CHAPTER 1Vaniah Feumi Dellona POUNT OF VIEW—“Ano bang problema mo! Lagi mo nalang pinepestè ang buhay ko!” Nagising ako sa sigaw ni Mommy na nasa baba. “Ano nanaman itong pinagbibili mo? Gastador ka sa pera! Wala ka pa lagi rito sa bahay.”“Nahiya naman ako sa 'yo na pinangsusugal ang sahod. Para sabihin ko sa 'yo pareho tayong nagtatrabaho kaya walang pakialamanan.” Napatakip ako ng unan sa tenga ko. Ayaw kong marinig. Nagsasawa na ako sa kada umagang away ng magulang ang bubungad sa 'yo. Hindi ko na matandaan kung kailan sila nagsimulang maging ganiyan. Basta ang alam ko, patapos na ako sa kolehiyo noon at unti unti na silang nagkakaganiyan hanggang umabot sa sigawan.Bahay, malaking bahay, tatlong palapag. Anong kuwenta nito? Anong kuwenta ng tatlong palapag na bahay kung may gulo? Kotse? Malawak na lupa, marangyang buhay? Ano pang saysay nito kung 'yong gusto mong ipagbati ay ayaw.Mayaman na kami't lahat, bakit nag-aaway pa rin sila sa parehong dahilan? Hindi sila ganito no
Last Updated : 2024-11-05 Read more