Share

CHAPTER 6

CHAPTER 6

Vaniah Feumi Dellona POUNT OF VIEW

PANIBAGONG araw nga nanaman pero 'di ko na alam kung saan ako pupulutin. Grabe paano ba naman kasi ako makakaipon nito kung may tuksong lumalapit. Hindi ako makapag focus.

Napaisip ako habang naliligo. What if sabihin ko sa kaniya ang totoo na ayaw ko at tantanan niya na ako. Teee kasi halata naman eh na hinahanap niya ako kahit saan. Hindi rin naman maiwasang nandoon ako dahil doon nga ang may trabaho, roon din ang daan papunta at pauwi. Saan ako lulugar sa lagay na 'yan?

Naiyak ako ng walang luha.

“Ano ba naman kasi 'yan! Bakit kasi ako pa!” Kahit ganito ako na hindi naniniwala sa pag-ibig na 'yan ay ibig sabihin wala na akong awa, hindi na ako mahihiyang tumanggi sa mga tao. Ako kasi 'yong tipong taong hindi ko kaagad matangihan lalo na kapag kakilala ko. Pero ang lalaking 'yon. Parang ang hirap niyang tanggihan dahil nilibre ako.

Ano naman siya kaya ang unang humingi ng tulong. Nagbihis nalang ako at nakaisip ng sasabihin ko kung sakaling magkita kami.

Anong trabaho ko ngayon piste talaga. Nasabi sa akin ng nakasama ko kahapon na araw araw siyang bumibisita sa mall at minsan ay tinitignan niya ang mga cashiers sales lady at halos lahat. Kapag naguusap sila ng manager gano'n.

Napa hilamos ako sa mukha ko. Ilang araw ko palang dito pero stress na kaagad ako. Ano ba naman kasi 'yan ako pa nahigit. Bakit nga ba big deal sa akin? EH AYAW KO NGA! I HATE ROMANCTIC. AT KAHIT PAGKUKUNWARE PA 'YAN AYAW KO! Problema nila 'yon ng tatay niya ba't dinadamay ako, may problema akong sarili.

Confidence akong lumabas ng apartment bitbit nanaman ang lunch box at requirements. Araw araw nalang 'to. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa siyempre kasi ilang araw ko palang. Nagprito na nga ako ng hotdog at itlog para baunin ko na rin. Mahal ng tinda nila halos wala pang gulay.

Bago nga ako tuluyang makaalis sa apartment ay nakita ko ang may ari sa labas. Lumapit ako rito.

“Ante, puwede ba akong magtanim ng mga gulay rito?” Tanong ko dahil may mga lupa naman dito at puwedeng pagtaniman.

“Oo naman. May mga tanim na roon oh ililipat nalang dito.” Napa 'Ahh' ako at sinabing mamayang hapon ko ililipat. Para naman may uulamin akong gulay minsan.

Siya nga pala, 'yong mga kasama kong nag a-apartment dito 'di ko gaanong nakikita. Tatlo lang naman kami at nasasalubong ko lang minsan. Hindi kami nagpapansinan dahil hindi ako magaling doon. Buti nga at puro kami babae.

Ang maganda kasi rito kahit medyo mahal ay may sariling banyo sa mga kuwarto. Appliances lang wala. Ang kusina ay mayro'n sa baba at iisa, pero minsan lang siguro ako gagamit doon. Dito na rin ako sa kuwarto ko kumakain at may banyo naman at may lababo roon kaya pinaghuhugasan ko ng plato. Mahirap kasi kapag 'yong mga gamit mo ay nilagay mo sa labas Basta nalang. Hindi ko alam ang ugali nila at baka Basta nalang gamitin ang nakikita nila kahit hindi sa kanina.

Gusto ko lang mag-ingat at 'yon ang bilin sa akin ni Ma'am Gwen as a first timer na nag apartment.

Umalis na ako dahil maghahanap nanaman ako ng trabaho ko. Pîsteh, may trabaho na sana ako kung hindi sumusulpot ang lalaking 'yon. Nakakakilabot siya sinusundan ako kahit saan.

Pagkarating ko nga sa area ay hindi na ako tumigil sa lagi ko namang pinupuntahan, try ko naman 'yong medyo malayo imposibleng makita niya pa ako.

Naiiyak tuloy akong nakatingin sa phone ko na walang tumawag na kumpanya. Grabe na 'to.

Pero may good news pa rin naman. May text 'yong isang kompanya at gagawa nalang daw ng schedule para sa interview ko. Medyo matagal din pala ang process? Baka maraming nag a-apply.

Pagkapara ko nga sa tricycle driver ay saka lang ako nagbayad. Hinihintay ko nalang ang sukli ko nang bigla kong mahagilap si Kaizen kaya nagulat ako. Medyo malayo siya at may kausap yata sa cellphone.

“K-Kuya, mamaya na pala. D-Doon nalang pala ako banda titigil.” Sumakay ako kaagad sa tricycle. Taka niya pa akong tinignan pero pinaandar niya na rin naman.

Napasandal ako sa upuan at bumuntong hininga. Ang malas naman.

Pagkatigil ay binigay niya sa akin ang sukli. Nabawasan pa tuloy. Ang layo na rin. Gusto ko tuloy sumigaw dahil sa nangyayari sa akin. Ewan ko lang, mayro'n sa loob ko na dapat ko siyang iwasan.

Naghanap nalang ulit ako ng bagong trabaho ko. Kahit saan saan na ako napadpad at wala naman akong choice eh. Mayro'n ba?

Nang maka apply ako sa isang company na nakita ko ay dumeretso na ako sa isang restaurant. Maganda ang restaurant nila at mukhang yayamanin sa pagkakagawa palang.

Pumasok ako rito at mukhang 'di pa sila nagbubukas. Lumapit ako sa isang babae na tinitignan ang mga halaman sa loob. Pati ang mga upuan sa loob ay ang ganda. Sinisigaw nito ang pagka vintage at modern.

“Uhm hello po ma'am. May I ask po kung hiring po kayo rito?” Tanong ko sa kaniya. May nabasa kasi ako sa labas ng hiring kaya pumasok na ako.

“Ah yes we are.” Napatango tango ako at ngumiti.

“I'm interested to work here po. Here's my requirements po.” Ngiting ngiti kong sabi saka binigay sa kaniya ang papel. Binsa niya ang mga ito at inaya muna akong umupo. Hindi pa naman niya ako pinapaalis kaya medyo nangangalay na akong ngumiti.

Napatingin siya sa akin at tumango tango. Ilang minutes din ata bago siya nagsalita.

“Okay, you can come tomorrow. Magtrabaho ka na bukas.” Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa sinabi niya. T-Teka boss ba 'to.

“Ha-Hala, kayo po ang boss?” Ngumiti siya at tumango tango.

“Oo ako nga. Actually, kaaalis lang kahapon nang isang nagtatrabaho rito kaya hiring ako ngayon. Kaya ikaw na.” Napangiti ako tumango.

Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. “Salamat po ma'am,” sabi ko at yumuko ng kaunti.

Matapos namin makapag usap ay umalis na rin ako. Sa wakas ay may trabaho na ulit ako.

Tinanong ko nga sa kaniya ang sahod at six thousand per month. Okay na, kaysa naman sa wala. Swerte pa rin naman pala ako. Kailangan ko nalang talaga ng trabaho para makapagpadala na ako at umaandar ang panahon mag co-college pa ang kapatid ko.

Naglakad lakad na rin lang muna ako napaupo ako sa isang park na kaharap ng restaurant na papasukan ko. Sa kabilang kalsada iyon kaya medyo malayo.

Napakasagana ng lugar na 'to tama nga ngayon sila hiring ng maraming tao.

Napatigil nalang ako nang mag ring ang cellphone ko. Bigla naman akong natuwa dahil baka ito na 'yong kumpanya. Pero napanguso ako dahil si Dione pala.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

[“Nothing, how are you?”] Nothing daw pero tinanong kung kamusta ako.

“Ayos lang. May trabaho na rin, ang kapatid ko maayos naman ang ginagawa niya?” Nadadaanan niya kasi ang apartment nito.

[“Oo, halos hindi nga lumalabas eh, saka lang lalabas kapag may projects sila at papasok sa school.”] Napailing iling ako. Hindi siya mahilig gumala.

“Bakit ka pala napatawag?”

[“Wala lang baka na mi-miss mo ako.”] Napaasim ang mukha ko, narinig ko pa ang pagtawag niya.

“Pinagsasabi mo? Sa anong paraan?” Pagbibiro ko sa kaniya.

[“Ay bakit? May nakita ka na ba riyan?”] Napatigil ako bigla at hindi ko alam kung anong isasagot ko. Luh.

“Y-Yuck. Wala ha. Aanhin ko 'yon. Kailangan ko ng trabaho.” Napatawa tawa siya.

[“Okay then, take care Vaniah. Don't worry about your sibling, I'm looking after her.”] Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Pagkatapos naming magpaalam ay pinatay ko na ang tawag. Sîraulø talaga. Sa totoo lang ay halos ayaw kong ibigay ang number ko sa kaniya dahil wala akong pinagbibigyan ng number ko lalo na sa lalaki. Makulit din kasi ang isang 'yon.

Napasandal ako sa inuupuan ko at napatitig sa restaurant. May tumigil na kutse sa tapta nito. Pagkalabas ng tao sa loob ay nanliit pa ang mata ko. Bigla akong napaayos ng upo na akala mo ay tatakbo na. Napanganga ako nang makitang siya nanaman 'yong lalaki. Napatalon ako at nagtago. Sinilip ko ito hanggang sa makita kong nag-usap sila no'ng may ari ng restaurant. Omg, anak niya ba? They look like a mother and son.

Napatakip ako sa bunganga ko at walang ano'y tumakbo paalis. Pîsteh kahit saan talaga.

Tinakbo ko nalang hanggang sa makalayo ako. May park nanaman akong nakita kaya napasalampak ako rito. Grabeng pagod ko at pawis mabuti nalang at mapuno at mahangin ngayon. Hindi ganoon katirik ang araw pero 'yong pawis ko parang tubig na. Hiningal akong tumakbo kaya pati tuhod ko parang nanghihina na.

Napaiyak ako nang walang luha dahil sa wala na akong pupuntahan. Nakakakilabot bakit kung nasaan ako nandoon din siya? Magsumbong kaya ako sa pulis? Pero wala akong ibendesiyang ipapakita.

Nang tuluyan akong makapagpahinga ay nanghalian nalang muna ako. Hindi na ako lumipat sa may table dahil may mga kalat na iniwan lang basta.

Paano na 'to ngayon? Wala akong ibang trabaho. Kung mother niya 'yon o kahit aunt niya pa 'yan ay delikado pa rin ako. Type niya ba ako bakit hindi ako tinitigilan sinusundan niya rin ako kahit saan.

Nang mabusog ako ay puno nanaman energy ko. Nag-ayos nga muna ako ng mukha dahil mukha na akong hagard sa pagtakbo ko kanina.

Napatigil ako nang mapaisip ako. Hindi nalang ako tutuloy sa restaurant, baka kapag sinabi niya sa mother niya na girlfriend niya ako deretso kaagad sa kasal. Tapos kapag kinasal magkakaanak, tapos kapag tumagal mag-aaway, tapos kapag nag-away maghi— ay naku! Ayaw ko na!

Kahit kunware pa 'yan basta ayaw ko! Ayaw ko sa pag-ibig na 'yan. Daming alam mabubuhay naman ako kahit wala 'yan.

Napasandal ako sa upuan. Mag-iisang oras na akong naka upo rito. Nakakain na ako at nakapahinga. So? Hahanap ulit ako ng trabaho? Saan naman? Ang gulo na ng isip ko. 'Di ko na alam kung anong gagawin. Napakuyom ako ng kamao. Tama! Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa may mga companies pa akong hinihintay at nag sunod sunod ang text na hintayin ko nalang ang schedule.

Tama tama tama.

Napatigil ako bigla ng umangat ang inuupuan ko kaya napunta ako sa kabilang gilid. Napa 'O' akong nakatingin sa pinanggalingan kong inuupuan.

Pagkalingon ko ay nanlaki ang mga mata ko.

“Hi.” Kumaway pa siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

“Ahhh! Lumayo ka sa ak—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bunganga ko. Ba't nandito nanaman ang lalaking 'to. At bakit ganito ang upuan na 'to?

“Shh! Hindi naman kita sasaktan eh. Can you please just calm down. CALM DOWN. Okay? I have something to say. Just for a while give me some time to talk.” Napatigil ako at tinignan pa rin siya ng nakasalubong ang kilay pero nanlalaki ang mata.

“Good. Good,” sabi niya sa akin ng mahinahon kaya napangiwi ako.

“Bakit ka ba kasi nandito? At bakit 'tong upuan ganito?” Tinuro niya ang paligid may mga puso puso. Luh.

“It's for couples, kaya 'wag kang magtaka sa upuan dahil mabigat ako.” Tumayo siya ng dahan dahan kaya bumabalik na sa pagkapantay ang upuan. Ang gaan ko naman.

Tumayo na rin ako at hinarap siya.

“Okay, let me talk too. Papangunahan na kita. I don't want your favor.” Napatingin siya sa akin ng gulat.

“B-But please. I deeply need your help. Ikaw ang naipakilala ko kay Daddy.” Umiling iling ako.

“Sabihin mo nalang na break na tayo.”

“Hindi puwede 'yon. I have a deep reason para ituloy 'tong acting.” Napaisip ako. Problema ko pa ba 'to?

“Ede maghanap ka nalang ng iba. I don't want to be bother.” Wala pa akong trabaho uncle para alam mo. Maghihirap ako nito eh.

“What? Anong iisipin sa akin ng tatay ko niyan?” Napaisip ako.

“Babaero?”

“Exactly! Kung sana hindi ikaw ang nahigit ko ay hindi ikaw ang kukunin ko.” Sana nga ano. Kasalanan mo bakit kasi ako pa hinila mo.

“Hanap ka nalang ng kamukha ko. Ay kahawig pala, because I'm unique. Tapos kapag nagtaka ang daddy mo sabihin mo nagpa retoke ako.” Napanganga siya sa harapan ko.

“Great idea right?” Tinignan niya ako at napahilamos.

“Wala na ba talaga, kahit pag-isipan mo?” Napabuntonh hininga ako.

“Okay fine, pag-iisipan ko muna. Basta 'wag mo lang akong sundan! Sinusundan mo ako kahit saan eh. Ang hirap hirap tumakbo.” Napa cross arm ako.

“Do I told you to run.” Napa simangot ako. Hindi.

“And ofcourse makikita mo ako kahit saan I have different business at pinupuntahan ko araw araw.” Napapikit ako at napatango nalang.

Kinuha ko na ang gamit ko. “Can I go now?” Tanong ko sa kaniya.

“Y-Yeah sure, tell me if you made up your mind.” Napabuntong hininga ako at umalis. Uuwi na nga lang ako. Magtatanim pa ako ng gulay eh.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status