CHAPTER 8Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—NAGDIDILIG ako ng mga halaman ngayon at napapaisip. Nang makaalis kasi kanina si Kaizen ay umuwi na rin ako kaagad. Alas kuwatro palang naman ng hapon kaya napag-isipan ko munang mag dilig. Medyo malaki na rin itong mga halaman noong nilipat ko. Kailangan ko na rin lang talagang alagaan pa ng mabuti para hindi mamatay dahil sa paglipat. Mga talong, kamote at kamatis ito. Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na wala akong trabaho at hindi puwedeng sumama ako sa kaniya lagi para magkunwari. Kailangan kong makapag ipon kaagad. Iniisip ko palang magiging tuition ng kapatid ko ay nababalîw na ako. Oo nga at sinabi niyang magtatrabaho rin siya sa bakasiyon, pero kasi ako nakapag aral ako nang magulang ko ang nag provide dahil ayos pa naman noon. Gusto ko ring makapag aral ang kapatid ko kaya ako na ang gagawa ng paraan.Napahinga ako ng malalim dahil gusto ko siyang tulungan pero parang naiipit ako lalo
CHAPTER 9Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—“Let's go.” Nagulat ako dahil kabubukas ko palang sa pintuan ng kuwarto ko ay si Kaizen agad ang bungod.“What the fvck, what are you doing here.” Tinampal tampal niya ang bunganga niya at sinabing pananalita ko raw. Inirapan ko siya.“Tara na, ililibot kita sa bago mong trabaho.” Nanlalaki ang mata ko at napatingin sa orasan.“Ang aga palang eh. Ganito ba dapat kaaga? You didn't text me.” Kagigising ko nga lang, alas kuwatro palang ng madaling araw oh.“At paano ka naman nakapasok dito?”“Nakausap ko 'yong may ari. Ililibot nga kita.” Napailing iling ako at bumalik sa higaan ko para matulog ulit. Inaantok pa ako eh ang aga naman nito.“What the. Tumayo ka na riyan. Marami pa akong surprise sa 'yo.” Hinila niya ako sa paa pero makapit ako.“Tinatamad pa ako. 10 minutes bigyan mo ako ng 10 minutes.” Tumigil siya kaya napa hinga ako ng maluwag.“Magimpake ka na.” Gulat akong napatingin sa kaniya.“Ba't mo ako pinapaimpake.” Lumapit siya sa
CHAPTER 10Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—KAILAN na nga ba ulit ako nakipag plastikan sa mga taong alam ko na ang ugali? High school palang yata ako noon at kaming dalawa ng kaibigan ko ay gawain na namin ang makipag plastikan once na may narinig kaming bagay na sinasabi tungkol sa amin. Hindi kami basta nalang papayag sa mga gano'n.Madalas kasi at nangunguna kami ng kaibigan ko sa klase at may isang nakikipag unahan na hindi namin alam na may galit pala, sa amin kasi ng kaibigan ko, masaya kaming nag aaral at pangarap naming mapataas ang grade para maging proud ang mga magulang namin. Wala sa amin ang ranking pero Ang napagkasunduan namin ay ga-graduate kami sa highschool na parehong may honor.Sa totoo nga niyan ay 'di rin namin ine-expect na halos nangunguna talaga kami, wala kaming pakialam kung sino pa sa aming dalawa basta may honor kami ay okay na. Tapos bigla nalang naming malalaman na may nagagalit na pala at ayaw malamangan. Noong una nga ay hinayaan namin pero bigla
CHAPTER 10 CONTINUATIONTHIRD PERSON POINT OF VIEW—“Son, what are you doing?” Napatingin si Kaizen sa ama niya na masama na ang tingin at may halong pagbabanta.“What do you mean dad?”“Who's that girl? Really? Talagang pinunta mo pa siya rito. That girl wont help us. Mukha niya palang ay mahirap na siya she look ignorant.” Napa buntong hininga si Kaizen.“Dad we love each other, they are rich but she just want to work for herself. Are you thinking na yaman lang ang habol niya sa atin? She can't do that dad.” Hindi tuloy malaman ni Kaizen kung ano pa ang idadahilan niya sa ama dahil mapilit ito. Umiling iling ang ama niya at pabagsak na umupo.“You said you love each other right? Why don't you try to marry her? If she's really inlove with you she would not hesitate to marry you.” Nakaramdam ng kaba si Kaizen lalo na kay Vaniah, dahil ang usapan lang ay fake relationship at hindi aabot sa kasal.“We are still young to do that dad.” Napatigil ang ama niya.“Then you leave me no choic
PROLOGUENAPAPAHIKAB ako habang hinihintay si Kaizen sa pag-uwi. Alas tres palang naman ng hapon pero inaantok na ako dahil sa pinagplanohan namin ni Lucas. Pero normally talaga ay natutulog ako sa hapon.Hindi ko nga alam kung tatalab ba o magiging successful ang plano namin ni Lucas. May mga negative na dahilan kung bakit useless ang pagplano naming pag selosin si Kaizen.Una ay bakla siya, magugustuhan ba ako niyan? Syempre hindi. Pangalawa lalaki rin ang gusto niya, ilang beses na kaming nag agawan sa lalaki tanong mo? Yes. Pangatlo ay nandidiri siya sa akin. Lalo na kapag kumakapit ako sa kaniya at sinusubukan ko siyang landiin pero walang nangyayari. Puno na ako ng hampas, sigaw at tulak dahil diring diri sa akin.Kaya paano masasabi ni Lucas na may gusto sa akin 'yon? At talaga namang pinagplanuhan niyang mabuti ang pagpapaselos kay Kaizen. Eh kung wala nga kaming mapapala rito.Umiling iling nalang ako at hinayaan. Bahala na nga, isang beses lang naman eh. Pero, wala pa nga ri
CHAPTER 1Vaniah Feumi Dellona POUNT OF VIEW—“Ano bang problema mo! Lagi mo nalang pinepestè ang buhay ko!” Nagising ako sa sigaw ni Mommy na nasa baba. “Ano nanaman itong pinagbibili mo? Gastador ka sa pera! Wala ka pa lagi rito sa bahay.”“Nahiya naman ako sa 'yo na pinangsusugal ang sahod. Para sabihin ko sa 'yo pareho tayong nagtatrabaho kaya walang pakialamanan.” Napatakip ako ng unan sa tenga ko. Ayaw kong marinig. Nagsasawa na ako sa kada umagang away ng magulang ang bubungad sa 'yo. Hindi ko na matandaan kung kailan sila nagsimulang maging ganiyan. Basta ang alam ko, patapos na ako sa kolehiyo noon at unti unti na silang nagkakaganiyan hanggang umabot sa sigawan.Bahay, malaking bahay, tatlong palapag. Anong kuwenta nito? Anong kuwenta ng tatlong palapag na bahay kung may gulo? Kotse? Malawak na lupa, marangyang buhay? Ano pang saysay nito kung 'yong gusto mong ipagbati ay ayaw.Mayaman na kami't lahat, bakit nag-aaway pa rin sila sa parehong dahilan? Hindi sila ganito no
CHAPTER 2Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—PAGKAUWI ko sa bahay ay wala ang mga magulang ko. Tumingin ako sa kapatid kong gumagawa ng assignment niya.“Faiah, umuwi na ba sila mommy?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin.“Si Daddy umuwi saglit pero may pinakuha lang saglit. Ate 'yong bill pala ng kuryente. Binigay ko kay Daddy kanina pero hindi niya tinanggap.” Napabuntong hininga ako, medyo mataas. “Patayin na natin ang aircon at refrigerator, kakaunti naman ang laman.” Tumango siya sa akin. Ako ang magbabayad nito paniguro.Pagkatapos naming kumain ay pinapunta ko na siya sa kuwarto niya para matulog na. Napatitig ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Kukulang ang pera ko sa lagay na 'to. Kailangan ko ng mas malaking sahod. Tanggapin ko nalang kaya ang alok ni Ma'am Gwen?Napabuntong hininga aji at napapikit.Nakatulog ako dahil sa pag-iisip ng paraan para magkapera. Pagkagising ko ay alas sais na pala. Dumeretso ako kaagad sa kuwarto ng kapatid ko. Nagulat nalang ako
CHAPTER 3Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—ITO ang unang araw na makikita ko ang buong lugar dito sa tinuluyan ko ngayon. Gabi na kasi noong nakarating ako buti nalang talaga at may kakilala si Ma'am Gwen kaya sinabihan niya nalang ang kakilala niya, kaya may maayos na apartment ako ngayon. Pagkagising ko ay naligo ako kaagad at nagluto ng umagahan ko. Nagbaon na rin pala ako baka sakaling tanghaliin ako sa paghahanap. Ayaw ko nang bumalik at bumili sa labas dahil sayang naman.Nang matapos akong kumain at ibalot ang kakainin ko mamayang tanghali ay nilagay ko na ito sa mini back pack ko. Hindi nga halatang back pack eh sa liit niya. Nagsuot nga ako ng formal attire kasi trabaho ang pasukan ko. Loong sleave siya na polo at itatali siyang ribbon sa braso. Tinack in ko nalang ito sa high waisted kong black pants. Nagdala na rin nga ako ng black coat ko para tanggap agad lalo sa sa mga company.Nang masiguro ko na nadala ko lahat ng requirements ko ay tumayo na ako para umalis sa ap