Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW

PAGKAUWI ko sa bahay ay wala ang mga magulang ko. Tumingin ako sa kapatid kong gumagawa ng assignment niya.

“Faiah, umuwi na ba sila mommy?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin.

“Si Daddy umuwi saglit pero may pinakuha lang saglit. Ate 'yong bill pala ng kuryente. Binigay ko kay Daddy kanina pero hindi niya tinanggap.” Napabuntong hininga ako, medyo mataas.

“Patayin na natin ang aircon at refrigerator, kakaunti naman ang laman.” Tumango siya sa akin. Ako ang magbabayad nito paniguro.

Pagkatapos naming kumain ay pinapunta ko na siya sa kuwarto niya para matulog na. Napatitig ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Kukulang ang pera ko sa lagay na 'to. Kailangan ko ng mas malaking sahod. Tanggapin ko nalang kaya ang alok ni Ma'am Gwen?

Napabuntong hininga aji at napapikit.

Nakatulog ako dahil sa pag-iisip ng paraan para magkapera. Pagkagising ko ay alas sais na pala. Dumeretso ako kaagad sa kuwarto ng kapatid ko. Nagulat nalang ako ng umiiyak na ito.

“Bakit?” Lumapit ako aa kaniya.

“A-Ate, hindi na raw ako papag-aralin nila mommy. Hihingi lang sana ako ng pambayad sa project namin sa school kasi alam kong ikaw magbabayad sa kuryente kaya sa kanila ako humingi pero sinigawan ako. 'Wag na raw akong mag-aral dahil gastos daw ito. Gano'n din si Daddy.” Napabuntong hininga ako at napasapo sa noo.

“Alam mo namang hindi ka puwedeng tumigil sa pag-aaral 'di ba? Nasaan sila?” Inis na tanong ko.

“Hindi ko po alam ate. Umalis yata.” Napahilamos ako at napabuga ng hangin. Wala na akong magagawa, na sa akin na ang responsibilidad ngayon.

“Mag-aaral ka pa rin. Ako ang magpapa-aral sa 'yo. Ayusin mo na ang sarili mo at pumasok ka.” Seryuso akong napatingin sa kaniya.

Bumaba na ako pagkatapos niyon para magluto. Nang bumaba siya ay nagpupunas pa siya ng mukha.

“'Wag kang papaapekto ha. Mag-aral ka. Hindi puwedenf hindi.”

Matapos kaming kumain at makitang pumunta siya sa school ay pumunta na rin ako sa trabaho ko. Gaya ng nakasanayan sa coffee shop muna ako. Hindi nga ako gaanong maka focus dahil sa pag-iisip ko. Kung magtatrabaho ako sa malayo ay maiiwan ko ang kapatid ko.

“Vaniah, ayos ka lang?” Tanong sa akin ni Ma'am Gwen. Ngumiti nalang ako ng pilit.

“A-Ayos lang po. Ma'am Gwen. Nabanggit niyo po sa akin na may kakilala po kayo sa ibang lugar na puwede akong tulungan mag hanap ng trabaho. Puwede pong malaman?”

Tinignan niya ako mabuti.

“Naiintindihan ko na. Pero kailangan mo kaagad umalis kinabukasan kasi currently maraming naghahanap ng tauhan doon.” Napa hilot ako sa sintido ko. Bukas kaagad?

“Sa mga susunod na buwan o baka linggo wala na. Kakaunti nalang ang pag-aapplayan mo madalang na rin tumanggap.” Tumango ako kay Ma'am Gwen.

“Sige po, pag-iisipan ko Ma'am Gwen.”

“Basta sabihan mo lang ako ha?” Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya dahil pupunta ako sa kainan.

Buong pagtatrabaho ko ay nakatulala lang ako. Sabagay ay mas maganda nga kung bukas kaagad ako babiyahe. Para madali akong makaipon at ipapalipat ko ang kapatid ko sa apartment na mas malapit sa School.

Pagbalik ko sa Coffee Shop ay may kaunti nang tao. Sasabihin ko na kay Ma'am Gwen na sigurado na ako. Wala nang atrasan, kasi kung paaabutin ko pa ng ilang araw ay walang mangyayari. Tuluyan lang kaming hihirap kahit alam kong may pera kami.

“Ma'am Gwen.” Tawag ko kay Ma'am Gwen habang nagsusuot ng apron.

“Yes?”

“Sigurado na po ako bukas. Anong oras po ba ang biyahe?” Tanong ko sa kaniya.

“Sure na 'yan? Agahan natin kasi 7 hours ang biyahe. Sasamahan na kita papunta roon kasi malayo. At balak ko talagang pumunta roon para ibigay ang pinapabili ng kaibigan ko roon.” Tumango ako sa kaniya.

“Sigurado na po ma'am. Wala na rin namang akong gagawin dito.” Sa bagay ay tapos na ako sa kolehiyo at may maipapakita na akong diploma, madali na rin siguro akong matanggap.

“Aalis ka na talaga?” Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Dione. Tinignan ko siya from head to toe.

“Grabe tingin mo sa akin ah. Mamimiss mo siguro ako kaya tinatandaan mo kabuuan ko.” Nginiwian ko siya.

“Kung gano'n siya na pala papalit sa akin dito Ma'am Gwen?” Tanong ko kay Ma'am Gwen.

“Oo, alam ko kasi na nakakapag decide ka na ngayon. Ikaw kaya ang nakilala kong pinakamagaling mag decide, madali kang nakagawa ng desisiyon eh.” Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am. Kamag anak niya kasi si Dione eh.

“Eh mayaman ang isang 'yan eh.” Sarkastiko kong sabi at tinignan si Dione. Totoo naman. Mayaman siya at sabay lang kami grumaduate pero siya may business na kaagad. Hindi kagaya ko, ayos pa sila ng magulang niya.

“What? Dito muna ako hanggat wala pang nahahanap na iba si Tita, may iba pa akong business eh.” Umiling iling ako.

“Biro lang.” Nagsimula na rin akong magtrabaho at mag serve sa mga customer.

Sa totoo lang ay syodad din naman itong lugar ko ngayon pero sa dami ng tao ay madaling maubusan ng trabaho, lilipat lang ako ng ibang lugar na syodad din.

“Gusto mo bang maglibot mamaya pagkatapos nito? Isasama ang kapatid mo.” Tinignan ko si Dione na bumulong sa akin.

“Nakain mo?” Tanong ko sa kaniya.

“Ito naman, aalis ka na 'di ba? Ayaw mo bang gumala kahit saglit lang.” Napangiwi ako.

“Mag-iimpake pa ako at maaga pa ako bukas.” Pagtanggi ko sa kaniya.

“Hanggang alas otso lang tayo, treat ko. Ihahatid ko kayo ng kapatid mo sa bahay niyo. Samahan na rin kitang mag impake.” Umiling ako sa kaniya.

“Kaya ko mag-impake mag isa.”

“Sige na, ayaw mo bang makapag bonding kasama ang kapatid mo? Sigurado ako matagal ulit bago kayo mag-kikita.” Ibis akong napahilamos. Talagang gagawa 'to nang dahilan para magsisi ako eh.

“Oo na sige na.” Alas syete pa naman ang uwian namin dito at 6:25 PM pa lang. Nakauwi na rin siguro ang kapatid ko. Tinext ko muna siya na mag bihis at susunduin mamaya. Deretso na rin siguro akong maghanap ng apartment niya na malapit sa school. Masiyadong rush ah.

“May alam ka bang malapit na apartment sa School ni Faiah? 'Yong mura lang.” Tanong ko kay Dione.

“Oo, bakit?”

“Sige sa 'yo ko nalang tatanungin kapag dumaan ang ilang linggo.”

“Hindi mo ba siya ililipat kaagad doon pagka-alis mo?” Umiling ako sa kaniya. Wala akong pera 'no, pamasahe ko lang ito, ilang araw na gagastusin ko sa magiging apartment ko rin at bibigyan ko pa ng isang linggong baon ang kapatid ko.

“Hindi, kapag nakahanap ako ng trabaho.” Tinignan niya ako mabuti kaya pinanliitan ko siya ng mata.

“Ako na muna magbabayad hanggat wala ka pang trabaho.” Aangal na sana ako ng magsalita ulit siya.

“Para malayo siya, kahit ako nasa sitwasiyon mo ilalayo ko rin ang kapatid ko. Sige na, bayaran mo nalang kapag may trabaho ka na.” Napakamot ako sa batok ko.

“Sige na, ikaw bahala.”

Maaga nga kaming pinaalis ni Ma'am Gwen dahil narinig niya ng usapan namin. Nasa likuran lang namin eh, maririnig niya talaga.

“Saan tayo pupunta ate?” Tanong sa akin ng kapatid ko. Nasa kotse na nga kami ni Dione.

“May sasabihin ako sa 'yo mamaya.” Tumango lang siya sa akin.

Gaya nga ng sinabi ni Dione ay namasyal lang kami. Akala ko nga ay simpleng pasiyal lang pero nagulat nalang ako nang siya na ang bumili ng ibang gagamitin ko kapag nasa apartment na ako.

“Hindi mo naman na kailangang gawin 'to Dione.” Nahihiya tuloy ako dahil ilang beses siyang rejected sa akin tapos mabait pa rin siya. Hindi ko naman kasi masisisi ang sarili ko kung ayaw ko pa talaga kahit ligaw lang.

“Wala ito. Kausapin mo na kapatid mo nandito na tayo sa may apartment.” Lumabas kami ng kapatid ko sa kotse at naiwan si Dione sa loob.

“Bakit 'tong apartment ate?” Hindi ko pa kasi sinasabi sa kaniya na rito muna siya hanggat nagtatrabaho palang ako.

“Dito ka muna titira habang wala ako. Magtatrabaho ako sa ibang lugar, gusto mo ba?” Kita kong nagulat siya at napayuko. Pero tumingin din siya sa akin.

“Oo naman ate. Pagkatapos ko mag-aral sa senior high sasama ako sa 'yo.” Tumango ako sa kaniya. Madali talagang kausap ang isang 'to.

Tinawag ko na rin si Dione para siya ang mag check sa apartment, hindi kasi ako maalam sa ganito. May nilampasan nga kaming isang apartment dahil sabi niya ayaw niya roon. May chinecheck din daw siya kasi.

“Sige na tignan mo na magiging kuwarto mo,” sabi ni Dione at pumunta muna kami sa labas.

“Salamat Dione ha.” Napapakamot ako sa batok ko.

“Wala nga 'yon. Kung kailangan mo ng tulong syempre tutulungan kita. Isa pa.” Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Sana 'wag mong isara ang puso mo sa ibang tao. Hindi lahat ng bagay 'gano'n' Ang magiging kahinatnan. Alam kong kapag tumagal ka roon may makikilala ka ring taong magiging para sa 'yo. Hindi ako magagalit kasi kung hindi naman tayo para sa isa't isa bakit ko pipilitin.” Napatitig ako sa kaniya.

“D-Dione.”

“Hindi mo kailangang mag sorry sa akin. Mag-iingat ka roon ha? Susubukan kong tignan ang kapatid mo minsan.” Napangiti ako tumango tango sa kaniya.

“Salamat ulit, Dione.”

Kung sana, kung sana gano'n kadali na magbukas ng puso para sa mga tao baka matagal ko nang pinili si Dione. Wala akong reklamo sa ugali niya at sa lahat na yata ng bagay ay nasa kaniya na.

'Yon nga lang ay ako ang problema. Hindi ko magawang magmahal dahil iniisip ko palang ang kakahinatnan sa dulo. Tama siya, hindi nga lahat ng bagay ay mauuwi sa wala patungkol sa pag-ibig, pero hindi ko pa rin magawang makumbinsi ang sarili ko. Siguro may iksaktong oras para rito. Sa ngayon ay magfo-focus muna ako sa pagtatrabaho.

Umuwi na kami sa bahay pagkatapos naming nabili ang mga bibilhin at nagawa ang gustong gawin. Inutusan ko na nga kaagad ang kapatid ko na mag impake na rin.

“'Wag mong i-impake lahat, baka naman dalhin mo ang buong kuwarto mo roon.” Naka cross arm na sabi ko sa kaniya.

“Hehe, hindi naman ate. Magpapaalam ba tayo sa kanila ate?” Tinignan ko siya ng nakataas ng kilay.

“Oo naman, magulang pa rin natin sila.”

Lumabas na ako sa kuwarto niya pagkatapos ko siyang sabihan. Nakaimpake na rin naman na ako ng mga gamit ko.

Kinaumagahan ay maaga nga si Ma'am Gwen na pumunta rito para sunduin ako. Alas tres pa nga lang ng madaling araw.

Hinila ko ang kapatid ko para magpaalam na. Inuna namin kay mommy dahil nandito siya sa kuwarto niya.

“Mommy.” Ako ang nagsalita. Napatingin siya sa kabuuan namin.

“Magtatrabaho pala ako mommy, itong kapatid ko ililipat ko muna sa apartment na malapit sa school para hindi magpasahe lagi.” Tinignan niya kaming mabuti bago tumango ng dahan dahan.

“O-Oh sige. Tama 'yan. Para m-mapag-aral mo ang kapatid mo, mag-iingat kayo.” Ramdam ko ang pagkaalanganin ni Mommy kaya lumapit kami sa kaniya at humalik sa pisnge, hinalikan niya rin kami sa pisnge. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na kami.

“A-Ate, kay Daddy na.” Tinapik ko ang balikat niya. Takot kasi siya kay Daddy at Mama's girl ito. Samantalang ako mama at Papa's girl.

“Magpapaalam lang naman tayo.”

Pagkababa namin ay nagbibilang siya ng pera niya. May kaharap ngang alak si Daddy pero hindi pa ito lasing dahil hindi pa nakalahati. Sigurado rin ako na pang sugal niya ito.

“Daddy.” Tinignan niya kaming dalawa at kahit ang dala naming maleta. Gaya kay mommy ay sinabi namin kung ano ang totoo.

Matagal bago siya nakapagsalita habang nakatingin sa pera niya.

“Sigurado kayo?” Napatigil ako sa seryusong tanong ni Daddy.

“Opo.” Napatango tango siya at binigyan kami ng pera. Umalis na siya pagkatapos niyon nang walang ibang salitang iniwan. Well, ganiyan talaga ang pagmamahal ng ama, sadyang 'di lang sila magkaayos ni mommy.

“Itago mo na 'yan tara na.”

Nang maihatid namin ang kapatid ko sa apartment ay nagpaalam na ako sa kaniya. Kumaway na rin ako kay Dione na nasa tapat ng mall. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa daan na nililisan ang lugar namin. Sana maging maayos pa sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status