Share

Kabanata 0005

Author: inKca
last update Last Updated: 2024-10-04 17:22:17

Nang magsimulang pumasok si Avrielle sa kumpanya, ay hindi na natigil ang bulung-bulungan ng mga empleyado roon. Karamihan sa mga ito ay naiinggit lalong lalo na ang mga senior executives na nagnanais na ma-promote sa posisyong kinalalagyan niya ngayon.

"Hay naku, nakakaloka! Hindi ba nila alam na ang bagong presidente ng Madrigal Corporation ay lehitimo at nag-iisang anak na babae ng may-ari ng company? Nawawalan ba sila ng katinuan?" Hindi maitago ang matinding inis ni Ella, ang sekretarya ni Avrielle. Kasalukuyan itong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan.

Hindi naman mapigilan ni Avrielle ang mapatawa. "Sus, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Over reacting ka lang!" Nang sulyapan niya mula sa rear view mirror ang mukha ni Ella ay nakita niyang nakasimangot ito at namumula pa ang mukha sa pagkainis. Kaya naman hindi na niya napigilang abutin ito at pisilin ang isang pisngi.

"Avrielle, you are the future president of our company. Can you act someone in power and stop touching Ella like that?"

Agad binawi ni Avrielle ang kanyang kamay nang marinig ang seryosong pagsaway ng katabi niyang si Anton. "Bakit? Mga lalaking boss lang ba ang pwedeng mangulit sa mga babaeng sekretarya nila?" nakalabi pang pamimilosopo niya sa kapatid.

Sa halip na sumagot si Anton, napailing-iling na lang ito at napapangiti sa kakulitan ng bunsong kapatid.

Pagdating nila sa isang hotel na pagmamay-ari nila ay agad silang inasikaso ng mga senior executives doon. Inalalayan sila ni Mr. Gallardo, ang Deputy General Manager patungo sa elevator, ngunit sa halip ay sinabi ni Avrielle na sa restaurant ng hotel niya gustong unang pumunta.

Nang pasukin nila ang loob ng restaurant, hindi pinansin ni Avrielle ang mga pagbati dahil dere-deretso na siyang nag-ikot upang magsagawa ng inspection.

Kinabakasan ng pagkabahala ang mukha ni Mr. Gallardo gayundin ang ibang staffs ng buffet restaurant nang magsimulang mag ikot-ikot ni Avrielle. Si Anton naman, bilang kilalang high-profile invisible person, ay tahimik lang at hinahayaan ang kapatid.

Nang mga oras na iyon ay wala pang mga customers dahil sarado pa ang restaurant. Ganunpaman, naroon na ang mga staffs at naghahanda sa kanilang pagbubukas.

Masusing binubusisi ni Avrielle ang mga pagkain. Sinisiguradong maayos ang pagkaka display ng mga ito. Ngunit nang makarating siya sa seafood section ay bigla siyang napahinto.

Agad niyang tiniklop niya ang manggas ng suot niyang blusa at inabot ang babasaging estante. Kumuha siya ng thong at agad na kinuha ang ilang mga patay na hipon na nakahalo sa mga buhay.

"Ipaliwanag n'yo 'to." madiin at seryosong wika ni Avrielle. Isa-isa pa niyang tiningnan ang mga staffs na nakapalibot sa kanya.

Walang makapagsalita at nang sa wakas ay tila nahagilap ni Mr. Gallardo ang kanyang dila ay nagkakanda bulol na sinabi nitong, "H-Hindi naman patay iyong isa..."

---

"How do you feel after the inspection?" agad na tanong ni Anton kay Avrielle nang marating nila ang opisina. Dito sila dumeretso upang saglit na makapagpahinga.

Napabuntong-hininga muna si Avrielle bago malakas na bumuga ng hangin. "Myghaaad, Kuya! It's a mess! Ang dumi at ang gulo!" Tila nanghihina pa siya habang umuupo sa sofa nang dahil sa frustration. "Pinaglalaruan ba nila ako? This hotel is a complete disaster! Pag-aari ba talaga ng pamilya natin 'to?"

Bahagyang natawa naman si Anton dahil sa tinuran ng kapatid. "Avrielle, si Lolo Damian ang nagpatayo ng hotel na ito. Unti-unti, dahil sa pagsisikap ay nag expand ang businesses ng pamilya natin kaya nagkaroon tayo ng Madrigal Corporation. Hindi lang ito basta-basta na hotel… nakapaloob rin dito ang mga alaala ng three generations ng Madrigal family. However, dahil sa marami na tayong negosyo, at medyo mahina rin ang hotels ngayon, unti-unti lang itong napabayaan." Bahagyang lumungkot ang boses ni Anton sa huling sinabi niya. "Kaya Avrielle, sana ayusin mo ang hotel na ito. Ikaw ang aasahan namin pagdating dito."

"Yes, Kuya." aniya sa tinig na nangangako.

Inilibot ni Avrielle ang kanyang paningin at sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang piano na naka-pwesto sa sulok ng kwarto. Kaya naman, hindi niya napigilan ang mapasinghap. Nakaramdam siya ng excitement.

Napansin naman iyon ni Anton kaya naman napangiti ito.

"Pinalagay ko talaga iyan dito sa loob ng opisina mo. Naalala ko kasi na tumutugtog ka kapag bad mood ka. Dati-rati, kung di ka man tumutugtog, nagtutungo ka sa racetrack para tumakbo ng ilang laps at pagkatapos ay magiging okay ka na. At syempre dahil wala namang takbuhan dito, mag piano ka na lang. Alam ko namang magaling ka pa ring tumugtog."

Agad nag-init ang sulok ng mga mata ni Avrielle dahil sa mga sinabi ng kapatid. "Thank you so much, Kuya Anton. Kaso, matagal na akong hindi tumutugtog ng piano…"

Pakiramdam ni Avrielle ay nanakit ang kanyang lalamunan dahil nabuksan na naman ang mga sugat sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay muling nagdugo iyon dahil hindi naman pala tuluyang naghilom.

"W-What's wrong?" natatarantang tanong ni Anton sa kanya.

"Noon kasing nagta-trabaho pa ako sa war zone, aksidenteng napinsala ang kamay ko habang naggagamot ng mga sugatang sundalo. May nasirang ligament sa daliri ko. Gumaling man, pero useless na kasi hindi na ako makakapagpiano nang maayos. Kaya naman hindi na ako tumugtog simula noon."

Sa gitna ng nararamdamang sakit ay pinilit ni Avrielle na magpakahinahon. Nakaramdam naman ng sakit sa dibdib si Anton nang malaman ang nangyari sa kapatid. Ang tanging magagawa lang niya ay kunin ang kamay ni Avrielle at haplusin iyon.

"Nangyari ba 'yan nang dahil kay Brandon?" tanong ni Anton sa himig na nag-iingat.

"Yes and No, Kuya." mahinang sagot naman ni Avrielle.

Hindi maitatanggi na sa muling pagkarinig ni Avrielle sa pangalan ng dating asawa ay lalo siyang nakaramdam ng sakit sa puso. Ganunpaman ay pinilit niyang magpakawala ng isang magandang ngiti.

"I was injured for the sake of world peace, isn't that an honor?" nilangkapan niya ng pagbibiro ang tinig kahit na sa kabila nito, limang taon ang nakakaraan, ay malinaw pa rin sa kanyang isip ang pagtatagpo ng mga landas nila ni Brandon sa isang battlefield... kung saan isa siyang doktor, at si Brandon naman ay isang sundalo.

Matindi ang tinamong mga sugat ni Brandon sa pakikilaglaban noon para sa kapayapaan ng bansa. At habang nire-revive niya ang lalaki ay naaksidente naman ang kanyang kamay na naging dahilan ng pagkapinsala nito.

Noon, kapag naaalala niya ang dahilan ng kanilang pagkakakilala ni Brandon ay nagiging proud siya. Ngunit ngayon, kapag nakikita niya ang napinsalang kamay ay tanging sakit sa puso na lang ang kanyang nararamdaman.

Ngunit nakaraan na iyon... Nagmahal man siya ng maling tao, ngunit hinding-hindi naman niya iyon pinagsisisihan.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
hotel din Yung pinamamalaan ni aviery
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0006

    Tatlong sunud-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkapatid na Avrielle at Anton. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina at ang pagmamadaling pagpasok ni Ella sa loob. "Ms. Avrielle, napag-alaman ko po na ang supplier po pala natin ng hotel beddings and furniture ay ang Aishi Ho

    Last Updated : 2024-10-28
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0007

    Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle. "Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig. Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito s

    Last Updated : 2024-10-28
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0008

    "Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Señora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa. Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa hali

    Last Updated : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0009

    Napanganga na lamang si Samantha lalo na nang ibandera ni Avrielle ang kanyang brasong nagsusuot ng mamahaling jade bracelet na bigay ni Don Simeon. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang nasampal. "Brandon, bakit hindi mo ibili si Samantha ng mamahaling alahas?" "Amery!" Nasa mukha na ni Brandon

    Last Updated : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0010

    Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang highway. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night. Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0011

    Pinatay ni Avrielle ang speaker phone at lumayo mula sa mga kapatid. Nagtungo siya sa kanyang kwarto. "Bilisan mo at busy ako." iritableng utos niya kay Brandon sa kabilang linya. "Bakit nagpalit ka ng contact number?" "Bakit, bawal ba? Syempre, kasama 'yon sa pagbabagong-buhay ko." "Eh paan

    Last Updated : 2024-10-30
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0012

    "Huwag mo na ngang banggitin ang babaeng 'yon. Hindi niya deserve ang mapag-usapan pa sa loob ng pamamahay na ito!" Sa puntong ito ay nakarinig sila ng nagkakaingay sa paligid. Ang hula nila ay nanggagaling iyon sa itaas, malapit sa study room. "Tignan mo nga ang nagkakaingay roon!" agad na utos

    Last Updated : 2024-10-30
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0013

    Kasalukuyang kinakantahan ni Avrielle ang kanyang Kuya Anton ng paborito nitong awitin. Magandang maganda ang kanyang postura, nakataling paitaas ang kanyang itim na itim na buhok na napapalamutian ng jade hairpin. Ang damit naman niya ay isang kulay sky blue costume na ang manggas ay mistulang sa

    Last Updated : 2024-10-30

Latest chapter

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0161

    "Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0160

    "Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0159

    Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0158

    Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0157

    Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0156

    "Siguro nga po..." pabulong na sang-ayon naman ng mananayaw. Malamig ang mukha ni Avrielle nang tanguan niya si Wynona. "Kakastiguhin ko lang ang isang ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan n'yan." Halos bulungan lang naman ang usapan ng dalawang babae, ngunit bawat salita ng mga ito ay ma

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0155

    Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya. Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0154

    Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon. Samantala, si

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Kabanata 0153

    Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan. Sa gitna

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status