Share

CHAPTER 1

last update Huling Na-update: 2024-11-05 05:56:13

CHAPTER 1

Vaniah Feumi Dellona POUNT OF VIEW

“Ano bang problema mo! Lagi mo nalang pinepestè ang buhay ko!” Nagising ako sa sigaw ni Mommy na nasa baba.

“Ano nanaman itong pinagbibili mo? Gastador ka sa pera! Wala ka pa lagi rito sa bahay.”

“Nahiya naman ako sa 'yo na pinangsusugal ang sahod. Para sabihin ko sa 'yo pareho tayong nagtatrabaho kaya walang pakialamanan.” Napatakip ako ng unan sa tenga ko. Ayaw kong marinig. Nagsasawa na ako sa kada umagang away ng magulang ang bubungad sa 'yo.

Hindi ko na matandaan kung kailan sila nagsimulang maging ganiyan. Basta ang alam ko, patapos na ako sa kolehiyo noon at unti unti na silang nagkakaganiyan hanggang umabot sa sigawan.

Bahay, malaking bahay, tatlong palapag. Anong kuwenta nito? Anong kuwenta ng tatlong palapag na bahay kung may gulo?

Kotse? Malawak na lupa, marangyang buhay? Ano pang saysay nito kung 'yong gusto mong ipagbati ay ayaw.

Mayaman na kami't lahat, bakit nag-aaway pa rin sila sa parehong dahilan? Hindi sila ganito noon pero biglang nagbago.

Dahan dahan akong napatayo habang buhat ang mabigat na pakiramdam at walang emosiyong mukha. Wala na akong nararamdaman, hindi ko na alam kung paano umiyak. Nagsasawa na akong maglabas ng emosiyon para sa kanilang dalawa na walang patutunguhan.

Pagkababa ko ay nakabihis na ako. Handa na para pumasok sa maliit na coffee shop dito sa lugar namin. Hindi nagiging sapat sa akin na sahod.

“Maghanap ka ng mas magandang trabaho. Walang ibang susuporta sa inyo ng kapatid mo kung hindi ikaw lang. Napaalis ang tatay mo sa trabaho niya.” Napayuko ako sa sinabi ni mommy. Kahit pala si daddy napaalis na rin. Kaya pala sila nag-aaway nanaman.

Pagdating ko sa kusina ay wala si Daddy, siguro ay umalis na rin siya. Walang paalam na umalis din si mommy. Napaupo ako habang nakaharap sa mesa. Anong silbi ng bahay na maganda? Anong purpose nitong mesa na malaki kung wala kang kaharap. Makikipag usap nalang ba ako sa sarili ko.

“A-Ate.” Tama ako ang panganay, sa akin lahat ang resonsibilidad.

“Kumain na tayo.” Baling ko sa nakababata kong kapatid na babae.

“Lunes ngayon ah, bakit hindi ka pumasok?” Napayuko siya at umupo.

“Wala akong baon ate, 'Yong ipon ko pinangbayad ko sa project at mga ambag ko sa events sa school.” Napailing iling ako.

“Hindi ka ba binigyan ni mommy o ni daddy?” Umiling siya.

“Humingi ako pero, hindi ako binigyan.” Nagsandok ako ng makakain namin.

“Pumasok ka mamayang hapon. Ito baon mo.” Malayo kasi ang school at 25 minutes ang biyahe bago makarating. Ang mga sasakyan pa rito ay mahal ang pamasahe. Simula nga noong nagkagano'n ang magulang namin unti unti na kaming hindi sinusuportahan. Senior high na ang kapatid ko at grade 12 na siya.

Ako ay tapos na sa kolehiyo, pero kailan lang. Kahit pala graduate ka na ay mahirap pa rin maghanap ng trabaho. Kaya pumasok muna ako sa isang coffee shop para makaipon ako ng pera papunta sa ibang lugar na may mas mataas na sasahurin.

Hindi na kami nabibigyan ng suporta ng magulang. Ako na ang nagbibigay sa kapatid ko. Kaso nga lang ay hindi sapat ang sinasahod ko para sa araw araw niya. May ipon naman na ako pero hindi sapat.

Kumain na kami ng kapatid ko at nagpaalam muna ako na papasok na ako sa trabaho. Sinasabi ko nga, kahit gaano kalaki ang bahay namin kung may gulo ay walang pinagkaiba. Hindi ito isang kayamanan. Hindi ko gusto ang ganitong klase ng yaman.

Pagpasok ko sa coffee shop ay bumungad kaagad sa akin ang amo ko.

“Good morning po.” Bati ko sa kaniya.

“Good morning, ba't hindi mo subukang maghanap ng trabahong mas maganda iha?” Napatingin ako sa kaniya habang nagsusuot ng apron.

“Wala pa po akong mahanap, 'di ko rin po alam kung saang lugar ako pupunta.” Alam niya ang nangyayari sa bahay. Kilala niya ang mga magulang ko siya si Ma'am Gwen. Sa totoo nga ay siya ang kumuha sa akin dito para taga tinda sa coffee shop niya. Wala kasi siyang anak at siya lang ang nag-aasikaso rito kaya kinuha niya ako.

Alam niya ang kasalukuyang sitwasiyon namin. At handa siyang tumulong.

“Tatanungin ko 'yong kakilala ko sa ibang lugar kung marami bang trabaho na puwedeng pasukan doon.” Napangiti ako at tumango sa kaniya.

“Sige po, maraming salamat.”

Maya maya pa ay marami nang customer ang nagsisi datingan. Kalsada kasi ang kaharap ng shop na Ito kaya tuwing umaga ay aasahan nang marami ang pumupunta rito para mag kape pampagising. May mga upuan sa loob kung gusto nilang tumambay saglit. May tinda ring mga tinapay kung hindi pa man sila nag-uumagahan.

Napatingin ako bigla sa pumasok na isang pamilya. Kasama ang ama at Ina at tatlong anak na ihahatid nila sa school. Napangiti ako, bakit hindi nalang kami manatili sa ganiyan?

“Ano po 'yon?”

“Dalawang regular coffee please. Ano sa inyo?” Tanong ng tatay sa mga anak.

“Gusto ko rin ng kape,” sabi ng bata na sa tingin ko ay gitna sa magkakapatid.

“Hindi puwede masiyado ka pang bata. Mag tinapay ka nalang muna. Ako na nga lang mamili.” Ang ama at ina nalang nila ang bumili nang para sa anak nila.

“Thank you ma'am sir. Come again,” sabi ko habang pinagmamasdan silang umalis. Sana ay hindi sila magbago at piliin Ang daang pareho silang tatahak. Huwag sana lumihis gaya sa magulang ko.

Hindi puwedeng hindi ako ngumiti sa araw araw kahit mahirap. Kailangan kong maging desente sa pagtatrabaho. Nagpatuloy ako sa pag serve sa mga customer at pag benta. Kapag walang customer ay sinasamahan ko si ma'am na nag aayos ng mga nagulong upuan at mesa. Nagpupunas din ako sa mesa kapag may natatapong kape. Nagwawalis kapag natapos ko na.

Pagdating ng alas dyes ay unti unti nang humuhupa ang customer. Medyo tanghali na rin kasi at matirik na ang araw sino pa ba ang magkakape ng mainit sa ganitong tanghali at matirik na araw.

Napatingin ako sa mga dumating. Sabi ko nga Pilipino tayo eh, walang aatras sa kape kahit mainit ang panahon.

“Ate limang medium 'yong dati naming order tapos dalawang take out.” Mga regular customer ko sila kaya alam ko na kung anong madalas na kape ang gusto nila.

Mga college student sila at sa tingin ko freshmen. Alas dose pa naman daw kasi ang pasukan nila kaya bago pumasok ay dumederetso sila rito para magkape ang init init.

Kapag nga malapit ng mag alas onse ay kailangan ko nang umalis para sa Isa pang trabaho. May nahanap din kasi akong kainan at simple lang ito. Mag serve lang ng pagkain ang gagawin ko.

“Ma'am Gwen aalis na po ako.” Pagpapaalam ko sa kaniya.

“Sige iha. Magiingat ka.” Tumango lang ako at umalis na. Ilang hakbang lang naman ang kailangan ko para makarating doon. Nakasanayan ko na rin ang ganitong gawain ko. Ayos lang sa akin basta may maipon.

Pagkarating ko ay nandoon na pala ang kasama ko. Dalawa kaming mag seserve sa mga customer. Lalo na ngayon ay Lunes maraming istudiyante ang dumadaan.

Kung tatanungin ay ang kapatid ko ay pinili ang ABM may malapit na school naman dito pero walang ABM. HUMMS at GAS lang ang mayro'n dito kaya sa ibang school nalang siya nag transfer. Ang kaso nga lang ay okay naman noon, nasusuportahan pa. Ngayon ay hindi na. Hindi naman siya pwedeng mag transfer sa ibang strand o track dahil walang ABM dito.

Kailan nga lang ako nag graduate at kailan din lang siya natapos sa grade 11 hinaharap niya na ang grade 12 ngayon.

“Kanina ka pa?” Tanong ko sa kasama ko rito.

“Hindi Vaniah, halos kararating ko rin lang. Tara?” Tumango ako sa kaniya at pumunta na kami sa may harapan para simulang mag ayos ng mga plato.

Maya maya pa ay alas dose na nga at dumadami na ang customer. Ako ang taga sukat ng sabaw, kumukuha ng bayad at susuklian sila. Kapag naman may ginagawa pa ang kasama ko ay ako na ang nagsusukat sa iba lalo na kapag take out.

Istudiyante karamihan ang mga customer. 'Yong iba ay galing sa lakad, 'yong iba ay nagpapasada ng tricycle at jeep.

May mga katabi rin naman itong kainan pero matunog lang talaga ang pangalan nito.

Pahirapan nga lang talaga sa pag deserve dahil nakakangawit sa likuran at kailangang nakangiti ka lagi para hindi magsawa ang customer na pabalik balik.

Iba ang taga luto rito at kahit sa paghuhugad ng mga plato. At kapag ganitong malapit nang matapos ang tanghalian ay unti unti na ring nauubos Ang customer. Sa tanghali lang talaga ang mahirap rito. Kapag wala nang customer na kumakain sa mga mesa ay nilinisan namin ng kasama ko para kapag may dumating ay may mauupuan sila.

Kami na rin ang naglilinis sa mga table, upuan at nagwawalis bago kami umalis. Binibigyan kami ng meryenda at ang sahod namin kapag paalis na kami.

Okay na rin dahil hindi naman ako buong araw. Sa coffee shop nga ay babalik ako dahil kapag pahapon na o kaya pagabi ay magdadagsaan ulit ang customer. Mayro'n kasing sa gabi ang pasok sa trabaho.

Safe naman akong nakakauwi dahil hinahatid pa ako ni ma'am Gwen sa bahay kapag uuwi na rin siya sa bahay niya.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko ang mga magulang ko. Hindi sila nagkikibuan at malayo sa isa't isa. May inuwi nga akong ulam, nilagay ko nalang ito sa mesa para kung sino ang gustong kumain ay kumain nalang.

Nakakain na ako sa coffee shop ni ma'am Gwen. Lagi kaming magkasabay maghapunan. Gusto niya rin daw na may kasabay siya maghapunan dahil nga mag-isa lang naman siya.

Pag-akyat ko ay dumeretso ako sa kuwarto ng kapatid ko, may sinasagutan pala siya.

“Kumain ka muna.” Tinignan niya ako ng gulat.

“Sige ate, tatapusin ko lang 'to.” Tumango ako at pumunta sa kuwarto ko. Napabagsak ako sa maliit na sofa na nandito sa kuwarto ko. Ang lawak nga ng kuwarto ko eh. Sinabi ko nga mayaman kami pero sa pagmamahalan hindi.

Parang wala ngang tao rito sa bahay dahil tahimik at walang imikan. Parang apartment na iba ibang tao ang nakatira at walang pakialaman.

Napabuntong hininga ako at itinabi ang iba kong naisahod. Dumeretso kaagad ako sa banyo para makapagbihis na. Humilata ako sa kama ko matapos ang lahat. Napatitig ako sa kisame.

Ano ang pagmamahal? Ganito ba talaga 'yon? Sa una mayro'n pa siya pero kapag tumagal nawawala?

Ano ang relasiyon? Hindi ba talaga nagtatagal ito? Pansamantala rin ba kahit ang pagmamahal sa isang relasiyon?

Ano ang pag-ibig? Kung ang uwi ay ganito. Hindi ko 'to gusto. Nagsisimula nang mabago ang paniniwala ko sa mga ganiyang pag-ibig. Ang may anak nga eh halos maghiwalay na.

Napapikut ako at naisipang itulog nalang ang mga problemang naiisip ko ngayon.

Gaya kahapon ay nagising ako dahil sa away nila. Minsan buong araw silang sigawan. May naririnig nalang akong mga basag na plato at baso. Hindi na ako nakikisali. Hindi ko na sila pinipigilan. Para saan pa? Nakakapagod sila pigilan. At nakakapagod madamay sa gulo nila. Nakaraan ay sinubukan naming pigilan sila. Pero nadamay lang kami ng kapatid ko at muntik pang masugat sa bubog. Kung anong gusto nila. Sige, gawin nila.

“'Wag, diyan ka lang. Maligo ka na at magready papunta sa school. Mag-aral kang mabuti,” sabi ko sa kapatid ko na lalabas sana at pipigilan ang pag-aaway ng magulang namin. Sinabi ko na rin noon na kapag may narinig siyang mga basag ay 'wag lalabas. Hayaan sila.

Minsan ay kailangan mong pigilan ang emosiyon mo at tanggapin kung anong naririnig. Kung may pangarap ka pa sa buhay, tahakin mong mag isa at lampasan ang nasa paligid na mas magbibigay sa 'yo ng dahilan para tumigil. Kailangan mong itago ang pagkaawa at harapin ang nasa unahan.

“Ito baon mo.” Binigyan ko siya ng pera. Sa ngayon palang kasi ay siguradong wala siyang mahihingi sa magulang dahil nag-aaway nanaman sila.

Napabuntong hininga ako habang paalis sa bahay. Bago ako umaalis ay sinisigurado ko munang nakaalis na rin ang kapatid ko.

Naglalakad nalang ako papunta sa coffee shop medyo malapit lang naman.

“Vaniah! Hindi kita nakita kahapon ah.” Napatingin ako kay Dione. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Grabe ka naman. Hindi mo man lang ba ako mamimiss? O 'di kaya sabihin sa akin kung puwede na kitang ligawan.” Napa 'tsk' ako.

“Hindi nga puwede. Sinabi ko na sa 'yo hindi ako magpapaligaw kahit kanino. Hindi ako magmamahal.” Bumuntong hininga ako. Ayaw kong magmahal kung mauuwi rin sa wala ang lahat. Hindi na ako maniniwala sa pag-ibig na 'yan.

“Bitter ah, pero hindi ako titigil. Susubukan ko pa rin hanggang sa mabago ko.” Umiling ako.

“Kalukuhan ang pag-ibig. Tàngà lang ang taong naniniwala riyan.” Kasalanan ko ba? Kung bakit napalitan ang paniniwala ko? Naramdaman kong napatahimik si Dione.

“Alam kong hindi ako ang lalaking makakapagpagabo riyan sa paniniwala mo, kung sakaling hindi ako sana ay mahanap mo ang tama.” Napatigil ako habang patuloy sa paglalakad.

“Bibili pala ako ng kape, may trabaho pa ako eh nakakaantok.” Hindi ko siya pinansin hanggang sa makapasok ako sa coffee shop. Nagsuot muna ako ng appron ko at hinarap si Dione

“Basta kung kailangan mo ng tips marami ako. Pero tandaan mo hindi ako titigil hanggat hindi ako napapagod.” Pagkaalis niya ay napaupo ako.

Kung sana gano'n lang kadaling mahalin siya. Hindi ko na alam ang salitang pagmamahal. Parang isahang nabura ang salitang 'yon sa akin.

Nasaksihan ko ang pagmamahal ng magulang ko oo, pero nabago simula noong magkaganon sila. 'Di ko ito ginusto. At mas lalong hindi ko hiniling na mapunta ako sa ganito. Pero biglang nagbago Ang paniniwala ko.

Ang pag-ibig ay kalukuhan, napupunta sa wala. Isang guni guni. Panandaliang karamdaman lang, hindi permaninte. Mauuwi sa wala. 'Yan ang mga paniniwalang sa magulang ko mismo nakita.

Hindi ako magmamahal.

Kaugnay na kabanata

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—PAGKAUWI ko sa bahay ay wala ang mga magulang ko. Tumingin ako sa kapatid kong gumagawa ng assignment niya.“Faiah, umuwi na ba sila mommy?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin.“Si Daddy umuwi saglit pero may pinakuha lang saglit. Ate 'yong bill pala ng kuryente. Binigay ko kay Daddy kanina pero hindi niya tinanggap.” Napabuntong hininga ako, medyo mataas. “Patayin na natin ang aircon at refrigerator, kakaunti naman ang laman.” Tumango siya sa akin. Ako ang magbabayad nito paniguro.Pagkatapos naming kumain ay pinapunta ko na siya sa kuwarto niya para matulog na. Napatitig ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Kukulang ang pera ko sa lagay na 'to. Kailangan ko ng mas malaking sahod. Tanggapin ko nalang kaya ang alok ni Ma'am Gwen?Napabuntong hininga aji at napapikit.Nakatulog ako dahil sa pag-iisip ng paraan para magkapera. Pagkagising ko ay alas sais na pala. Dumeretso ako kaagad sa kuwarto ng kapatid ko. Nagulat nalang ako

    Huling Na-update : 2024-11-05
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—ITO ang unang araw na makikita ko ang buong lugar dito sa tinuluyan ko ngayon. Gabi na kasi noong nakarating ako buti nalang talaga at may kakilala si Ma'am Gwen kaya sinabihan niya nalang ang kakilala niya, kaya may maayos na apartment ako ngayon. Pagkagising ko ay naligo ako kaagad at nagluto ng umagahan ko. Nagbaon na rin pala ako baka sakaling tanghaliin ako sa paghahanap. Ayaw ko nang bumalik at bumili sa labas dahil sayang naman.Nang matapos akong kumain at ibalot ang kakainin ko mamayang tanghali ay nilagay ko na ito sa mini back pack ko. Hindi nga halatang back pack eh sa liit niya. Nagsuot nga ako ng formal attire kasi trabaho ang pasukan ko. Loong sleave siya na polo at itatali siyang ribbon sa braso. Tinack in ko nalang ito sa high waisted kong black pants. Nagdala na rin nga ako ng black coat ko para tanggap agad lalo sa sa mga company.Nang masiguro ko na nadala ko lahat ng requirements ko ay tumayo na ako para umalis sa ap

    Huling Na-update : 2024-11-08
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—“Look Dad. She's my girlfriend. Right? Love?” Pagkasabi ng lalaking humigit sa akin ay napatulala ako. Gulat akong Napatingin sa kaniya at hindi nakapagsalita. Bigla niya akong kinikindatan tapos ay parang may gusto siyang sabihin na 'sakayan mo nalang'.Napalunok ako ng ilang beses at nanlalaki ang matang bumaling ang tingin sa ama niya. Peke akong napangiti at nangangapa ang sasabihin.“You can't fool me son.” Seryusong sabi ng tatay niya kaya napalunok ako. Bakit ba ako nadadamay sa problema na 'to.“N-No Dad. She just look like that si-since we are hiding our relationship and she didn't expect na ipakilala ko siya sa 'yo. I'm s-sorry that, we hide it.” Gusto kong sampalin sa mukha ang lalaking 'to dahil pati ako ay pinapakaba niya. Kakalabit pa siya na parang gustong sabihing magsalita rin ako.“Y-Y-Yeah I'm so s-sorry for this s-stupidity,” sabi ko kaya napa pisil siya sa balikat ko. Totoo naman eh, katàngàhàn 'to.“She's V-Vaniah Da

    Huling Na-update : 2024-11-08
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—KINAUMAGAHAN ay napapahikab ako habang bumabangon. Grabe parang pagod na pagod ako kahapon dahil doon sa lalaking Kaizen ang pangalan. Sa dami ba naman kasi ng tao ako pa talaga nahila, sa akin pa napunta. Hindi ko kasi sila napansin na nag-uusap dahil nga nakafocus ako sa paghahanap ng trabaho. Bigla nalang may hihigit.Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Sa pagtakas kong 'yon makakahalata naman siguro siya na ayaw ko. Chineck ko ang cellphone ko baka may tawag pero wala naman, hindi naman naka silent ito.Bigla akong napa 'O' nang mapansin ang isang text na tanggap na ako sa trabaho bilang isang cashier sa mall. Parang gusto ko tuloy magtalon talon dahil sa wakas may trabaho na ako. Per day kasi sila nagpapasahod kaya ina-applyan ko. Need ko kasi ng pang araw araw na budget ko ngayon. Pansamantala lang 'yon kapag natanggap ako sa mga companies na ina-applyan ko ay aalis na rin ako sa mall.Nakita kong pang morning shift pala ako.

    Huling Na-update : 2024-11-09
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Vaniah Feumi Dellona POUNT OF VIEW—PANIBAGONG araw nga nanaman pero 'di ko na alam kung saan ako pupulutin. Grabe paano ba naman kasi ako makakaipon nito kung may tuksong lumalapit. Hindi ako makapag focus.Napaisip ako habang naliligo. What if sabihin ko sa kaniya ang totoo na ayaw ko at tantanan niya na ako. Teee kasi halata naman eh na hinahanap niya ako kahit saan. Hindi rin naman maiwasang nandoon ako dahil doon nga ang may trabaho, roon din ang daan papunta at pauwi. Saan ako lulugar sa lagay na 'yan?Naiyak ako ng walang luha.“Ano ba naman kasi 'yan! Bakit kasi ako pa!” Kahit ganito ako na hindi naniniwala sa pag-ibig na 'yan ay ibig sabihin wala na akong awa, hindi na ako mahihiyang tumanggi sa mga tao. Ako kasi 'yong tipong taong hindi ko kaagad matangihan lalo na kapag kakilala ko. Pero ang lalaking 'yon. Parang ang hirap niyang tanggihan dahil nilibre ako.Ano naman siya kaya ang unang humingi ng tulong. Nagbihis nalang ako at nakaisip ng sasabihin ko kung saka

    Huling Na-update : 2024-11-10
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—WALA na akong ibang ginawa sa buong chapter ng buhay ko rito kung hindi ang taguan si Kaizen. Matapos kasi nang makapag usap kami nakaraan ay tinaguan ko ulit siya. Joke ko lang na pag-iisipan ko dahil ang totoo nakaisip na ako at hindi talaga. Hindi ako papayag. Binigyan ko na nga ng suggestion 'di pa sumunod. Gosh I can't imagine myself being in a relationship na mabubuwag sa dulo. Like hello? That's what I know, love is painful. Love has ending.“Hay naku! Anong klaseng buhay ba itong pinasok ko.” Nasabi ko nalang sa sarili dahil wala na akong mapuntahan. Biglang may tumabi sa akin na bata.“Do you have a problem sis?” Napa 'o' ako, tinignan niya ako mabuti habang may nagtatakang mukha. Batang lalaki.“Nothing actually. It's just adults thinks too much.” Napatawa ako. Gagi, adults naman na talaga ako, wala na akong 18 or 19.“My mother also like that. I want to know how it feels I want to be an adult.” Nanlalaki ang mata kong napating

    Huling Na-update : 2024-11-11
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—NAGDIDILIG ako ng mga halaman ngayon at napapaisip. Nang makaalis kasi kanina si Kaizen ay umuwi na rin ako kaagad. Alas kuwatro palang naman ng hapon kaya napag-isipan ko munang mag dilig. Medyo malaki na rin itong mga halaman noong nilipat ko. Kailangan ko na rin lang talagang alagaan pa ng mabuti para hindi mamatay dahil sa paglipat. Mga talong, kamote at kamatis ito. Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na wala akong trabaho at hindi puwedeng sumama ako sa kaniya lagi para magkunwari. Kailangan kong makapag ipon kaagad. Iniisip ko palang magiging tuition ng kapatid ko ay nababalîw na ako. Oo nga at sinabi niyang magtatrabaho rin siya sa bakasiyon, pero kasi ako nakapag aral ako nang magulang ko ang nag provide dahil ayos pa naman noon. Gusto ko ring makapag aral ang kapatid ko kaya ako na ang gagawa ng paraan.Napahinga ako ng malalim dahil gusto ko siyang tulungan pero parang naiipit ako lalo

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—“Let's go.” Nagulat ako dahil kabubukas ko palang sa pintuan ng kuwarto ko ay si Kaizen agad ang bungod.“What the fvck, what are you doing here.” Tinampal tampal niya ang bunganga niya at sinabing pananalita ko raw. Inirapan ko siya.“Tara na, ililibot kita sa bago mong trabaho.” Nanlalaki ang mata ko at napatingin sa orasan.“Ang aga palang eh. Ganito ba dapat kaaga? You didn't text me.” Kagigising ko nga lang, alas kuwatro palang ng madaling araw oh.“At paano ka naman nakapasok dito?”“Nakausap ko 'yong may ari. Ililibot nga kita.” Napailing iling ako at bumalik sa higaan ko para matulog ulit. Inaantok pa ako eh ang aga naman nito.“What the. Tumayo ka na riyan. Marami pa akong surprise sa 'yo.” Hinila niya ako sa paa pero makapit ako.“Tinatamad pa ako. 10 minutes bigyan mo ako ng 10 minutes.” Tumigil siya kaya napa hinga ako ng maluwag.“Magimpake ka na.” Gulat akong napatingin sa kaniya.“Ba't mo ako pinapaimpake.” Lumapit siya sa

    Huling Na-update : 2024-11-13

Pinakabagong kabanata

  • Got Married with a Gay Billionaire   EPILOGUE

    EPILOGUE4 years ago—“Once upon a time there was an intruder that found a castle and attacked the princess.” “It's a bad guy mommy?” Napatawa ako kaagad dahil sa naging tanong niya.“Yeah, the intruder is a girl. She tried to catch the princess's lover— the prince.” Nakatitig lang siya sa akin ng nanlalaki ang mata kaya halos matawa na ako.“But, don't worry, the princess would never give her prince, so she tried to fight all her mighty, and saved her prince in the end.” Tinitigan niya lang ako.“Tapos ayon na tapos na nak. Nakakapagod mag English.” Ba't ko ba kasi pinalaking Englishero ito.“Mommy, prince should be the one who will save princess right?” Napanganga ako sa sinabi niya. Oo nga 'no.Narinig ko ang pagtawa ni Kaizen. “Kahit ano anong kinukuwento mo.” Natatawang bulong niya sa akin.“Honey, it's possible. Sometimes the princess is more powerful than the prince.” Napaliwanag naman ang mata niya Kya napangiti ako.“Really? It's possible?” “Yes. Now go to sleep and we wil

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 52

    CHAPTER 52Vaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang napapayakap sa sarili dahil sa lamig ng panahon ngayon. Nag suot ako ng bunet ko at gloves dahil kahit gaano kalamig ang panahon gusto ko pa ring lumabas.Napangiti ako nang matapakan ko nanaman ang makapal na snow naipon ng magdamag. Two years na kaming nandito sa Canada at kahit ma snow dito ay hindi ako nagsasawa. Madali rin namang maligo rito dahil mayro'n silang bathroom na nag poprovide ng init para hindi lamigin.Tuwang tuwa nanaman akong gumawa ng snow ball at snowman sa taon kong ito ganito pa rin ako mag-isip. Ang ganda kaya, nakakatuwa lang.“Wife! Aga mo naman diyan?” Napatingin ako kay Kaizen at napatawa nalang. “Nakakatuwa kasi ang snow.” Walang ganito sa Pilipinas kaya sulitin ko na.Gaya nga ng nasabi noon, wala kaming contacts sa mga naiwan sa Pilipinas. For two years na. Nagpaalam naman na ako sa magulang ko at si Kaizen na rin mismo ang nagpaalam din sa akin. 2 years na rin kaming in a relationshi

  • Got Married with a Gay Billionaire   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTER —A talk with my realf father“Go talk to him.” Napatingin ako kay Kaizen nang alanganin. Nandito kasi ang totoo kung ama at sabi niya kakausapin niya raw ako. Nandito na ako sa mansion nila Kaizen at ilang araw na rin ang nakalilipas.“It's much better kapag nakapag usap kayo, maybe may sasabihin lang siya.” Tumango nalang ako para matapos na 'to. Sumunod ako sa kaniya at dito lang naman kami sa garden mag-uusap. Nakatitig lang ako sa mga bulaklak at magkatagilid kami. Nahihiya ako 'di ko rin alam kung ano bang sasabihin ko pero pinagpapawisan ako sa lamig.“I'm glad I saw you. The last time I saw you is nasa 3 years old ka palang yata.” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. napapakamot nalang tuloy ako sa ulo.“Don't you have any question?” Napa 'Ahh' ako.“A-Alam niyo naman po siguro 'yong tanong ko.” Nginitian niya lang ako.“It was the biggest mistake I ever made in my life. Napalayo ako sa mommy mo becuase of her friends na pinaniwalaan ko naman. It's a long stor

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 51

    CHAPTER 51Azred Kaizen Velsonwy POINT OF VIEW—HALOS hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kay Vaniah. Gusto ko siyang isama pero natatakot ako dahil baka ayaw niyang sumama sa akin lalo na ngayon na hindi siya okay.Halos maiyak na ako kakaisip at wala talagang gana ang katawan ko ngayon. Should I flight now? Tumayo nalang ako at nagdahan dahan nalang sa pagkilos dahil wala akong gana. I'm so stupid na hindi ko pinili ang manatili sa kaniya. Ngayon ay kailangan kong umalis, gusto ko siyang makasama.Napabuntong hininga naman ako at napaisip. Naka hands na rin mga gamit ko, sa totoo nga ay puwede na akong umalis.I also can't believe na kapatid niya si Skylly, si sir Syrus pala ang Daddy niya. Pero okay na ngayon dahil nalaman na namin ang totoo at titigil na si Skylly.Bumaba na ako at napatingin sa orasan. It's 6 o'clock in the morning. Parang ayaw ko nang tumuloy.“Sir? Saan kayo pupunta?” Napatingin ako sa personal Butler ko na gulat na gulat na napatingin sa akin.“I have f

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 50

    CHAPTER 50Lucas Riyo Velsonwy POINT OF VIEW—NANDITO ako sa kotse ko at malayong nakatanaw kay Vaniah. Napa sapo nalang ako sa noo ko nang makita si Skylly. Ang galing talaga ni Neon nagawa niyang pagsalubungin ang dalawa.Alam ko na ang nangyayari at sinabi sa akin ni Neon na si Vaniah ang kapatid ni Skylly na binabanggit niya noon. Hinahanap daw kasi ito ng Daddy niya.I can't believe it na magkapatid sila sa ama. Bilog nga talaga ang mundo. Nakikita ko na kung paano sila magsalitan ng salita, kahit hindi ko naririnig ay halatang nagkakainitan na sila ng ulo. Hindi nga talaga palalampasin ni Skylly ang makitang kahit sino. She's crazy. Nagmaneho na nga ako pabalik sa bahay dahil kailangan kong bantayan 'yong hacker na nagkakaroon na ng saysay ang ginagawa. Nagpaka busy ako nitong mga nakaraang araw. Hindi lang tungkol kay Vaniah at Kaizen na picture ang hinahanap namin. Sinusubukan din naming hanapin ang tungkol sa resort namin kahit matagal na at ilang years na ang nakalilipas.

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 49 CONTINUATION

    CHAPTER 49 CONTINUATIONVaniah Feumi Dellona POINT OF VIEW—NAGPAPATUNOG ako ng mga buto ko ngayon at hinihilot ang lamang loob dahil nananakit na maghapon akong nakaupo. Nakaupo ka pero nananakit pa rin. Kararating lang kasi ng hinire ni Lucas na hacker at sinabi niya sa akin I did great daw. Kahit wala nga akong nakuhang info ayos na daw dahil nabawasan kahit papaano ang trabaho niya at hindi na siya mahihirapan mag start mg hacking. Naka balot nga siya ng mabuti at halos ayaw ipakita ang mukha. Madalas talaga gano'n sila kailangan mong magtago.Lumipat na rin nga sila ng area at sabi ni Lucas doon na raw sila sa bahay nila. Kaya ngayon ay boring nanaman ang buhay namin ni Neon kahit busy kami. Gets niyo ba? Hindi? Okay.“I have some ointment here.” Napatingin ako kay Neon.“Paki ulit nga Neon.” Tinignan niya ako ng nagtataka.“Nang alin?”“'Yong sinabi mong gamot.” Tinignan niya ako at napahampas. “Natatawa talaga ako sa pav pronounce niyan. Ang babaw ng kaligayan ko.” Ewan ko

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Skylly Shane Wilson POINT OF VIEW—PINAPABILIS ko ang mga tauhan ko sa pagtatrabaho at paghahanap kay Neon pero nakailang oras na ay wala pa rin.“Ano hindi po ba rin ba mahanap?” Inis na sabi ko sa kanila.“Hindi pa siya lumalabas ma'am magmula kanina. Mahigpit din mga butlers niya kasi malayo layo ang nalilibot at pagbabantay kailangan naming umalis.”Napasabunot ako sa buhok ko at inis na kinusot ang mga papel. “Spread out! Gawin niyo ang lahat para mabantayan ang babaeng 'yan!” Sigaw ko sa kanila at nagsimula nang kumilos.Kinakalma ko palang ang sarili ko dahil sa nangyayari ay may lumapit nanaman. “Ma'am, lumawak ang bantay nila, dumagdag ang butlers ni sir Lucas.” Hindi ako makapaniwalang tumingin. Paano naging magka close ang dalawang 'yon?“Hindi kami makagalaw, mahirap nang masundan kung sakaling umalis.” Napa hinga ako mga hangin at sumigaw.“Arghh! Do everything! Wala akong pakealam! Gawin niyo ang makakaya niyo dahil sinasahuran ko kayo!” Hindi puwede 'to!Uma

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Neon Flerian POINT OF VIEW—NAKATITIG lang ako sa laptop ko habang pinagtatagpi ang mga nalaman ko. Inuuna ko ang kahinaan ni Skylly. Ang Daddy niya rin ang kahinaan niya kapag nalaman ng Daddy niya ang tinatago niyang nalalaman niya.But first of all why do I hate Skylly? Well, back then, she tried to ruin my name, my reputation and the trust of my family. Mabuti at nagawan ko ng paraan, she thought I don't know about it. Hindi ko lang talaga alam kung bakit gano'n siya. She's too stupid.Napabuntong hininga ako. Tinanong ko si Vaniah tungkol sa totoo niyang ama. Ewan ko rin kung bakit bigla nalang pumasok sa isip ko ang Daddy ni Skylly that time, sa kakahanap ko ng kahinaan ni Skylly napadpad ako roon and it make sense now. Is it possible na ang matagal na ring hinahanap ni sir Syrus ay siya? At sa reaction palang ni Skylly sigurado akong may nalalaman siya.Kaya siguro bumalik siya sa Pilipinas na hindi kasama ang Daddy niya dahil ayaw niyang malaman ito.Napangisi ako

  • Got Married with a Gay Billionaire   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Skylly Shane Wilson POINT OF VIEW—PINAGBABASAG ko halos lahat ng makita ko rito sa bahay dahil sa galit ko kay Neon. How did she knows about that? No hindi pa nga ako sigurado kung siya ba ang kapatid ko o hindi na binabanggit ni Daddy, paanong nakarating sa kaniya ang tungkol doon?“Bûllshît Neon! I hate you so much!” Sigaw ko at halos mapasabunot na sa buhok ko.Kailangan ko nang gumalaw ngayon hanggat hindi pa sila nagkakakilala ni Vaniah. I need to make sure na mapipigilan ko siya at mananahimik siya habambuhay. Just thinking about how she know about it gusto ko nang sabunutan siya ng subra. If only I can do crimè.Napatigil ako. A crimè? Is it possible that my money can hide it? Pabagsak akong napaupo sa couch habang napapahilot sa sintido.“Dati palang talaga sakit ka na sa ulo Neon.” Inis na sabi ko. Siyang pagdating ng mga tauhan maya sinampal sampal ko sila isa isa.Gulat silang napatingin sa akin ngunit napayuko nalang. “How?! Can you explain this to me?! Paan

DMCA.com Protection Status