Share

Kabanata 0006

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2024-10-28 07:25:49

Tatlong sunud-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkapatid na Avrielle at Anton. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina at ang pagmamadaling pagpasok ni Ella sa loob.

"Ms. Avrielle, napag-alaman ko po na ang supplier po pala natin ng hotel beddings and furniture ay ang Aishi Home Furnishing. Si Mr. Gallardo po ang may hawak ng kontrata."

"Uh.. oh..." napapangiting tiningnan ni Anton ang kapatid at nag-abang ng magiging reaksyon nito.

Pinagkrus naman ni Avrielle ang kanyang mga binti at deretsong tinitigan ang sekretarya. May talim na mababanaag sa mga iyon.

"Tell the Finance Department to sort out all the hotel accounts for the past two years. Kumontak ka rin ng panibagong supplier ng mga beddings and furnitures. Ayoko sa Aishi."

"Such a big deal?" Napataas ang kilay ni Anton.

"Pag-aari ni Ash Gonzaga ang Aishi Home Furnishing." mabilis na sagot ni Avrielle na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Samantha.

"So, maghihiganti ka?"

"Hindi, ah! Mukhang cheap kasi ang beddings nila. Balita ko, mabilis masira at matigas. Hindi raw comfortable na higaan. Ayoko namang magreklamo ang mga guests natin."

Hindi na sumagot si Anton. Hindi siya kumbinsido sa naging katwiran ni Avrielle. Ganunpaman ay gagalangin niya ang mga magiging desiyon nito.

"May isa pa po pala, Ms. Avrielle..."

"Ano 'yon?"

"Napag-utusan po kasi ako ni Sir Armand na makibalita sa mga Ricafort. Napag-alaman ko pong nasa hospital si Don Simeon. Inatake raw po at na-stroke ang matanda. Sa St. Mary's daw po naka-confine."

Bigla ay nakaramdam ng kaba si Avrielle. "Diyos ko... kawawa naman si Lolo Simeon."

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay biglang tumunog ang cellphone ni Anton. Nang makita sa screen kung sino ang tumatawag ay agad niya itong inabot kay Avrielle. "Oh, 'yong asawa mo."

Hindi pa man nakakabawi si Avrielle sa pagkabigla ay nakaramdam siya ng pagguhit ng sakit nang marinig ang sinabi ni Anton.

"Ano, sasagutin mo ba?"

Marahang napatango si Avrielle. Agad namang pinidot ni Anton ang answer button.

"Mr. Anton Madrigal, kasama mo ba ang asawa ko?"

Pagkarinig sa salitang "asawa" ay agad umahon ang galit sa dibdib ni Avrielle.

"Mr. Ricafort, mag-ingat ka sa pananalita mo! Hindi mo na ako asawa!" hindi maitago ni Avrielle ang galit sa tinig niya.

"At magkasama nga kayong dalawa, Amery?" bakas na rin ang galit sa tinig ni Brandon.

"Eh, ano naman ngayon sa'yo? Kaysa naman manatili ako sa bahay mo at maghintay na mapalayas mo? Ang lupit mo naman kung gano'n!"

Isang malakas na buntong-hininga ang pinawalan ni Brandon sa kabilang linya. Mababakas doon ang tinitimping galit.

"Huwag kang atat, Amery. Pinoproseso pa ang divorce natin. Hintayin mo munang mapasakamay natin ang divorce certificate. Mag-asawa pa rin tayo. Magkaroon ka naman sana ng kahit kaunting delikadesa!"

"Wow, just wow! At sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang delikadesa?! Hindi ba't kahit kasal pa tayo ay ibinahay mo na ang kabit mo? Naisip mo rin ba ang kahihiyan ko?!" halos mapaos si Avrielle sa pag-ahon ng matinding emosyon. "Well, wala na akong pakialam sa kahihiyan mo tutal hindi na ako ang asawa mo. Doon ka na kay Samantha, isalaksak mo yang sarili mo sa baga niya!"

Sa pagitan ng maaanghang na sumbatan nina Avrielle at Brandon sa telepono, si Anton naman ay nakataas ang kilay habang pinapanood ang galit na galit na kapatid. Pakiramdam tuloy niya ay nanonood siya ng pelikula habang sumisimsim ng mainit na tsaa.

Ito ang totoong ugali ni Avrielle... malayo sa simple, tahimik, at mahinhing 'Amery' na naging asawa ni Brandon. Sa wakas, nagbalik na nga talaga ang kapatid niya!

"Wala na akong panahong makipagtalo pa." mababanaag na ang pagod sa tinig ni Brandon. "May sakit si Lolo at gusto ka niyang makita. Nanghihina na siya dahil hindi siya umiinom ng gamot dahil wala ka."

Tila natunaw ang puso ni Avrielle nang marinig ang kalagayan ni Don Simeon. Nagkahiwalay man sila ni Brandon, hindi niyang kayang tiisin ang matanda dahil naging mabait ito sa kanya. Hindi niya kayang itapon ang masasayang alaala nila nang ganun-ganon na lang.

"Pupuntahan ko si Lolo."

Nang matapos ang pag-uusap nina Avrielle at Brandon ay agad tinanong ni Anton ang kapatid.

"Gusto mo bang ihatid kita sa hospital?"

"Hindi na, Kuya. Baka magkagulo lang kapag nakita ka nila roon. Baka lalong lumala ang kondisyon ni Lolo Simeon."

---

St. Mary's Hospital

Hindi maitago ang pag-aalala sa mukha ni Avrielle habang binabaybay ang pasilyo patungo sa kwarto ni Don Simeon. Hindi pa man niya nakikita ang kalagayan ng matanda, naisip niyang baka nangangayayat na ito.

Sabagay... kahit naman mangayayat si Don Simeon o tumaba, wala na siya roon. After all, hindi na siya parte ng pamilyang Ricafort.

Papalapit na siya sa kwarto nang makita niya sina Brandon at ang sekretarya nito sa labas ng pintuan.

"Kamusta si Lolo Simeon?" imbes na kay Brandon magtanong ay mas pinili ni Avrielle na kausapin ang sekretarya nito.

"M-Ms. A-Amery, ikaw ba 'yan?" tila natatangang balik-tanong ni Xander. "Ang nakikita ko ngayon ay isang babaeng nakapostura at nagbabaga ang labi sa sobrang pula. Ang ganda po ng damit n'yo at napaka elegante... mukha kayong CEO ng isang kumpanya!" tila nagliwanag pa ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kumikinang na brooch na siyang naging palamuti sa kulay itim na blazer ni Avrielle.

Dito napagtanto ni Avrielle na sa sobrang pagmamadali niya kanina ay nakalimutan na niyang mag transform bilang isang simpleng Amery. Ang babaeng tanging simpleng puting bestida at rubber shoes lang ang alam suotin.

"Oh, well... hindi ba maganda ang porma ko ngayon?"

"Naku, naku hindi po! Sa totoo lang, bagay na bagay po sa inyo. Mas maganda po kayo ngayon at mukhang makapangyarihan."

Bahagyang napangiti si Avrielle dahil dama niya ang sinseridad sa mga sinabi ng sekretarya.

"Stress-free na kasi ako ngayon... divorced na ako eh." aniya bago tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Kumbaga parang nakaahon na ako mula sa impyerno. Kaya naman heto ako ngayon, malakas at punong-puno ng buhay."

Nagdilim ang mukha ni Brandon nang marinig ang patutsada ni Avrielle. Bigla ay nakaramdam siya ng kalungkutan. "Kung impyerno pala ang tingin mo sa naging pagsasama natin, bakit nagtiis ka pa ng tatlong taon sa piling ko? Ilang beses kitang inalok noon na huwag nang ituloy ang kasal. Kung pumayag ka, eh di sana hindi ka nagdusa nang mahabang panahon."

Sa mga sinabing iyon ni Brandon ay parang sinaksak ang puso ni Avrielle. Ganyan talaga ang lalaki, walang pakialam sa nararamdaman ng iba lalo pa sa mga taong hindi nito gusto. Kahit pa ialay mo ang puso't kaluluwa mo para sa kanya...

Ang tanging kasalanan lang naman ni Avrielle ay minahal niya nang sobra si Brandon. Niyakap niya ang lahat-lahat sa lalaki kahit ang kapalit no'n ay ang pagiging cold at aloof nito sa kanya.

Taas-noong tiningnan ni Avrielle si Brandon sa mga mata nito. "Nangako ako kay Lolo Simeon na susunod ako sa kontrata. Kung three years ang usapan, eh di three years. Walang labis, walang kulang. At ngayong malaya ka na, pwede ka nang mag-uwi ng kahit sinong babae sa bahay mo. Hindi mo na kailangang tumakas pa ng hatinggabi o madaling araw para lang makipagtagpo sa kanila." matapos magsalita ay tinapunan niya ng malamig na ngiti ang dating asawa.

Nakaramdam naman ng paninikip ng lalamunan si Brandon. Hindi niya napigilan ang pagtataka kung bakit nagkaroon yata ng dalawang katauhan si Amery. Bakit tinatapon na yata nito ang lahat ng pinagsamahan nila gayong hindi pa naman sila lubusang naghihiwalay?

Sa kabila ng kagaspangang pinapakita ni Avrielle kay Brandon, hindi maitatanggi na mas nagugustuhan ng lalaki ang ganitong persona ng dating asawa.

"Honey!"

Napalingon sila nang marinig ang malakas na tinig ni Samantha habang palalapit sa kinaroroonan nila. Kasama nito ang ina ni Brandon.

Hindi napigilan ni Avrielle ang mapaismid nang tumapat ang mga mata niya kay Samantha. Samantalang ang babae ay bakas sa mukha ang pagkabigla nang makita siya.

"Bakit nandito ka?" agad na tanong ni Brandon sa bagong dating.

Imbes na sumagot ay kinulong ni Samantha ang sarili sa mga bisig ni Brandon at isinandig ang ulo sa dibdib nito.

"Bakit naman hindi mo binalita sa'kin ang tungkol dito... parang others tuloy ako."

"Oo nga naman, Brandon. Sobrang worried tuloy si Samantha nang mabalitaan ang tungkol sa lolo mo. Noong kumain tuloy siya ng pananghalian, nagsuka siyang bigla." maarteng segunda naman ni Senyora Carmela habang naaawang nakatingin kay Samantha.

"Mukhang okay ka naman. Bakit ka ba nagsusuka?" tanong ni Brandon kay Samantha.

"Palagi naman siyang may stomach problem. Sumusumpong 'yon kapag ninenerbyos o natatakot siya. Nagpacheck-up na siya sa doktor, ang sabi ay hindi naman seryoso ang kondisyon pero hindi ito nagagamot." si Senyora Carmela ulit.

"Magpatingin ka na lang ulit sa ibang doktor. Kung gusto mo sa abroad ka na lang magpakonsulta?"

Sa puntong ito, habang naririnig ni Avrielle ang usapan ng tatlo ay hindi niya napigilan ang pagragasa ng kalungkutan. Bumalik sa alaala niya iyong panahong sinugod niya ang kanyang sarili sa ospital dahil sobrang masakit ang kanyang tyan. Hindi man niya iyon sinabi kay Brandon noon, naging obvious naman ang panghihina at pamumutla niya. Bakit kaya hindi man lang nakayang magpakita ng concern sa kanya ang dating asawa nang mga panahong 'yon?

Siguro nga ay hindi naman talaga manhid ang isang Pierre Brandon Ricafort... hindi lang siguro niya deserve ang concern ng isang katulad nito.

Lalong yumakap si Samantha kay Brandon habang ang mga mata ay nakatitig kay Avrielle.

"Hoy, babae! Bakit biglang nag-iba ang itsura mo? Bakit bigla kang naging maganda?" Taas kilay na baling ni Samantha kay Avrielle. Bumaba pa ang tingin nito sa brooch na nasa kanyang kaliwang dibdib. "Iyang brooch mo... 'di ba 'yan ang latest design ng Chanel? Mahal 'yan, ah! Paano mo na-afford 'yan? Oh baka naman peke 'yan?"

Sasagot sana si Avrielle nang magsalita si Senyora Carmela. "Brandon, mabuti pa'y samahan mo si Samantha sa lolo mo. Kanina pa siya nagwo-worry eh." pagtataboy nito sa anak, halatang iniignora si Avrielle.

Pinanatili naman ni Avrielle ang panlalamig sa mga taong kaharap. Pinakita niyang wala siyang pakialam sa mga ito.

Sa puntong iyon ay bumukas ang silid ni Don Simeon at lumabas ang sekretarya nito.

"Pinapatanong po ni Don Simeon kung narito na si Senyorita Amery."

Nang marinig iyon ni Samantha ay tila nabigla ito at nanigas dahil sa selos.

"Narito po ako, Lolo Simeon." Lumapit si Avrielle sa nakabukas na pintuan.

"Pasok po kayo, Senyorita... kayong dalawa lang po ni Senyorito Brandon."

Walang imik na pumasok na si Avrielle sa loob ng silid. Tahimik ring sumunod si Brandon sa kanya.

"Honey, wait for me..."

Susunod na sana si Samantha papasok ngunit hinarang siya ng sekretarya. "Sorry, Ms. Samantha. Ang mag-asawa lang po ang gustong makita at makausap ni Don Simeon. Pwede na ho kayong umalis."

Kaugnay na kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0007

    Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle. "Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig. Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito s

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0008

    "Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Señora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa. Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa hali

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0009

    Napanganga na lamang si Samantha lalo na nang ibandera ni Avrielle ang kanyang brasong nagsusuot ng mamahaling jade bracelet na bigay ni Don Simeon. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang nasampal. "Brandon, bakit hindi mo ibili si Samantha ng mamahaling alahas?" "Amery!" Nasa mukha na ni Brandon

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0010

    Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang highway. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night. Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0011

    Pinatay ni Avrielle ang speaker phone at lumayo mula sa mga kapatid. Nagtungo siya sa kanyang kwarto. "Bilisan mo at busy ako." iritableng utos niya kay Brandon sa kabilang linya. "Bakit nagpalit ka ng contact number?" "Bakit, bawal ba? Syempre, kasama 'yon sa pagbabagong-buhay ko." "Eh paan

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0012

    "Huwag mo na ngang banggitin ang babaeng 'yon. Hindi niya deserve ang mapag-usapan pa sa loob ng pamamahay na ito!" Sa puntong ito ay nakarinig sila ng nagkakaingay sa paligid. Ang hula nila ay nanggagaling iyon sa itaas, malapit sa study room. "Tignan mo nga ang nagkakaingay roon!" agad na utos

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0013

    Kasalukuyang kinakantahan ni Avrielle ang kanyang Kuya Anton ng paborito nitong awitin. Magandang maganda ang kanyang postura, nakataling paitaas ang kanyang itim na itim na buhok na napapalamutian ng jade hairpin. Ang damit naman niya ay isang kulay sky blue costume na ang manggas ay mistulang sa

    Huling Na-update : 2024-10-30
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0014

    Gusto pa sanang matulog ni Avrielle ngunit tila sanay na ang kanyang katawan na gumigising ng alas singko ng madaling araw. Ganitong oras kasi siya kadalasang naghahanda ng agahan noong nasa mansyon pa siya ng mga Ricafort. "Hayy... buti na lang at ngayon ay hindi na ako obligadong magluto ng pagk

    Huling Na-update : 2024-10-31

Pinakabagong kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0161

    "Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0160

    "Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0159

    Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0158

    Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0157

    Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0156

    "Siguro nga po..." pabulong na sang-ayon naman ng mananayaw. Malamig ang mukha ni Avrielle nang tanguan niya si Wynona. "Kakastiguhin ko lang ang isang ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan n'yan." Halos bulungan lang naman ang usapan ng dalawang babae, ngunit bawat salita ng mga ito ay ma

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0155

    Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya. Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0154

    Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon. Samantala, si

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0153

    Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan. Sa gitna

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status