Matapos ang board meeting ay agad na pinatawag ni Brandon ang kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina.
"Kumusta ang pag-iimbestiga kay Amery, Xander?" agad na tanong ni Brandon. Hindi makatingin ang sekretarya at sa halip ay binaling nito ang paningin sa glass wall ng opisina. Iniiwasan nito ang makapangyarihang tingin ng kanyang amo. "I'm sorry, Mr. Ricafort pero wala pa rin pong progress ang investigation." ani ni Xander habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "After pong umalis ni Ms. Amery ng gabing iyon, hindi na rin po siya bumalik sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Pumunta rin po kami sa address ng dati niyang tirahan pero it turned out na fake po iyong address. Wala raw pong naninirahan doon na may apelyidong Dela Cerna." "Fake address?" Salubong ang kilay na tinitigan ni Brandon ang sekretarya na parang hindi makapaniwala. Mabilis namang sumagot si Xander, "Yes, Mr. Ricafort. Nagpunta rin po kami sa police station upang magtanong pero wala rin daw po silang makitang record tungkol kay Ms. Amery. Naguluhan si Brandon. Anong klaseng tao ang pinakasalan niya? Hindi kaya ito ay isang secret agent? "Umalis siyang kasama si Anton Madrigal nang gabing iyon, wala rin bang balita tungkol sa lalaking iyon?" "To be honest Mr. Ricafort, kung talagang gustong itago ni Mr. Madrigal si Ms. Amery sa isang tagong lugar, hindi po talaga natin siya mahahanap." Isipin pa lang na sa "isang tagong lugar" dadalhin ni Anton si Amery ay tumatalim na ang mga mata ni Brandon. Bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. "Kakaiba rin ang Anton Madrigal na 'yon… hindi ko akalaing magpapakababa siya para mang agaw ng asawa ng may asawa." Hindi maikubli ang panggigigil na wika ni Brandon. "Hmm… hindi naman po siguro pang-aagaw 'yon, Mr. Ricafort. Mas tamang sabihin na sinasalo niya mula sa inyo si Ms. Amery." Agad natutop ng sekretarya ang kanyang bibig. Huli na nang mapagtanto ng niyang nadulas ang kanyang matabil na dila. Napukol na siya ni Brandon ng masamang tingin kaya naman halos hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Napaubo na lamang siya upang mabalik siya sa kanyang huwisyo at pagkuwa'y mabilis na nagpaalam para umalis. Sa isang banda ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Brandon ang gabing iyon. Tandang tanda pa niya ang admirasyon sa mukha ni Anton habang nakatitig sa mukha ni Amery. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang bumigat ang dibdib niya. Sa ganoong hitsura ng asawa niya na walang kadating-dating, paanong ang isang Anton Madrigal na kilalang pihikan at manhid ay kagigiliwan at po-protektahan siya? Brandon… p-pwede bang… huwag na tayong maghiwalay? Mahal na mahal kita, Brandon. "Sinungaling!" malakas na sambit ni Brandon nang paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ni Amery. Nanlisik ang mga mata niya at halos panginigan siya ng laman. Habang lalo niyang naiisip iyon, ay lalo siyang nanggagalaiti sa galit kay Amery. — Deretsong deretso ang pagkakatayo ni Brandon habang kaharap ang kanyang ama at ang Ricafort patriarch na si Don Simeon. Si Samantha naman na kasama sana niya ay naiwan sa labas ng silid. Ayon sa matanda, ang babaeng katulad nito ay isa lamang pipitsuging kabit at hindi ito karapat-dapat na humarap sa kanya. “Magsalita ka! Anong mayroon sa babaeng iyon?!” sa tindi ng galit ni Don Simeon ay malakas na hinampas nito ang hawak na cane sa sahig. Agad namang dinaluhan ni Don Emilio ang ama. “Papa, please calm down…” Bahagya nitong tinapik-tapik ang balikat ng matanda habang ang mga mata ay naninising nakatingin kay Brandon. “Lolo, tapos na po ang tatlong taong kasunduan natin. Nangako po kayo na tatlong taon ko lang pong magiging asawa si Amery. At kapag natapos na po ang kasunduan, nasa akin na po ang pasya kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsasama namin o hindi na.” Sa nanghihinang tinig ay paliwanag ni Brandon sa matanda. Namutla ang matanda at bumalatay ang sakit sa mukha nito. Sa tatlong taon kasing parte ng pamilya nila si Amery, naging masaya ang matanda at hindi man lang niya namalayan na nagtapos na pala ang kasunduan nila ng kanyang apo. “Ngayon po, napagpasyahan ko nang tapusin ang relasyon namin para makasama na ang taong totoong minamahal ko. Besides, pumayag na rin naman si Amery at pinirmahan na niya ang divorce papers. Aasikasuhin na lang po namin ang certificate para maging formal ang paghihiwalay namin.” Napaawang ang bibig ni Brandon matapos magsalita. Iba ang reaksyon ng kanyang katawan kaysa sa sinasabi ng kanyang bibig. “Ano?! Talagang divorced na kayo?!” Halos umusok ang bumbunan ng matanda nang dahil sa galit. Tila mawawalan pa ng ulirat ito nang tumayo. Agad naman siyang inalalayan ni Senyor Emilio ngunit agad ring napalayo nang iwasiwas ng Senyor ang kanyang kamay. “Papa, hindi pa naman natin natatanggap ang divorce certificate. Kapag hindi kayo huminahon, baka ma-stroke po kayo.” takot na babala pa ni Senyor Emilio sa matanda. “Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari ito! Bakit ba naging kuntento na lang si Amery? Bakit ba hindi mo na lang siya nagustuhan?!” naghihisterya na si Don Simeon. Tila napako sa pagkakatayo si Brandon at hindi malaman ang gagawin dahil sa inaakto ng matanda. Ganoon rin si Senyor Emilio na hindi na rin alam kung paanong aamuin ang matandang Don. “I want Amery! Ibalik n’yo rito si Amery! Kapag hindi siya bumalik, hindi ako matutulog at kakain! Si Amery lang ang magiging granddaughter-in-law ko!” Palahaw ng matanda na animo’y isang batang tinotopak. Hindi naman mapakali si Senyor Emilio at agad inutusan si Brandon na hanapin si Amery. "Wala nang patutunguhan ito, Dad. Kahit pa kaladkarin ko siya pabalik dito, tapos na po ang pagiging mag asawa namin at wala na kayong magagawa pa roon." desperadong paliwanag ni Brandon sa ama. Naisip niyang mabuti pang magmatigas siya dahil darating naman ang panahon na makakalimutan din ng pamilya nila ang nangyaring ito. Sa mga narinig ay lalong nagpalahaw si Don Simeon na naging dahilan ng paninigas ng kanyang katawan. Dahil sa takot ay agad namang tumawag ng doktor ang mag-ama at nang malaman ito sa buong kabahayan ay nagsimula nang magkagulo ang lahat.Nang magsimulang pumasok si Avrielle sa kumpanya ay hindi na natigil ang bulung-bulungan ng mga empleyado roon. Karamihan sa mga ito ay naiinggit lalong lalo na ang mga senior executives na nagnanais na ma-promote sa posisyong kinalalagyan niya ngayon. "Hay naku, nakakaloka! Hindi ba nila alam na ang bagong presidente ng Madrigal Corporation ay lehitimo at nag-iisang anak na babae ng may-ari ng company? Nawawalan ba sila ng katinuan?" Hindi maitago ang matinding inis ni Ella, ang sekretarya ni Avrielle. Kasalukuyan itong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan. Hindi naman mapigilan ni Avrielle ang mapatawa. "Sus, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Over reacting ka lang!" Nang sulyapan niya mula sa rear view mirror ang mukha ni Ella ay nakita niyang nakasimangot ito at namumula pa ang mukha sa pagkainis. Kaya naman hindi na niya napigilang abutin ito at pisilin ang isang pisngi. "Avrielle, you are the future president of our company. Can you act someone in power and st
Tatlong sunud-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkapatid na Avrielle at Anton. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina at ang pagmamadaling pagpasok ni Ella sa loob. "Ms. Avrielle, napag-alaman ko po na ang supplier po pala natin ng hotel beddings and furniture ay ang Aishi Home Furnishing. Si Mr. Gallardo po ang may hawak ng kontrata." "Uh.. oh.." napapangiting tiningnan ni Anton ang kapatid at nag-abang ng magiging reaksyon nito. Pinagkrus naman ni Avrielle ang kanyang mga binti at deretsong tinitigan ang sekretarya. May talim na mababanaag sa mga iyon. "Tell the Finance Department to sort out all the hotel accounts for the past two years. Kumontak ka rin ng panibagong supplier ng mga beddings and furnitures. Ayoko sa Aishi." "Such a big deal?" Napataas ang kilay ni Anton. "Pag-aari ni Ash ang Aishi Home Furnishing." mabilis na sagot ni Avrielle na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Samantha. "So, maghihiganti ka?" "Hindi, ah! Mukhang cheap kasi an
Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle."Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig.Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito sa noo bago umupo sa tabi nito."Kumusta po kayo, Lolo? Masama pa po ba ang pakiramdam n'yo?" Hinawakan ni Avrielle ang mga kamay ni Don Simeon."Apo, kahit anong sama ng pakiramdam ko, basta't makita lang kita ay parang gagaling ako nang mabilis!" Bakas na bakas ang kaligayahan sa tinig nito ngunit agad ring napalitan ng lungkot nang dumako ang tingin nito kay Brandon."Oh, bakit naman po kayo lumungkot?""Totoo ba ang sinabi ng damuhong 'yan na divorced na raw kayo?"Napayuko si Avrielle at marahang tumango. "Yes, Lolo. Totoo po, divorced na kami ni Brandon." napakurap kurap ang mga mata ni Avrielle upang pigilan ang mga luhang gustong lumabas."You evil bastard!" galit na dinuro ni Don Simeon
"Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Senyora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa.Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa halip ay maarteng umiyak."Honey, ang sakit... ang sakit sakit..." humikbi pa si Samantha at pinalaki ang mga butas ng ilong. "Bilisan mo, buhatin mo ako." napangiwi pa ito nang maramdam ang pagkirot ng kanyang tuhod Naiiling na tumalima naman si Brandon. Binuhat niya patayo si Samantha. At nang makatayo na nang maayos ang babae ay yumakap ito sa kanya."Honey, tinulak ako ni Amery." agad na sumbong ni Samantha sabay turo kay Avrielle.Tumaas naman agad ang isang kilay ni Avrielle. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at malamig na tumitig kay Samantha."What?" naguguluhang tanong naman ni Brandon."Sigurado ka bang tinulak kita?" Hindi magawang mainis ni Avrielle at sa halip
Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang EDSA. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night.Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa loob ng tatlong taon, ay heto ngayon at mukhang naging interesado sa kanya.Naisip niyang mean talaga ang mga lalaki. Hahabulin mo at mamahalin tapon ang ibabalik sa'yo ay puro pasakit. Ngayon namang ini-ignore na at tinatrato mong walang kwenta, saka ka naman pepestehin.Nang mapadako ang tingin niya Avrielle sa rearview mirror ay napakunot ang kanyang noo. Hindi kalayuan sa kanyang sasakyan ay natanaw niya ang Lamborghini ni Brandon."Gusto mo akong sundan, huh?"Tumaas ang sulok ng bibig ni Avrielle at madiing tinapakan ang accelerator ng sasakyan.Halos magtalsikan amg mga alikabok nang dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Avriee ng sasakyan.Sa kabilang dako, si Brandon naman ay seryosong na
Pinatay ni Avrielle ang speaker phone at lumayo mula sa mga kapatid. Nagtungo siya sa kanyang kwarto."Bilisan mo at busy ako." iritableng utos niya kay Brandon sa kabilang linya."Bakit nagpalit ka ng contact number?""Bakit, bawal ba? Syempre, kasama 'yon sa pagbabagong-buhay ko.""Eh paano kung bigla kang hanapin ni Lolo? Eh 'di hindi kita makokontak? Ibigay mo sa akin ang bago mong cellphone number." Napataas ang isang sulok ng labi ni Avrielle. Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang bibig."Alam mo, madali lang naman akong hanapin. Tumawag ka lang kay Anton at tiyak ay mahahanap mo ako.""Tsk. At talagang kating-kati ka nang palitan ako, huh? At ano naman ang itatawag mo sa akin sa harapan ng kalaguyo mo?""Brandon!" Nagpanting ang tainga ni Avrielle nang dahil sa mga sinabi ni Brandon. Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa panggigigil."Ang tanga mo naman para maghiganti sa'kin sa ganitong paraan. Akala mo ba ay may pakialam ako sa kung sinumang lalakeng kakasamahin
Kasalukuyang kinakantahan ni Avrielle ang kanyang Kuya Anton ng paborito nitong awitin.Magandang maganda ang kanyang postura, nakataling paitaas ang kanyang itim na itim na buhok na napapalamutian ng jade hairpin. Ang damit naman niya ay isang kulay sky blue costume na ang manggas ay mistulang sa isang fairy.Ang kanyang almond-shaped na mga mata ay nagniningning at masasalamin doon ang kagandahan niyang walang kaparis."Ang galing! Ang galing mo talaga!" Humahangang pumalakpak si Anton nang matapos umawit si Avrielle. "Sabagay, magaling ang mentor mong si Tita Isabel. Kung nabuhay siya noong ancient times, malamang ay tatawagin siyang The Noble Concubine!"Napaismid si Avrielle. "Sino bang gustong maging kerida? Ayokong maging gano'n... kung ako, mas gugustuhin kong maging reyna, reynang pagkaganda-ganda!"Biglang lumungkot ang itsura ni Avrielle at nagpatunog ng mga buto sa daliri."Paanong walang may gusto? Eh kung ganoon, eh 'di sana ay wala tayong tatlong madrasta." nakangiting
Gusto pa sanang matulog ni Avrielle ngunit tila sanay na ang kanyang katawan na gumigising ng alas singko ng madaling araw. Ganitong oras kasi siya kadalasang naghahanda ng agahan noong nasa mansyon pa siya ng mga Ricafort. "Hayy... buti na lang at ngayon ay hindi na ako obligadong magluto ng pagkarami-rami. Ligtas na rin ako mula sa amoy ng usok ng kumukulong mantika!"Naisip niya ito yata ang kinaganda ng pagiging diborsyada!Matapos niyang maligo ay nagsuot siya ng workout outfit at naghanda upang mag jogging sa loob ng subdivision.Hindi alintana ni Avrielle ang pamamawis sapagkat nalilibang siya sa huni ng mga ibon. Idagdag pa ang masarap na simoy ng hanging pang-umaga. Pag-uwi ng bahay ay agad siyang gumayak at inihanda ang sarili para sa araw na iyon.Nanlaki tuloy ang mata ni Ella nang makita siyang pababa ng magarbong hagdanan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Itinali lang naman niyang paitaas ang kanyang buhok, naglagay ng make-up at nagsuot ng red lace dress na pinat
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya