Tila tumigil ang mundo ni Amery dela Cerna nang ihain ng kanyang asawang si Brandon Ricafort sa kanyang harapan ang divorce papers. Masakit sa kanyang isipin na sa kabila ng pagiging mapagmahal at mabuting maybahay, hindi pala iyon sapat upang matutuhan siyang mahalin ng kanyang asawa. Bitbit ang natitirang dignidad, umalis siya sa kanilang tahanan matapos pirmahan ang mga papeles na magtatapos sa kanilang relasyon. Sa pagsisimula ng panibagong yugto sa kanyang buhay, ibabalik niya ang kanyang sarili bilang si Avrielle Madrigal, ang bunsong tagapagmana ng Madrigal clan na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Maayos na sana ang lahat ngunit tila binibiro siya ng tadhana... Ang dati niyang asawa na tinutulak siyang palayo noon, ngayon nama'y pilit siyang hinahabol-habol. Ano kaya ang gagawin ni Avrielle? Itataboy ba niyang palayo si Brandon, oh susunduin ang utos ng kanyang puso na magpahabol dito?
View More"Mabuti naman at gising ka na, Senyorito. Kumusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Aling Elena nang makitang gising na si Brandon. "Okay naman." Mula sa pagkakahiga, ay umupo si Brandon sa kama at isinandal sa headboard ang kanyang ulo. Ngunit gayon na lang ang pagkabigla niya nang mak
Imbes na wala pang isang oras, ay dalawang oras ang naging byahe ni Brandon pauwi ng Ricafort Mansion. Dahil sa matinding sakit ng ulo, ay halos hindi niya maaninag ang dinadaanan, isama pa ang malakas na ulan na nakakasagabal pa sa kanyang paningin. Halow dalawang beses tuloy siyang muntikan nang
"Sige, opinyon mo 'yan, eh. Pero para sa akin, biyuda na ako." Bakas ang panlalait sa mga mata ni Avrielle na para bang naging isang munting alikabok na lang si Brandon sa kanyang paningin. Pakiramdam naman ni Brandon ay para siyang sinuntok nang napakalakas. Tila may umalingawngaw sa kanyang pandi
"Binili ba ni Anton ang villa para sa'yo?" Mula sa tagiliran ay sumulyap si Brandon kay Avrielle. Nasa tono nito ang panlalamig. Napahalukipkip naman si Avrielle at nanggigigil na tumanaw sa bintana. "Paano namang ang isang promding katulad ko ay ma-aafford na magkaroon ng malaking bahay? Syempre,
Malakas na hangin, malakas na ulan, matatalim na kidlat. Kunga tama ang pagkakatanda ni Avrielle, ay kasalukuyang nakatayo si Brandon sa ilalim ng isang puno. Ngunit ang masama, ay habang naroroon ito, ay tumatawag pa ito sa kanya. Gusto yata nitong maging isang kwento na lang at maagang tumagos sa
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlat sa mga ulap. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang ga
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Pakiramdam ni Amery ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang tinititigan ang divorce papers na pirmado na ng kanyang asawa. Tigmak man sa luha ang kanyang mga mata, nagawa niyang itaas ang kanyang paningin sa may bintana kung saan naroon si Brandon. Ang matangkad at makapangyarihang pigura n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments