All Chapters of Chased By My Zillionaire Ex-Husband: Chapter 1 - Chapter 10

89 Chapters

Chapter 1

Pakiramdam ni Amery ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang tinititigan ang divorce papers na pirmado na ng kanyang asawa.Tigmak man sa luha ang kanyang mga mata, nagawa niyang itaas ang kanyang paningin sa may bintana kung saan naroon si Brandon. Ang matangkad at makapangyarihang pigura nito ay halos magmistulang diyos sa ilalim ng sinag ng hapon. Nanlalabo man ang kanyang paningin ay hindi niya maitatangging napakalakas ng presensya nito. Nakatalikod man ang lalaki, ramdam ni Amery na wala itong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman niya.“Pumirma na ako. Huwag mo na rin sanang patagalin pa iyan. Gusto ko, bago bumalik si Samantha rito sa Pilipinas ay natapos na natin ang lahat ng legal procedures,” matigas at seryosong wika ni Brandon. Nanatili itong nakatalikod habang ang mga kamay ay naka-krus sa likuran nito.“Since we signed a prenuptial agreement, wala tayong magiging problema sa hatian ng properties. Pero para hindi ka naman magmukhang kaawa-awa at walang-wala, I
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

Chapter 2

Kasalukuyang nagsasalo sa hapunan ang pamilya ng Ricafort. Kasama nila si Samantha na mukhang enjoy na enjoy sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Masayang nag-uusap ang lahat maliban kay Brandon na seryosong seryoso ang hitsura at mukhang walang gana sa pagkain. Hindi mawala sa isipan niya si Amery. Iniisip niya ang pagsama nito kay Anton Madrigal at ang hindi nito pagdadala ng mga personal na gamit kasama ng dalawampung milyon at villa na ibinibigay niya. “Nasaan nga pala si Amery? Hindi ba siya bababa para samahan tayong maghapunan ngayong gabi?” tanong ng ama ni Brandon na may himig pagtataka. “We’re divorced,” sagot naman ni Brandon habang nakababa ang tingin. “We’ll handle the formalities and get the divorce certificate soon.” “Divorced? Why?!” nabibiglang tanong ni Don Emilio. “Honey, sinabi ko naman sa’yo… hindi nababagay si Amery sa anak natin. Ang Papa lang naman ang nagpumilit na ikasal sila.” Napabuntong-hininga pa si Senyora Carmela habang nagpapaliwanag. “Tama na ang
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

Chapter 3

Madrigal Mansion Sa harap ng isang magarang mansyon ay ipinarada ang isang itim na Rolls-Royce. Personal namang binuksan ang pintuan niyon ni Armand, ang pangalawang anak nina Senyor Alejandro at Senyora Minerva Madrigal. "Welcome back, Your Highness!" Yumukod pa ang binata nang tumapak ang mga paa ni Avrielle sa red carpet. Sa ilalim ng maliliwanag na mga ilaw, lalong nagningning ang kagandahang taglay ni Avrielle. Ang mga paa niyang ngayo'y nakasuot ng stilleto, ay kaninang nakasuot lamang ng rubber shoes. Pinalitan niya iyon kanina habang nasa sasakyan. Ngayon tuloy, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nakauwi sa kanyang palasyo. "Kuya Armand, kumusta naman ang lahat dito?" tanong niya habang naglalakad sila papasok ng mansyon. "We're good… pero iba pa rin ngayong nandito ka na ulit sa amin. By the way, nagustuhan mo ba ang birthday present ko sa'yo? Balita ko, nagtrending iyon sa social media!" Bakas na bakas ang tuwa at excitement sa mukha ni Armand habang nagsasalita
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

Chalter 4

Matapos ang board meeting ay agad na pinatawag ni Brandon ang kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina. "Kumusta ang pag-iimbestiga kay Amery, Xander?" agad na tanong ni Brandon. Hindi makatingin ang sekretarya at sa halip ay binaling nito ang paningin sa glass wall ng opisina. Iniiwasan nito ang makapangyarihang tingin ng kanyang amo. "I'm sorry, Mr. Ricafort pero wala pa rin pong progress ang investigation." ani ni Xander habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "After pong umalis ni Ms. Amery ng gabing iyon, hindi na rin po siya bumalik sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Pumunta rin po kami sa address ng dati niyang tirahan pero it turned out na fake po iyong address. Wala raw pong naninirahan doon na may apelyidong Dela Cerna." "Fake address?" Salubong ang kilay na tinitigan ni Brandon ang sekretarya na parang hindi makapaniwala. Mabilis namang sumagot si Xander, "Yes, Mr. Ricafort. Nagpunta rin po kami sa police station upang magtanong pero wala rin d
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

Chapter 5

Nang magsimulang pumasok si Avrielle sa kumpanya ay hindi na natigil ang bulung-bulungan ng mga empleyado roon. Karamihan sa mga ito ay naiinggit lalong lalo na ang mga senior executives na nagnanais na ma-promote sa posisyong kinalalagyan niya ngayon. "Hay naku, nakakaloka! Hindi ba nila alam na ang bagong presidente ng Madrigal Corporation ay lehitimo at nag-iisang anak na babae ng may-ari ng company? Nawawalan ba sila ng katinuan?" Hindi maitago ang matinding inis ni Ella, ang sekretarya ni Avrielle. Kasalukuyan itong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan. Hindi naman mapigilan ni Avrielle ang mapatawa. "Sus, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Over reacting ka lang!" Nang sulyapan niya mula sa rear view mirror ang mukha ni Ella ay nakita niyang nakasimangot ito at namumula pa ang mukha sa pagkainis. Kaya naman hindi na niya napigilang abutin ito at pisilin ang isang pisngi. "Avrielle, you are the future president of our company. Can you act someone in power and st
last updateLast Updated : 2024-10-04
Read more

Chapter 6

Tatlong sunud-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkapatid na Avrielle at Anton. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina at ang pagmamadaling pagpasok ni Ella sa loob. "Ms. Avrielle, napag-alaman ko po na ang supplier po pala natin ng hotel beddings and furniture ay ang Aishi Home Furnishing. Si Mr. Gallardo po ang may hawak ng kontrata." "Uh.. oh.." napapangiting tiningnan ni Anton ang kapatid at nag-abang ng magiging reaksyon nito. Pinagkrus naman ni Avrielle ang kanyang mga binti at deretsong tinitigan ang sekretarya. May talim na mababanaag sa mga iyon. "Tell the Finance Department to sort out all the hotel accounts for the past two years. Kumontak ka rin ng panibagong supplier ng mga beddings and furnitures. Ayoko sa Aishi." "Such a big deal?" Napataas ang kilay ni Anton. "Pag-aari ni Ash ang Aishi Home Furnishing." mabilis na sagot ni Avrielle na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Samantha. "So, maghihiganti ka?" "Hindi, ah! Mukhang cheap kasi an
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

Chapter 7

Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle."Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig.Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito sa noo bago umupo sa tabi nito."Kumusta po kayo, Lolo? Masama pa po ba ang pakiramdam n'yo?" Hinawakan ni Avrielle ang mga kamay ni Don Simeon."Apo, kahit anong sama ng pakiramdam ko, basta't makita lang kita ay parang gagaling ako nang mabilis!" Bakas na bakas ang kaligayahan sa tinig nito ngunit agad ring napalitan ng lungkot nang dumako ang tingin nito kay Brandon."Oh, bakit naman po kayo lumungkot?""Totoo ba ang sinabi ng damuhong 'yan na divorced na raw kayo?"Napayuko si Avrielle at marahang tumango. "Yes, Lolo. Totoo po, divorced na kami ni Brandon." napakurap kurap ang mga mata ni Avrielle upang pigilan ang mga luhang gustong lumabas."You evil bastard!" galit na dinuro ni Don Simeon
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

Chapter 8

"Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Senyora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa.Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa halip ay maarteng umiyak."Honey, ang sakit... ang sakit sakit..." humikbi pa si Samantha at pinalaki ang mga butas ng ilong. "Bilisan mo, buhatin mo ako." napangiwi pa ito nang maramdam ang pagkirot ng kanyang tuhod Naiiling na tumalima naman si Brandon. Binuhat niya patayo si Samantha. At nang makatayo na nang maayos ang babae ay yumakap ito sa kanya."Honey, tinulak ako ni Amery." agad na sumbong ni Samantha sabay turo kay Avrielle.Tumaas naman agad ang isang kilay ni Avrielle. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at malamig na tumitig kay Samantha."What?" naguguluhang tanong naman ni Brandon."Sigurado ka bang tinulak kita?" Hindi magawang mainis ni Avrielle at sa halip
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang EDSA. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night.Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa loob ng tatlong taon, ay heto ngayon at mukhang naging interesado sa kanya.Naisip niyang mean talaga ang mga lalaki. Hahabulin mo at mamahalin tapon ang ibabalik sa'yo ay puro pasakit. Ngayon namang ini-ignore na at tinatrato mong walang kwenta, saka ka naman pepestehin.Nang mapadako ang tingin niya Avrielle sa rearview mirror ay napakunot ang kanyang noo. Hindi kalayuan sa kanyang sasakyan ay natanaw niya ang Lamborghini ni Brandon."Gusto mo akong sundan, huh?"Tumaas ang sulok ng bibig ni Avrielle at madiing tinapakan ang accelerator ng sasakyan.Halos magtalsikan amg mga alikabok nang dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Avriee ng sasakyan.Sa kabilang dako, si Brandon naman ay seryosong na
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 10

Pinatay ni Avrielle ang speaker phone at lumayo mula sa mga kapatid. Nagtungo siya sa kanyang kwarto."Bilisan mo at busy ako." iritableng utos niya kay Brandon sa kabilang linya."Bakit nagpalit ka ng contact number?""Bakit, bawal ba? Syempre, kasama 'yon sa pagbabagong-buhay ko.""Eh paano kung bigla kang hanapin ni Lolo? Eh 'di hindi kita makokontak? Ibigay mo sa akin ang bago mong cellphone number." Napataas ang isang sulok ng labi ni Avrielle. Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang bibig."Alam mo, madali lang naman akong hanapin. Tumawag ka lang kay Anton at tiyak ay mahahanap mo ako.""Tsk. At talagang kating-kati ka nang palitan ako, huh? At ano naman ang itatawag mo sa akin sa harapan ng kalaguyo mo?""Brandon!" Nagpanting ang tainga ni Avrielle nang dahil sa mga sinabi ni Brandon. Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa panggigigil."Ang tanga mo naman para maghiganti sa'kin sa ganitong paraan. Akala mo ba ay may pakialam ako sa kung sinumang lalakeng kakasamahin
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status