Isang malakas na s*ntok ang sinalubong ko sa kanya nang bumaba siya sa motor matapos naming mailigaw ang mga baliw na humahabol sa amin. Di ko na inisip kung nasaan kami, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maipasa ang inis at takot na nararamdaman ko, at siya ang tamang target.
"Araaaay! Ano ba problema mo?!" reklamo niya habang napaatras at napahawak sa kanyang panga. Nakakunot ang noo niya, pero imbes na magalit, napangisi pa siya. "Problema ko? Ikaw! Gago ka! Anong akala mo, trip ko ‘tong nangyari? Wala akong paki kung bakit ka hinahabol ng mga g*go na 'yon! Nadamay pa tuloy ako!" sigaw ko habang nakapamewang, ang init ng ulo ko abot hanggang langit. Ngumisi siya, kahit halatang masakit ang suntok ko. "Relax ka lang, miss sexy. Hindi ko naman sinasadya. In fact, nailigtas mo pa nga ako. Kaya dapat nagpapasalamat ka na naging hero ka ngayon," biro niya, pero alam kong hindi ako natutuwa. "Hero? S***a ka! Gusto mo bang sumunod diyan sa mga m*nyakis na 'yon? Hindi ako bayani, g*go. Isa kang malaking abala!" bulyaw ko ulit, habang tinuturo siya gamit ang nanginginig kong daliri. Pero imbes na sumagot nang maayos, bigla siyang tumawa nang malakas. "Alam mo, astig ka talaga. Ang init ng ulo mo, pero ang cute mo pa rin. Bagay sa'yo yung pagiging cool, bagay na bagay sa pangalan mong Narnia, parang Chronicles of Narnia." Tumigil siya sa pagtawa at biglang seryoso ang mukha niya. "By the way, ako nga pala si Zuhair, you can call me baby. And yes, I owe you big time. Pasensya na sa abala." Tinitigan ko siya nang masama, pero sa loob-loob ko, nagulat ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Napatingin ako sa tattoo ko sa collarbone. Ah, doon siguro. "Tsk. Wag mo akong matawag na 'miss sexy' o kung ano pang shit na nickname ang tawag mo. Narnia lang," sabi ko, pilit na hinuhupa ang galit ko. "At wala akong pakialam sa utang na loob mo. Basta lumayo ka sa akin." Napakamot siya ng ulo, parang bata na nahuli sa kalokohan. "Sure, sure. Pero bago 'yon, kailangan muna nating umalis dito. Sigurado akong hindi pa sumusuko ang mga 'yon. At mukhang mas malala kapag nahuli nila tayo." Napalingon ako sa paligid. Madilim ang lugar, parang nasa gitna kami ng kung saan-saang desyerto o probinsya. Napakagat-labi ako. "Put*ngina, saan ba tayo ngayon?" "Somewhere safe… for now. Pero kung gusto mong makaalis, kailangan ko ulit sumakay sa motor mo. Promise, this time walang talong na didikit," sabi niya na may pilit na ngiti, parang nagpipilit maging magaan ang sitwasyon. Tinuro ko ang motor ko at nagtaas ng kilay. "Sumakay ka na. Pero tandaan mo, isang maling galaw mo lang, hindi na suntok aabutin mo. Sipa sa talong mo." Natawa siya, pero sumunod agad. "Noted, mahal. Sipa-proof na 'to." Sinimangutan ko siya habang inaandar ang motor. Sa isip ko, sana matapos na ang kalokohang 'to. Pero may kung anong kutob ako na hindi pa tapos ang gulong pinasok ko. *** "Dito lang...dyan. Hay salamat! Ikaw ang hero ko." Di ako umimik dahil sumakit tenga ko sa kadaldalan niya. Kalalaking tao, madaldal. Ewan ko sa kanya pero in fairness ang bango niya hindi masakit sa ilong. Bumaba siya ng motor at huminto sa tabi ko. Tinaas ko ang shield para makita siya at binigyan ng masamang tingin. Pero ang hin*yupak, sumaludo sa akin habang nakangisi. Piste! "Thank you for your service. Until next time! See you around, Chronicles of Narnia! Don't forget my name, Zuhair, your bebe." Sabi nito. "Wala akong pakialam kong Zuhair ang pangalan mo. Sabi ng wag mo akong tawaging Chronicles of Narnia!" Bago ko pa siya matadyakan sa binti ay agad itong kumiripas ng takbo. P*ta! Lagot yun sa akin kapag nagkita kami. Napailing nalang akong nakatitig sa likuran niyang papalayo sa akin. Nailibot ko ang tingin mapansing hindi ako pamilyar dito. Kumunot ang noo ko ngunit ramdam ko naman na safe ako sa lugar na 'to. Muli akong napalingon sa gawi ng lalaki kung saan ay hindi ko na mahagilap. Binaba ko na lang ang shield at pinatunog ang motor. Sumulyap ako ng isang beses sa daan na tinahak niya bago umalis. Habang papalayo ako ay hindi nawala sa isipan ko ang asul nitong mga mata. Pamilyar siya sa akin ngunit di ko maalala kung saan ko siya nakita. Buzz cut, siya yung lalaking kakambal ang gulo, medyo bad boy ang dating, at may tattoo sa likod. Alam ko yun dahil sumilip sa batok niya. Tapos may hikaw na silver hoop sa kaliwang tenga. Habang patuloy akong nagpapatakbo ng motor, di mawala sa isip ko ang lalaking 'yun. Nakakainis na nakakaintriga. Sino ba siya? Pamilyar siya, pero hindi ko talaga mawari kung saan ko siya nakita. Kinabahan naman ako dahil baka kalaban ko siya—namin. "Tang*na naman, Narnia, wag ka ngang praning. Malay mo, stalker lang talaga yun o adik," bulong ko sa sarili habang bahagyang umiiling. Pero kahit anong pilit kong kalimutan, bumabalik ang eksena ng mga mata niya at ng ngising walanghiya. "Sino ba talaga ang lalaking 'yun?" Napabuntong-hininga na lang ako, pilit na tinatakpan ang bumubulong na bahagi ng isip ko na baka hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Huminto ako sa isang kanto para magpahinga saglit. Inikot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa gilid na ako ng highway. Walang gaanong sasakyan, tanging ilaw mula sa poste ang nagbibigay liwanag. Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin, kaya't inabot ko ang leather jacket ko sa compartment ng motor. Habang isinususuot ko ito, biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Tinignan ko agad ang screen—isang unknown number ang nag-text. Ingat ka palagi, Chronicles of Narnia. See you soon. - May crush sayo Napatigil ako, parang tumigil din ang mundo ko. Paanong—? Chronicles of Narnia Teka! "G*go 'to! Paanong nakuha 'to numero ko?" Halos mapasigaw ako, pero agad kong nilibot ang mata ko sa paligid, baka nasa malapit lang siya. Pero wala. Tahimik ang paligid, bukod sa dumadaang ilang sasakyan. Napapikit ako at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. "Okay, Narnia, relax. Baka coincidence lang. O baka trip lang niya." Pero alam kong hindi. At ang kaba ko, lalo lang lumala. Putcha! Sabi na eh! Paano niya nakuha ang impormasyon ko? Piste! Kalaban nga. Sumakay ulit ako sa motor at pinaandar ito nang mas mabilis. Habang bumabaybay sa kalsada, naramdaman ko ang kakaibang kaba na parang may mata na nakamasid sa akin. At sa likod ng utak ko, isang bagay ang malinaw—may kalaban akong natulungan.Nakangisi akong pumasok sa bahay mula sa likurang pinto, sinisiguradong walang nakakapansin sa akin. Pasipol-sipol akong dumiretso sa kusina, nagbubukas ng ref habang hinahanap ang kahit anong makakain. Medyo nagutom ako dahil sa gulong nangyari kanina. Kanina Napahinto ako habang inaalala ang amazonang babaeng nagpapatigas ng alaga ko—este, nagpapatibok ng puso ko. Napangisi ako, at napahawak sa dibdib. Putcha! Ang lakas ng pintig. Parang may naghuhurumintadong kabayo sa loob ng dibdib ko. "Sh*t, na-love at first sight ata ako. Yare na, pre!" Napailing ako habang napapakamot sa ulo. Pero teka, bigla akong napasimangot nang maalala kong hindi ko nakuha ang premyo kanina sa motor circle. Nanalo na nga ako, pero sinabihan pa ako ng kalaban kong nandaya raw ako. Mga siraulo! Hindi lang nila matanggap ang salitang talo. Ang mga gago, sinugod pa ako. Mabuti na lang at dumating si Chronicles of Narnia. Napangiti ulit ako habang inaalala kung paano niya pinagalitan at sinuntok ako. Ang
"Narnia Melpomene Alvarez! You witch!"Napaupo ako sa gulat, dahilan para mauntog ako sa ilalim ng sasakyan. Napahawak ako sa noo at hindi napigilang mapamura. Ay oo nga pala, nasa ilalim ako ng sasakyan, inaayos ang makina. Kung kailan pa naman tahimik ako dito, bigla akong ginulat ng boses na iyon.Napalingon ako sa kanan, kung saan nanggaling ang nakakainis na sigaw. Una kong napansin ang suot nitong kulay pulang heels. Sa heels pa lang, alam ko na agad kung sino ang walang hiyang gumugulo sa akin.Sinamaan ko ng tingin ang baliw na babaeng iyon, pero binalikan lang ako ng matamis na ngiti—isang ngiting puno ng pang-aasar.Sabi ko nga, walang iba kundi si Azyl, with her signature Valentino heels."Ano na naman ang problema mo, Azyl?" inis kong tanong, habang hinila ko ang sarili ko palabas mula sa ilalim ng sasakyan."Problema? Wala. Gusto lang kitang kamustahin, bestie!" sagot niya, sabay ikot ng buhok niya gamit ang daliri. Oh, please. Kung may gusto itong sabihin, diretsohin na
"Ayos ba?" tanong ko kay Azyl, na kakalabas lang ng banyo.Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, at biglang napalakpak na parang nasa fashion show."Bravo! Bravo! We look like an expensive couple," sabi niya na may halong pang-aasar, pero halatang impressed.Nakasuot ako ng maikling black satin slip dress. Na halos manipis na spaghetti straps and a cowl neckline. Napansin ko rin na medyo sumisilip ang balat ko sa ibaba ng kilikili, pero wala na akong pakialam. Pinaghalong simple pero classy. Pinaresan ko na rin ng YSL heels para kumpleto na ang datingan.Tumingin ulit siya sa akin at huminga ng malalim. "Inday, if I were into girls, naku baka na-in love na ako sa'yo ngayon pa lang."Napailing ako at naglakad papunta sa salamin para tingnan ang sarili ko. Kahit papaano, satisfied ako sa ayos ko. Perfect lang para sa gabi namin."Ikaw? Ayos na ba?" tanong ko pabalik sa kanya habang sinisilip siya sa reflection ng salamin."Hello? Ako pa ba? Look at this!" Saka pa siya nag-pose
"Inday, dumidiretso siya dito!" sabing excited ni Azyl, na halatang nag-e-enjoy sa sitwasyon."Tumahimik ka," sagot ko, pilit na inayos ang postura ko. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko.Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit siya, parang mas lalong bumigat ang paligid. Nangingibabaw ang presensya niya, at kahit anong pilit kong huwag magpaapekto, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko."Chronicles of Narnia," bati niya nang nakangiti habang tumayo sa harapan ko. Ang boses niya—mababa, malalim, at puno ng kumpiyansa—parang tumagos sa kaluluwa ko.Narinig kong napatawa sa tabi ko si Azyl sa patawag sa akin ng siraulo. Di ko pinansin at baka mabatukan ko pa."Zuhair," sagot ko nang malamig, pilit pinapanatili ang poker face ko. "Anong ginagawa mo dito?"Ngumiti siya ulit, mas malapad. "Bakit, bawal na ba akong mag-enjoy ng gabi ko?"Di ako nagsalita. Nagtitigan lang kami kahit tumikhim si Azyl sa tabi ko ay hindi naputol."Err...grabeng lagkit yan. Iwan ko na
"Ano? Tititigan mo lang ako?" naiinis kong sabi, pilit pinipigilan ang pagtaas ng kilay ko.Halos ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang ginawa kundi titigan lang ako, nakahalumbaba pa na parang nasa pelikula. Nakakapikon. Napasuklay ako sa buhok bilang pang-disgusto at pilit umiwas ng tingin, pero hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa adams apple niya.Nakita ko itong gumalaw kasabay ng bahagyang pagnguya niya, dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? Bakit ako napapatingin sa parte na 'yan ng katawan niya? Ano bang meron? Agad akong bumawi ng tingin at tiningnan ang mukha niya, pero natagpuan ko na nakangisi na pala ang gago."Enjoying the view?" tanong niya, bahagya pang iniangat ang baba niya na tila nanunukso.Umirap ako at muling sinandal ang likod sa upuan."Sa hitsura mong 'yan? Ewan ko na lang kung paano ka nagkaka-girlfriend," tugon ko nang matalim.Tumawa siya, malalim at nakakainis. "So, na-confirm ko na... kanina pa pala ako type ng mata mo, Miss sex
"My goodness! Halos mahimatay ako sa gabing yun, Inday. Parang nasapian ng tatlong bad spirits yung demonyitong Sean. Siraulo talaga! Nakipagbugbugan kay Marquis. Buti na lang nandun bebe boy ko kundi baka nahimatay ako sa gulat. Kawawa nga si Dyosa eh. Sa birthday niya pa talaga nag-away ang dalawa. Di ko alam kung anong rason sa away ng dalawa pero pakshet halos sa hospital ang abot ng dalawa. Akala ata ni Sean, hindi basag ulo si Marquis eh nakikimatch ng boxing yun kay Zephyr. Siraulo talaga!"Kanina pa si Azyl kakakwento sa nangyari noong nakaraang gabi sa birthday ni Dyosa. Pero mabuti na 'to para malaman ko ang detalye kung ano ang nangyari dahil nga nasa loob ako ng comfort room. Paglabas ko kase habang nakasunod sa akin ang siraulong Eros, ay insaktong tumigil ang kaguluhan. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan at kapatid sa magkabilang kampo.Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa walang tigil na kwento ni Azyl. "So, ibig mong sabihin, Azyl, dahil lang sa selos kaya na
"Are you okay?"Naibaba ko ang kamay ko at napatingin kay Ulysses."Bakit?" Tanong ko."Kanina mo pa hinihimas ang panga mo. Did someone punch you?" Tanong nito, na may halong pag-alala.Umiwas ako ng tingin at muling tinuon ang atensiyon sa ginawa ko na hindi ko pa nasimulan kahit isang page. May babasahin sana ako na isang information sa naimestigahan namin. Ang kaso, masakit panga ko kahapon pa at ang walanghiya mukhang napansin na nga ng kasamahan ko."Ah, ayos lang. Don't mind me." Simple kong sagot.Sumulyap ako kay Ulysses. Tumango ito pero hindi kumbinsido sa sagot ko ngunit di na ako kinulit. Lihim akong bumuntong hininga ng malalim at nayukom ang kamo maalala ang dahilan kung bakit masamit hanggang ngayon ang panga at lalamunan ko. Parang may tumutusok pa rin sa lalamunan ko. Piste!Magtutos kami ng siraulong yun kapag magkita ulit kami. Pero, bakit ako pumayag sa one condition kuno niya? Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa kahihiyan at kabobo. Maliit na tite lang y
Napasinghap ako at napako sa kinatatayuan ko. Si Eros. Ang hinayupak, nandito na naman. Agad akong umatras mula sa pagkakaakbay niya, pero mas lalo lang siyang ngumisi, ang ngisi niyang puno ng kayabangan at kasiguruhan sa sarili."Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko, hindi maitatago ang inis sa boses ko."Tinataboy ang mga makakapangahas na sumubok maghubad sa harap mo," sagot niya, walang pakialam kung gaano katarayan ang tingin ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong akin ka, Chronicles of Narnia."Napairap ako. "Akin ka, akin ka! Hindi mo ako pag-aari, Eros! At wala akong pakialam sa mga pambobola mo. Pwede bang umalis ka na at huwag mo nang guluhin ang gabi ko?""Pwede naman," ani niya, habang tinutukso pa rin ang lalaki kanina na mukhang nawalan na ng lakas ng loob at tumakbo na palayo. "Pero paano kung ayoko?"Humakbang siya palapit, masyadong malapit para sa ikakapanatag ko. Hindi ko maiwasang umatras, pero napansin kong nauubusan na ako ng espasyo. Napasandal ako sa pader, at b
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl
Dahan-dahan kong hinaplos ang itim na takip, parang inaabsorb ang init ng papel. American Mafia, commonly referred to in North America as the Italian-American Mafia, the Mafia, or simply the Mob, is a highly organized criminal society rooted in Italian-American communities, known for its deep influence in politics, business, and law enforcement. The Five Families: • Genovese Crime Family Once hailed as the most powerful of the Five Families that ruled over organized crime in New York City, the Genovese Crime Family has undergone a terrifying evolution. Now known as the Smith Crime Family, it has shed its old skin and emerged under a new, more ruthless name. According to the document: > “In early 20*, the Genovese Crime Family saw a violent and unprecedented rise to power by a new figure: Zuhair Eros Smith.” “He led an internal coup, executing the former boss in cold blood during a closed-door council meeting. Witnesses to the assassination were either silenced through
Napakurap ako. Shuta! Ang haba naman ng name. Kastila nga!"Ang haba naman." Komento ni Diwata."So, what's about him? Don't tell me, nagstalk ka sa kanya? Kilala kita, Noémie." Taas kilay na sabi ni Clythie kay Noémie.Ako naman ay napatanga. Iniisip ko si Belial na tauhan ni Cascioferro. Imposibleng siya ang tinutukoy ni Noémie pero malay ko naman kung siya nga. Eh, di ko alam full name nun. Di kami close.Kung Navy, bakit nagtatrabaho siya kay Cascioferro?"Di ko napigilan. So, I stalked him. Mas lalong pomogi tapos daddy vibes." May halong tawa sa huli."Ewan ko sayo. I thought ex-crush na?""Ex-crush na nga. It's not bad to admire him because he's a Navy officer." Nakasimangot na sabi ni Noémie."At anong balak mo ngayon? Magpa-assign sa Navy para lang makita siya?" tukso ni Clythie habang nakangisi."Gaga! Syempre hindi!" Napairap si Noémie, pero kita sa mukha niya ang natatawang inis. "Alam mo namang wala akong balak bumalik sa past, pero grabe lang kasi, ang laki ng pinagbago
"May naghahanap sa’yo, ‘yun ang alam ko." Biglang sabi ni Diwata, hindi man lang lumingon sa akin habang nakatutok sa phone niya. "Si Azyl ata, ‘yung ate ni Azura. Si Azura naman, hindi siya hinayaan ng asawa niya na malaman ang mga nangyayari. Buntis kasi siya. Masama sa baby. Gano’n din si Selene, pero matutuloy na ang kasal niya next week." Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya. "Sino source mo?" Tumingin lang siya saglit sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa phone niya. "Akin na ‘yun." Napakamot ako sa pisngi, asar na sa sagot niya pero wala akong nagawa. Napatingin ako sa paligid, pilit iniisip kung paano makakalabas nang hindi niya namamalayan. Ang tagal ko na sa bahay. Naiinis na ako sa sarili ko, sa sitwasyon, sa lahat. Nayayamot na ako sa bahay pero hindi ako hinayaan ni Diwata makalabas ng bahay dahil baka magtransform daw ako. Takte! Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas maiinis dahil sa sobrang overprotective niya. Biglang
"Narnia, where the heck are you going?" Tarantang tanong ni Clythie nang makita niyang nagmamadali akong lumabas ng bahay.Hindi ko siya sinagot. Hindi ko na kayang magsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na dagundong ng dugo sa mga tainga ko.Sa isang iglap, nasa Devil Village na ako, sa mismong mansyon nina Eros. Lahat sila nandito—nagtipon, para saan? Para pag-usapan kung paano nila tatakasan ang kasalanan nila?Wala akong pakialam.Dumeretso ako kay Hussein—hindi ko alam kung sino ang sumigaw para pigilan ako, pero huli na ang lahat.Isang suntok at sipa.Tumilapon siya sa sahig, may dugong dumaloy sa gilid ng labi niya."Narnia!" May nag-humawak sa braso ko, pero tinabig ko ito."Calm down, anak."Nanigas ang katawan ko. Tita Cassy."Hindi mo ako anak!" Sigaw ko, halos yumanig ang buong mansyon.Biglang tumayo lahat ng anak ni Ma’am Cassandra. Kahit ang asawa nitong si Dark, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin—puno ng babala, ng galit. Pero ano sa tingin ni
Saglit siyang natigilan, tila nag-aalangan kung dapat niya akong sagutin. Pero sa huli, dahan-dahan siyang umiling, pilit na pinapalabas ang isang mahina at pilit na ngiti. "Nothing," sagot niya, pero may bahid ng pagod at bigat sa tinig niya. "If meron man, kaya ko naman. Kakayanin ko hanggang gumraduate sa college. Ilang days na lang naman." Hindi ako kumbinsido. Masyado siyang tahimik, masyado niyang pinipilit ipakita na ayos lang siya—pero hindi ako tanga. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Clythie..." Mahina kong tawag sa kanya, pero umiwas siya ng tingin. "Narnia, kumain ka na lang muna," aniya, saka tinulak palapit sa akin ang plato ng pagkain. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. Marami ka pang haharapin." Alam kong may gustong sabihin si Clythie—alam kong may tinatago siya. Pero sa ngayon, hinayaan ko na muna siya. Marami pa akong kailangang alamin, marami pa akong kailangang tapusin. Tahimik akong kumuha ng pagkain, pero hindi ko mapigilang mag-isip. "Paano m