa kanila. “Walang may karapatang pag-usapan ‘to kundi ako. Wala kayong alam sa pinagdadaanan ko. Wala kayong pakia
Sinundan ko si Alcyone sakay ang isang tricycle. Huminto ang kotse niya sa store at bumili ng vitamins ko. Pagkatapos, muli itong sumakay sa kotse at tuloy-tuloy na ang byahe. Sinabihan ko ang tricycle driver na sundan lang kami pero huwag lumapit masyado. Mabagal ang takbo ng kotse niya. Puro liko. Ilang beses na akala ko’y mawawala na siya sa paningin ko, pero sa huli, nakita ko siyang lumiko sa kalsadang hindi pamilyar. Hanggang sa narating namin ang isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod. Luma, may kalawang, parang hindi na ginagamit—pero may mga tao. Mga lalaki. Naka-itim. May armas. Warehouse? Anong ginagawa ni Alcyone rito? Bumaba ako at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng warehouse. May sirang parte ng pader, sapat para sumilip. At doon ko nakita, ang grupo. Ang buong gang. Hindi ko mapigilang mapasinghap, at magulat. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Anong ginawa nila dito? Sinundan ba nila ako? Alam ba nilang nandito ako? Alam ba nilang dito ako
"She's not part of the underground society... No! Wala akong pakialam kung mamamatay ang mga 'yan. They're obeying the law of the Mafia.....Betraying the Bratva." Bratva? Ang La Nera Bratva ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng away, hindi ito simpleng alitan. Mafia. Bratva. Alcyone knew something. And she’s hiding it from me. Napaatras ako nang marinig kong tila tinapos na niya ang tawag. Agad akong pumasok sa loob, mabilis na umupo sa isang upuan sa kusina, kunwaring busy sa pagsulat sa Pregnancy Journal. Tinapik-tapik ko pa ang lapis para kumalma. Pero hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Ilang saglit pa’y dumating si Alcyone. Bitbit ang dalawang mangkok ng sopas at isang maliit na tray ng pandesal. Ngumiti siya—yung pilit pero sanay na. "Hey, ‘di ko alam andito ka na sa loob,” aniya, inilapag ang tray. “Nagpahinga ka na ba? Try this, masarap sa tiyan.” Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. “Salamat. Kanina pa a
It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako
“Don’t judge me,” sagot niya agad. “Nagpa-fresh air therapy lang ako. At—tadah!” sabay pakita ng laman ng basket—halo-halong tinapay, saging, at isang bote ng grape juice. “Bumili ako ng ‘arte essentials.’ For baby bonding.” “Arte essentials talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo naman na buntis ako at ako pa itong nagtatanim ng mga gulay. Pero ikaw, parang kabute lang. Saan ka na naman galing?” “Exactly! Kaya nga ako bumili ng reward mo!” sabay abot ng isang pirasong pandesal. Napangisi ako. “Wow! From your bottom of your heart talaga." “Pandesal ‘yan na may pagmamahal. Tanggapin mo ‘yan habang may pride ka pa.” Umiiling akong tinanggap, sabay tingin sa mga bata. Nagtatawanan na rin sila habang si Alcyone ay nagsisimula na namang mag-drama. “Guys, look at her. Preggy and blooming. I swear, kung ako ‘yan, mukha na akong lumpiang shanghai.” "Lumpia ka naman talaga," sabat ko, sabay irap. "Pero hindi lang shanghai—combo meal with rice pa." Akmang susuntukin niya ako pero n
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri