Gusto pa sanang matulog ni Avrielle ngunit tila sanay na ang kanyang katawan na gumigising ng alas singko ng madaling araw. Ganitong oras kasi siya kadalasang naghahanda ng agahan noong nasa mansyon pa siya ng mga Ricafort. "Hayy... buti na lang at ngayon ay hindi na ako obligadong magluto ng pagkarami-rami. Ligtas na rin ako mula sa amoy ng usok ng kumukulong mantika!"Naisip niya ito yata ang kinaganda ng pagiging diborsyada!Matapos niyang maligo ay nagsuot siya ng workout outfit at naghanda upang mag jogging sa loob ng subdivision.Hindi alintana ni Avrielle ang pamamawis sapagkat nalilibang siya sa huni ng mga ibon. Idagdag pa ang masarap na simoy ng hanging pang-umaga. Pag-uwi ng bahay ay agad siyang gumayak at inihanda ang sarili para sa araw na iyon.Nanlaki tuloy ang mata ni Ella nang makita siyang pababa ng magarbong hagdanan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Itinali lang naman niyang paitaas ang kanyang buhok, naglagay ng make-up at nagsuot ng red lace dress na pinat
"Magsisisi ka, Avrielle Madrigal! Hindi ko palalgpasin itong ginawa mo sa akin!" Nagtatagis ang mga bagang na sambit ni Mr. Gallardo bago nito binagsak pasara ang pintuan ng opisina ni Avrielle."Grabe talaga si Mr. Gallardo!" Hindi pa rin naaalis sa mukha ni Ella ang takot kahit pa wala na sa harapan nila ang lalaki. "Teka po, paano n'yo po nalaman ang tungkol sa mga pinaggagawa niya dito sa hotel? May nagsumbong po ba sa inyo?"Nagpakawala ng malakas na tawa si Avrielle bago umiling -iling."W-What?" nalilitong tanong ni Ella. "You mean... hinuli n'yo lang po siya?""Umm." Patay malisyang tugon ni Avrielle ngunit sa loob-loob niya ay natatawa siya sa mga nangyari.Sino bang mag aakala na ganoon niya mabilis na mapapaamin si Mr. Gallardo."Well, unahan lang naman kasi 'yan. Nasukol ko siya kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang umamin."Napapalakpak naman si Ella. Hangang hang siya sa ginawa ni Avrielle.Naputol ang pag-uusap nila nang biglang tumunog ang cellphone ni Avrielle na
"Grabe Sir, marami na pong nagrepost ng reports ng tungkol sa nalalapit n'yong kasal ni Ms. Samantha! Marami na rin pong bashers ang tumutuligsa sa kanya ngayon." ani ni Xander habang nag-i-scroll sa social media gamit ang kanyang cellphone."Itigil mo 'yan!" sigaw ni Brandon at tinapunan ng malamig na tingin ang sekretarya.Mainit ang ulo ni Brandon dahil ang unang naglabas ng balita ay ang sikat na TV network na siya ring pinagkakatiwalaan nila kapag mayroon silang mga press release sa kumpanya."Pero Mr. Ricafort, hindi po natin mapipigil ang opinyon ng mga tao..."Hindi umimik si Brandon."Ano kayang mararamdaman ni Ms. Amery kapag nakarating sa kanya ang balitang ito? Pihado ay malulungkot siya nang todo."Lalong nandilim ang awra ng mukha ni Brandon. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Anton Madrigal.Ngunit nang mapagtanto ang kanyang naging aksyon, hindi rin niya itinuloy ang tangkang pagtawag. Napamura na lamang siya sa kanyang sarili nang sumag
Dinala ni Brandon si Samantha sa loob ng president's office.Nang saktong isinara ang pinto, ay yumakap agad si Samantha nang mahigpit kay Brandon at ibinuhos ang pag-iyak sa dibdib nito."Honey, mabuti na lang talaga at sinundo mo ako... takot na takot ako kanina."Nagdilim ang paningin ni Brandon na para bang binahiran ng makapal na tintang hindi natutunaw. Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Samantha at hinawakan ito sa magkabilang balikat."Honey?" na-confuse si Samantha."Bakit mo ginawa iyon?" malamig na balik-tanong ni Brandon."Ang ano?""Bakit mo pinakalat sa media ang tungkol sa kasalan nating dalawa?"Tila nakahinga nang maluwag si Samantha at binalak na muling yumakap kay Brandon. "Hindi na kasi ako makapaghintay na maikasal tayo eh. Dapat ba akong kabahan dahil ang nobyo ko ay mukhanv ayaw akong pakasalan?""Hindi sa ganoon. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon eh." Seryosong tugon ni Brandon. Walang bakas ng lambing ang kanyang boses."At bakit naman? Divorced naman na
"By the way, Mr. Ricafort, pinagawa ko na po ang pag-iimbestigang inutos niyo sa akin." nag-aalangang sabi ni Xander habang kumukurap-kirap ang mata."Sige, explain mo.""Ang taong nasa likod ng dalawa marketing accounts na nag expose ng tungkol kay Ms. Amery ay si Ms. Samantha.Napataas ang kilay ni Brandon. "Paanong nangyari 'yon?""Sinigurado ko pong mabuti, Mr. Ricafort. Pero sigurado pong siya talaga," mahinang saad ni Xander. "Masyado pong coincidental ang mga nangyari. Kasabay ng wedding news ang ay pagkalat ng negative news about Ms. Amery."Parang napako si Brandon at hindi nakagalaw, para bang nanghina siya sa kanyang mga nalaman.Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ni Samantha ang mga bagay na ito.Alam niyang mahal siya ni Samantha at alam din niyang hindi nito gusto si Amery... Pero hindi dapat sa ganitong paraan inilalabas ni Samantha ang galit niya."Gawaan mo ito ng paraan. Bahala ka kung paano mo 'yon gagawin, basta't ang mahalaga ay mawala angnmga balitang iyan
Alas nuwebe ng gabi nang oposyal na buksan ang bagong tayong bar ni Gab Olivarez.Maraming mayayaman at mga artista ang pumunta. Sabagay, sino nga ba ang hindi susuporta sa isang Gab Olivarez na kilala sa alta se sosyedad?Isang mamahaling sasakyan huminto sa tapat at tila inggit na inggit ang mga naroon sa kung sino man ang may-ari niyon.Si Armand ang unang bumaba mula sa passenger seat, nakasuot lang ito ng casual na damit na ibang-iba sa kadalasang prosecutor image nito. Ngayon ay mukhang boy-next-door ito na ubod ng gwapo.Nang bumukas naman ang pintuan sa back seat, agad inalalayan ni Armand ang pababang si Avrielle. Kitang-kita ang mahaba at makinis na binti nito sa suot na sexy silver suspended skirt. Ang itim naman niyang buhok ay naka beach waves. Kumikinang naman ang kanyang mukha dahil sa diamond tassel earrings na kanyang suot-suot.Lahat tuloy ng nagga-gwapuhang lalaki ay napatitig sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.Nakaramdam naman ng takot si Armand kaya agad ina
"Oh, sino ba 'yang nakaupo sa tabi ng magandang babae? Teka,si Armand Madrigal ba 'yan, ang anak ng may-ari ng Madrigal Corporation?" Tumaas ang makapal na kilay ni Gab at nakakalokong nagtanong, "Di ba't ang bali-balita, 'yang si Armand ay hindi mahilig sa mga ganitong lugar? Bakit nandito ang isang 'yan ngayon?"Dito napagtanto ni Brandon na mali siya ng iniisip kanina. Magkamukha kasi si Anton at Armand.Ang hindi kasi nila alam, quadroplets ang apat na kapatid ni Avrielle. At sa kanilang apat, ang panganay na si Anton at ang pangalawang si Armand ang pinakamagkamuha. Madali tuloy magkamali ang mga tao lalo kung hindi sila masyadong kilala."Damn, nagseselos ako! Akin sana 'yang magandang babae na 'yan. Ano kayang ginawa ni Armand? Dinasalan ba niyan gabi-gabi?" Mula sa kinaroroonan nila Brandon ay kitang-kita kung paano nginitian ni Amery si Armand. Pakiramdam tuloy ni Brandon ay nagbara ang kanyang puso dahil sa pagseselos.Noon ay sa kanyang lamang inaalay ni Amery ang mga ngit
Nakaramdam ng takot at halos malaglag ang panga ni Ash. Nabigla siya dahil ang babaeng kaharap pala ang tinatago-tago nitong dating asawa!Sa totoo lang, napansin niyang mas maganda ito kaysa sa kapatid na si Samantha. Kung hindi nga lang nito childhood sweetheart si Brandon ay wlaang-wala ang kapatid kung pagandahan ang labanan."Brandon, kahit pa dating asawa mo 'yan, hinding-hindi pa rin ako mag-aapologize sa kanya.Gustong iligtas ni Ash ang sarili mula sa kahihiyan, "Ganito na lang, mag apologize siya sa akin, at pagkatapos ay kakalimutan kong nangyari ang kaguluhang ito.""Alam mo Ash, kung hindi ako napunta rito, malamang ay kung ano na ang ginawa ng mga bodyguards mo sa kanya. At kung hindi man iyon natuloy, hindi ibig sabihin na tama ka. Kaya mag sorry ka."Dinadaga ang dibdib ni Ash ngunit pinanatili niyang matigas ang kanyang anyo.Si Avrielle naman ay parang tinakasan ng dugo ang mukha, pakiramdam niya ay lalo siyang nalasing."Kung ayaw mong mag apologize, sa palagay ko i
Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon.Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon.Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon.Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid."Nandito na ulit si Ms. Wynona!"Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon."Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin natin ulit.
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo
Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku
Sa puntong iyon, ay naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.Si Xander naman, ay tila kating-kati nang puntahan ang dalawa para takpan ang bibig ng kanyang amo.Pagkaraan ng ilang segundo, ay nagpakawala ng malakas na pagtawa si Avrielle habang nagniningning ang mga mata."Brandon, noong una, inaamin ko na masyado akong nagtiwala sa sarili ko. Ginawa ko ang lahat para pakibagayan ka nang maayos. Umasa kasi ako na maaari kitang masandalan, pinilit kong maging isang mabuting asawa at nangarap akong mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Pero sa bandang huli, wala akong napala dahil dinispatsa mo lang ako nang wala akong kalaban-laban. Pero para sabihin ko sa'yo, may mali sa mga sinabi mo kanina. Dahil kahit hiniwalayan mo ako, hindi ako nagalit. Sa totoo lang, gusto kong maging maayos tayo, pero ikaw 'tong palaging nanggugulo. Palagi mong sinisira ang respeto natin sa isa't-isa.. Kung kaya nga lang kitang tuluyang alisin sa sistema ko... Kung kaya lang kitang ipatapon s