"Are you sure?" Muling tanong ni Monroe, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. Napairap ako sa ere, bahagyang bumuntong-hininga bago sumagot. "Oo. Dito ako matutulog hangga't makakaya kong iwasan sila ni Eros," sagot ko. Monroe raised a brow, hindi pa rin kumbinsido. "Bakit ayaw mong tanungin si Zuhair nang harap-harapan?" Napatingin ako sa kanya na parang natanong niya ang pinaka-absurd na bagay sa mundo. "May sira ba utak mo?" Asik ko, hindi na nag-abalang itago ang iritasyon ko. "Sa palagay mo magsasabi siya ng totoo sa’kin?" Nagkibit-balikat siya, para bang hindi apektado sa pagsimangot ko. "Maybe. He's into you." Napangisi ako nang wala sa oras, pero may halong pang-aasar ang sagot ko. "Sabihin mo yan sa pagong." Napailing siya, halatang sawa na sa kakulitan ko, bago dahan-dahang itinaas ang bintana ng kotse. Alam kong gusto na lang niyang tapusin ang usapan bago pa ako tuluyang mapikon. "Okay. I'll just update you, ma'am. Keep safe," huling sabi niya bago tuluyang pi
"Hindi ka talaga uuwi?" Ikatatlong tanong ko sa kanya.Sumulyap lang siya sa akin habang nakahiga sa kama, abala sa phone niya. Ilang araw na siyang nandito sa bahay ko at naging palamunin na."Sa susunod na. Di ka nag-open ng social media?" Biglang tanong nito."Hindi. Bakit?"Umupo siya sa kama at ibinigay ang phone niya sa akin. Nagtataka man, tinanggap ko ito at kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang ipinakita niya sa akin."Si Selene?! Engaged na?" Gulat kong tanong, hindi makapaniwala.Nagkibit-balikat lang siya at biglang tumayo, tila wala lang sa kanya ang reaksyon ko. Hinayaan ko siya at napaupo ako sa dulo ng kama, patuloy na binabasa ang trending topics sa Twitter.Halos sila na yata ang topic sa lahat ng sulok ng internet. Takte! Ang bata pa ni Selene para mag-engaged! Oh, wait—hindi nga pala ito ang first wedding niya, second na pala. Edi wow."Happy Valentine's Day!"Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Eros na papalapit sa akin, hawak ang isang bag
"Narnia?" Mabilis aking napalingon kay Ulysses. Tinignan ko lang siya. Nakita ko siyang tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba sa akin o hindi habang mariin ang hawak nito sa kanyang phone. Bago pa ito makapagsalita ay pumasok si Monroe na humahangos. "Miss... there's a bad news." Anito. Bigla akong kinabahan. Huminga ito ng malalim. "Your twin got kidnapped by American Mafia, miss." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ano?! Biglang bumigat ang paligid. Hindi ko alam kung ang puso ko ba ang bumagal sa takot o bumilis dahil sa adrenaline. Naramdaman ko na lang ang masakit na kirot sa dibdib ko habang unti-unting lumilinaw sa utak ko ang sinabi ni Monroe. "My twin?" Pabulong kong tanong, hindi pa rin makapaniwala. "Yes, Miss. We just received the intel. The American Mafia took her—publicly. Ginawa nilang palabas ang pagdukot. Malinaw sa CCTV footage na sinadya nilang ipakita sa mundo kung paano nila siya kinuha." Tangina. Parang gusto kong itapon ang sarili ko s
Dalawang araw. Dalawang araw ng impyerno, walang tulog, at walang tigil na paghahanap. Dalawang araw ng gutom at pagod na hindi ko maramdaman dahil ang tanging iniisip ko lang ay kung ano na ang nangyari kay Urania. At ngayon, narito na kami. Nakasuot ako ng tactical gear, may headset sa isang tenga, at may baril na nakakabit sa thigh holster ko. Hindi ko naman sana kailangang humawak ng armas, pero sa sitwasyong ‘to, wala akong ibang pagpipilian. Kasama ko ang buong team ni Monroe, mga bihasang operatiba na walang alinlangan kung lumaban. Kasama rin ang piling awtoridad na pinagkakatiwalaan ni Kuya Benjamin, ang asawa ni Ate Esme. They’re handling the legal front—ensuring that whatever happens tonight, we have leverage. This is not just a rescue mission. This is a war declaration. Huminga ako nang malalim, pilit pinapatibay ang loob ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan namin sa loob ng lunggang ‘to. Hindi ko alam kung anong klaseng impyerno ang pinagdaanan ng kakambal ko s
"How's Urania?" Nag-alala kong tanong sa kabilang linya. Narinig ko ang buntong hininga ni ate Esme. Siya ang nasa tabi ni Urania dahil hindi ko pa kaya makita ang kakambal kong nakahiga sa hospital bed. Baka magwala ako sa hospital. I don't understand kung bakit sa SMITH HOSPITAL pa nila dinala pero mabuti na rin dahil alam kong hindi nila pababayaan ang kakambal ko. Masyadong mainit ang ulo ko sa nangyari. Madilim ang tingin ko sa lahat, lalo na kay Hussein. Tama ang hinala ko. Papunta na siya para isagip si Hestia, tama, si Hestia, ang pinakamamahal niyang kapatid. And maybe, sinisisi nito ang kakambal ko dahil nasali sa gulo ng pamilya namin. PUTANGINA NIYA! "Hindi pa siya gising," sagot ni Ate Esme sa mabigat na tinig. "Pero stable na raw, ayon sa doktor. Kailangan lang niyang magpahinga, Narnia." Napakuyom ako ng kamao. Stable. Pahinga. Parang ang dali lang sabihin, pero hindi kayang burahin ng mga salitang iyon ang ginawa nila sa kanya. Ang dugo, ang sakit, ang takot na pi
"You need to calm down, ma'am.""Kalmado ako." Mabilis kong sagot, masyadong mabilis.Bumuntong-hininga si Monroe sa harap ko, halatang hindi naniniwala."We will do everything to erase this video, ma'am."Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatitig sa kisame, walang buhay, walang emosyon. Alam kong hindi dapat ako padalos-dalos. Alam kong hindi dapat ako magpatalo sa galit. Pero puta—baka sa isang iglap lang, magawa kong burahin sa mundo ang buong angkan nila.Naririnig ko pa ang mahihinang yapak ni Monroe habang papalayo. Pagkalabas niya, napatawa ako—isang mapait, wala-sa-sarili, halos baliw na tawa.Tangina.Ako ang nasasaktan para sa kakambal ko. Ako ang nagngangalit para sa kanya. Ako ang dapat na nandiyan, pero wala ako.Punyeta!"Narnia, dear."Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ni Ate Esme. Kumurap ako bago tumingin sa kanya. Nasa isang pribadong ari-arian kami ng asawa niya.Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita."Your silence is scary, but I unders
Dumaan ang ilang araw, at halos hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Isang balita ang umabot sa akin—na-postpone ang kasal ni Selene at Daemon dahil sa nangyari. Ewan. Wala na akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam kung matuloy ba iyon o hindi. Wala na. Wala na talaga. Nablanko ang utak ko sa kanila, dahil napatunayan kong—sino ba kami para sa kanila? Sino ba kami ni Urania sa malaking angkan nila? Ano ba ang halaga namin sa kanila maliban sa pagiging panggulo sa maayos nilang mundo? Sa totoo lang, pakiramdam ko, kami ni Urania ay nakisiksik lang sa mundong hindi para sa amin. Napailing ako habang nakatitig sa kawalan. Nang matauhan ako, nasa loob na pala ako ng kotse, kasama si Monroe. Tahimik siyang nagmamaneho, habang ako naman ay nakapako ang tingin sa bintana. Sa labas, natanaw ko ang isang private plane na dahan-dahang papalayo sa runway. Si Ate Esme. Si Urania. Ang asawa niya. Papalipad na sila patungong Monaco—palayo sa gulo, palayo sa sakit, palayo
Saglit siyang natigilan, tila nag-aalangan kung dapat niya akong sagutin. Pero sa huli, dahan-dahan siyang umiling, pilit na pinapalabas ang isang mahina at pilit na ngiti. "Nothing," sagot niya, pero may bahid ng pagod at bigat sa tinig niya. "If meron man, kaya ko naman. Kakayanin ko hanggang gumraduate sa college. Ilang days na lang naman." Hindi ako kumbinsido. Masyado siyang tahimik, masyado niyang pinipilit ipakita na ayos lang siya—pero hindi ako tanga. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Clythie..." Mahina kong tawag sa kanya, pero umiwas siya ng tingin. "Narnia, kumain ka na lang muna," aniya, saka tinulak palapit sa akin ang plato ng pagkain. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. Marami ka pang haharapin." Alam kong may gustong sabihin si Clythie—alam kong may tinatago siya. Pero sa ngayon, hinayaan ko na muna siya. Marami pa akong kailangang alamin, marami pa akong kailangang tapusin. Tahimik akong kumuha ng pagkain, pero hindi ko mapigilang mag-isip. "Paano m
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl
Dahan-dahan kong hinaplos ang itim na takip, parang inaabsorb ang init ng papel. American Mafia, commonly referred to in North America as the Italian-American Mafia, the Mafia, or simply the Mob, is a highly organized criminal society rooted in Italian-American communities, known for its deep influence in politics, business, and law enforcement. The Five Families: • Genovese Crime Family Once hailed as the most powerful of the Five Families that ruled over organized crime in New York City, the Genovese Crime Family has undergone a terrifying evolution. Now known as the Smith Crime Family, it has shed its old skin and emerged under a new, more ruthless name. According to the document: > “In early 20*, the Genovese Crime Family saw a violent and unprecedented rise to power by a new figure: Zuhair Eros Smith.” “He led an internal coup, executing the former boss in cold blood during a closed-door council meeting. Witnesses to the assassination were either silenced through
Napakurap ako. Shuta! Ang haba naman ng name. Kastila nga!"Ang haba naman." Komento ni Diwata."So, what's about him? Don't tell me, nagstalk ka sa kanya? Kilala kita, Noémie." Taas kilay na sabi ni Clythie kay Noémie.Ako naman ay napatanga. Iniisip ko si Belial na tauhan ni Cascioferro. Imposibleng siya ang tinutukoy ni Noémie pero malay ko naman kung siya nga. Eh, di ko alam full name nun. Di kami close.Kung Navy, bakit nagtatrabaho siya kay Cascioferro?"Di ko napigilan. So, I stalked him. Mas lalong pomogi tapos daddy vibes." May halong tawa sa huli."Ewan ko sayo. I thought ex-crush na?""Ex-crush na nga. It's not bad to admire him because he's a Navy officer." Nakasimangot na sabi ni Noémie."At anong balak mo ngayon? Magpa-assign sa Navy para lang makita siya?" tukso ni Clythie habang nakangisi."Gaga! Syempre hindi!" Napairap si Noémie, pero kita sa mukha niya ang natatawang inis. "Alam mo namang wala akong balak bumalik sa past, pero grabe lang kasi, ang laki ng pinagbago
"May naghahanap sa’yo, ‘yun ang alam ko." Biglang sabi ni Diwata, hindi man lang lumingon sa akin habang nakatutok sa phone niya. "Si Azyl ata, ‘yung ate ni Azura. Si Azura naman, hindi siya hinayaan ng asawa niya na malaman ang mga nangyayari. Buntis kasi siya. Masama sa baby. Gano’n din si Selene, pero matutuloy na ang kasal niya next week." Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya. "Sino source mo?" Tumingin lang siya saglit sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa phone niya. "Akin na ‘yun." Napakamot ako sa pisngi, asar na sa sagot niya pero wala akong nagawa. Napatingin ako sa paligid, pilit iniisip kung paano makakalabas nang hindi niya namamalayan. Ang tagal ko na sa bahay. Naiinis na ako sa sarili ko, sa sitwasyon, sa lahat. Nayayamot na ako sa bahay pero hindi ako hinayaan ni Diwata makalabas ng bahay dahil baka magtransform daw ako. Takte! Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas maiinis dahil sa sobrang overprotective niya. Biglang
"Narnia, where the heck are you going?" Tarantang tanong ni Clythie nang makita niyang nagmamadali akong lumabas ng bahay.Hindi ko siya sinagot. Hindi ko na kayang magsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na dagundong ng dugo sa mga tainga ko.Sa isang iglap, nasa Devil Village na ako, sa mismong mansyon nina Eros. Lahat sila nandito—nagtipon, para saan? Para pag-usapan kung paano nila tatakasan ang kasalanan nila?Wala akong pakialam.Dumeretso ako kay Hussein—hindi ko alam kung sino ang sumigaw para pigilan ako, pero huli na ang lahat.Isang suntok at sipa.Tumilapon siya sa sahig, may dugong dumaloy sa gilid ng labi niya."Narnia!" May nag-humawak sa braso ko, pero tinabig ko ito."Calm down, anak."Nanigas ang katawan ko. Tita Cassy."Hindi mo ako anak!" Sigaw ko, halos yumanig ang buong mansyon.Biglang tumayo lahat ng anak ni Ma’am Cassandra. Kahit ang asawa nitong si Dark, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin—puno ng babala, ng galit. Pero ano sa tingin ni
Saglit siyang natigilan, tila nag-aalangan kung dapat niya akong sagutin. Pero sa huli, dahan-dahan siyang umiling, pilit na pinapalabas ang isang mahina at pilit na ngiti. "Nothing," sagot niya, pero may bahid ng pagod at bigat sa tinig niya. "If meron man, kaya ko naman. Kakayanin ko hanggang gumraduate sa college. Ilang days na lang naman." Hindi ako kumbinsido. Masyado siyang tahimik, masyado niyang pinipilit ipakita na ayos lang siya—pero hindi ako tanga. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Clythie..." Mahina kong tawag sa kanya, pero umiwas siya ng tingin. "Narnia, kumain ka na lang muna," aniya, saka tinulak palapit sa akin ang plato ng pagkain. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. Marami ka pang haharapin." Alam kong may gustong sabihin si Clythie—alam kong may tinatago siya. Pero sa ngayon, hinayaan ko na muna siya. Marami pa akong kailangang alamin, marami pa akong kailangang tapusin. Tahimik akong kumuha ng pagkain, pero hindi ko mapigilang mag-isip. "Paano m