Share

CHAPTER 3

CHAPTER 3

Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW

ITO ang unang araw na makikita ko ang buong lugar dito sa tinuluyan ko ngayon. Gabi na kasi noong nakarating ako buti nalang talaga at may kakilala si Ma'am Gwen kaya sinabihan niya nalang ang kakilala niya, kaya may maayos na apartment ako ngayon.

Pagkagising ko ay naligo ako kaagad at nagluto ng umagahan ko. Nagbaon na rin pala ako baka sakaling tanghaliin ako sa paghahanap. Ayaw ko nang bumalik at bumili sa labas dahil sayang naman.

Nang matapos akong kumain at ibalot ang kakainin ko mamayang tanghali ay nilagay ko na ito sa mini back pack ko. Hindi nga halatang back pack eh sa liit niya. Nagsuot nga ako ng formal attire kasi trabaho ang pasukan ko. Loong sleave siya na polo at itatali siyang ribbon sa braso. Tinack in ko nalang ito sa high waisted kong black pants. Nagdala na rin nga ako ng black coat ko para tanggap agad lalo sa sa mga company.

Nang masiguro ko na nadala ko lahat ng requirements ko ay tumayo na ako para umalis sa apartment. Sinara ko na rin muna ang kuwarto ko dahil hindi lang naman ako ang nakatira rito.

Pagkalabas ko ay nagulat nalang ako nang makita si Ma'am Gwen na kausap ang may ari ng apartment.

“Nandito na pala siya,” sabi niya at ngumiting lumingon sa akin.

“Bakit po?” Tanong ko sa kaniya dahil 'di ko naman alam na nandito siya.

“Aalis na kasi ako. Tinapos ko na kagabi 'yong sadya ko rito. Mag-aapply ka na pala kaagad ng trabaho mo?” Tumango ako kay Ma'am Gwen at ngumiti.

“Naku iha, marami kang trabahong maa-applyan ngayon, sa mga companies try mo. Graduated na siya sa college ano?” Banggit ng may ari ng apartment. Napatangin si Ma'am Gwen.

“Oo, hindi siya gaanong mahihirapan. Suggest ko sa 'yo iha, hindi lang iisa ang applyan mo. O siya sige mauuna na ako at hindi pa gaanong bihasa si Dione sa coffee shop.” Napatango ako kay Ma'am Gwen at nagpasalamat na rin ako.

Nang makaalis siya ay nagpaalam na rin ako sa may ari ng apartment.

Napabuntong hininga ako habang nakasakay sa bus. Kinakabahan akong mag-apply lalo na first time ko rito. Hindi naman siguro ako maliligaw basta alam ko ang address na panggalingan ko. Marami ring tao sa paligid na puwede kong pagtanungan.

“Puwede pong magtanong?” sabi ko sa isang babae na nakita kong naglalakad nang makababa ako sa bus. Sa tingin ko kasi ay papasok rin siya sa trabaho niya at naka formal attire.

“Ano 'yon?”

“May alam po ba kayong hiring dito sa mga companies po or sa factory gano'n po.” Napaisip naman siya.

“Oo, marami riyan sa mga buildings may mga nakasulat na hiring, kaso piliin mo nalang 'yong mga medyo mataas ang rates. Sa company kasi na pinapasukan ko eh hindi ko alam kung hiring pa sila.” Napa 'ahh' ako sa sinabi niya. Sabi na eh nagtatrabaho rin ang isang 'to.

“Pero ito o address ng company, puntahan mo nalang tapos try mo kung hiring pa sila. May iba pa kasi akong pupuntahan kaya 'di kita masamahan.” Napangiti ako sa kaniya.

“Naku okay na po 'yon. Thank you po pala.”

“Sa mga office gano'n try mo, piliin mo lang kung saan ka papasok mayro'n kasi 'yong mga employee na hindi maganda ang ugali. Magtatrabaho ka na rin lang doon ka na sa may mabubuting ugali na katrabaho.” Napatango tango ako sa bulong.

“Maraming salamat po ulit.” Kumaway na siya sa akin at nagpaalam. Mabuti nalang at hindi ako sinusumpong ng pagiging introvert at mahiyain ko ngayon. May time kasi na mahiyain ako at 'di bale nang walang mapagtanungan basta hindi ako magsasalita.

Nagsimula na akong naglakad at bawat makikita kong buildings at business ay tinitignan ko kung hiring ba. Kahit nga restaurant 'yan ay papasukin ko kung wala namang iba. Kung Factory ay may nakapag sabi sa akin na medyo malayo raw rito, factory ng ice cream.

Saka ko na pupuntahan 'yon kapag nalibot ko na rito at kapag wala na talaga akong choice. May mga nagtataasan ngang building dito. Maraming tao ang pakalat kalat sa daan at kahit mga sasakyan ay kaliwa't kanan. Hindi na bago sa akin ang kaingayan ng syodad. Syodad din ang pinanggalingan ko 'yon nga lang mas malalaki ang building dito at maraming tao. Mas marami rin ang puwedeng pasukang trabaho.

Napunta ako sa tapat ng isang cafe at nakita ko na may karatulang hiring sila. Lumapit ako rito at nagtanong sa guard.

“Hello po, open pa rin po ba sila rito?” Tanong ko sa guard.

Napatingin siya sa akin at tumango. “Yes ma'am, mag-aapply po kayo?” Tanong niya sa akin. Tinignan ko ang karatula. Cashier pala ang hinahanap nila.

“Opo, ito po pala requirements ko.” Binigay ko sa kaniya ang mga iyon, sinabi niya na siya na ang magbibigay no'n.

“Hintayin niyo nalang 'yong tawag hanggang bukas ma'am.” Napatango tango ako at nagpasalamat.

Umalis na muna ako para maghanap pa ng iba. Ililista ko nalang lahat ng napasahan ko na ng requirements. Ito ang una.

Naglakad lakad pa ako at naka dalawang companies na ako. Hindi pala talaga kaagad sila nagpapapasok, need muna kasi mapunta sa secretary or sa office, tapos kapag na check na ay hihintayin nalang ang tawag para sa interview. Hindi ko sila masisisi na maraming requirements ang kailangan dahil malaking kompanya sila.

Napaupo muna ako saglit dito sa hintayan ng bus. Hindi pa naman ako aalis. Wala lang talaga akong ibang mahanap na upuan kaya rito nalang. Grabe tatlong trabaho palang naaapplyan ko nakakapagod na. Bukas ko pa malalaman kung pasok ba ako o hindi. Kung ano nalang ang mas magandang opportunity ay 'yon nalang pasukan ko.

Napatigil ako nang biglang may dumaan sa harapan ko na couple at naghaharutan sila habang naglalakad. Nawala ang emosiyon ko at kinilabutan ang kalamnan ko dahil sa nakita. Nakakabadtrip.

Napatayo nalang ako at umalis dahil sa nakita ko. I can't imagine myself having a 'boyrfriend' or so called, 'lovers' like eww what's was that. Hirap na talagang maniwala sa pag-ibig ngayon hindi mo alam kung totoo o hindi at hanggang saan aabot ang relasiyon niyo. 'Wag nalang magmahal para walang problema hindi ka pa masasaktan sa dulo.

Ano naman kung tatanda akong dalaga, at least rich. Kayang tumayo sa sariling paa at na po-provide ang sarili. Walang stress, sarili mo lang iniisip.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang relo. Mag alas dose na pala, kaya pala medyo kumakalam na ang sikmura ko.

Napadaan ako sa mga nagtitinda ng ulam kaya bumili ako ng isang sukat lang pangdagdag sa ulan kong isang pirasong hotdog. Pagkatapos niyon ay pumunta ako sa park. May mga bench dito na may kasamang mesa at silong kaya umupo na ako.

May mga tao naman sa paligid na namamasiyal. Karamihan nga ay pamilya, mga bata at couples. P!steng 'yan.

Dedma nalang, 'wag ko nalang tignan.

Ang maganda kasi rito ay mahangin dahil may mga katabing puno. Hindi siya purong semento at 'yong mga daanan lang ng tao ang senemento. Damuhan ang ibang tapakan, ang iba ay lupa lang.

Bumili na rin ako ng malamig na tubig para hindi uminit ang ulo ko sa nakikita kong couple na nasa tapat ng inuupuan ko ngayon at sabay silang kumakain at naglalandian. Napairap ako at lumipat sa kaharap na upuan para talikuran sila. Nakakairita. Hindi ako bitter ah, sadyang 'di ko lang mapigilang isipin na hindi 'yan magtatagal.

Pagkatapos kong makakakin ay nagpahinga muna ako saglit. Maghahanap ulit ako pagkatapos nito. Saan naman kaya?

Lumilingon lingon na ako sa paligid para may makita ako. Mga restaurant at kainan lang ang nakikita ko ngayon dito sa malapit. Pero mukha namang hindi sila hiring.

Napatayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Magpi-print ulit ako ng requirements dahil kakaunti lang na print ko.

Nagsimula na ulit akong maglakad lakad dito sa park. Baka sakaling may mapagtanungan ako rito.

Napangiwi ako ng makita ang couple. Ano 'yan diyan ako magtatanong? 'Wag nalang, nananakit na nga ang mata ko sa kanila pa ako magtatanong.

Nagulat ako ng biglang may humigit sa akin. Nanlalaki nalang ang mga mata ko nang may kaharap na akong yayamaning matanda yata 'to tapos ay may nakaakbay na sa akin.

“Look Dad. She's my girlfriend. Right? Love?” Nanlalaki ang mata kong tumingin sa lalaking nagsalita at ipakilala akong girlfriend niya sa ama niya. Anong kinalaman ko sa problemang 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status