Dahan-dahan kong hinaplos ang itim na takip, parang inaabsorb ang init ng papel. American Mafia, commonly referred to in North America as the Italian-American Mafia, the Mafia, or simply the Mob, is a highly organized criminal society rooted in Italian-American communities, known for its deep influence in politics, business, and law enforcement. The Five Families: • Genovese Crime Family Once hailed as the most powerful of the Five Families that ruled over organized crime in New York City, the Genovese Crime Family has undergone a terrifying evolution. Now known as the Smith Crime Family, it has shed its old skin and emerged under a new, more ruthless name. According to the document: > “In early 20*, the Genovese Crime Family saw a violent and unprecedented rise to power by a new figure: Zuhair Eros Smith.” “He led an internal coup, executing the former boss in cold blood during a closed-door council meeting. Witnesses to the assassination were either silenced through
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s
Dumilat siya at nginitian ako—yung ngiting nakakapundi, yung tipong may alam siyang hindi ko alam. Nairita ako agad, parang gusto ko na siyang itapon palabas. "I'm not a Maranzano for nothing," sabi niya, may halong kayabangan sa tinig. Yung tono na para bang ang apelyido niya ay license na para manghimasok sa buhay ng ibang tao. “Sagutin mo ng maayos, Alcyone. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo,” mariin kong sambit, sabay kunot ng noo. Umirap siya, saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib na para bang siya pa ang na-offend. "Connection, okay? Nothing else. Don’t worry, walang nakakaalam. Even your boyfriend.” Sinamahan pa niya ng irap at diin ang dulo, parang sinasadyang inisin ako. “Hindi ko siya boyfriend.” “Edi ex-boyfriend.” Kibit-balikat pa siya na parang wala lang. Walang pakialam kung sinasaktan niya ako sa sinabi niya. Napamura ako sa isip. Putang ina mo talaga, Alcyone. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang kumag na yun? Hindi man niya sinabi ang pangalan, alam kong si
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri
"Naman!" Napatawa siya, pero mabilis ding naging seryoso ang mukha niya. "Gusto ko kasi... meaningful ang pangalan niya. Yung tipong may kwento." Tumango ako, iniisip ko rin naman yun. "Kung babae, anong gusto mong pangalan?" tanong niya, habang marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Nag-isip ako sandali. "Hmm... Gusto ko ng pangalan na malakas pero maganda. Parang... Althea. Ang ibig sabihin nun, healer. Maganda, diba?" "Althea..." Tila sinasabi niya sa isip niya. "Ganda nga. Bagay sa anak natin. Kasi... ikaw din naman yung healer ko." Hindi ko napigilan ang mapangiti, at bahagyang gumuhit ang init sa pisngi ko. "E kung lalaki?" balik-tanong ko naman sa kanya. Nag-isip siya ng ilang segundo bago ngumiti. "Gusto ko....Aslan." "Aslan?" Kumunot ang noo ko, halos mapatigil sa paghinga. "Nang-iinis ka ba?" Umiling siya agad-agad, pero bakas sa mukha niya ang pigil na tawa. "Hindi, seryoso ako! Aslan. Di ba cool? Para siyang hari... parang sa Narnia." Napataas ako ng ki
"Iba kasi magalit kapag buntis. Mararanasan nila ang galit ng isang buntis," ani Eros, habang nagmo-mop ng sahig sa sala, kaswal na para bang walang sinabi. Mabilis kong pinihit ang ulo ko papunta sa direksyon niya, halos mapigtas ang leeg ko sa bilis ng reaksyon. Sumingkit ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig. "Teka lang, may sinabi ka ba d'yan?!" bulyaw ko, ang boses ko halos tumalsik sa hangin. Napaayos siya ng tayo, para bang nadulas, at mabilis na umiling habang nanlaki ang mga mata. "Wala, madame. Wala po akong sinabi," inosenteng sagot niya, may kasamang kunwaring ngiti na lalo lang nagpataas ng kilay ko. Umirap ako, halatang di kumbinsido, bago muling bumalik sa pagsusulat sa Pregnancy Notebook ko. "Pakibilisan mo, ha? Maglalaba ka pa pagkatapos mo d'yan," utos ko habang sinusulat ko ang mga updates sa maliit kong journal. Narinig ko ang mumunting bulong niya mula sa likuran ko. "Gusto mo ba ng snacks, Bebelabs? Ay, wag pala, masama sa tiyan..." pero hindi ko
Napakagat ako sa labi, pinipigilang humagulgol. Pinilit kong maging matatag, pero ang mga salitang binitiwan niya ay tila kalasag na winasak ang binuo kong napakakapal na pader."Marami akong kasalanan, Smith," mahina kong sabi, halos pabulong na lang.Kumunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang tumingala sa akin, bakas sa mga mata niya ang isang emosyon na matagal ko nang hinahanap—pag-unawa. Walang galit, walang paninisi. Puro pagmamahal at sakit.Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa.Marahan siyang yumuko at hinalikan ang bilugan kong tiyan. Napasinghap ako. Parang biglang naglaho ang lahat ng ingay sa mundo. Nakalimutan kong huminga. Tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa.Ganito pala ang pakiramdam.Ganito pala ang pakiramdam ng may isang taong tatanggapin ka kahit basag na basag ka na. Ganito pala ang pakiramdam ng may isang nilalang sa loob mo, isang maliit na buhay na bunga ng pagmamahalan ninyo—at siya, ang ama nito, buong pusong tinatanggap ang lahat.“Hindi mo kailan
Napailing siya. “Ikaw..Tsaka ko lang nalaman na ikaw pala ang anak ni Umberto Magal Rothschild Alvarez. Ang ipapakasal sa next head ng American Mafia sana. I’m glad I killed that son of a bitch.”Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malaman kung ano talaga ang nangyari, o ang katotohanang pinaglaruan ako ng buong buhay ko.“Gusto ng papá mo na lumayo sa gulo. Nagsisisi siya, pero huli na ang lahat. Hindi mo siya dapat sisihin. Hindi niya ginusto ang mundong ’yon—pero minsan, kahit anong pilit mong lumayo, kinakain ka pa rin.”Tumawa ako—mapakla, halos may luha sa tawa kong walang saya. “Wala palang silbi ang lahat ng paghahanap ko ng hustisya, no? Simula’t sapul, para lang akong laruang pinapaikot sa gitna ng mas malaking laro. Isang pawn sa chessboard ng mga hayop na ‘to.”Ramdam ko ang pait sa dibdib ko, para bang lahat ng sakripisyo ko, lahat ng luha at sakit—wala lang. Isang parte lang ng masalimuot na plano ng mga taong hindi ko lubusang kilala.Pero naiintindi
“Anong ibig mong sabihin?” Tumigil siya sa harap ng selda. Ilang segundong katahimikan bago siya tumingin sa akin—mata niyang punô ng mga emosyon na naglalaban-laban. Lungkot, takot, galit... at pagmamahal? “Tinawag mo pa rin akong Eros,” aniya sa tinig na mababa pero ramdam ang pighati. “Sapat na ’yon para malaman kong may natitira pa... na baka maayos pa tayo pagkatapos ng lahat.” Napakurap ako, saglit na napatigil. Pero agad kong sinamaan ng tingin. “Magseryoso ka!” mariin kong singhal, pilit tinatago ang nag-uumapaw kong emosyon. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay bumuntong-hininga siya. Tumitig kay Hussein sa loob ng selda, bago muling bumaling sa akin. “Saan ba ako magsisimula, Alvarez? Hmmm?” tanong niya na tila mas para sa sarili niya kaysa para sa akin. “Malay ko sa’yo!” iritado kong sagot. Isa pang malalim na buntong-hininga. Tapos tumitig siya sa akin—diretso, walang iwas, walang takot. Para bang handa na siyang buhusan ako ng katotohanang ilang ulit na niyang ini
Gusto kong magtanong. Gusto kong pilitin si Alcyone na sabihin ang lahat ng alam niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras. Hindi ito ang tamang lugar. Biglang kumalabog ang isang bala sa pader sa tabi namin. Mabilis ang reflex ko—binaril ko ang lalaking nakatago sa likod ng metal beam na patakas sanang babaril kay Alcyone. Tumama ang bala ko sa balikat niya, napaatras ito at bumagsak. Hindi nagulat si Alcyone. Parang inaasahan niyang handa ako. Agad niya akong hinila palayo sa gulo habang patuloy ang putukan at sigawan sa itaas. Hindi ako mapakali habang tumatakbo kami. Naguguluhan ako. Lito ang utak ko. Dapat magalit ako sa lalaking yun—kay Eros, sa lahat ng sangkot sa gulong 'to. Pero bakit ako nag-alala sa kanya? Bakit ako sumugod dito para sa kanya? Tangina! Humigpit ang hawak ko sa tiyan ko. Hindi ko pwedeng hayaang madamay ang anak ko. Hindi ngayon. Hindi dito. Masyadong pasikot-sikot ang dinaanan namin. Ilang pinto ang binuksan ni Alcyone gamit ang
Pero bago pa man ako muling makasagot, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.Napahawak ako sa tiyan ko habang nayanig ang buong underground arena. Mabilis ang naging reaksyon ni Smith—hinarang niya ako gamit ang katawan niya at itinulak kami sa likod ng mga kahong bakal na nakatambak sa gilid.“Shit!” sigaw niya. “They found us!”Bago ko pa man maitanong kung sino, sunod-sunod nang putok ng baril ang umalingawngaw.“Counselors,” bulong niya sa tainga ko. “They’re here for me… and maybe for you.”Nanlaki ang mga mata ko.The Counselors. Mga tagapagpatupad ng batas ng Mafia. Sila ang nagsasagawa ng parusa. Walang awa. Walang tanong. Basta utos ng itaas, tutupad sila.“Dumapa ka!” sigaw ni Smith habang binunot ang isa pang baril sa likod niya at gumapang palayo. “Wag kang lalabas hangga’t di ko sinasabi.”Pero hindi ko siya sinunod. Hawak ko pa rin ang baril ko. Basang-basa sa pawis ang mga palad ko pero matatag ang kapit ko sa hawakan nito.“Hindi ko kayang maupo lang haban
Napangiwi ako habang hindi siya tumigil sa pagtawa. Parang baliw. Para bang lahat ng sakit, poot, at galit na ibinuhos ko sa kanya ay hindi tumama—kundi lalong nagpasigla sa kanya.Tumigil lang siya nang dumako ang paningin niya sa tiyan ko. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at napaatras ng bahagya.Pero imbes na magulat o mabigla—parang alam na niyang mangyayari ito. Parang inasahan na niya. Putangina talaga! Hindi ko gusto ang ngiti niya.“We’re pregnant.” May kasamang pagtango-tango pa. Para bang isang proud na ama sa isang matinong pamilya.Pero wala siya roon. Hindi ito isang pamilya. Hindi ito masaya. Hindi ito tama.Nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya puwedeng magdesisyong kasali siya rito. Hindi niya karapatang gamitin ang salitang 'we'.Dahan-dahan siyang tumayo—tila walang nangyari. Hindi sugatan. Hindi pinagtutulungan. Hindi nanghihina. Para siyang muling nabuhay mula sa sariling impyerno.Ang mas masahol—nagmamadali siyang lumapit sa akin. Diretso. Buo ang lakad.
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo