"You need to calm down, ma'am.""Kalmado ako." Mabilis kong sagot, masyadong mabilis.Bumuntong-hininga si Monroe sa harap ko, halatang hindi naniniwala."We will do everything to erase this video, ma'am."Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatitig sa kisame, walang buhay, walang emosyon. Alam kong hindi dapat ako padalos-dalos. Alam kong hindi dapat ako magpatalo sa galit. Pero puta—baka sa isang iglap lang, magawa kong burahin sa mundo ang buong angkan nila.Naririnig ko pa ang mahihinang yapak ni Monroe habang papalayo. Pagkalabas niya, napatawa ako—isang mapait, wala-sa-sarili, halos baliw na tawa.Tangina.Ako ang nasasaktan para sa kakambal ko. Ako ang nagngangalit para sa kanya. Ako ang dapat na nandiyan, pero wala ako.Punyeta!"Narnia, dear."Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ni Ate Esme. Kumurap ako bago tumingin sa kanya. Nasa isang pribadong ari-arian kami ng asawa niya.Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita."Your silence is scary, but I unders
Dumaan ang ilang araw, at halos hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Isang balita ang umabot sa akin—na-postpone ang kasal ni Selene at Daemon dahil sa nangyari. Ewan. Wala na akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam kung matuloy ba iyon o hindi. Wala na. Wala na talaga. Nablanko ang utak ko sa kanila, dahil napatunayan kong—sino ba kami para sa kanila? Sino ba kami ni Urania sa malaking angkan nila? Ano ba ang halaga namin sa kanila maliban sa pagiging panggulo sa maayos nilang mundo? Sa totoo lang, pakiramdam ko, kami ni Urania ay nakisiksik lang sa mundong hindi para sa amin. Napailing ako habang nakatitig sa kawalan. Nang matauhan ako, nasa loob na pala ako ng kotse, kasama si Monroe. Tahimik siyang nagmamaneho, habang ako naman ay nakapako ang tingin sa bintana. Sa labas, natanaw ko ang isang private plane na dahan-dahang papalayo sa runway. Si Ate Esme. Si Urania. Ang asawa niya. Papalipad na sila patungong Monaco—palayo sa gulo, palayo sa sakit, palayo
Saglit siyang natigilan, tila nag-aalangan kung dapat niya akong sagutin. Pero sa huli, dahan-dahan siyang umiling, pilit na pinapalabas ang isang mahina at pilit na ngiti. "Nothing," sagot niya, pero may bahid ng pagod at bigat sa tinig niya. "If meron man, kaya ko naman. Kakayanin ko hanggang gumraduate sa college. Ilang days na lang naman." Hindi ako kumbinsido. Masyado siyang tahimik, masyado niyang pinipilit ipakita na ayos lang siya—pero hindi ako tanga. Alam kong may bumabagabag sa kanya. "Clythie..." Mahina kong tawag sa kanya, pero umiwas siya ng tingin. "Narnia, kumain ka na lang muna," aniya, saka tinulak palapit sa akin ang plato ng pagkain. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. Marami ka pang haharapin." Alam kong may gustong sabihin si Clythie—alam kong may tinatago siya. Pero sa ngayon, hinayaan ko na muna siya. Marami pa akong kailangang alamin, marami pa akong kailangang tapusin. Tahimik akong kumuha ng pagkain, pero hindi ko mapigilang mag-isip. "Paano m
"Narnia, where the heck are you going?" Tarantang tanong ni Clythie nang makita niyang nagmamadali akong lumabas ng bahay.Hindi ko siya sinagot. Hindi ko na kayang magsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na dagundong ng dugo sa mga tainga ko.Sa isang iglap, nasa Devil Village na ako, sa mismong mansyon nina Eros. Lahat sila nandito—nagtipon, para saan? Para pag-usapan kung paano nila tatakasan ang kasalanan nila?Wala akong pakialam.Dumeretso ako kay Hussein—hindi ko alam kung sino ang sumigaw para pigilan ako, pero huli na ang lahat.Isang suntok at sipa.Tumilapon siya sa sahig, may dugong dumaloy sa gilid ng labi niya."Narnia!" May nag-humawak sa braso ko, pero tinabig ko ito."Calm down, anak."Nanigas ang katawan ko. Tita Cassy."Hindi mo ako anak!" Sigaw ko, halos yumanig ang buong mansyon.Biglang tumayo lahat ng anak ni Ma’am Cassandra. Kahit ang asawa nitong si Dark, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin—puno ng babala, ng galit. Pero ano sa tingin ni
"May naghahanap sa’yo, ‘yun ang alam ko." Biglang sabi ni Diwata, hindi man lang lumingon sa akin habang nakatutok sa phone niya. "Si Azyl ata, ‘yung ate ni Azura. Si Azura naman, hindi siya hinayaan ng asawa niya na malaman ang mga nangyayari. Buntis kasi siya. Masama sa baby. Gano’n din si Selene, pero matutuloy na ang kasal niya next week." Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya. "Sino source mo?" Tumingin lang siya saglit sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa phone niya. "Akin na ‘yun." Napakamot ako sa pisngi, asar na sa sagot niya pero wala akong nagawa. Napatingin ako sa paligid, pilit iniisip kung paano makakalabas nang hindi niya namamalayan. Ang tagal ko na sa bahay. Naiinis na ako sa sarili ko, sa sitwasyon, sa lahat. Nayayamot na ako sa bahay pero hindi ako hinayaan ni Diwata makalabas ng bahay dahil baka magtransform daw ako. Takte! Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas maiinis dahil sa sobrang overprotective niya. Biglang
Napakurap ako. Shuta! Ang haba naman ng name. Kastila nga!"Ang haba naman." Komento ni Diwata."So, what's about him? Don't tell me, nagstalk ka sa kanya? Kilala kita, Noémie." Taas kilay na sabi ni Clythie kay Noémie.Ako naman ay napatanga. Iniisip ko si Belial na tauhan ni Cascioferro. Imposibleng siya ang tinutukoy ni Noémie pero malay ko naman kung siya nga. Eh, di ko alam full name nun. Di kami close.Kung Navy, bakit nagtatrabaho siya kay Cascioferro?"Di ko napigilan. So, I stalked him. Mas lalong pomogi tapos daddy vibes." May halong tawa sa huli."Ewan ko sayo. I thought ex-crush na?""Ex-crush na nga. It's not bad to admire him because he's a Navy officer." Nakasimangot na sabi ni Noémie."At anong balak mo ngayon? Magpa-assign sa Navy para lang makita siya?" tukso ni Clythie habang nakangisi."Gaga! Syempre hindi!" Napairap si Noémie, pero kita sa mukha niya ang natatawang inis. "Alam mo namang wala akong balak bumalik sa past, pero grabe lang kasi, ang laki ng pinagbago
Dahan-dahan kong hinaplos ang itim na takip, parang inaabsorb ang init ng papel. American Mafia, commonly referred to in North America as the Italian-American Mafia, the Mafia, or simply the Mob, is a highly organized criminal society rooted in Italian-American communities, known for its deep influence in politics, business, and law enforcement. The Five Families: • Genovese Crime Family Once hailed as the most powerful of the Five Families that ruled over organized crime in New York City, the Genovese Crime Family has undergone a terrifying evolution. Now known as the Smith Crime Family, it has shed its old skin and emerged under a new, more ruthless name. According to the document: > “In early 20*, the Genovese Crime Family saw a violent and unprecedented rise to power by a new figure: Zuhair Eros Smith.” “He led an internal coup, executing the former boss in cold blood during a closed-door council meeting. Witnesses to the assassination were either silenced through
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl
Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s
Ilang minuto kaming nagtalo bago naisipan bumili na lang ng pagkain sa labas. Naging okay na rin ang araw namin kahit inis pa rin ako sa kasama ko. Kinabukasan, sinumpong na naman ako ng ugaling buntis. Ang sarap itapon ni Alcyone sa dagat. Grabe mang-asar. Alam niyang buntis ako, inaasar pa talaga ako. Ang saya-saya raw niya kapag nakikita akong umiiyak. Tignan mo?! Tignan mo?! "You're not in love with him, gaga! Mahal mo lang ang tite ni Zuhair." Asar nito, habang hawak ang basong may natitirang juice, parang ready na ibato sa akin. Mas lalo akong naiyak. Di ako in love sa lalaking yun at mas lalong di ako in love sa tite niya! Ba't ba ako umiyak?! Piste! Sino ba kaseng nagsabing inlove ako sa lalaking yun?! "Why are you crying? Stop crying na kaya." "Paano kung tama ka? Mahal ko lang pala talong ni Eros at hindi siya?" tinig ko’y paos, garalgal. Tumingala ako habang pilit pinupunasan ang luha. “Paano kung... mahal ko lang pala yung talong ni Eros, at hindi siya?” Nanlaki ang
Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung sinabi niya, o yung kislap sa mga mata niyang parang nag-e-enjoy siya sa gulo habang ako’y unti-unting nilalamon ng kaba. "The Almighty Smith, mataguan ng anak? Ang sarap sa ears. Wait, we should not include his family name kay baby. We will make him crazy and...." “Alcyone…” mahina kong tawag sa pangalan niya, halos pabulong. Napahinto ito sa kakadaldal ng kung ano-anong plano niya. “Hindi ito laro.” mariin kong bigkas. Tumaas ang kilay niya, tapos tumawa ng mahina. “Oh, sweetheart. Sa mundo namin, lahat laro. Life, death, betrayal, love, loyalty—lahat may stakes. And guess what? You just became the jackpot.” “Hindi mo ba ako naririnig? Ayokong madamay ang anak ko sa mga gulo niyo. Hindi siya weapon. Hindi siya pawn. At hindi ko siya palalakihing may takot sa likod ng bawat pintuan.” Bigla siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya, napalitan ng seryosong titig. Parang sa unang beses, naramdaman kong may tao ri
Dumilat siya at nginitian ako—yung ngiting nakakapundi, yung tipong may alam siyang hindi ko alam. Nairita ako agad, parang gusto ko na siyang itapon palabas. "I'm not a Maranzano for nothing," sabi niya, may halong kayabangan sa tinig. Yung tono na para bang ang apelyido niya ay license na para manghimasok sa buhay ng ibang tao. “Sagutin mo ng maayos, Alcyone. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo,” mariin kong sambit, sabay kunot ng noo. Umirap siya, saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib na para bang siya pa ang na-offend. "Connection, okay? Nothing else. Don’t worry, walang nakakaalam. Even your boyfriend.” Sinamahan pa niya ng irap at diin ang dulo, parang sinasadyang inisin ako. “Hindi ko siya boyfriend.” “Edi ex-boyfriend.” Kibit-balikat pa siya na parang wala lang. Walang pakialam kung sinasaktan niya ako sa sinabi niya. Napamura ako sa isip. Putang ina mo talaga, Alcyone. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang kumag na yun? Hindi man niya sinabi ang pangalan, alam kong si
Lumipas ang mga araw. Mga linggo. Buwan.Tahimik ang buhay ko sa silong ng mga pine tree, sa likod ng makakapal na kurtina ng hamog sa umaga. Araw-araw, naglalakad ako sa palibot ng resthouse, iniinom ang mainit na salabat, kinakausap ang anak sa tiyan ko, at dinidiligan ang mga pananim sa likod ng resthouse."Magiging matatag tayo, anak. Hindi tayo para sa kanila ngayon. Pero balang araw… kapag kaya ko na, kapag kaya mo na… babalik tayo. Hindi para magpaliwanag, kundi para tumayo sa sarili nating mga paa."Bawat hakbang palayo sa dati kong mundo ay hakbang patungo sa bago. Iba na ang ritmo ng buhay ko, ngayon. Simple. Payapa. Walang tinig ng galit, walang mata ng paninisi, at higit sa lahat—walang presensya ng lalaking sumira sa mundo ko.Pero kahit pilit kong takasan, gabi-gabi pa rin siyang bumabalik sa panaginip ko. Punyeta!Ang mga mata niya—galit, malungkot, puno ng tanong."Nasaan ka, Alvarez?"At sa panaginip ko, lagi ko siyang nilalampasan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko s
"Anong magagawa ko? I'm an OB, not a police officer or some undercover agent. Paano kita matutulungan sa ganitong sitwasyon?" Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang nilapitan ko—si Doc. Pero wala na akong mapuntahan. Lahat ng dapat kong takbuhan, unti-unti nang lumalayo o nagiging estranghero sa mata ko. At sa dami ng pwedeng lapitan, siya pa rin ang naisip ko. "Desperado na ako, Doc..." bulong ko habang naiiyak, pilit na tinatago ang panginginig ng boses. "Kailangan ko ng tulong mo. Kahit konti lang. Kahit ‘yung maramdaman kong may kakampi pa rin ako." Sandali siyang natahimik, halatang gulat at naguguluhan sa paglabas ko ng emosyon. Tumikhim siya at maingat na nagtanong, "Bakit hindi mo kay Azyl hiningi ang tulong?" Mapait akong ngumiti, at marahang umiling. "Hindi ko na mahanap ang tiwala ko sa kanya, Doc. Parang... pakiramdam ko, pinagtaksilan din niya ako. Baka nga isa siya sa mga may alam sa nangyari pero pinili niyang manahimik. Nilapitan niya ako, oo... pero b
Dalawang araw akong nanatili sa ospital. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan. Sobrang stress ang dinanas ko, at ayon sa doktor, ang katahimikan lang ang makakatulong para mapanatag ako at ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi matahimik ang puso’t isipan ko. Pagkatapos ng dalawang araw, nagdesisyon akong umuwi sa Tondo. Malapit lang ito kumpara sa rest house nina Kuya Benjamin—asawa ni Ate Esme. Mas pinili kong mapalapit sa kung ano mang pamilyar, kahit pa wala na ring kasiguruhan ang “pamilyar” sa buhay ko ngayon. Pero hindi ko inakala… na sa pagbukas ng pinto, ang una kong makikita ay ang taong pinakaayaw ko nang makita—si Eros. Nasa sala siya, nakaupo. Nakayuko. Pero nang mapansin ang presensya ko, agad siyang napatingin. “Narnia?” mahina niyang bigkas sa pangalan ko, parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Ang pagod at sakit, biglang bumalik nang makita ko ang
Nagising ako sa isang puting kisame na agad sumalubong sa aking mata. Ang huling naaalala ko ay ang pagkahimatay ko nang bigla dahil sa sobrang pag-iyak at hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko. "Witch, gaga ka! You're pregnant! Anong drama mo, huh? Buti na lang at may poging guardian angel ka na nagdala sa’yo dito. You almost miscarried, and I'm glad your baby is strong." Agad niyang bungad nang makita akong nagising. Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon, nagsimula akong mag-process ng lahat ng sinabi niya. A-ano? Teka, parang mali ata ang narinig ko. "A-Ano sabi mo?" tanong ko, sabay lingon sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napahinto siya, at may kunot-noong tumitig sa akin, parang nagtataka kung bakit hindi ko agad naintindihan. "You're not bingi, Narnia. Pero, okay fine." Isang malalim na hininga at parang napuno ng inis ang boses niya. "You're pregnant. Period. Congratulations! May junior na ang fuck buddy mo." Napailing ako, at kinabahan nang m
Tangina! Ang laki ko talagang tanga. Ako ang kusang pumasok sa patibong nila. Mundo nila. Saan ko ba nakalimutan na ang lahat ng ito ay laro nila, at ako lang ang naiwan na napaka-bobo, pinili kong magtiwala sa maling tao. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Ang gang? Huh! Mas lalo pa yung mga ‘yon. Mga anak ng mafia, magkakaibigan pa ang mga ama nila. Baka nga isa sa kanila ay myembro rin ng La Nera Bratva, at tapat sa Pakhan. Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di ko mahanap-hanap ang mga salarin. Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Mapait na tawa ang lumabas sa bibig ko. Tangina! Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang tanga-tanga ko nga talaga. Paanong hindi ko nakitang may mas malaking laro pala sa likod ng lahat ng ito? Ipinako ako sa isang gulong ng kasinungalingan. Ang mga nangyari, ang mga desisyong ginawa ko, parang isang matinding pagkakamali na hindi ko kayang ikumpuni.Napahinto ako at napatingin sa mga larawan na nakadikit sa dingding. Tatl