Share

Kabanata 66 Narnia

last update Last Updated: 2025-04-02 13:48:08

Ano daw?

Nakasalubong ko ang tingin ni Monroe—nakakunot ang noo niya, para bang seryoso sa sinabi niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Ano sabi mo? Pakiulit nga?" Siga kong tanong, may diin ang boses ko.

Pero ang mokong? Hindi natinag. Tangina, may lakas pa ng loob ngumisi!

"Ma’am, kasi po, para kayong lalaking handang rumatrat ng baril. Baka isipin ng mga tao dito, gera ang pakay niyo imbes na bisita lang kayo ni Ma’am Cassandra."

Pinanliitan ko siya ng mata, gusto ko siyang sapakin pero nagtimpi ako.

"Putangina ka, Monroe." Nanginginig na ang kamay ko sa gigil pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hindi naman po ako nagsisinungaling, ma’am," sagot pa niya, hindi man lang kinakabahan.

Napabuntong-hininga ako nang madiin. Hindi ko alam kung may suicidal tendencies lang talaga ‘tong gagong ‘to o trip lang niya akong asarin.

"Tumahimik ka na lang, Monroe, kung ayaw mong iwan kita dito bilang peace offering kay Tito Dark."

Doon na siya natahimik. Pero ramdam kong pinipigil niya an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 67 Narnia

    Napansin kong bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ni Tita Cassy bago siya tumango. "Hmm… well, totoo naman ‘yan. Matagal-tagal na rin simula noong huli tayong nagkita." Huminga ako nang maluwag. Mukhang hindi na niya ako pagtutulungan ng mga bodyguard niya. For now. "Halika, pumasok ka. Taman-tama, kakagawa ko lang ng lemon tea," anyaya niya bago lumingon sa isang guwardiya. "Sabihin mo kay Dark na huwag muna siyang magpakita rito, baka tumakbo pabalik ang bisita natin." Nanlaki ang mata ko. "A-Ano po?" Tiningnan ako ni Tita Cassy na may makahulugang ngiti. "Wala, wala. Pasok na." Tangina, bakit parang may binabalak ‘tong si Tita Cassy? "Ahm, may dala po pala akong cupcakes. Tamang-tama po sa lemon tea niyo po." "Ay, gusto ko yan! Hali ka. Usap tayo sa loob. By the way, kumusta na kayo ni Zuhair? Batang yun' di ka ulit dinala dito buti't napadalaw ka." Tangina! Si Eros agad ang topic? Napakamot ako sa batok, pilit na pinapanatili ang ngiti ko kahit gusto kong magla

    Last Updated : 2025-04-03
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 68 Narnia

    Napapikit ako sa inis. Hindi ko ito maiintindihan nang buo, pero ilang keywords ang tumatak sa akin—pangalan, dates, at ilang confidential-looking na dokumento na mukhang hindi basta-bastang file lang. Mabilis kong inayos ang mga papeles at itinago ang folder sa ilalim ng suot kong leather jacket. Pinagtagpi-tagpi ko ang zipper at tiniyak na hindi ito halata. Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid. Hindi pa ako pwedeng umalis agad. Masyadong halata kung sakaling may nanonood sa akin. Napatingin ako sa kama ni Eros. Matigas ang mukha kong umupo rito, hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangang magpahinga kahit saglit para hindi mahalata ang biglaan kong pagdating. Sa gilid ng mata ko, natanaw ko ang isang picture frame sa bedside table. Isang group photo. Sila Zebediah, Eros, Zeus, at Zephyr—nakangiti, nakayakap sa isa't isa, at halatang masaya. Ang setting? Probinsya. Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit may kumurot sa dibdib ko. Matagal akong hindi nakahinga nan

    Last Updated : 2025-04-04
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 69 Narnia

    "Are you sure?" Muling tanong ni Monroe, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. Napairap ako sa ere, bahagyang bumuntong-hininga bago sumagot. "Oo. Dito ako matutulog hangga't makakaya kong iwasan sila ni Eros," sagot ko. Monroe raised a brow, hindi pa rin kumbinsido. "Bakit ayaw mong tanungin si Zuhair nang harap-harapan?" Napatingin ako sa kanya na parang natanong niya ang pinaka-absurd na bagay sa mundo. "May sira ba utak mo?" Asik ko, hindi na nag-abalang itago ang iritasyon ko. "Sa palagay mo magsasabi siya ng totoo sa’kin?" Nagkibit-balikat siya, para bang hindi apektado sa pagsimangot ko. "Maybe. He's into you." Napangisi ako nang wala sa oras, pero may halong pang-aasar ang sagot ko. "Sabihin mo yan sa pagong." Napailing siya, halatang sawa na sa kakulitan ko, bago dahan-dahang itinaas ang bintana ng kotse. Alam kong gusto na lang niyang tapusin ang usapan bago pa ako tuluyang mapikon. "Okay. I'll just update you, ma'am. Keep safe," huling sabi niya bago tuluyang pi

    Last Updated : 2025-04-04
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 70 Narnia

    "Hindi ka talaga uuwi?" Ikatatlong tanong ko sa kanya.Sumulyap lang siya sa akin habang nakahiga sa kama, abala sa phone niya. Ilang araw na siyang nandito sa bahay ko at naging palamunin na."Sa susunod na. Di ka nag-open ng social media?" Biglang tanong nito."Hindi. Bakit?"Umupo siya sa kama at ibinigay ang phone niya sa akin. Nagtataka man, tinanggap ko ito at kumunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang ipinakita niya sa akin."Si Selene?! Engaged na?" Gulat kong tanong, hindi makapaniwala.Nagkibit-balikat lang siya at biglang tumayo, tila wala lang sa kanya ang reaksyon ko. Hinayaan ko siya at napaupo ako sa dulo ng kama, patuloy na binabasa ang trending topics sa Twitter.Halos sila na yata ang topic sa lahat ng sulok ng internet. Takte! Ang bata pa ni Selene para mag-engaged! Oh, wait—hindi nga pala ito ang first wedding niya, second na pala. Edi wow."Happy Valentine's Day!"Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Eros na papalapit sa akin, hawak ang isang bag

    Last Updated : 2025-04-04
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 71 Narnia

    "Narnia?" Mabilis aking napalingon kay Ulysses. Tinignan ko lang siya. Nakita ko siyang tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba sa akin o hindi habang mariin ang hawak nito sa kanyang phone. Bago pa ito makapagsalita ay pumasok si Monroe na humahangos. "Miss... there's a bad news." Anito. Bigla akong kinabahan. Huminga ito ng malalim. "Your twin got kidnapped by American Mafia, miss." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ano?! Biglang bumigat ang paligid. Hindi ko alam kung ang puso ko ba ang bumagal sa takot o bumilis dahil sa adrenaline. Naramdaman ko na lang ang masakit na kirot sa dibdib ko habang unti-unting lumilinaw sa utak ko ang sinabi ni Monroe. "My twin?" Pabulong kong tanong, hindi pa rin makapaniwala. "Yes, Miss. We just received the intel. The American Mafia took her—publicly. Ginawa nilang palabas ang pagdukot. Malinaw sa CCTV footage na sinadya nilang ipakita sa mundo kung paano nila siya kinuha." Tangina. Parang gusto kong itapon ang sarili ko s

    Last Updated : 2025-04-04
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 72 Narnia

    Dalawang araw. Dalawang araw ng impyerno, walang tulog, at walang tigil na paghahanap. Dalawang araw ng gutom at pagod na hindi ko maramdaman dahil ang tanging iniisip ko lang ay kung ano na ang nangyari kay Urania. At ngayon, narito na kami. Nakasuot ako ng tactical gear, may headset sa isang tenga, at may baril na nakakabit sa thigh holster ko. Hindi ko naman sana kailangang humawak ng armas, pero sa sitwasyong ‘to, wala akong ibang pagpipilian. Kasama ko ang buong team ni Monroe, mga bihasang operatiba na walang alinlangan kung lumaban. Kasama rin ang piling awtoridad na pinagkakatiwalaan ni Kuya Benjamin, ang asawa ni Ate Esme. They’re handling the legal front—ensuring that whatever happens tonight, we have leverage. This is not just a rescue mission. This is a war declaration. Huminga ako nang malalim, pilit pinapatibay ang loob ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan namin sa loob ng lunggang ‘to. Hindi ko alam kung anong klaseng impyerno ang pinagdaanan ng kakambal ko s

    Last Updated : 2025-04-04
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 73 Narnia

    "How's Urania?" Nag-alala kong tanong sa kabilang linya. Narinig ko ang buntong hininga ni ate Esme. Siya ang nasa tabi ni Urania dahil hindi ko pa kaya makita ang kakambal kong nakahiga sa hospital bed. Baka magwala ako sa hospital. I don't understand kung bakit sa SMITH HOSPITAL pa nila dinala pero mabuti na rin dahil alam kong hindi nila pababayaan ang kakambal ko. Masyadong mainit ang ulo ko sa nangyari. Madilim ang tingin ko sa lahat, lalo na kay Hussein. Tama ang hinala ko. Papunta na siya para isagip si Hestia, tama, si Hestia, ang pinakamamahal niyang kapatid. And maybe, sinisisi nito ang kakambal ko dahil nasali sa gulo ng pamilya namin. PUTANGINA NIYA! "Hindi pa siya gising," sagot ni Ate Esme sa mabigat na tinig. "Pero stable na raw, ayon sa doktor. Kailangan lang niyang magpahinga, Narnia." Napakuyom ako ng kamao. Stable. Pahinga. Parang ang dali lang sabihin, pero hindi kayang burahin ng mga salitang iyon ang ginawa nila sa kanya. Ang dugo, ang sakit, ang takot na pi

    Last Updated : 2025-04-05
  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 74 Narnia

    "You need to calm down, ma'am.""Kalmado ako." Mabilis kong sagot, masyadong mabilis.Bumuntong-hininga si Monroe sa harap ko, halatang hindi naniniwala."We will do everything to erase this video, ma'am."Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatitig sa kisame, walang buhay, walang emosyon. Alam kong hindi dapat ako padalos-dalos. Alam kong hindi dapat ako magpatalo sa galit. Pero puta—baka sa isang iglap lang, magawa kong burahin sa mundo ang buong angkan nila.Naririnig ko pa ang mahihinang yapak ni Monroe habang papalayo. Pagkalabas niya, napatawa ako—isang mapait, wala-sa-sarili, halos baliw na tawa.Tangina.Ako ang nasasaktan para sa kakambal ko. Ako ang nagngangalit para sa kanya. Ako ang dapat na nandiyan, pero wala ako.Punyeta!"Narnia, dear."Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ni Ate Esme. Kumurap ako bago tumingin sa kanya. Nasa isang pribadong ari-arian kami ng asawa niya.Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita."Your silence is scary, but I unders

    Last Updated : 2025-04-05

Latest chapter

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 97 Narnia

    Pero bago pa man ako muling makasagot, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.Napahawak ako sa tiyan ko habang nayanig ang buong underground arena. Mabilis ang naging reaksyon ni Smith—hinarang niya ako gamit ang katawan niya at itinulak kami sa likod ng mga kahong bakal na nakatambak sa gilid.“Shit!” sigaw niya. “They found us!”Bago ko pa man maitanong kung sino, sunod-sunod nang putok ng baril ang umalingawngaw.“Counselors,” bulong niya sa tainga ko. “They’re here for me… and maybe for you.”Nanlaki ang mga mata ko.The Counselors. Mga tagapagpatupad ng batas ng Mafia. Sila ang nagsasagawa ng parusa. Walang awa. Walang tanong. Basta utos ng itaas, tutupad sila.“Dumapa ka!” sigaw ni Smith habang binunot ang isa pang baril sa likod niya at gumapang palayo. “Wag kang lalabas hangga’t di ko sinasabi.”Pero hindi ko siya sinunod. Hawak ko pa rin ang baril ko. Basang-basa sa pawis ang mga palad ko pero matatag ang kapit ko sa hawakan nito.“Hindi ko kayang maupo lang haban

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 96 Narnia

    Napangiwi ako habang hindi siya tumigil sa pagtawa. Parang baliw. Para bang lahat ng sakit, poot, at galit na ibinuhos ko sa kanya ay hindi tumama—kundi lalong nagpasigla sa kanya.Tumigil lang siya nang dumako ang paningin niya sa tiyan ko. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at napaatras ng bahagya.Pero imbes na magulat o mabigla—parang alam na niyang mangyayari ito. Parang inasahan na niya. Putangina talaga! Hindi ko gusto ang ngiti niya.“We’re pregnant.” May kasamang pagtango-tango pa. Para bang isang proud na ama sa isang matinong pamilya.Pero wala siya roon. Hindi ito isang pamilya. Hindi ito masaya. Hindi ito tama.Nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya puwedeng magdesisyong kasali siya rito. Hindi niya karapatang gamitin ang salitang 'we'.Dahan-dahan siyang tumayo—tila walang nangyari. Hindi sugatan. Hindi pinagtutulungan. Hindi nanghihina. Para siyang muling nabuhay mula sa sariling impyerno.Ang mas masahol—nagmamadali siyang lumapit sa akin. Diretso. Buo ang lakad.

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 95 Narnia

    Huminga siya nang malalim. “Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Para protektahan ka.” “Hindi ko kailangan ng proteksyong may kapalit na kasinungalingan,” mariin kong sagot. “Gusto ko lang ng katotohanan. Ng kapayapaan. Hindi ng paniniktik, hindi ng kontrol. Hindi ng mundo niyong ubod ng dumi.” Saglit na katahimikan. “Aalis na ako bukas,” dagdag ko. “At kahit habulin niyo pa ako, hindi na ako babalik. Hindi niyo ako pagmamay-ari. Hindi ako pag-aari ng kahit anong grupo. Babae ako. Ina ako. At may sarili akong desisyon.” Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Tumayo siya. Tila gustong pigilan ang desisyon ko pero pinili niyang manahimik. "There's underground fight later. Not normal underground fight. Zuhair is there. That's the only thing I can say to you. That's the only thing I can make you feel better because, Zuhair might killed by the Pakhan." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng siraulo. Saglit akong napatigil. Para bang biglang tumigil ang mundo

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 94 Narnia

    Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Mariin kong pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili. Delikado? Kaya nga ako aalis, ‘di ba? Kasi mas delikado kung dito ako. Dito sa piling ng mga taong pinagkatiwalaan ko pero niloko lang pala ako. Tahimik akong humarap muli sa kanila. Nakita kong lumapit si Ulysses, hawak ang baril sa tagiliran, pero hindi naman tinutok. Para lang sigurong paalala kung sinong may kapangyarihan. “Sa tingin niyo ba papayag akong maging bihag habang buhay?” matigas kong tanong. “Dahil lang buntis ako, dahil lang may buhay akong dala sa tiyan ko, wala na akong karapatan mamili?” “Narnia,” sabat naman ni Acheron, isa sa matagal ko nang kasama sa grupo. “Hindi mo naiintindihan. Hindi ka lang basta-basta nagbuntis. Kung totoo ang iniisip naming lahat... anak ‘yan ng—” “Shut up!” sigaw ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang gusto kong itago ito sa kanila. “Walang may karapatang pag-usapan ‘to kundi ako. Wala kayong alam sa pinagdadaanan ko. Wala kayong pakia

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 93 Narnia

    Sinundan ko si Alcyone sakay ang isang tricycle. Huminto ang kotse niya sa store at bumili ng vitamins ko. Pagkatapos, muli itong sumakay sa kotse at tuloy-tuloy na ang byahe. Sinabihan ko ang tricycle driver na sundan lang kami pero huwag lumapit masyado. Mabagal ang takbo ng kotse niya. Puro liko. Ilang beses na akala ko’y mawawala na siya sa paningin ko, pero sa huli, nakita ko siyang lumiko sa kalsadang hindi pamilyar. Hanggang sa narating namin ang isang abandonadong gusali sa gilid ng lungsod. Luma, may kalawang, parang hindi na ginagamit—pero may mga tao. Mga lalaki. Naka-itim. May armas. Warehouse? Anong ginagawa ni Alcyone rito? Bumaba ako at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng warehouse. May sirang parte ng pader, sapat para sumilip. At doon ko nakita, ang grupo. Ang buong gang. Hindi ko mapigilang mapasinghap, at magulat. Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Anong ginawa nila dito? Sinundan ba nila ako? Alam ba nilang nandito ako? Alam ba nilang dito ako

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 92 Narnia

    "She's not part of the underground society... No! Wala akong pakialam kung mamamatay ang mga 'yan. They're obeying the law of the Mafia.....Betraying the Bratva." Bratva? Ang La Nera Bratva ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng away, hindi ito simpleng alitan. Mafia. Bratva. Alcyone knew something. And she’s hiding it from me. Napaatras ako nang marinig kong tila tinapos na niya ang tawag. Agad akong pumasok sa loob, mabilis na umupo sa isang upuan sa kusina, kunwaring busy sa pagsulat sa Pregnancy Journal. Tinapik-tapik ko pa ang lapis para kumalma. Pero hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Ilang saglit pa’y dumating si Alcyone. Bitbit ang dalawang mangkok ng sopas at isang maliit na tray ng pandesal. Ngumiti siya—yung pilit pero sanay na. "Hey, ‘di ko alam andito ka na sa loob,” aniya, inilapag ang tray. “Nagpahinga ka na ba? Try this, masarap sa tiyan.” Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. “Salamat. Kanina pa a

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Chapter 91 Narnia

    It’s 3:00 o’clock in the afternoon—banayad ang simoy ng hangin, malamig at masariwa, habang ang araw ay nagtatago na sa likod ng mga ulap. Mula sa terasa ng bahay, tanaw ang mga luntiang bundok at mga puno ng mangga na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tahimik, payapa, at perpektong sandali para magpahinga. Nasa tabi ko ang isang tasa ng mainit na salabat, ang amoy nitong luya at asukal ay nagpapagaan sa pakiramdam. Katabi rin ang platitong may suman na gawa sa kamoteng kahoy—malambot, malinamnam, at sakto ang tamis. Paulit-ulit ko itong ginagawa tuwing hapon, parang ritual ko na bilang paghahanda sa pagiging ina. Minsan, habang kumakain, nagbabasa rin ako ng Pregnancy & Parenting Books. Iba’t ibang topics—mula sa stages of fetal development, breastfeeding, hanggang sa emotional changes ng buntis—pinaglalaanan ko ng oras. Mahirap maging nanay, pero mas mahirap kung di ako handa. Napabuntong hininga ako. Wala ‘to sa plano. Wala siya sa plano. Hindi ako handa sa responsibilidad. Wala ako

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 90 Narnia

    “Don’t judge me,” sagot niya agad. “Nagpa-fresh air therapy lang ako. At—tadah!” sabay pakita ng laman ng basket—halo-halong tinapay, saging, at isang bote ng grape juice. “Bumili ako ng ‘arte essentials.’ For baby bonding.” “Arte essentials talaga?” tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo naman na buntis ako at ako pa itong nagtatanim ng mga gulay. Pero ikaw, parang kabute lang. Saan ka na naman galing?” “Exactly! Kaya nga ako bumili ng reward mo!” sabay abot ng isang pirasong pandesal. Napangisi ako. “Wow! From your bottom of your heart talaga." “Pandesal ‘yan na may pagmamahal. Tanggapin mo ‘yan habang may pride ka pa.” Umiiling akong tinanggap, sabay tingin sa mga bata. Nagtatawanan na rin sila habang si Alcyone ay nagsisimula na namang mag-drama. “Guys, look at her. Preggy and blooming. I swear, kung ako ‘yan, mukha na akong lumpiang shanghai.” "Lumpia ka naman talaga," sabat ko, sabay irap. "Pero hindi lang shanghai—combo meal with rice pa." Akmang susuntukin niya ako pero n

  • ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)   Kabanata 89 Narnia

    Napahinto sila’t napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Tatlong batang paslit, may isa pang may muta pa sa mata, na parang hindi pa naliligo. Yung isa, may hawak pang slingshot. At yung isa… ayun, hawak ang mismong tangkay ng pinya ko, mukhang kakabunot lang!"Hoy! Bitawan mo ‘yan!" halos ma-high blood ako. "Pinya ‘yan, hindi ‘yan laruan! Baka akala niyo candy ‘yan ha!"Yung batang may tangkay ng pinya ay napaigtad at agad ibinaba ang hawak. "Sorry po, Ate! Akala ko po tanim ni Ate Alcyone ito!"Napapikit ako ng mariin. "ATE Alcyone?! Anong ate?!""Yung maganda at maputi na nagbigay samin ng kendi kahapon!" sagot ng isa, sabay turo sa bakuran.Napamura ako sa loob-loob ko. Alcyone talaga. May pa-candy-candy ka pa sa mga bata?! Kala mo kung sinong good citizen.Napaluhod ako para silipin ang tanim kong pinya, at doon ko nakita ang malalim na bakas ng yapak. Wasak ang paligid. Para na ‘tong dinaanan ng kabayo."Alcyone!!!" sigaw ko ulit, puno ng inis. "Bumangon ka riyan kung ayaw mong s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status