"Inday, dumidiretso siya dito!" sabing excited ni Azyl, na halatang nag-e-enjoy sa sitwasyon.
"Tumahimik ka," sagot ko, pilit na inayos ang postura ko. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit siya, parang mas lalong bumigat ang paligid. Nangingibabaw ang presensya niya, at kahit anong pilit kong huwag magpaapekto, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. "Chronicles of Narnia," bati niya nang nakangiti habang tumayo sa harapan ko. Ang boses niya—mababa, malalim, at puno ng kumpiyansa—parang tumagos sa kaluluwa ko. Narinig kong napatawa sa tabi ko si Azyl sa patawag sa akin ng siraulo. Di ko pinansin at baka mabatukan ko pa. "Zuhair," sagot ko nang malamig, pilit pinapanatili ang poker face ko. "Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya ulit, mas malapad. "Bakit, bawal na ba akong mag-enjoy ng gabi ko?" Di ako nagsalita. Nagtitigan lang kami kahit tumikhim si Azyl sa tabi ko ay hindi naputol. "Err...grabeng lagkit yan. Iwan ko na kayo. Babye. Titig well." Sabi nito at naglaho sa tabi ko. Kinunutan ko ng noo ang siraulong nasa harapan ko ngayon—si Zuhair, na mas makapal pa ang mukha kaysa kay Azyl. Diretsong umupo siya sa table ko na parang siya ang nagbayad ng upa rito. "Hindi ka naman invited dito," malamig kong sambit habang iniwas ang tingin ko, sinimsim ang natitirang alak sa baso ko. "Ganun ba? Akala ko kasi lahat ng lugar, pwede kong pasukin. Especially kung nandoon ka." Ang ngiting iyon—arrogante at may halong kaswal na pang-aasar. Nag-init ang tenga ko. "Zuhair, seriously? Ano bang problema mo? Wala ka bang ibang pwede pagkaabalahan?" "Ikaw ang problema ko," sagot niya agad, seryosong tumitig sa akin, na para bang sinadya niyang guluhin ang buong gabi ko. Napabuntong-hininga ako, pilit kinakalma ang sarili. "Well, sorry to burst your bubble, pero hindi kita problema. Kaya pwede bang tumayo ka na at umalis dito?" Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa akin, malalim at tila sinusuri ang bawat galaw ko. "Narnia, bakit ba ang hirap mong kausapin? Alam mo namang hindi kita kayang iwasan." Natigilan ako. Ang tono ng boses niya—hindi ko maipaliwanag kung seryoso o nilalaro lang ako. Pero sa halip na magpadala, itinulak ko na lang ang baso ko palayo at tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Zuhair, kung may kailangan ka, sabihin mo na. Otherwise, wala akong panahon para sa drama mo," madiin kong sabi. Ngumiti siya muli, pero ngayon, parang may halong lungkot. "Wala naman akong kailangan, Narnia. Gusto lang kitang makita." Parang biglang tumigil ang paligid sa sinabi niya. Gusto kitang makita. Ang simple, pero may bigat. Pilit kong kinakalma ang puso kong biglang kumabog. Tangina naman, Narnia. Wag kang papaapekto. "Well, nakita mo na ako. So, mission accomplished. Pwede ka nang umalis," sagot ko nang malamig, pilit na itinatago ang bumabagabag sa akin. Ngunit sa halip na sumunod, umayos lang siya ng upo at ngumiti ulit. "Hindi pa. May gusto pa akong malaman." Sh*t. Ano na naman 'to? Bago pa siya magsalita ng kung ano-ano ay inunahan ko na. "So, anong pangalan mo? Complete name mo, I mean." Tanong ko sa kanya at sumandal sa silya. Tila na offend naman siya sa tanong ko at nakalimutan ang gusto nitong malaman tungkol sa'kin. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Bakit? Anong akala niya sa akin kilala ko siya? Hindi lahat ng babae ay kilala siya, kasali na ako run. "Di mo ako kilala?" Di makapaniwalang tanong nito, turo ang sarili. Umirap ako at hindi interesadong tumango. Mapakla siyang tumawa makita ang tango ko. Hinila niya pa ang necktie na parang sikip na sikip siya rito. "Putcha! Nak ng..." Rinig ko pa kahit maingay ang paligid. Sumulyap ako sa kanya at tumingin sa dance floor. Sumayaw sa dance floor si Azyl partner nito si Clythie na kahit kunting kimbot lang ng katawan ay nakakaulol na para sa mga lalaki. Parehas na hindi pa masyadong lasing habang sinasabayan ang kanta. Untouched, XO Young lust, let's- (ah) When we drive in your car, I'm your baby (so sweet) Losing all my innocence in the back seat Say you love, say you love, say you love me (love me) Losing all my innocence in the back seat Nawala sa tingin ko ang dalawa nang may humarang dito na isang kamay. Binaling ko ang lalaki. Nakakunot ang noo nito. "Sa akin ang atensiyon mo. Ako kausap mo hindi sila. So, sagutin mo tanong ko. Totoo? Hindi mo ako kilala?" Nakakunot nitong tanong, halatang badtrp at hindi matanggap na hindi ko siya kilala. Binaba ko ang baso sa mesa at pinagkrus ang mga braso sa dibdib dahilan para mapatingin siya run na kinataas ng sulok ng kanyang labi. Masama ko siyang tinitigan. Muli itong tumitig sa mga mata ko. "What? Pinuri ko lang naman sa utak ko ang dalawa na magiging babies ko in the future." Walanghiya nitong sabi. Sinubukan ko siyang sipain sa hita pero nakailag ang bwiset. Tumawa lang ito at umayos ng upo habang sumandal sa lamesa. "Balik tayo sa tanong ko...Pero di nga?" Pangungulit nito. "Paulit-ulit? Sira ba utak mo?" Masungit kong tanong. Ngumuso siya. Sheyt! Di bagay. Ano siya babae? "Di ko lang matanggap. Sige na nga," anito at inilahad ang kamay. Nakita ko na 'to. "I'm Zuhair. Zuhair Eros Smith, nice meeting you again." sagot niya sa wakas, may halong yabang sa tono. "Ngayon, siguro naman kilala mo na ako." Napakunot ang noo ko. "Smith? As in, kapatid ka ni Zebe?" Ngumiti siya, tila natutuwa na kahit papaano ay may koneksyon kami. "Exactly. Ikatlo ako sa quadruplets, at ako ang pinaka-pogi. Di mo man lang napansin?" Napairap ako nang todo. "Ewan ko sa'yo." Tumingin ako ulit sa dance floor. Tumahimik siya, nagmamasid sa akin. Bigla siyang ngumiti, pero seryoso ang mga mata. "Alam mo, Narnia, you’re... different." Nagtaas ako ng kilay. "Different? Saang banda?" "Sa lahat," sagot niya, halos bulong. Napabuntong-hininga ako, ayaw magpaapekto sa sinasabi niya. "Kung tapos ka na, pwede ka nang umalis." Hindi siya tumayo. Bagkus, dumukwang siya palapit sa akin. "Hindi pa ako tapos." Napatitig ako sa kanya, pilit iniintindi kung anong laro ang nilalaro niya. Pero sa halip na magpaliwanag, ngumiti lang siya at nagtanong, "Bakit di mo gustong kilalanin ako?" "Simple lang," sagot ko, diretso ang tingin sa kanya. "Hindi ako interesado sayo." At doon, sa unang pagkakataon, tila napatigil siya. Ngunit kalaunan ay napatawa. Siraulo nga siya. Umiwas ako ng tingin at pilit binalewala ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakatanaw lang ako kay Clythie na ngayon ay may hawak ng wine. Nakangiti ito—ngiting nakakaakit. Normal na ito for her dahil ganun naman talaga siya ngumiti pero para sa iba na hind siya kilala, iba ang iisipin nila. Iisipin nilang inakit niya ang mga ito. "Chronicles of Narnia..." May bantang tawag sa akin ni Zuhair. Mabilis akong napatingin ulit sa kanya na nakasimangot na naman. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa akin nga ang atensiyon. Ilang ulit ko ba yan sasabihin sayo? Ako kausap mo. Ako kaharap mo ngayon." May halong inis nitong sabi habang dumukwang palapit, halos magkalapit na ang mukha namin. Halata sa boses niya ang pagka-irita, pero sa likod nito ay parang may halong lambing na hindi ko maintindihan. Napaatras ako ng bahagya, pilit pinapanatili ang espasyo namin. "Relax, Zuhair. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Hindi kita kaano-ano," sagot ko, malamig pa rin. Ngumiti siya, pero halata ang pangingibabaw ng inis sa mga mata niya. "Tama ka, hindi mo ako kaano-ano. Pero ngayong gabi, gusto kong sa akin lang ang atensyon mo." Napalunok ako. Ano ba itong pinasok ko? Ang unang akala ko’y simpleng birthday party lang inaattend namin ni Azyl tapos mag acting girlfriend niya ako, biglang nag-iba ang eksena. "Kung ako sayo, wag mo akong pansinin. Aalis na lang ako at iwan dito," sagot ko nang walang pakundangan. Tumayo ako, kinuha ang clutch bag ko, at tumalikod sa kanya. "Hindi ka aalis," mariin niyang sabi, kasabay ng paghawak sa braso ko. Napahinto ako, pero hindi ko siya tinignan. "At bakit? May karapatan ka ba para pigilan ako?" tanong ko, pilit pinapanatili ang lakas ng boses ko kahit parang may bigat ang hawak niya sa akin. "Hindi ko sinabing may karapatan ako," sagot niya, ang boses niya ay mas mababa na ngayon. "Pero please, huwag kang umalis." Nagulat ako sa tono niya—seryoso, halos nagmamakaawa. Lumuwag ang hawak niya, pero hindi niya tuluyang binitiwan ang braso ko. Napalingon ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, may nakita akong bahagyang lungkot sa mga mata niya. "Give me this night," mahinang sabi niya. "Just this night." Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya o bakit bigla siyang naging ganito. Pero sa loob-loob ko, alam kong may bumabagabag sa kanya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ko magawang umalis. "Fine," sagot ko nang malamig, at naupo ulit sa upuan ko. "Pero tandaan mo, Zuhair, hindi ako madaling kalabanin." "Eros...call me Eros," Umirap ako at tumango. Ngumiti siya, tila nabunutan ng tinik. "Good. Dahil hindi rin ako sumusuko." Siraulo na nga, matigas pa ang bungo."Ano? Tititigan mo lang ako?" naiinis kong sabi, pilit pinipigilan ang pagtaas ng kilay ko.Halos ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang ginawa kundi titigan lang ako, nakahalumbaba pa na parang nasa pelikula. Nakakapikon. Napasuklay ako sa buhok bilang pang-disgusto at pilit umiwas ng tingin, pero hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa adams apple niya.Nakita ko itong gumalaw kasabay ng bahagyang pagnguya niya, dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? Bakit ako napapatingin sa parte na 'yan ng katawan niya? Ano bang meron? Agad akong bumawi ng tingin at tiningnan ang mukha niya, pero natagpuan ko na nakangisi na pala ang gago."Enjoying the view?" tanong niya, bahagya pang iniangat ang baba niya na tila nanunukso.Umirap ako at muling sinandal ang likod sa upuan."Sa hitsura mong 'yan? Ewan ko na lang kung paano ka nagkaka-girlfriend," tugon ko nang matalim.Tumawa siya, malalim at nakakainis. "So, na-confirm ko na... kanina pa pala ako type ng mata mo, Miss sex
"My goodness! Halos mahimatay ako sa gabing yun, Inday. Parang nasapian ng tatlong bad spirits yung demonyitong Sean. Siraulo talaga! Nakipagbugbugan kay Marquis. Buti na lang nandun bebe boy ko kundi baka nahimatay ako sa gulat. Kawawa nga si Dyosa eh. Sa birthday niya pa talaga nag-away ang dalawa. Di ko alam kung anong rason sa away ng dalawa pero pakshet halos sa hospital ang abot ng dalawa. Akala ata ni Sean, hindi basag ulo si Marquis eh nakikimatch ng boxing yun kay Zephyr. Siraulo talaga!"Kanina pa si Azyl kakakwento sa nangyari noong nakaraang gabi sa birthday ni Dyosa. Pero mabuti na 'to para malaman ko ang detalye kung ano ang nangyari dahil nga nasa loob ako ng comfort room. Paglabas ko kase habang nakasunod sa akin ang siraulong Eros, ay insaktong tumigil ang kaguluhan. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan at kapatid sa magkabilang kampo.Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa walang tigil na kwento ni Azyl. "So, ibig mong sabihin, Azyl, dahil lang sa selos kaya na
"Are you okay?"Naibaba ko ang kamay ko at napatingin kay Ulysses."Bakit?" Tanong ko."Kanina mo pa hinihimas ang panga mo. Did someone punch you?" Tanong nito, na may halong pag-alala.Umiwas ako ng tingin at muling tinuon ang atensiyon sa ginawa ko na hindi ko pa nasimulan kahit isang page. May babasahin sana ako na isang information sa naimestigahan namin. Ang kaso, masakit panga ko kahapon pa at ang walanghiya mukhang napansin na nga ng kasamahan ko."Ah, ayos lang. Don't mind me." Simple kong sagot.Sumulyap ako kay Ulysses. Tumango ito pero hindi kumbinsido sa sagot ko ngunit di na ako kinulit. Lihim akong bumuntong hininga ng malalim at nayukom ang kamo maalala ang dahilan kung bakit masamit hanggang ngayon ang panga at lalamunan ko. Parang may tumutusok pa rin sa lalamunan ko. Piste!Magtutos kami ng siraulong yun kapag magkita ulit kami. Pero, bakit ako pumayag sa one condition kuno niya? Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa kahihiyan at kabobo. Maliit na tite lang y
Napasinghap ako at napako sa kinatatayuan ko. Si Eros. Ang hinayupak, nandito na naman. Agad akong umatras mula sa pagkakaakbay niya, pero mas lalo lang siyang ngumisi, ang ngisi niyang puno ng kayabangan at kasiguruhan sa sarili."Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko, hindi maitatago ang inis sa boses ko."Tinataboy ang mga makakapangahas na sumubok maghubad sa harap mo," sagot niya, walang pakialam kung gaano katarayan ang tingin ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong akin ka, Chronicles of Narnia."Napairap ako. "Akin ka, akin ka! Hindi mo ako pag-aari, Eros! At wala akong pakialam sa mga pambobola mo. Pwede bang umalis ka na at huwag mo nang guluhin ang gabi ko?""Pwede naman," ani niya, habang tinutukso pa rin ang lalaki kanina na mukhang nawalan na ng lakas ng loob at tumakbo na palayo. "Pero paano kung ayoko?"Humakbang siya palapit, masyadong malapit para sa ikakapanatag ko. Hindi ko maiwasang umatras, pero napansin kong nauubusan na ako ng espasyo. Napasandal ako sa pader, at b
"Stop the ride! Stop the ride!" Tili ni Azyl na kaharap ko. "Siraulo ka ba?! Anong stop the ride, stop the ride, pinagsasabi mo dyan?! Nasa tuktok tayo ng Ferris wheel." Tinitigan niya yung baba, kaya napatingin din ako doon para makita kung anong meron. Hindi ko kilala yung mga tao doon, pero nung nakita ko ang isang pamilyar na mukha, muntik ko na siyang ihulog—baliw! "Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my g—." "Put*ngina, Azyl! Ano ba?! Puro ka–oh my gosh! Ano?!" "Stop shouting and don't mura me." sigaw niya, pero ang mga mata niya, nakatutok pa rin sa dalawa. Umirap ako, hindi ko na alam kung anong gagawin. Lumabas na ang ulo niya sa kakatanaw sa dalawang nag-eenjoy na magkasama sa date. Pero itong kasama ko halos tatalon na sa histura niya ngayon. Kawawa naman ang kaibigan ko. Kaya pala nagyaya mag arcade dahil sa pisteng bebe niya na hanggang ngayon deadma pa rin sa pagmamahal niyang kaseng taas na ng Mount Everest. Siguro kapag maging dalawa ang buwan hindi na nonchalant bebe n
At ayun na nga, hinatak ako ni Azyl para manood ng mga bikers. Akala ko simpleng event lang ito—yung tipong chill lang at walang gaanong eksena. I was just wearing my black Diesel M-Onerva tank top, black high-waisted leather shorts, at isang black thin leather leg belt sa right leg. Nakalugay ang aking buhok. Simpleng edgy look, bagay naman sa vibe na iniisip ko. Pero pagdating namin sa venue, napahinto ako at literal na napanganga. Hindi pala simpleng bikers ang papanoorin namin. Eksaktong bikers parade ang event, at hindi lang basta parade—ito yung tipong grand gathering na parang festival sa laki ng crowd. Maraming tao. Sobrang daming tao. “Azyl, anong pinasok mo sa akin?!” bulong ko sa kanya habang pinagmasdan ang paligid. "Huwag kang mag-alala, witch. Masaya 'to!" sagot niya na para bang walang kaabog-abog, sabay flip ng bagong bangs niya na parang nasa commercial ng shampoo. Muntik pa kaming maubusan ng pwesto dahil sa dami ng tao, at kung hindi lang sa connections ni A
Nang matapos ang paligsahan at si Eros ang naiwan sa loob ng Circle, it means siya ang panalo. Mayabang itong kumakaway sa supporters niya sa loob ng circle at muling nagpakitang gilas sa huling pagkakataon.Umirap ako. Ang yabang-yabang talaga.Sumulyap ako sa kanya for the last time bago naisipan namin makipagsisikan ni Azyl sa dagat ng mga tao papunta sa ibang pakulo ng mga riders. Nanood kami ng motorcross at ang kwento ni Azyl, may isang devil ang kasali sa motorcross. Hindi nga lang niya alam kung sino sa myembro ng DEVILS."I wish, you can join Motocross, witch. You are good in habulan tas flying motor in the air. Like that." Tinuro pa talaga niya ang isang motor na lumipad sa ere at nag exhibition.Napakamot ako sa leeg. Lukot ang ilong ko ang nanonood. Ako? Ewan ko. Kung karera, siguro, pero kung ganito? Wag na lang at baka makita ko agad si San Pedro ng ganito kaaga.Nang nagutom kami ay pumunta kami sa Food Bazaar nila at pinili ang street foods. Pinili kong kumain ng hotdo
Mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa likuran ko, ramdam ko ang bigat ng bawat galaw niya. Pilit akong kumakalas, nagpupumiglas sa mga braso niyang mahigpit na nakapulupot sa bewang ko, parang bakal na hindi ko kayang baliin."Bitawan mo ako," mariin kong sabi, puno ng banta, kahit pa alam kong hindi niya ako seseryosohin.Sa halip na bumitaw, naramdaman kong umiling siya, ang tuktok ng ulo niya bahagyang dumampi sa leeg ko. At bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko ang sunod-sunod na halik na dinampi niya sa gilid ng leeg ko. Maliliit na halik, pero bawat isa'y parang nag-iiwan ng marka. Ang init ng hininga niya ay naglalakbay sa balat ko, para bang pinapaso ako habang ang pabango niya, na malinis at matapang, ay nagiging dahilan ng kakaibang tensiyon na bumalot sa aming dalawa."Namiss ko 'yung bibig mo, Alvarez," aniya, halos pabulong, ang boses niya mababa at may bahid ng panggigigil. "Tangina, hindi ako pinatulog tuwing gabi. Kung hindi ko nilasing ang sarili ko
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri
Dumilat siya at nginitian ako—yung ngiting nakakapundi, yung tipong may alam siyang hindi ko alam. Nairita ako agad, parang gusto ko na siyang itapon palabas. "I'm not a Maranzano for nothing," sabi niya, may halong kayabangan sa tinig. Yung tono na para bang ang apelyido niya ay license na para manghimasok sa buhay ng ibang tao. “Sagutin mo ng maayos, Alcyone. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo,” mariin kong sambit, sabay kunot ng noo. Umirap siya, saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib na para bang siya pa ang na-offend. "Connection, okay? Nothing else. Don’t worry, walang nakakaalam. Even your boyfriend.” Sinamahan pa niya ng irap at diin ang dulo, parang sinasadyang inisin ako. “Hindi ko siya boyfriend.” “Edi ex-boyfriend.” Kibit-balikat pa siya na parang wala lang. Walang pakialam kung sinasaktan niya ako sa sinabi niya. Napamura ako sa isip. Putang ina mo talaga, Alcyone. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang kumag na yun? Hindi man niya sinabi ang pangalan, alam kong si
Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl