Share

Kabanata 7 Narnia

last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-07 04:19:07

"Ano? Tititigan mo lang ako?" naiinis kong sabi, pilit pinipigilan ang pagtaas ng kilay ko.

Halos ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang ginawa kundi titigan lang ako, nakahalumbaba pa na parang nasa pelikula. Nakakapikon. Napasuklay ako sa buhok bilang pang-disgusto at pilit umiwas ng tingin, pero hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa adams apple niya.

Nakita ko itong gumalaw kasabay ng bahagyang pagnguya niya, dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? Bakit ako napapatingin sa parte na 'yan ng katawan niya? Ano bang meron? Agad akong bumawi ng tingin at tiningnan ang mukha niya, pero natagpuan ko na nakangisi na pala ang gago.

"Enjoying the view?" tanong niya, bahagya pang iniangat ang baba niya na tila nanunukso.

Umirap ako at muling sinandal ang likod sa upuan.

"Sa hitsura mong 'yan? Ewan ko na lang kung paano ka nagkaka-girlfriend," tugon ko nang matalim.

Tumawa siya, malalim at nakakainis. "So, na-confirm ko na... kanina pa pala ako type ng mata mo, Miss sexy. And for your information, wala akong girlfriend. No Girl Since Birth ata 'to."

"Hanapin mo paki ko sa love life mo " Mabilis kong balik, pero naramdaman ko ang init sa mukha ko. Tangina, bakit ba ako napa-react sa ganito? Relax ka lang, Narnia!

Hinilig niya ang ulo niya sa gilid, nakangisi pa rin. "Sus! Selos agad. Pero sa totoo lang, you look beautiful tonight," sabi niya nang biglaang seryoso, dahilan para hindi ko mahanap agad ang isasagot.

Napakagat-labi ako at mabilis na umiwas ng tingin. "Kung ganyan ka nang ganyan, baka masapak kita mamaya."

"Kung ganoon pala, sasamahan na kita mag-practice sa kamao mo. Pero mas gusto ko yung iba ang gawin natin pagkatapos," aniya, sabay kindat.

Mas malakas pa sa kagat ng Margarita ang inis na naramdaman ko. "Ang creepy mo. Tumigil ka na bago kita sabuyan ng drinks."

Ngunit imbes na matakot, mas lalo siyang natawa. "Shit! Mas lalo akong nahulog sayo. Tumigas din lalo. Kahit suplada ka, mas naging cute ka kapag nagagalit sa paningin ko."

Napairap ako, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi sabuyan ng Margarita ang mukha niya.

"Kung gusto mong tumigil ang mundo mo, sige, ituloy mo pa 'yang kalokohan mo. Pustahan, hindi lang yan ang titigas sa'yo mamaya."

Napangisi siya, mas lalong nanunukso. "Grabe ka naman. Iba na ba ang ibig sabihin ng hard to get ngayon? Kasi parang gusto mong magka-Fight Club tayo dito."

"Sus! Gusto mo bang subukan? Kasi mukha mo ang unang tatama sa table," sagot ko nang may halong asar at inis. Seryoso akong napahawak sa baso ko, iniisip kung effective ba talagang gawing weapon ang Margarita.

Ngunit imbes na mag-back off, mas lalo lang siyang natuwa. "Kalma, Chronicles of Narnia. Hindi ko akalaing ganito ka ka-wild kapag galit. Pero alam mo, you're so... intense. Parang gusto kitang makilala pa lalo."

Ayan na naman tayo sa Chronicles of Narnia na yan! Pero gago! Anong makilala? Wala kang makikilala kundi kamao ko kung hindi ka titigil.

"Makinig ka, Smith," madiin kong sabi, tumingin ng diretso sa kanya. "Hindi kita lubos na kilala, ayokong makilala ka, at lalong wala akong pakialam kung anong iniisip mo sa'kin. So, tumigil ka na kung ayaw mong maging highlight ng gabi dahil sa basag na mukha."

Napataas siya ng kamay na parang sumusuko, pero halatang hindi pa rin natitinag. "Alright, alright. Panalo ka ngayon. Pero aminin mo, kahit konti lang, na-enjoy mo 'tong usapan natin."

Pinipigil ko ang sarili kong huwag mag-react. Gusto ko sanang sabihin na hindi, pero alam kong kahit paano ay naaliw ako—kahit nakakainis siya. Kaya imbes na sagutin, tumayo ako, kinuha ang clutch ko, at tumingin sa kanya nang matalim.

"Inom ka na lang, baka sakaling maayos ang wiring mo sa utak."

Naglakad ako palayo, pero narinig ko pa rin ang malalim na tawa niya sa likuran ko. Siraulo talaga.

Gusto ko sana lapitan si Azyl pero ang gaga ayun may kalandian na. Iba talaga kapag nalasing ang babaeng 'to. Di ko na hinanap si Clythie dahil alam ko naman na kaya niya ang sarili niya.

Naisipan kong pumunta sa comfort room. Medyo madilim at marami ng lasing. May naghalikan at kung ano-ano pa. Hindi ko na lang pinansin at pumasok sa comfort room.

Walang tao sa loob. Buti naman at di nila naisipan gumawa ng kakabalaghan dito. Inayos ko muna ang buhok ko at damit ko sa harap ng salamin bago pumasok sa cubicle. Iniwan ko ang clutch bag sa ibabaw ng sink. Hindi ko naman inisip na may gagawa ng kabalbalan dito dahil private naman ang lugar.

Habang nasa loob ng cubicle, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Akala ko kung sino lang, pero narinig kong nag-uusap ang mga pumasok—dalawang lalaki, base sa mga boses nila. Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa ng mga lalaki sa loob ng pambabaeng comfort room?

"Sure ka ba na dito siya pumasok?" tanong ng isa, mababa at may halong kaba.

"Oo, nakita ko siya. Maganda yung suot niya yung kulay itim tapos naka YSL heels, impossible na makalimutan mo," sagot naman ng isa, mas mataas ang boses at halatang sabik.

Napatulala ako. Tangina, ako ba ang tinutukoy nila? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Luminga-linga ako sa maliit na espasyo ng cubicle, pilit iniisip kung paano ako makakalabas dito nang hindi nila napapansin.

"Hanapin mo na. Siguraduhin mong hindi tayo mahahalata. Bantayan mo yung pinto," sabi nung mababang boses. Narinig ko ang tunog ng sapatos nilang umiikot sa tiles.

Tahimik akong naglabas ng cellphone mula sa bulsa ng dress ko. Buti na lang at hindi ko ito iniwan sa clutch bag ko. Agad kong tinext si Azyl.

Me: Nasa CR ako. May dalawang lalaki dito. Tulungan mo ako.

Napakapit ako sa cellphone ko, pilit pinapakalma ang sarili. Narinig kong bumukas ang isa sa mga cubicle sa tabi ko. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang i-lock nang mas maayos ang pinto ng cubicle ko. Diyos ko naman, sana hindi nila makita na nandito ako.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip ko kung lalaban ba ako o magtatago nang marinig kong bumukas ulit ang pinto. Sumunod ang pamilyar na boses—mababa at malamig.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?"

Napahinto ang mga lalaki. "Zuhair? Anong ginagawa mo rito, bro?" tanong nung isa, halatang kinakabahan.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Wala kayong karapatang pumasok dito," sagot ni Zuhair, matigas at puno ng awtoridad.

Narinig ko ang tunog ng mabigat na hakbang. Pucha, si Zuhair na naman? Ano ba ‘to, guardian angel na siya ngayon?

"Tangina, di ka boss dito. Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay," sabi nung isa, pilit nagpapakatapang.

Narinig ko ang malakas na kalabog at ang ungol ng isa sa mga lalaki. "Sinabi ko nang lumabas kayo, hindi ba malinaw?" ani Zuhair, mas mababa na ang boses at mas nakakatakot.

Tahimik akong huminga nang malalim sa loob ng cubicle, pilit nilalabanan ang kaba. Narinig ko ang mabilis na yabag ng mga lalaki palabas ng CR.

"Labas, Alvarez. Ligtas ka na," malamig na sabi ni Zuhair mula sa labas ng cubicle.

Napanganga ako sa inis. Tangina, paano niya nalaman na ako 'to? Nakalimutan kong natakot ako kanina at napalitan ng inis dahil sa kanya.

Binuksan ko ang cubicle at bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Zuhair. Napatingala akong nakipagtitigan sa kanya.

"Ano?!" Masungit kong tanong.

"Ba't ka galit?" Inis nitong balik ng tanong sa akin.

Tinulak ko siya paalis sa pintuan para makalabas ako. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang humarang sa daraanan ko, parang tinutukso ako.

"Ba't parang ako pa ang masama dito?" usisa niya, nakataas ang kilay. "Ako na nga ang nagligtas, ako pa ngayon ang binabara?"

"Una sa lahat, hindi ko naman hiniling na iligtas mo ako, Smith," sagot ko, pilit nilalampasan siya. "At pangalawa, kaya ko ang sarili ko."

Tumawa siya, mababa at parang nanunukso. "Talaga? Kaya mo bang labanan ang dalawang lalaking mas malaki sa'yo?"

Napahinto ako at humarap sa kanya. "Bakit, ikaw ba si Superman? Gusto mo bigyan kita ng cape?"

"Ang kulit mo," aniya, mas seryoso na ang tono. "Ramdam ko kung paano ka kinabahan sa loob. Wag ka nang magpanggap na hindi mo ako kailangan."

Napalunok ako. Ibang klaseng lalaki. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga salitang binitiwan niya o sa paraan ng pagtitig niya na parang hinuhubaran ako ng kaluluwa. Pero hindi ko hahayaang siya ang may huling salita.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Smith," malamig kong sagot. Tumalikod ako at tuluyang naglakad palabas ng CR. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, hinila niya ako papasok ulit sa loob nang marinig ko ag tilian sa dance floor at hiyawan at mura mula sa kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napahawak sa dibdib niya. Pinulupot niya ang isang braso sa bewang ko habang nilock ang pinto ng cr sabay harang nito gamit ang katawan. Tila pinigilan niyang bumukas ang pinto kung sinuman ang maglakas loob na sisira rito.

"Anong nangyari sa labas?" Takang tanong ko.

"Naalala mo yung kasama ko kanina?" Tanong nito, ang braso nito ay nasa bewang ko pa rin, hinaplos pataas-baba.

Tumango ako at pilit di pinansin ang namumuong init sa aking katawan dahil sa ginawa niya.

Napailing siya. "Ayun, sumabog ata dahil sa inis at selos. Mukhang nalaman na niya ata na may ex-boyfriend ang kaibigan mo at ang kaagaw niya pa sa racing."

Kaibigan ko? Sino sa kanila? Azyl? Clythie? Dyosa? Eh, si Clythie lang naman ang may ex sa tatlong binanggit ko o baka may dumating na iba ko pang kaibigan. Hindi ko lang napansin dahil sa lalaking 'to.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, pilit inaalis ang braso niya sa bewang ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang kapit. Napatingin ako sa kanya nang may inis, pero parang wala siyang balak bitawan ako.

"Simple lang," sagot niya habang may bahagyang ngiti sa labi. "Mukhang nagkagulo sa labas dahil sa ex ng kaibigan mo. At baka mas malala pa kung malaman niyang ikaw ang kasama ko ngayon."

Napakunot ang noo ko. "Anong koneksyon ko diyan? At bakit parang kasalanan ko pa?"

Tumawa siya, mababa at may bahid ng tukso. "Wala akong sinasabing kasalanan mo. Pero huwag ka munang lumabas. Hayaan mong magkalinawan sa labas."

"At ikaw ang magde-decide para sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay. "Baka nakakalimutan mo, Smith, wala kang karapatang magdikta sa'kin."

Hindi siya sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, sapat lang para maramdaman ko ang init ng hininga niya. "Wala nga. Pero anong gagawin mo kung ayaw kong bitawan ka ngayon?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Tangina, bakit ba parang mas mahirap siyang labanan ngayon? Pinilit kong ayusin ang boses ko, kahit alam kong nagugulo na ako.

"Bitawan mo na ako," madiin kong sabi, pilit pinapakalma ang mabilis kong tibok ng puso. "Ayokong maging bahagi ng kahit anong gulo."

Sa halip na sumunod, ngumiti lang siya nang bahagya at tumingin sa akin na parang may binabasa sa mga mata ko. "Kung ganun, hindi ba't mas safe ka dito kasama ko?"

"Safe?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. "Sa'yo pa talaga?"

"Oo naman." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Hindi mo pa ba alam? Ako ang pinakaligtas mong pwedeng lapitan... at ang pinakadelikado rin."

Napailing ako, pilit na hinahabol ang normal na takbo ng isip ko. "Ano ba talaga ang gusto mo, Smith?"

"Simple lang," aniya habang dahan-dahan niyang  idinikit ang katawan niya sa akin. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya dahil sa uri ng kilos niya.

"Siraulo ka ba? Bakit mo hinagod sa puson ko ang alaga mo?! Ano?! Para maramdaman ko ang katigasan mo? Pakialam ko dyan! Bitawan mo ako."

Ngunit ang gago, tumawa lang ng malakas kahit sunod-sunod na katok ang narinig namin mula sa labas. Halos lahat ay babae. Nag-alala naman ako pero ang kasama ko walang pakialam sa kanila.

"Demonyita pero inosente." Bulong nito pero di ko pinansin.

"Bitawan mo ako, Smith!" madiin kong ulit, pilit na kumakawala sa yakap niya. Pero imbes na sumunod, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Halos maramdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba at inis.

Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin, ang ngiti niya'y parang may bahid ng pang-aasar. "Relax ka lang, bebelabs. Wala akong balak sayo. Gusto ko lang siguraduhin na safe ka dito."

"Safe?!" halos mapasigaw ako. "May mga babae na sa labas, naghihintay na makapasok, at eto ka, parang gago na niyayakap ako ng parang sarili mong unan! Ano ba, Eros?!"

"Ang init mo, ah." Hinaplos niya ang buhok ko na parang nanunuyo. "Ang cute mo kasi pag galit."

"Putangina, hindi ako cute!" sabi ko habang pilit tinutulak ang dibdib niya. "At hindi rin ako natutuwa sa ginagawa mo!"

Sa wakas, binitiwan niya ako pero hindi pa rin siya lumayo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, ang mga mata niya'y puno ng kapilyuhan. "Okay, okay. Bibitaw na. Pero sabihin mo muna... na-miss mo ako."

"Namiss?" halos matawa ako sa sobrang inis. "Ikaw? Tangina, Smith, kahit sa panaginip ayokong makita mukha mo!"

Ngunit sa halip na ma-offend, ngumiti lang siya nang mas malapad, parang nagtatagumpay siya sa pang-aasar niya sa akin. "Ouch. Ang sakit naman niyan, mahal. Pero sige na, para hindi na ako bad guy sa paningin mo, papasukin natin sila. Pero, in one condition."

Umawang ang labi ko. Walanghiya m! Humirit pa talaga. Anong one condition?

"Siraulo ka ba? Anong one condition? Nakuha mo pa talaga mag-in one condition? Nagkakagulo na sa labas."

"Edi don't."

Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang inis. Pisteng yawa! Ang sarap niyang ihulog sa tulay.

Napasinghap ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Eros, seryoso ka ba? May oras ka pang magpatawa? Anong condition na naman 'yan?"

Ngumiti siya, at may kung anong kislap sa mga mata niya na mas lalong ikinaiinit ng ulo ko. "Simple lang. Bigyan mo ako ng isang hmmm pag-iisipan ko pa pero dapat pumayag ka."

"Ano?!" Napataas ang boses ko, halos mapangiwi sa sinabi niya. "Ano to, joke? Ayoko! Kahit pinag-iisipan mo pa yan, ayoko pa rin."

Tumawa lang siya, pero seryoso ang tono ng boses niya nang magsalita ulit. "Kung ayaw mo, edi hindi ko bubuksan ang pinto. Sige, tayo na lang dito habang hinahayaan natin sila maghintay."

Nanlaki ang mga mata ko, at halos hindi ako makapaniwala sa pagka-baliw niya. "Eros, pwedeng-pwede kitang saksakin ngayon kung gusto mo. Papasukin mo sila bago pa ako ma-stress lalo!"

"Yun lang naman ang hinihingi ko," aniya habang hinilig ang likod sa pinto at tumingin sa akin na parang nanunukso.

Pumikit ako, pilit na kinakalma ang sarili kahit gusto ko nang sabunutan ang buhok niya. "Fine! Okay! Payag ako sa one condition mo kung ano man yan. Buksan mo na 'yang pinto!"

Ngumiti siya ng parang tagumpay na tagumpay, saka inabot ang lock ng pinto at binuksan ito. Agad na pumasok ang mga babaeng nasa labas, nagtilian at nagtakbuhan sa bawat cubicle.

"Salamat, Eros," sarkastiko kong sabi bago ko siya tinignan ng masama.

Pero sa halip na matakot o mahiya, tumawa lang siya at sumagot, "You're welcome, bebelabs."

Umirap ako at lumabas ng CR. Tangina talaga. Anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa anong kondisyon ng siraulong 'to?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 8 Narnia

    "My goodness! Halos mahimatay ako sa gabing yun, Inday. Parang nasapian ng tatlong bad spirits yung demonyitong Sean. Siraulo talaga! Nakipagbugbugan kay Marquis. Buti na lang nandun bebe boy ko kundi baka nahimatay ako sa gulat. Kawawa nga si Dyosa eh. Sa birthday niya pa talaga nag-away ang dalawa. Di ko alam kung anong rason sa away ng dalawa pero pakshet halos sa hospital ang abot ng dalawa. Akala ata ni Sean, hindi basag ulo si Marquis eh nakikimatch ng boxing yun kay Zephyr. Siraulo talaga!"Kanina pa si Azyl kakakwento sa nangyari noong nakaraang gabi sa birthday ni Dyosa. Pero mabuti na 'to para malaman ko ang detalye kung ano ang nangyari dahil nga nasa loob ako ng comfort room. Paglabas ko kase habang nakasunod sa akin ang siraulong Eros, ay insaktong tumigil ang kaguluhan. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan at kapatid sa magkabilang kampo.Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa walang tigil na kwento ni Azyl. "So, ibig mong sabihin, Azyl, dahil lang sa selos kaya na

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-08
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 9 Narnia

    "Are you okay?"Naibaba ko ang kamay ko at napatingin kay Ulysses."Bakit?" Tanong ko."Kanina mo pa hinihimas ang panga mo. Did someone punch you?" Tanong nito, na may halong pag-alala.Umiwas ako ng tingin at muling tinuon ang atensiyon sa ginawa ko na hindi ko pa nasimulan kahit isang page. May babasahin sana ako na isang information sa naimestigahan namin. Ang kaso, masakit panga ko kahapon pa at ang walanghiya mukhang napansin na nga ng kasamahan ko."Ah, ayos lang. Don't mind me." Simple kong sagot.Sumulyap ako kay Ulysses. Tumango ito pero hindi kumbinsido sa sagot ko ngunit di na ako kinulit. Lihim akong bumuntong hininga ng malalim at nayukom ang kamo maalala ang dahilan kung bakit masamit hanggang ngayon ang panga at lalamunan ko. Parang may tumutusok pa rin sa lalamunan ko. Piste!Magtutos kami ng siraulong yun kapag magkita ulit kami. Pero, bakit ako pumayag sa one condition kuno niya? Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa kahihiyan at kabobo. Maliit na tite lang y

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-09
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 10 Narnia

    Napasinghap ako at napako sa kinatatayuan ko. Si Eros. Ang hinayupak, nandito na naman. Agad akong umatras mula sa pagkakaakbay niya, pero mas lalo lang siyang ngumisi, ang ngisi niyang puno ng kayabangan at kasiguruhan sa sarili."Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko, hindi maitatago ang inis sa boses ko."Tinataboy ang mga makakapangahas na sumubok maghubad sa harap mo," sagot niya, walang pakialam kung gaano katarayan ang tingin ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong akin ka, Chronicles of Narnia."Napairap ako. "Akin ka, akin ka! Hindi mo ako pag-aari, Eros! At wala akong pakialam sa mga pambobola mo. Pwede bang umalis ka na at huwag mo nang guluhin ang gabi ko?""Pwede naman," ani niya, habang tinutukso pa rin ang lalaki kanina na mukhang nawalan na ng lakas ng loob at tumakbo na palayo. "Pero paano kung ayoko?"Humakbang siya palapit, masyadong malapit para sa ikakapanatag ko. Hindi ko maiwasang umatras, pero napansin kong nauubusan na ako ng espasyo. Napasandal ako sa pader, at b

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-09
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 11 Narnia

    "Stop the ride! Stop the ride!" Tili ni Azyl na kaharap ko. "Siraulo ka ba?! Anong stop the ride, stop the ride, pinagsasabi mo dyan?! Nasa tuktok tayo ng Ferris wheel." Tinitigan niya yung baba, kaya napatingin din ako doon para makita kung anong meron. Hindi ko kilala yung mga tao doon, pero nung nakita ko ang isang pamilyar na mukha, muntik ko na siyang ihulog—baliw! "Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my g—." "Put*ngina, Azyl! Ano ba?! Puro ka–oh my gosh! Ano?!" "Stop shouting and don't mura me." sigaw niya, pero ang mga mata niya, nakatutok pa rin sa dalawa. Umirap ako, hindi ko na alam kung anong gagawin. Lumabas na ang ulo niya sa kakatanaw sa dalawang nag-eenjoy na magkasama sa date. Pero itong kasama ko halos tatalon na sa histura niya ngayon. Kawawa naman ang kaibigan ko. Kaya pala nagyaya mag arcade dahil sa pisteng bebe niya na hanggang ngayon deadma pa rin sa pagmamahal niyang kaseng taas na ng Mount Everest. Siguro kapag maging dalawa ang buwan hindi na nonchalant bebe n

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-09
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 12 Narnia

    At ayun na nga, hinatak ako ni Azyl para manood ng mga bikers. Akala ko simpleng event lang ito—yung tipong chill lang at walang gaanong eksena. I was just wearing my black Diesel M-Onerva tank top, black high-waisted leather shorts, at isang black thin leather leg belt sa right leg. Nakalugay ang aking buhok. Simpleng edgy look, bagay naman sa vibe na iniisip ko. Pero pagdating namin sa venue, napahinto ako at literal na napanganga. Hindi pala simpleng bikers ang papanoorin namin. Eksaktong bikers parade ang event, at hindi lang basta parade—ito yung tipong grand gathering na parang festival sa laki ng crowd. Maraming tao. Sobrang daming tao. “Azyl, anong pinasok mo sa akin?!” bulong ko sa kanya habang pinagmasdan ang paligid. "Huwag kang mag-alala, witch. Masaya 'to!" sagot niya na para bang walang kaabog-abog, sabay flip ng bagong bangs niya na parang nasa commercial ng shampoo. Muntik pa kaming maubusan ng pwesto dahil sa dami ng tao, at kung hindi lang sa connections ni A

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-09
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 13 Narnia

    Nang matapos ang paligsahan at si Eros ang naiwan sa loob ng Circle, it means siya ang panalo. Mayabang itong kumakaway sa supporters niya sa loob ng circle at muling nagpakitang gilas sa huling pagkakataon.Umirap ako. Ang yabang-yabang talaga.Sumulyap ako sa kanya for the last time bago naisipan namin makipagsisikan ni Azyl sa dagat ng mga tao papunta sa ibang pakulo ng mga riders. Nanood kami ng motorcross at ang kwento ni Azyl, may isang devil ang kasali sa motorcross. Hindi nga lang niya alam kung sino sa myembro ng DEVILS."I wish, you can join Motocross, witch. You are good in habulan tas flying motor in the air. Like that." Tinuro pa talaga niya ang isang motor na lumipad sa ere at nag exhibition.Napakamot ako sa leeg. Lukot ang ilong ko ang nanonood. Ako? Ewan ko. Kung karera, siguro, pero kung ganito? Wag na lang at baka makita ko agad si San Pedro ng ganito kaaga.Nang nagutom kami ay pumunta kami sa Food Bazaar nila at pinili ang street foods. Pinili kong kumain ng hotdo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-12
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 14 Narnia

    Mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa likuran ko, ramdam ko ang bigat ng bawat galaw niya. Pilit akong kumakalas, nagpupumiglas sa mga braso niyang mahigpit na nakapulupot sa bewang ko, parang bakal na hindi ko kayang baliin."Bitawan mo ako," mariin kong sabi, puno ng banta, kahit pa alam kong hindi niya ako seseryosohin.Sa halip na bumitaw, naramdaman kong umiling siya, ang tuktok ng ulo niya bahagyang dumampi sa leeg ko. At bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko ang sunod-sunod na halik na dinampi niya sa gilid ng leeg ko. Maliliit na halik, pero bawat isa'y parang nag-iiwan ng marka. Ang init ng hininga niya ay naglalakbay sa balat ko, para bang pinapaso ako habang ang pabango niya, na malinis at matapang, ay nagiging dahilan ng kakaibang tensiyon na bumalot sa aming dalawa."Namiss ko 'yung bibig mo, Alvarez," aniya, halos pabulong, ang boses niya mababa at may bahid ng panggigigil. "Tangina, hindi ako pinatulog tuwing gabi. Kung hindi ko nilasing ang sarili ko

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-12
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 15 Narnia

    "Ahh... Tangina," ungol at mura niya habang ang buong katawan niya'y nanginig kasabay ng pag-abot niya sa sukdulan. Napasuntok siya sa pader, ang lakas ng impact ay nagdulot ng bahagyang echo sa tahimik na hallway. Kita ko ang paraan ng paghingal niya—malalim, magulo, tila nawalan ng kontrol ang kanyang sarili.Dinilaan ko ang likidong lumabas sa kanya, mainit at may kakaibang lasa. Pinilit kong manatiling composed, kahit pa ramdam ko ang kaba at init na bumalot sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—isang halo ng galit, pagkalito, at... isang bagay na ayaw kong aminin.Tumitig siya sa akin, ang mga mata niya'y nagbabaga, puno ng pagnanasa at kasiyahan sa nangyari. Ang kamay niya'y dumapo sa mukha ko, pinunasan ang labi ko gamit ang hinlalaki niya."Good girl," bulong niya, puno ng papuri at kontrol. Hinawakan niya ang baba ko, inangat ito upang magtama ang mga mata namin. "Hindi mo alam kung gaano ko 'to hinintay mangyari ulit."Hindi ako makapagsalita. Ang katawan ko'y n

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-14

Bab terbaru

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 89 Narnia

    Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 88 Narnia

    Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 87 Narnia

    Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 86 Narnia

    Dumilat siya at nginitian ako—yung ngiting nakakapundi, yung tipong may alam siyang hindi ko alam. Nairita ako agad, parang gusto ko na siyang itapon palabas. "I'm not a Maranzano for nothing," sabi niya, may halong kayabangan sa tinig. Yung tono na para bang ang apelyido niya ay license na para manghimasok sa buhay ng ibang tao. “Sagutin mo ng maayos, Alcyone. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo,” mariin kong sambit, sabay kunot ng noo. Umirap siya, saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib na para bang siya pa ang na-offend. "Connection, okay? Nothing else. Don’t worry, walang nakakaalam. Even your boyfriend.” Sinamahan pa niya ng irap at diin ang dulo, parang sinasadyang inisin ako. “Hindi ko siya boyfriend.” “Edi ex-boyfriend.” Kibit-balikat pa siya na parang wala lang. Walang pakialam kung sinasaktan niya ako sa sinabi niya. Napamura ako sa isip. Putang ina mo talaga, Alcyone. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang kumag na yun? Hindi man niya sinabi ang pangalan, alam kong si

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 85 Narnia

    Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 84 Narnia

    "Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 83 Narnia

    Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 82 Narnia

    Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 81 Narnia

    Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status