It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-20 อ่านเพิ่มเติม