Share

CHAPTER 5

CHAPTER 5

Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW

KINAUMAGAHAN ay napapahikab ako habang bumabangon. Grabe parang pagod na pagod ako kahapon dahil doon sa lalaking Kaizen ang pangalan. Sa dami ba naman kasi ng tao ako pa talaga nahila, sa akin pa napunta. Hindi ko kasi sila napansin na nag-uusap dahil nga nakafocus ako sa paghahanap ng trabaho. Bigla nalang may hihigit.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Sa pagtakas kong 'yon makakahalata naman siguro siya na ayaw ko. Chineck ko ang cellphone ko baka may tawag pero wala naman, hindi naman naka silent ito.

Bigla akong napa 'O' nang mapansin ang isang text na tanggap na ako sa trabaho bilang isang cashier sa mall. Parang gusto ko tuloy magtalon talon dahil sa wakas may trabaho na ako. Per day kasi sila nagpapasahod kaya ina-applyan ko. Need ko kasi ng pang araw araw na budget ko ngayon. Pansamantala lang 'yon kapag natanggap ako sa mga companies na ina-applyan ko ay aalis na rin ako sa mall.

Nakita kong pang morning shift pala ako. Hala gano'n? Iba ang pang morning shift at afternoon, 6 o'clock sila nagbubukas at 7 o'clock ng gabi nagsasara, ang mga regular na nagtatrabaho ay mas mataas ang sahod at mula 1 o'clock sila hanggang 7 na. Kami na baguhan ay from 6 o'clock hanggang alas dosw ng tanghali. Okay na rin ang everyday sahod kahit walang meryenda, hindi naman pala whole day.

Masaya akong naligo at nag ready para sa trabaho ko. Maglalaba ako mamaya pagdating ko para hindi ako matambakan ng damitan.

Mabuti nalang at half day rin para makapag hanap pa ako ng ibang trabaho sa hapon. Gaya kahapon ay nagsaing ulit ako ng hanggang hapunan ko na. Hindi na ako nagbaon ng ulam at bibili nalang ako.

Lumabas na ako para magsimulang bumiyahe ulit. Napaisip naman ako. Dapat hindi tataas sa 300 ang magagastos ko araw araw. Mahal ang mga bilihin ngayon pero magtitipid ako hanggat kaya ko.

Nakagastos ako kahapon ng 185, ang pamasahe kasi ay 20 papunta kapag bus kapag tricycle ay 40. Bumili ako ng ulam ko na 40 pesos kaagad. Tapos meryenda ko pa at print, may namalimos din kaya binigyan ko.

Napabuntong hininga ako. Mabuti nalang talaga at maaga akong nakagising kaya wala pang alas sais ay nakarating na ako. Binaon ko na nga lang 'yong shawarma ko sa apartment ko nalang kakainin 'yong siopao.

Pagkapasok ko sa mall ay sinalubong na kaagad ako. May sinabi lang saglit ang manager hanggang sa mag alas sais na. Syemre as a cashier, dapat lagi akong nakangiti at maaliwalas ang hitsura. Hindi na ako magtataka kung bakit medyo mataas ang sahod at iba sa hapon iba sa umaga ang nagtatrabaho. Ang daming tao kahit araw ng Miyerkules. Sunod sunod nga ang mga tao kaya mabilis na rin akong gumagalaw. May kasama ako rito at dalawa lang kami. Ilang linggo niya na rin pala rito.

Maya maya pa ay hindi ko namalayan na mag-aalas dose na. Marami pa ring mga nakapila at sumasakit na ang likod ko. Grabe ang nakapila sa counter ang haba.

“Paano kung umabot ng alas dose tapos marami pa ring tao?” Mahinang bulong ko sa katabi ko.

“Parating na rin 'yong mga regular. Nakapag tanghalian na mga 'yon.” Napatango tango ako.

Maya maya pa ay bigla niya akong sinisiko.

“Nandiyan si Boss, dali magpaka busy tayo.” Napa 'O' ako sa sinabi niya.

“Nasaan siya?” Tanong ko sa kaniya.

Nginuso niya naman ang dereksiyon. Nanliit ang mata ko dahil parang pamilyar siya. Bigla akong napatigil nang makita ko ang mukha niya at parang may tinanong sa mga tao.

“Shît.” Nasabi ko nalang bigla.

“Bakit?” Tumingin ako sa kaniya at nag sign language ako na tumahimik siya. Nagtago ako kaagad sa ilalim nang makita kong naglakad siya.

“Bakit? Anong mayro'n?” Bulong niya habang 'di pinapahalata na may kausap siya.

“Basta, kahit anong mangyari 'wag mong sasabihin na nandito ako.” Medyo naguluhan siya pero tumango nalang.

“May I ask?” Napatakip ako sa bunganga ko nang marinig ang buses niya at mukhang magtatanong dito sa kasama ko.

“Y-Yes sir?”

“Do you know this girl? Or did you see her?” Sinilip ko ang reaksiyon nitong katabi ko at para talaga siyang nagulat pero binawi niya rin.

“A-Ah hindi po, s-sir. Hi-Hindi ko kilala.” Napalunok nalang ako sa kaba dahil nauutal siya. Wala na akong narinig na tinanong ako kaya napahinga na ako ng maluwag.

“Wala na siya. Tara na aalis na rin tayo.” Hinila niya na ako patayo at dumeretso kami sa manager. Nandoon na ang pang afternoon shift at sila na nagtuloy sa ginagawa namin.

“What's that? Bakit tinatanong ka ni Boss?” Gulat na sabi ng manager. Nanlaki ang mata ko.

“Hala sinabi niyo po?” Umiling iling siya kaya napahinga ako ng maluwag.

“Hindi ko sinabi dahil kakaiba ang lalaking 'yon. May ginawa ka bang kasalanan sa kaniya? Ba't hinahanap ka?” Napakamot ako sa ulo. Wala naman akong kasalanan doon.

“Wala naman akong kasalanan doon. Actually magkasama lang kami kahapon, siya nga may utang sa akin.” Napatingin ako sa paligid.

“Gano'n pala bakit mo tinataguan?”

“Pinagkakamalan kasi kaming couple.” Napahigpit ako sa kamao ko.

Pagkatingin ko sa dalawa ay nakanganga na silang tumingin sa akin.

“B-Bakit?”

“'Wag mong sabihin na ang lalaking 'yon ang may ari ng mall?” Gulat na tanong ko sa kasama ko kanina. Naglalakad kami ngayon at naghahanap ng magandang puwesto sa park para mananghalian. Pagkatapos kasi naming makuha ang sahod ay umalis na kami at napag-isipan na sabay na kakain.

“Oo, kaya nga nagtaka ako bakit ka niya hinahanap. Pati ang manager gulat din eh, akala namin ay delekado ang buhay mo kaya 'di niya rin sinabi.” Medyo napatawa ako sa sinabi niya.

Umupo na kami at nagsimulang ilabas ang mga kakainin. Nakabili na rin kami ng ulam.

“Istrikto ba siya?” Tanong ko sa kaniya.

“Oo, ayaw niya 'yong, patayo tayo lang diyan sa gilid at walang ginagawa.” Napabuntong hininga ako. Paano ba 'to, kung magpapatuloy ako sa pagtatrabaho sa mall niya ay hindi magtatagal at malalaman niya na nandoon ako. Pagkatapos ay kukulitin ako. Pagkatapos ay mapagkakamalan nanaman kaming couple tapos ay iniisip ko palang ang maging ending niya ayaw ko na kaagad. Mas magandang umalis nalang ako.

“Magreresign ako kaagad.” Nabilaukan bigla ang kaharap ko.

“Magdahan dahan ka kasi.” Binigyan ko siya ng tubig.

“Ikaw naman kasi, anong sabi mo resign? Agad agad? Kapapasok mo palang kanina eh.” Napabuntong hininga ako. Wala akong choice. Ayaw kong malapit sa tukso. Lalo na sinabi niya sa akin na magpanggap kaming couple.

“May malalim pa akong dahilan para hindi ko makita ang lalaking 'yon. May mga naghahanap pa naman ng trabahador nila. At may natitira pa akong alas. Medyo malayo rito at factory 'yon.” Napatango tango siya.

“Sige kung 'yan ang desisiyon mo. Ako na bahala magsabi sa manager kung sure ka na.” Tumango ako sa kaniya.

“Sure na ako. Salamat pala.”

PAGKATAPOS naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Nakalimutan ko pa ngang tanungin ang pangalan niya o pangalan niya sa internet. Para sana kahit papaano ay magkaroon naman ako ng kakilala rito. Hindi ako magaling sa pakikipag kaibigan eh.

Loyal ako sa nagiisa kong kaibigan mula elementary hanggang matapos kami sa college. Kaso ngayon ay minsan nalang kami makapag usap dahil nasa ibang bansa siya at doon nagta-trabaho.

Napatingala ako habang nagduduyan. Grabe unang araw ko palang umalis kaagad ako. Kung bakit naman kasi sa dami ng mall ay 'yon pa 'yong sa kaniya. Bilog talaga ang mundo.

Napatakbo nalang ako bigla papunta sa isang restaurant nang mahagilap ko siya. Medyo malayo naman siya at hindi nakatingin kaya safe ako. Lumabas din ako kaagad at kunwaring titingin lang pero wala talaga akong bibilhin. Nagtaka pa nga ang mga nasa loob, mabuti nalang at naka pag act ako na kunwaring nagtitingi.

Ang ginawa ko nga ay ina-applyan ko lahat ng nakita ko kahapon na puwedeng applyan. Maghihintay nanaman ako ng trabaho ko. Hindi niyo ako masisisi ayaw ko lang talagang magpalalim ng koneksiyon sa isang tao. Kung tatanungin si Dione, makulit siya eh at wala akong magagawa roon ako nakatira at malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

Bumili na nga lang ulit ako ng ulam para sa hapunan ko. Turtang talong nga ito para naman gulay ang kainin ko at hindi puro noodles at karne.

May bigla nga akong naalala habang naglalakad. Tinext ko ang kapatid ko na bisitahin minsan sila mommy at daddy tapos ay sabihin niya sa akin kung ano na ang ganap. Magulang pa rin namin sila siyempre.

Dumeretso ako sa terminal ng bus, uuwi na nga lang ako nakakapagod naman. Habang naghihintay ay napatingin ako sa paligid ko. May mga namamalimos sa paligid, iilan lang sila pero para sa akin ay marami na. Minsan nga ay naawa ako sa kanila pero wala rin akong sapat na pera para bigyan sila. Kaya pagkain nalang.

Napalingon ako sa kabilang side dahil may narinig akong sasakyan. Hahayaan ko na sana ng magulat ako dahil 'yong lalaking nagngangalang Kaizen ang lumabas nanlaki ang mata ko at hindi malaman kung tatayo ba ako o hindi.

Nang lumingon lingon siya sa paligid ay kusa akong napatayo at pumara ng tricycle, sa bus sana dahil mura pero wala nanaman akong choice.

Sumilip ako sa buhok ko at nakita kong may namalimos sa kaniya. Matapos niyon ay napalingon siya sa banda ko kaya mabilis akong naglakad na hindi pinapahalata sa kaniya.

“Miss!” Rinig kong sigaw kaya nanlalaki ang mata ako. Kunware naman akong walang naririnig at deretso sa tricycle na nakatigil na. Panay siya tawag habang ako ay kumakalabog na ang dibdib. Sinabi ko kaagad ang address ko sa tricycle driver.

“Pakibilisan nalang po kuya natatàé na ako.” Napa ngiwi ako dahil sa nasabi ko, wala na akong ibang maidahilan kung hindi 'yan. Pasensiya na self kailangan muna kitang ipahiya. Tinignan niya ako at natawa. Pagkatapos niyon ay pinaandar niya na ang sasakyan. Bakit? Lahat naman ng tao nagbabawas ah.

“Tinatawag ka yata no'ng lalaki ma'am? Pinapatigil niya ako, titigil ba ako.” Sigaw niya dahil nasa loob ako ng tricycle. Sumisilip silip siya kaya kumaway kaway ako.

“'Wag na po! I-text ko nalang sa kaniya na palabas na ang laman sa tiyan ko at hindi ko na kaya.” Tumango nalang siya at binilisan ang pagmamaneho. Well 'di naman ako nagsisinungaling, nararamdaman ko nga na tinatawag ako ng kalikasan.

Tuwang tuwa nga ako nang maihatid niya ako. Nagmamadali akong nagbayad tapos ay tumakbo papunta sa loob.

“Sana lumabas kang success.” Sigaw pa ng driver kaya napangiwi ako. Ganado masiyado sa life si Kuya. Mabuti nalang talaga at nakaugalian ko nang magdahilan. Oo gawain ko 'yon lalo na sa magulang ko hehe.

Pagkapahinga ko ay nagbihis na rin ako kaagad at nagpahangin sa labas. Grabe parang tinatakbuhan ko naman ang utang ko, sa lagay na 'to imbis na may trabaho na ako pansamantala habang naghihintay sa iba ay wala na tuloy. Wala nang bawian nandito na ako.

Ayaw ko talagang tanggapin ang alok niya ayaw kong magpanggap. Natatakot ako sa magiging kahinatnan.

Napabuntong hininga nalang ako. Tagal naman ng tawag sa mga kompanya. Saan na ako niyan pupulutin bukas.

Napasalampak nalang ulit ako sa kama ko nang may biglang kumatok. Tinanong ko nga kung sino iyon at ang may ari pala ng apartment.

“Bakit po?” Tanong ko sa kaniya.

“Pinapatanong ka ni Gwen kung may trabaho ka na raw?” Nakangiting tanong niya. Tumango nalang ako.

“Nagtrabaho po ako kanina sa mall. Bale kada half day po siya tapos sasahod everyday. Pansalamantala lang po hanggang hindi pa ako natatanggap sa mga companies.” Tumango tango naman siya.

“Mabuti naman. Hindi ka niya na tawagan kasi nakalimutan niya number mo.” Napataaa ako. Masiyado kasing maraming contacts so Ma'am Gwen at marami riyan siyang kasosiyo kata natambakan siguro number ko wala pang nick-name.

“Ahh, tatawagan ko nalang po siya para ma up ang number ko.” Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na siya.

Napaisip tuloy ako. Babalik pa ba ako sa mall o hindi na? Kung babalik ako ay hindi ko masisiguro kung pagsisisihan ko ba o hindi. Una dahil siya may ari ng mall, pangalawa what if hinahabol niya ako kasi magagalit siya dahil tinakbuhan ko? Tapos siya na mismo mag fired sa akin, naku, pangunahan ko na ako na mismo ang aalis baka may makakita pa kung paano ako palayasin. Napabuntong hininga ako at kumain nalang. Bahala na nga, marami pa namang puwedeng pasukang trabaho.

SPECIAL SCENARIO

— Like hide and seek

Napapatakbo ako kahit saan dahil nakita ko nanaman siya. 'Di ko na nga alam kung saan ako nagsusulpot para lang makatago. Napasilip ako habang nandito sa likuran ng puno. Nasaan na kaya siya.

“Bakit parang may tinataguan ka?” Bahagya akong napatalon at halos mabilaukan sa sariling laway ng makita ko na nasa harapan ko na siya. Dala ng taranta ay napaturo ako sa likuran niya.

“Hala si Naruto!” Tinuro ko ang nasa likuran niya at nang lingunin niya ito ay dali dali akong tumakbo nang walang tigil. Tinakbo ko ang park hanggang apartment na 5 minutes kapag binabiyahe.

Hingal na hingal ako na isinalampak ang katawan sa sahig sa bungad ng pintuan.

“K-Kaya ko. . . pala tumakbo ng g-gano'n.” Hingal na hingal kong sabi at napatawa ngunit nagseryuso rin kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status