Dalawang araw na ang lumipas simula noong insidenteng iyon sa mansyon ni Eros, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyari. Ang alam ko lang, tumakbo ako palayo—at hindi lang basta lakad, kundi takbong parang hinahabol ng multo. Buti na lang talaga, sakto ang pagdaan nina Tita Cassy at Tito Dark palabas ng Devil Village. Wala akong pakialam kung makapal ang mukha ko—sumakay ako nang walang tanong-tanong. Hindi rin naman nila ako tinanong kung anong ginagawa ko doon. Sa halip, masaya pa si Tita Cassy nang makita ako. Napakamot ako sa pisngi habang nakaupo sa harap ng vanity mirror. Putangina, nangangati na ako sa kapal ng make-up. Hindi ko talaga trip ‘to! Pero wala akong choice. Military Ball na, at bilang parte ng Gleam Team ni Zebediah, kailangan kong magmukhang presentable—kailangan kong magmukhang tao at hindi parang palaging handa sa away. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Tangina. Hindi ko na kilala ‘tong babaeng nasa harap ko. Cherry red
"Magli-limousine ba tayo?" bigla kong tanong, pilit iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kaya ang paraan ng pagtitig niya—parang inaangkin niya ako ng buong-buo. Siraulong lalaki! Sino siya para sabihin kung ano ang dapat kong isuot o kung sino ang dapat kong makasama? Umiling siya, hindi man lang nagdalawang-isip bago sumagot. "Hindi ako papayag. Ako dapat ang driver, at ako lang dapat ang kasama mo sa kotse."Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya, hindi ko maiwasang magtanong."Ikaw magda-drive? Nasaan ang driver mo?" Mabilis siyang lumingon sa akin, ang mga mata niya may bahid ng inis. "Ako magda-drive. ‘Yung driver ko? Nagbabakasyon." Napailing ako, saka tumango-tango. Pero bigla niyang kinunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. "Ba't ka sumunod? Dapat sa harap ka ng hotel naghihintay sa akin. Grabe ka naman, Bebelabs, hindi naman ako tatakas. Sayang pa ‘yung outfit mo tonight." Napairap ako. "Ah, hindi. Magmomotor ako. Ayoko mag-commute." "Huh? Anong comm
"Tangina, Alvarez. Sa tingin mo ba magagawa ko ‘yon sa’yo?"Naninikip ang dibdib ko, pero hindi ko siya sinagot. Ayoko. Dahil alam kong wala akong laban sa titig niyang parang hinihigop ako.Naglakad siya palapit, at kahit gusto kong umatras, hindi ako makagalaw. Para akong sinumpa sa kinatatayuan ko. At bago pa ako makapag-isip ng paraan para makawala, hinila na niya ako—isang malakas, madiin, at mariing hatak patungo sa bisig niya.Nanlaki ang mga mata ko, ramdam ang init ng katawan niya habang mariin niyang hinawakan ang bewang ko. Seryoso ang tingin niya. Nakayuko siya, pero ang mga mata niya—puno ng banta."Galit na ako, Alvarez," mariin niyang sabi. "Sagad na. Ngayon, sabihin mo sa akin kung anong problema natin. Hindi ito maganda sa isang relasyon. Ang no communication ay sumisira ng tiwala, ng koneksyon—ng kahit ano. Kaya sabihin mo sa akin bago pa ako mawalan ng pagpipigil at tirahin kita rito, patalikod, habang ibinubulong mo sa akin kung ano'ng problema mo."PUTANGINA!Di k
Naningkit ang mga mata niya nang hindi ako sumagot. Nakahalata siya. "Takte, Alvarez. Sumagot ka." Napatingin ako sa kanya, pilit pinapanatili ang poker face ko, pero alam kong halata na. "Wala namang problema." Mahinahon kong sagot, kahit na ramdam kong gusto ko siyang sapakin para tumigil siya sa kakatanong. Mabilis siyang napangisi. Hindi ‘yong usual na nakakalokong ngiti—pero isang uri ng ngiti na nagsasabing, nabasa na naman niya ako. Ganun ba talaga ako mabilis basahin? Bakit at papaano? "Selos ka." Putangina. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa konklusyong ‘yon, pero halatang sigurado siya sa sinabi niya. Napalunok ako. No way in hell na aaminin ko ‘yon. Kaya umiwas ako ng tingin, nagkibit-balikat, at naglakad papalayo. Pero mali. Mali dahil naramdaman ko ang mabilis niyang paglapit sa akin, ang malamig niyang palad na marahas na humawak sa braso ko. Bago ko pa magawang umatras, hinila niya ako palapit sa kanya. "Tingin ka sa’kin, Alvarez." Napatin
Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang kabahan. Mula sa mga malamlam na ilaw sa kalsada hanggang sa malamig na hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana ng sasakyan, lahat ay parang nagpapalala sa kaba ko. First time ko ito. First time kong makadalo sa isang engrandeng Military Ball—isang bagay na dati ko lang naririnig o napapanood sa pelikula. Hindi ko alam kung paano dapat kumilos, kung tama ba ang pagsusuot ko ng gown, kung hindi ba ako katawa-tawa sa paningin ng iba. Napatingin ako kay Eros na seryosong nagmamaneho. Mukhang walang anumang iniisip maliban sa daan, samantalang ako, punong-puno ng kaba at pangamba. Napansin siguro niya ang panakaw kong tingin dahil bigla siyang nagsalita nang hindi lumilingon. "Relax ka lang, Bebelabs. Para kang ikakasal sa kaba mo." Napairap ako. "Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ako sanay sa ganito." Ngumisi siya, bahagyang napailing. "Alvarez, kahit ilagay ka sa gitna ng pinakamagarang event, ikaw pa rin ang magiging pina
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Eros. Binabati niya ang mga kakilala niya at hindi ko maiwasang mapansin kung paano siya tingnan ng mga babae sa paligid. May ilang kumikindat, may iba namang tila nag-aabang ng pagkakataong makausap siya. Napakapit ako nang mas mahigpit sa braso niya, hindi ko sigurado kung dahil sa kaba o dahil gusto kong ipakita na hindi siya available. Napansin yata ni Eros ang ginawa ko dahil bigla siyang tumingin sa akin, bahagyang nakataas ang kilay."Selos na naman, Bebelabs?" bulong niya sa akin, halatang may tuwa sa boses niya. "Tumigil ka nga," inis kong sagot, pero hindi ko inalis ang pagkakahawak sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa bago niya ako hinila palapit sa isang grupo ng kalalakihan na pawang naka-military uniform. Kita sa postura at tindig nila ang disiplina, at halata sa kanilang mga mata ang respeto kay Eros. "Smith," bati ng isa, isang matangkad na lalaki na may matapang na mukha at malamig na ekspresyon. "Hindi mo man l
Ang akala kong manahimik at hindi eepal si Anna Dominique, pwes mali ako. Dinala pa niya sa table ang isang General na Uncle niya pala. Kaya siguro nandito siya. Magkatabi kami ni Eros at hawak niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa. For respect, hinayaan ni Eros si Anna Dominique na tumabi sa kanya lalo na't nasa table namin ang General. Habang nag-uusap ang General at si Eros, ramdam kong unti-unting lumalalim ang kunot ng noo ko. Hindi lang dahil sa presensya ni Anna Dominique, kundi dahil sa paraan ng pagtitig ng General sa kanya—parang may binabalak. "Hijo, hindi mo ba naiisip na panahon na para ayusin ang buhay mo?" ani ng General, nakangiti habang palihim na sinisiko si Anna Dominique. "You and my niece would make a great pair. Sayang naman ang opportunity." Napangiti si Anna Dominique, sabay tingin kay Eros na parang naghihintay ng sagot. Halatang hindi na ito nagtatago ng motibo. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Eros sa kamay ko sa ilalim ng mesa, pero hindi iyon sa
Napasinghap ako, ngunit bago pa ako makapalag, naramdaman ko na ang mainit at mapusok niyang halik. Madiin. Mapang-angkin. Para bang gusto niyang iparamdam sa akin na sa kanya lang ako. Gusto kong tumutol. Gusto kong ipakita sa kanyang hindi ako matitinag, pero paano? Nanghihina ang tuhod ko sa paraan ng paghawak niya sa bewang ko, sa paraan ng pagdiin niya sa akin sa shelf ng mga libro, at sa lalim ng halik niya na parang gustong burahin ang inis ko. Damn it. Alam niyang ganito niya ako mapapatahimik. Nang maglayo ang aming mga labi, hinabol ko ang hininga ko, ngunit hindi pa rin siya bumibitaw. Nanatili siyang nakatitig sa akin, at doon ko lang napansin ang bahagyang dilim sa mga mata niya—halatang gigil na gigil. "Naiinis ka pa rin?" bulong niya, bahagyang hinihigpitan ang hawak sa bewang ko. Pinilit kong magpakatatag. "Oo," sagot ko kahit na pakiramdam ko ay bumibigay na ako sa lambot ng boses niya. Napangisi siya. "Talaga? Pero bakit parang nanginginig ka?" Putangina. Nahu
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili. Delikado? Kaya nga ako aalis, ‘di ba? Kasi mas delikado kung dito ako. Dito sa piling ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero niloko lang pala ako. Tahimik akong humarap muli sa kanila. Nakita kong lumapit si Ulysses, hawak ang baril sa tagiliran, pero hindi naman tinutok. Para lang sigurong paalala kung sinong may kapangyarihan. “Sa tingin niyo ba papayag akong maging bihag habang buhay?” matigas kong tanong. “Dahil lang buntis ako, dahil lang may buhay akong dala sa tiyan ko, wala na akong karapatan mamili?” “Narnia,” sabat naman ni Acheron, isa sa matagal ko nang kasama sa grupo. “Hindi mo naiintindihan. Hindi ka lang basta-basta nagbuntis. Kung totoo ang iniisip naming lahat... anak ‘yan ng—” “Shut up!” sigaw ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang gusto kong itago ito sa kanila. “Walang may karapatang pag-usapan ‘to kundi ako. Wala kayong alam sa pinagdadaanan ko. Wala kayong pakia
Sinundan ko si Alcyone sakay ang isang tricycle. Huminto ang kotse niya sa store at bumili ng vitamins ko. Pagkatapos, muli itong sumakay sa kotse at tuloy-tuloy na ang byahe. Sinabihan ko ang tricycle driver na sundan lang kami pero huwag lumapit masyado. Mabagal ang takbo ng kotse niya. Puro liko. Ilang beses na akala ko’y mawawala na siya sa paningin ko, pero sa huli, nakita ko siyang lumiko sa kalsadang hindi pamilyar. Hanggang sa narating namin ang isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod. Luma, may kalawang, parang hindi na ginagamit—pero may mga tao. Mga lalaki. Naka-itim. May armas. Warehouse? Anong ginagawa ni Alcyone rito? Bumaba ako at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng warehouse. May sirang parte ng pader, sapat para sumilip. At doon ko nakita, ang grupo. Ang buong gang. Hindi ko mapigilang mapasinghap, at magulat. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Anong ginawa nila dito? Sinundan ba nila ako? Alam ba nilang nandito ako? Alam ba nilang dito ako
"She's not part of the underground society... No! Wala akong pakialam kung mamamatay ang mga 'yan. They're obeying the law of the Mafia.....Betraying the Bratva." Bratva? Ang La Nera Bratva ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng away, hindi ito simpleng alitan. Mafia. Bratva. Alcyone knew something. And she’s hiding it from me. Napaatras ako nang marinig kong tila tinapos na niya ang tawag. Agad akong pumasok sa loob, mabilis na umupo sa isang upuan sa kusina, kunwaring busy sa pagsulat sa Pregnancy Journal. Tinapik-tapik ko pa ang lapis para kumalma. Pero hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Ilang saglit pa’y dumating si Alcyone. Bitbit ang dalawang mangkok ng sopas at isang maliit na tray ng pandesal. Ngumiti siya—yung pilit pero sanay na. "Hey, ‘di ko alam andito ka na sa loob,” aniya, inilapag ang tray. “Nagpahinga ka na ba? Try this, masarap sa tiyan.” Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. “Salamat. Kanina pa a
It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako
“Don’t judge me,” sagot niya agad. “Nagpa-fresh air therapy lang ako. At—tadah!” sabay pakita ng laman ng basket—halo-halong tinapay, saging, at isang bote ng grape juice. “Bumili ako ng ‘arte essentials.’ For baby bonding.” “Arte essentials talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo naman na buntis ako at ako pa itong nagtatanim ng mga gulay. Pero ikaw, parang kabute lang. Saan ka na naman galing?” “Exactly! Kaya nga ako bumili ng reward mo!” sabay abot ng isang pirasong pandesal. Napangisi ako. “Wow! From your bottom of your heart talaga." “Pandesal ‘yan na may pagmamahal. Tanggapin mo ‘yan habang may pride ka pa.” Umiiling akong tinanggap, sabay tingin sa mga bata. Nagtatawanan na rin sila habang si Alcyone ay nagsisimula na namang mag-drama. “Guys, look at her. Preggy and blooming. I swear, kung ako ‘yan, mukha na akong lumpiang shanghai.” "Lumpia ka naman talaga," sabat ko, sabay irap. "Pero hindi lang shanghai—combo meal with rice pa." Akmang susuntukin niya ako pero n
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri