Pero agad yun nawala na parang bula sa isipan ko makitang mahimbing akong nakatulog sa bisig ni Eros, nalulunod sa init at presensya niya. Nagising ako sa marahang paggalaw niya, at noon ko lang napansin kung paano niya idiniin ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mahinang paghinga niya, ang init ng hininga niya na dumadampi sa balat ko. Napapitlag ako nang maramdaman ang banayad na dampi ng labi niya sa gilid ng leeg ko, para bang nananaginip siya at hindi niya namamalayang ginagawa niya iyon. "Eros..." bulong ko, pero hindi siya gumalaw. Sa halip, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. At sa sandaling iyon, naisip ko—baka nagiging overthinker na naman ako. Lalo na't nasa ibang bahay ako. Ganito ako minsan eh, basta nasa ibang bahay at bago sa akin ang lahat. Nagiging alerto lahat—pakiramdam ko, pandinig ko, at nagiging observant ako. Talo ko pa ang mga investigator sa akin. Napatingin ako sa bintana. Sumilip sa kurtina ang liwanag mula sa labas. Ibig sabihin, tanghali
Nagising ako nang may maramdaman akong kakaiba sa pagitan ng aking mga hita. Mabilis kong iniangat ang tingin at tumambad sa akin ang ulo ni Eros, nakasubsob sa akin, walang bahid ng pag-aalinlangan habang nilalasap ang aking pagkababae.Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dila niyang gumapang sa pinaka-sensitibong bahagi ko. Mabilis na bumigat ang aking paghinga, at kusa nang gumalaw ang aking kamay, mahigpit na napakapit sa kanyang buhok. Ang aking mga daliri sa paa ay bumaon sa malambot na kama, pati na rin ang aking puw—t. Napatiad ako nang lalo niyang pinagbuti ang ginagawa niyang pagpapahirap sa akin."Eros! Takte!"Mas lalo pang naging marahas at gutom ang kanyang galaw, tila sabik na sabik na pag-aariin ako. Ang aking katawan ay kusa nang tumugon sa bawat kilos niya, at sa bawat hagod ng kanyang dila, hindi ko na napigilang umungol. Puno ng kasabikan at pangangailangan, umaalingawngaw ang aking tinig sa buong silid. Wala na akong pakialam kung may makarinig.Napasinghap ako
Hiyang-hiya akong bumaba sa living room kasama si Eros. At ang siraulo, sumipol-sipol pa talaga. Ang sarap niyang suntokin habang ako nahihirapang naglakad. Nadatnan ko ang mga magulang ni Eros sa hapagkainan kasama ang bunsong anak nila na si Zephy. Di ko mahagilap ang magkambal na Zenon at Zenos pero nandito si Zephyr at Zebediah. Si Zeus naman ay wala rin. Pinaghila ako ni Eros ng upuan. Di ko alam kong matutuwa ba ako dahil katapat ko si Zebediah na katabi si Zephyr na may mapang-asar na ngiti sa akin. Binigyan ko siya ng masamang tingin bago tumingin kay Tito Dark na ngayon ay pinagsilbihan si Tita Cassy nasa right side niya habang nakangiti lang sa akin. Juskong buhay to' oh! Naramdaman kong tumabi sa akin si Eros habang sa right side ko si Zephy, inosenteng nakangiti sa akin sabay kaway. Bale, kami ang nasa left side ni Tito Eros. "Pasensiya ka na, hija, kung di tayo kompleto. Ang kambal ay wala rito habang si Zeus naman ay kaninang madaling araw palang wala na dito. Di
Hindi ko maalala kung paano ako nakalabas sa kwarto ni Eros. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapagpaalam kay Tita Cassy para umalis. Ang natatandaan ko lang, parang wala ako sa sarili. Lutang ako. Naguguluhan sa nakita at nabasa. Hindi matanggap ng utak ko. Hindi matanggap ng sistema ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi iyon totoo. Na baka nagkamali lang ako ng basa. Na baka may ibang ibig sabihin ang natuklasan ko. Pero kahit anong pilit kong ipaniwala ang sarili ko—hindi ko magawa. Wala sa sariling napakagat ako sa labi habang nakatitig sa kawalan. "Narnia? Are you okay?" Naputol ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang boses ni Clythie, puno ng pagtataka. Nagtataka siguro siya kung bakit ang tahimik ko. Nasa bahay kami ni Diwata, kumakain ng cake sa sala. "Btw, saan ka nga pala nag-spend ng Christmas Eve?" tanong ni Diwata habang papalapit mula sa kusina. "Sa Devil Village," sagot ko nang wala sa sarili. Napatigil sila pareho at napasinghap
"Bakit ka pala nandito?" Pag-iiba ko ng usapan, pilit kinakalimutan ang natuklasan ko at sinusubukang magpakaswal sa harap niya. "Oo nga pala," sagot niya, tila may bigla siyang naalala bago naglakad papalapit sa akin. Huminto siya mismo sa harapan ko. Nakatitig ako sa kanya habang nakasandal sa sofa, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Ikaw ang magiging date ko sa Military Ball," dugtong niya, walang pasakalye. Kumunot ang noo ko. "Date? At anong Military Ball? Naging army ka? Paano?" Bahagya siyang napangisi. "Nag-enroll ako sa Military Academy?" Patanong niyang sagot, tila sinusubukan akong asarin. Hindi na ako nagdalawang-isip—mabilis ko siyang sinuntok sa braso. Napadaing siya, pero hindi ko iyon pinansin. Mas mariin ko pa siyang tinitigan. "Ang ibig kong sabihin, naging army ka? Pero hindi ba’t isa kang mafia? Paano nangyari ‘yun? Illegal ka!" Umirap siya. "Bakit? Porke’t mafia, bawal nang mag-aral sa Military Academy?" Umupo siya sa armrest ng sofa, mala
Lady Zebediah’s Closet Napanganga ako mapagtanto kung saan ako dinala ni Eros. Dito? Isa sa mga boutique clothing branch ni Zebediah? Anong gagawin namin dito? Ba't kami nandito? May ipapagawa ba si Eros? Kanino? Napakagat-labi ako at napahigpit ang hawak sa kanyang braso dahil sa huling tanong naubo sa isipan ko. Napakunot ang noo ko habang tinitigan siya, pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko para magtanong, hinila na niya ako papasok. "Let's go, Bebelabs," aniya, walang pasabi. Napalunok ako at nagpatianod sa kanya. Pagkapasok namin, agad kaming sinalubong ng isang staff ni Zebediah. Si Eros ang kumausap, habang ako naman ay naglibot ng paningin sa loob ng boutique. Grabe! Ang ganda naman dito. Kahit saan ako tumingin, elegance at class ang nangingibabaw. Mukhang signature style talaga ni Zebediah. Tama, may boutique din si Azyl, pero mas focus siya sa formal attire—like office wear for women. Ang brand niya? Elizabeth & Co. Elegance. Mas kilala pa nga iyon internationally,
"Pasensiya ka na. May emergency," sagot ko at agad pinatayan ng tawag si Eros bago pa siya makareklamo. Mabilis akong pumasok sa dorm ni Clythie. Kilala na ako ng guard kaya hindi na ako pinigilan. Pagpasok ko sa kwarto niya, sumalubong sa akin ang ayos niya—nakahiga sa kama, balot na balot sa kumot na parang burrito. Ipinatong ko ang pinabili niya sa maliit na table malapit sa kama bago lumapit sa kanya. Magsasalita na sana ako nang mapansin kong nakatulog na siya. Napabuntong-hininga ako. Pinag-isipan ko kung iiwan ko ba siya nang mag-isa. Wala siyang kasama sa dorm, at hindi ko alam kung paano niya naisipang manatili rito ngayong Christmas vacation. Halos lahat ng estudyante ay umuwi na sa kani-kanilang probinsya o pamilya, pero itong gaga na ‘to, nagpaiwan? Bakit?! May ginawa ba siyang project? Nabored ba siya sa bahay nila? O may iniiwasan siya? Napakamot ako sa ulo habang nag-iisip kung sino ang pwede niyang makasama rito. Dahil isang bagay ang sigurado—hindi ako! Kapag
Di ko alam kung bakit napadpad ako dito. Kanina, nasa dorm pa ako ni Clythie at nakipagsagutan sa master niya. Tapos paglabas may naghihintay sa akin na sundo ko raw siya—driver ni Zebediah slash bodyguard niya rin. Tinapik-tapik ko ang kaliwa kong pisngi. Pinapagaan ko lang ang sarili ko dahil grabe kaba ko ngayon. Kahit nasa labas ako ng mansyon ni Eros, ramdam ko ang nakakakilabot niyang presensiya. Bakit kase dito ako dinala? Kailangan ko ng magpaalam kay Urania, baka mamatay ako ngayon. Pero, ba't ba ako natatakot sa kanya? Hindi siya halimaw, at lalong hindi siya demonyo. Tao siya. Tao! Huminga ako nang malalim, pinipilit kalmahin ang sarili ko. Pero tangina, bakit parang may kung anong bumibigat sa dibdib ko habang nakatayo ako sa harap ng napakalaking gate ng mansyon ni Eros? Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng gabi o dahil sa pakiramdam na parang may nagbabantang bagyo sa loob. Parang isang hakbang lang papasok, at hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyaya
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili. Delikado? Kaya nga ako aalis, ‘di ba? Kasi mas delikado kung dito ako. Dito sa piling ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero niloko lang pala ako. Tahimik akong humarap muli sa kanila. Nakita kong lumapit si Ulysses, hawak ang baril sa tagiliran, pero hindi naman tinutok. Para lang sigurong paalala kung sinong may kapangyarihan. “Sa tingin niyo ba papayag akong maging bihag habang buhay?” matigas kong tanong. “Dahil lang buntis ako, dahil lang may buhay akong dala sa tiyan ko, wala na akong karapatan mamili?” “Narnia,” sabat naman ni Acheron, isa sa matagal ko nang kasama sa grupo. “Hindi mo naiintindihan. Hindi ka lang basta-basta nagbuntis. Kung totoo ang iniisip naming lahat... anak ‘yan ng—” “Shut up!” sigaw ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang gusto kong itago ito sa kanila. “Walang may karapatang pag-usapan ‘to kundi ako. Wala kayong alam sa pinagdadaanan ko. Wala kayong pakia
Sinundan ko si Alcyone sakay ang isang tricycle. Huminto ang kotse niya sa store at bumili ng vitamins ko. Pagkatapos, muli itong sumakay sa kotse at tuloy-tuloy na ang byahe. Sinabihan ko ang tricycle driver na sundan lang kami pero huwag lumapit masyado. Mabagal ang takbo ng kotse niya. Puro liko. Ilang beses na akala ko’y mawawala na siya sa paningin ko, pero sa huli, nakita ko siyang lumiko sa kalsadang hindi pamilyar. Hanggang sa narating namin ang isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod. Luma, may kalawang, parang hindi na ginagamit—pero may mga tao. Mga lalaki. Naka-itim. May armas. Warehouse? Anong ginagawa ni Alcyone rito? Bumaba ako at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng warehouse. May sirang parte ng pader, sapat para sumilip. At doon ko nakita, ang grupo. Ang buong gang. Hindi ko mapigilang mapasinghap, at magulat. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Anong ginawa nila dito? Sinundan ba nila ako? Alam ba nilang nandito ako? Alam ba nilang dito ako
"She's not part of the underground society... No! Wala akong pakialam kung mamamatay ang mga 'yan. They're obeying the law of the Mafia.....Betraying the Bratva." Bratva? Ang La Nera Bratva ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng away, hindi ito simpleng alitan. Mafia. Bratva. Alcyone knew something. And she’s hiding it from me. Napaatras ako nang marinig kong tila tinapos na niya ang tawag. Agad akong pumasok sa loob, mabilis na umupo sa isang upuan sa kusina, kunwaring busy sa pagsulat sa Pregnancy Journal. Tinapik-tapik ko pa ang lapis para kumalma. Pero hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Ilang saglit pa’y dumating si Alcyone. Bitbit ang dalawang mangkok ng sopas at isang maliit na tray ng pandesal. Ngumiti siya—yung pilit pero sanay na. "Hey, ‘di ko alam andito ka na sa loob,” aniya, inilapag ang tray. “Nagpahinga ka na ba? Try this, masarap sa tiyan.” Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. “Salamat. Kanina pa a
It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako
“Don’t judge me,” sagot niya agad. “Nagpa-fresh air therapy lang ako. At—tadah!” sabay pakita ng laman ng basket—halo-halong tinapay, saging, at isang bote ng grape juice. “Bumili ako ng ‘arte essentials.’ For baby bonding.” “Arte essentials talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo naman na buntis ako at ako pa itong nagtatanim ng mga gulay. Pero ikaw, parang kabute lang. Saan ka na naman galing?” “Exactly! Kaya nga ako bumili ng reward mo!” sabay abot ng isang pirasong pandesal. Napangisi ako. “Wow! From your bottom of your heart talaga." “Pandesal ‘yan na may pagmamahal. Tanggapin mo ‘yan habang may pride ka pa.” Umiiling akong tinanggap, sabay tingin sa mga bata. Nagtatawanan na rin sila habang si Alcyone ay nagsisimula na namang mag-drama. “Guys, look at her. Preggy and blooming. I swear, kung ako ‘yan, mukha na akong lumpiang shanghai.” "Lumpia ka naman talaga," sabat ko, sabay irap. "Pero hindi lang shanghai—combo meal with rice pa." Akmang susuntukin niya ako pero n
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri