"Iba kasi magalit kapag buntis. Mararanasan nila ang galit ng isang buntis," ani Eros, habang nagmo-mop ng sahig sa sala, kaswal na para bang walang sinabi. Mabilis kong pinihit ang ulo ko papunta sa direksyon niya, halos mapigtas ang leeg ko sa bilis ng reaksyon. Sumingkit ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig. "Teka lang, may sinabi ka ba d'yan?!" bulyaw ko, ang boses ko halos tumalsik sa hangin. Napaayos siya ng tayo, para bang nadulas, at mabilis na umiling habang nanlaki ang mga mata. "Wala, madame. Wala po akong sinabi," inosenteng sagot niya, may kasamang kunwaring ngiti na lalo lang nagpataas ng kilay ko. Umirap ako, halatang di kumbinsido, bago muling bumalik sa pagsusulat sa Pregnancy Notebook ko. "Pakibilisan mo, ha? Maglalaba ka pa pagkatapos mo d'yan," utos ko habang sinusulat ko ang mga updates sa maliit kong journal. Narinig ko ang mumunting bulong niya mula sa likuran ko. "Gusto mo ba ng snacks, Bebelabs? Ay, wag pala, masama sa tiyan..." pero hindi ko
"Naman!" Napatawa siya, pero mabilis ding naging seryoso ang mukha niya. "Gusto ko kasi... meaningful ang pangalan niya. Yung tipong may kwento." Tumango ako, iniisip ko rin naman yun. "Kung babae, anong gusto mong pangalan?" tanong niya, habang marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Nag-isip ako sandali. "Hmm... Gusto ko ng pangalan na malakas pero maganda. Parang... Althea. Ang ibig sabihin nun, healer. Maganda, diba?" "Althea..." Tila sinasabi niya sa isip niya. "Ganda nga. Bagay sa anak natin. Kasi... ikaw din naman yung healer ko." Hindi ko napigilan ang mapangiti, at bahagyang gumuhit ang init sa pisngi ko. "E kung lalaki?" balik-tanong ko naman sa kanya. Nag-isip siya ng ilang segundo bago ngumiti. "Gusto ko....Aslan." "Aslan?" Kumunot ang noo ko, halos mapatigil sa paghinga. "Nang-iinis ka ba?" Umiling siya agad-agad, pero bakas sa mukha niya ang pigil na tawa. "Hindi, seryoso ako! Aslan. Di ba cool? Para siyang hari... parang sa Narnia." Napataas ako ng ki
"P*ta ka! Pakyu times two. Di ako p*ta. Bartender ako. Alam kong maganda ako. Wag niyo ng ipagmukha sa akin." Naiinis kong sambit sa dalawang ugok na nakatitig sa akin habang pinaghalo ko ang mga alak.Di naman ito bago sa akin pero putcha talaga. Di ko sila bet at di ko rin sila bati. Pakialam ko sa kanila? Punyemas talaga. Kapag ako sasabog, pati titi nila ubos.Sumulyap ako sa kanila at nakitang nakatitig pa rin sa akin. May histura pero wala akong paki. Nakakunot ang noo kong napatingin sa suot ko. Di naman nakakasaludo ng talong ang suot ko ah. Ano ba nakain ng mga ito?I'm wearing black shirt at black pants. Litaw ang kaputian ng balat ko, napakakinis at napakalinis din tignan ang tattoo sa kaliwang banda ng collarbone ko, a minimalist of my name, Narnia.Patuloy akong naghalo ng mga alak habang pilit na hinahawi ang inis na bumabalot sa akin. Kung tutuusin, hindi na bago ang mga ganitong klaseng titig sa bar na ito. Pero iba ang araw na 'to, iba ang pakiramdam. Hindi ko maipali
Isang malakas na s*ntok ang sinalubong ko sa kanya nang bumaba siya sa motor matapos naming mailigaw ang mga baliw na humahabol sa amin. Di ko na inisip kung nasaan kami, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maipasa ang inis at takot na nararamdaman ko, at siya ang tamang target."Araaaay! Ano ba problema mo?!" reklamo niya habang napaatras at napahawak sa kanyang panga. Nakakunot ang noo niya, pero imbes na magalit, napangisi pa siya."Problema ko? Ikaw! Gago ka! Anong akala mo, trip ko ‘tong nangyari? Wala akong paki kung bakit ka hinahabol ng mga g*go na 'yon! Nadamay pa tuloy ako!" sigaw ko habang nakapamewang, ang init ng ulo ko abot hanggang langit.Ngumisi siya, kahit halatang masakit ang suntok ko. "Relax ka lang, miss sexy. Hindi ko naman sinasadya. In fact, nailigtas mo pa nga ako. Kaya dapat nagpapasalamat ka na naging hero ka ngayon," biro niya, pero alam kong hindi ako natutuwa."Hero? Shuta ka! Gusto mo bang sumunod diyan sa mga m*nyakis na 'yon? Hindi ako bayani, g
Nakangisi akong pumasok sa bahay mula sa likurang pinto, sinisiguradong walang nakakapansin sa akin. Pasipol-sipol akong dumiretso sa kusina, nagbubukas ng ref habang hinahanap ang kahit anong makakain. Medyo nagutom ako dahil sa gulong nangyari kanina. Kanina Napahinto ako habang inaalala ang amazonang babaeng nagpapatigas ng alaga ko—este, nagpapatibok ng puso ko. Napangisi ako, at napahawak sa dibdib. Putcha! Ang lakas ng pintig. Parang may naghuhurumintadong kabayo sa loob ng dibdib ko. "Sh*t, na-love at first sight ata ako. Yare na, pre!" Napailing ako habang napapakamot sa ulo. Pero teka, bigla akong napasimangot nang maalala kong hindi ko nakuha ang premyo kanina sa motor circle. Nanalo na nga ako, pero sinabihan pa ako ng kalaban kong nandaya raw ako. Mga siraulo! Hindi lang nila matanggap ang salitang talo. Ang mga gago, sinugod pa ako. Mabuti na lang at dumating si Chronicles of Narnia. Napangiti ulit ako habang inaalala kung paano niya pinagalitan at sinuntok ako. Ang
"Narnia Melpomene Alvarez! You witch!"Napaupo ako sa gulat, dahilan para mauntog ako sa ilalim ng sasakyan. Napahawak ako sa noo at hindi napigilang mapamura. Ay oo nga pala, nasa ilalim ako ng sasakyan, inaayos ang makina. Kung kailan pa naman tahimik ako dito, bigla akong ginulat ng boses na iyon.Napalingon ako sa kanan, kung saan nanggaling ang nakakainis na sigaw. Una kong napansin ang suot nitong kulay pulang heels. Sa heels pa lang, alam ko na agad kung sino ang walang hiyang gumugulo sa akin.Sinamaan ko ng tingin ang baliw na babaeng iyon, pero binalikan lang ako ng matamis na ngiti—isang ngiting puno ng pang-aasar.Sabi ko nga, walang iba kundi si Azyl, with her signature Valentino heels."Ano na naman ang problema mo, Azyl?" inis kong tanong, habang hinila ko ang sarili ko palabas mula sa ilalim ng sasakyan."Problema? Wala. Gusto lang kitang kamustahin, bestie!" sagot niya, sabay ikot ng buhok niya gamit ang daliri. Oh, please. Kung may gusto itong sabihin, diretsohin na
"Ayos ba?" tanong ko kay Azyl, na kakalabas lang ng banyo.Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, at biglang napalakpak na parang nasa fashion show."Bravo! Bravo! We look like an expensive couple," sabi niya na may halong pang-aasar, pero halatang impressed.Nakasuot ako ng maikling black satin slip dress. Na halos manipis na spaghetti straps and a cowl neckline. Napansin ko rin na medyo sumisilip ang balat ko sa ibaba ng kilikili, pero wala na akong pakialam. Pinaghalong simple pero classy. Pinaresan ko na rin ng YSL heels para kumpleto na ang datingan.Tumingin ulit siya sa akin at huminga ng malalim. "Inday, if I were into girls, naku baka na-in love na ako sa'yo ngayon pa lang."Napailing ako at naglakad papunta sa salamin para tingnan ang sarili ko. Kahit papaano, satisfied ako sa ayos ko. Perfect lang para sa gabi namin."Ikaw? Ayos na ba?" tanong ko pabalik sa kanya habang sinisilip siya sa reflection ng salamin."Hello? Ako pa ba? Look at this!" Saka pa siya nag-pose
"Inday, dumidiretso siya dito!" sabing excited ni Azyl, na halatang nag-e-enjoy sa sitwasyon."Tumahimik ka," sagot ko, pilit na inayos ang postura ko. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko.Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit siya, parang mas lalong bumigat ang paligid. Nangingibabaw ang presensya niya, at kahit anong pilit kong huwag magpaapekto, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko."Chronicles of Narnia," bati niya nang nakangiti habang tumayo sa harapan ko. Ang boses niya—mababa, malalim, at puno ng kumpiyansa—parang tumagos sa kaluluwa ko.Narinig kong napatawa sa tabi ko si Azyl sa patawag sa akin ng siraulo. Di ko pinansin at baka mabatukan ko pa."Zuhair," sagot ko nang malamig, pilit pinapanatili ang poker face ko. "Anong ginagawa mo dito?"Ngumiti siya ulit, mas malapad. "Bakit, bawal na ba akong mag-enjoy ng gabi ko?"Di ako nagsalita. Nagtitigan lang kami kahit tumikhim si Azyl sa tabi ko ay hindi naputol."Err...grabeng lagkit yan. Iwan ko na
"Naman!" Napatawa siya, pero mabilis ding naging seryoso ang mukha niya. "Gusto ko kasi... meaningful ang pangalan niya. Yung tipong may kwento." Tumango ako, iniisip ko rin naman yun. "Kung babae, anong gusto mong pangalan?" tanong niya, habang marahan niyang hinihimas ang tiyan ko. Nag-isip ako sandali. "Hmm... Gusto ko ng pangalan na malakas pero maganda. Parang... Althea. Ang ibig sabihin nun, healer. Maganda, diba?" "Althea..." Tila sinasabi niya sa isip niya. "Ganda nga. Bagay sa anak natin. Kasi... ikaw din naman yung healer ko." Hindi ko napigilan ang mapangiti, at bahagyang gumuhit ang init sa pisngi ko. "E kung lalaki?" balik-tanong ko naman sa kanya. Nag-isip siya ng ilang segundo bago ngumiti. "Gusto ko....Aslan." "Aslan?" Kumunot ang noo ko, halos mapatigil sa paghinga. "Nang-iinis ka ba?" Umiling siya agad-agad, pero bakas sa mukha niya ang pigil na tawa. "Hindi, seryoso ako! Aslan. Di ba cool? Para siyang hari... parang sa Narnia." Napataas ako ng ki
"Iba kasi magalit kapag buntis. Mararanasan nila ang galit ng isang buntis," ani Eros, habang nagmo-mop ng sahig sa sala, kaswal na para bang walang sinabi. Mabilis kong pinihit ang ulo ko papunta sa direksyon niya, halos mapigtas ang leeg ko sa bilis ng reaksyon. Sumingkit ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig. "Teka lang, may sinabi ka ba d'yan?!" bulyaw ko, ang boses ko halos tumalsik sa hangin. Napaayos siya ng tayo, para bang nadulas, at mabilis na umiling habang nanlaki ang mga mata. "Wala, madame. Wala po akong sinabi," inosenteng sagot niya, may kasamang kunwaring ngiti na lalo lang nagpataas ng kilay ko. Umirap ako, halatang di kumbinsido, bago muling bumalik sa pagsusulat sa Pregnancy Notebook ko. "Pakibilisan mo, ha? Maglalaba ka pa pagkatapos mo d'yan," utos ko habang sinusulat ko ang mga updates sa maliit kong journal. Narinig ko ang mumunting bulong niya mula sa likuran ko. "Gusto mo ba ng snacks, Bebelabs? Ay, wag pala, masama sa tiyan..." pero hindi ko
Napakagat ako sa labi, pinipigilang humagulgol. Pinilit kong maging matatag, pero ang mga salitang binitiwan niya ay tila kalasag na winasak ang binuo kong napakakapal na pader."Marami akong kasalanan, Smith," mahina kong sabi, halos pabulong na lang.Kumunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang tumingala sa akin, bakas sa mga mata niya ang isang emosyon na matagal ko nang hinahanap—pag-unawa. Walang galit, walang paninisi. Puro pagmamahal at sakit.Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa.Marahan siyang yumuko at hinalikan ang bilugan kong tiyan. Napasinghap ako. Parang biglang naglaho ang lahat ng ingay sa mundo. Nakalimutan kong huminga. Tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa.Ganito pala ang pakiramdam.Ganito pala ang pakiramdam ng may isang taong tatanggapin ka kahit basag na basag ka na. Ganito pala ang pakiramdam ng may isang nilalang sa loob mo, isang maliit na buhay na bunga ng pagmamahalan ninyo—at siya, ang ama nito, buong pusong tinatanggap ang lahat.“Hindi mo kailan
Napailing siya. “Ikaw..Tsaka ko lang nalaman na ikaw pala ang anak ni Umberto Magal Rothschild Alvarez. Ang ipapakasal sa next head ng American Mafia sana. I’m glad I killed that son of a bitch.”Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malaman kung ano talaga ang nangyari, o ang katotohanang pinaglaruan ako ng buong buhay ko.“Gusto ng papá mo na lumayo sa gulo. Nagsisisi siya, pero huli na ang lahat. Hindi mo siya dapat sisihin. Hindi niya ginusto ang mundong ’yon—pero minsan, kahit anong pilit mong lumayo, kinakain ka pa rin.”Tumawa ako—mapakla, halos may luha sa tawa kong walang saya. “Wala palang silbi ang lahat ng paghahanap ko ng hustisya, no? Simula’t sapul, para lang akong laruang pinapaikot sa gitna ng mas malaking laro. Isang pawn sa chessboard ng mga hayop na ‘to.”Ramdam ko ang pait sa dibdib ko, para bang lahat ng sakripisyo ko, lahat ng luha at sakit—wala lang. Isang parte lang ng masalimuot na plano ng mga taong hindi ko lubusang kilala.Pero naiintindi
“Anong ibig mong sabihin?” Tumigil siya sa harap ng selda. Ilang segundong katahimikan bago siya tumingin sa akin—mata niyang punô ng mga emosyon na naglalaban-laban. Lungkot, takot, galit... at pagmamahal? “Tinawag mo pa rin akong Eros,” aniya sa tinig na mababa pero ramdam ang pighati. “Sapat na ’yon para malaman kong may natitira pa... na baka maayos pa tayo pagkatapos ng lahat.” Napakurap ako, saglit na napatigil. Pero agad kong sinamaan ng tingin. “Magseryoso ka!” mariin kong singhal, pilit tinatago ang nag-uumapaw kong emosyon. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay bumuntong-hininga siya. Tumitig kay Hussein sa loob ng selda, bago muling bumaling sa akin. “Saan ba ako magsisimula, Alvarez? Hmmm?” tanong niya na tila mas para sa sarili niya kaysa para sa akin. “Malay ko sa’yo!” iritado kong sagot. Isa pang malalim na buntong-hininga. Tapos tumitig siya sa akin—diretso, walang iwas, walang takot. Para bang handa na siyang buhusan ako ng katotohanang ilang ulit na niyang ini
Gusto kong magtanong. Gusto kong pilitin si Alcyone na sabihin ang lahat ng alam niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras. Hindi ito ang tamang lugar. Biglang kumalabog ang isang bala sa pader sa tabi namin. Mabilis ang reflex ko—binaril ko ang lalaking nakatago sa likod ng metal beam na patakas sanang babaril kay Alcyone. Tumama ang bala ko sa balikat niya, napaatras ito at bumagsak. Hindi nagulat si Alcyone. Parang inaasahan niyang handa ako. Agad niya akong hinila palayo sa gulo habang patuloy ang putukan at sigawan sa itaas. Hindi ako mapakali habang tumatakbo kami. Naguguluhan ako. Lito ang utak ko. Dapat magalit ako sa lalaking yun—kay Eros, sa lahat ng sangkot sa gulong 'to. Pero bakit ako nag-alala sa kanya? Bakit ako sumugod dito para sa kanya? Tangina! Humigpit ang hawak ko sa tiyan ko. Hindi ko pwedeng hayaang madamay ang anak ko. Hindi ngayon. Hindi dito. Masyadong pasikot-sikot ang dinaanan namin. Ilang pinto ang binuksan ni Alcyone gamit ang
Pero bago pa man ako muling makasagot, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.Napahawak ako sa tiyan ko habang nayanig ang buong underground arena. Mabilis ang naging reaksyon ni Smith—hinarang niya ako gamit ang katawan niya at itinulak kami sa likod ng mga kahong bakal na nakatambak sa gilid.“Shit!” sigaw niya. “They found us!”Bago ko pa man maitanong kung sino, sunod-sunod nang putok ng baril ang umalingawngaw.“Counselors,” bulong niya sa tainga ko. “They’re here for me… and maybe for you.”Nanlaki ang mga mata ko.The Counselors. Mga tagapagpatupad ng batas ng Mafia. Sila ang nagsasagawa ng parusa. Walang awa. Walang tanong. Basta utos ng itaas, tutupad sila.“Dumapa ka!” sigaw ni Smith habang binunot ang isa pang baril sa likod niya at gumapang palayo. “Wag kang lalabas hangga’t di ko sinasabi.”Pero hindi ko siya sinunod. Hawak ko pa rin ang baril ko. Basang-basa sa pawis ang mga palad ko pero matatag ang kapit ko sa hawakan nito.“Hindi ko kayang maupo lang haban
Napangiwi ako habang hindi siya tumigil sa pagtawa. Parang baliw. Para bang lahat ng sakit, poot, at galit na ibinuhos ko sa kanya ay hindi tumama—kundi lalong nagpasigla sa kanya.Tumigil lang siya nang dumako ang paningin niya sa tiyan ko. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at napaatras ng bahagya.Pero imbes na magulat o mabigla—parang alam na niyang mangyayari ito. Parang inasahan na niya. Putangina talaga! Hindi ko gusto ang ngiti niya.“We’re pregnant.” May kasamang pagtango-tango pa. Para bang isang proud na ama sa isang matinong pamilya.Pero wala siya roon. Hindi ito isang pamilya. Hindi ito masaya. Hindi ito tama.Nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya puwedeng magdesisyong kasali siya rito. Hindi niya karapatang gamitin ang salitang 'we'.Dahan-dahan siyang tumayo—tila walang nangyari. Hindi sugatan. Hindi pinagtutulungan. Hindi nanghihina. Para siyang muling nabuhay mula sa sariling impyerno.Ang mas masahol—nagmamadali siyang lumapit sa akin. Diretso. Buo ang lakad.
Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo