Galit na galit ang mga mata ni Armand nang hilahin niya si Avrielle mula kay Brandon. Niyakap niya ang kapatid na tila isang agilang pinoprotektahan ang kanyang inakay.Nangunot naman ang mga kilay ni Brandon nang makita ang inaksyon ni Armand. Kilala itong palaging seryoso at may pagka class, tapos ngayon ay makikita niya itong masyadong affectionate sa dati niyang asawa?Sunod-sunod ang naging paghinga ni Brandon. Hindi na siya komportable."Mr. Madrigal, lasing na lasing siya at katatapos lang niyang magsuka. Kung talagang mahal mo siya, hindi mo dapat siya dinadala sa ganitong lugar."Alam ni Armand na inaakala ni Brandon na siya si Anton, kaya naman minabuti niya ang pagpapanggap."My woman can do whatever she wants. If she likes to play, I'll play with her. And since divorced na kayo ni Amery, huwag ka nang lumapit pa sa kanya. Lumayo ka na at alagaan mo na lang ang bago mong si Samantha!" Matapos magsalita ay inakay na ni Armand si Avrielle, ngunit pinigilan sila ni Brandon."A
Muling nag-transform bilang isang magandang CEO si Avrielle nang siya'y pumasok sa Madrigal Empire. Nakasuot siya ng white suit and skirt. Binagayan pa iyon ng may kakapalang make-up na pinahid niya sa kanyang mukha.Kahit pa nakakaramdam pa siya ng sakit ng ulo ay pinilit niyang huwag mag absent.Sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair, ay nire-recall niya sa isipan ang mga pinag-usapan nila ng Kuya Armand niya. Ngayon tuloy ay nakakaramdam siya ng pagka confuse.Tinulungan raw siya ni Brandon kagabi. Hindi pa rin siya makapaniwala na magtatanong nga mga ganoon si Brandon sa Kuya niya.Natawa nang pagak si Avrielle. "Paano nangyari 'yon? Nakita niya lang na ang dati niyang maid ay naging magandang boss na ngayon ay naging concern na siyang bigla!"Sa isip-isip ni Avrielle ay hindi na siya muling magpapaloko kay Brandon.Sa puntong ito ay tumunog ang cellphone ni Avrielle. Ang mensahe ay galing sa group chat nilang magkakapatidArmand: Amery, iyong mga fake news tungkol sa'yo ay na
"Mabuti na lang at hindi kalakihan ang kumpanya na pag-aari ng mga Gonzaga, otherwise baka magkaubusan pa ng stocks sa market pagdating ng kinabukasan. 'Iyong byenan mong hilaw pala ay may kalakihan... baka mamaya sumpungin iyon ng high blood kapag nagkataon..." Umarko pa ang gilid ng bibig ni Gab at hindi mababakasan ng simpatya ang tinig nito.Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Brandon bago siya pukulin nito ng masamang tingin. Tila natakot naman si Gab kaya naman kinagat nito ang kanyang dila upang hindi na makapagsalita pa ng masama."Mukhang fake news lang naman yan, wala namang ebidensya eh." Humugot ng malalim na hininga si Brandon, nagdilim rin ang kanyang mga mata. "Paano bang nagsimula ang issue na 'to?""Well, ayon sa narinig ko, nagsimula ito sa bagong management ng Madrigal Empire. Babae raw ang bagong namamahala at siya ang nagpa-terminate ng contract ng Aishi sa hotel nila. After a week, lahat ng branch ng hotel ay nagpalit na ng ibang supplier ng mga beddings.""Ga
"Paano kayang nakabangga nila Selina ang mga Madrigal na 'yon?""Sa pagkakaalam ko, may hidwaan ang pamilya natin at ang mga Madrigal. Sinumpa rin ng dalawang pamilya na walang magkakatuluyan sa kanila. Ang sinumang sumuway ay itatakwil at hindi na kikilalanin bilang miyembro ng bawat angkan."Wala naman sanang pakialam si Brandon sa history na iyon dahil alam naman niyang si Samantha ang gusto niyang mapangasawa. Ngunit matapos marinig ang kwento ng kanyang ama, ay tila ba may nagbukas na sugat sa puso niya at bahagyang nilamig iyon."Naku, baka naman nalaman ng mga Madrigal na magiging asawa ng anak natin ang isa sa anak ng Gonzaga! Kaya naman gusto nilang sirain ang pamilya natin sa pamamagitan ng issue na 'yan! Napakawalanghiya talaga nila!" Nilamukos ni Senyora Carmela ang panyong tangan sa sobrang galit."Brandon, mabuti pang makipagkita ka sa Avrielle na 'yon at gumawa ka ng paraan para hindi nila pag-initan ang mga Gonzaga. Hindi lang ito problema nila Samantha, kundi tayo rin
Nang sumunod na araw, maagang-maaga pa lang ay bihis na bihis na si Brandon. Nakasuot siya ng black suit at leather shoes. Ang awra niya ay kababakasan ng kapangyarihan, sa kanyang itsura ay makikitang handa na siyang magtungo sa Madrigal Empire.Habang naglalakad siya sa hall ng hotel, nakaramdam siya kagaanan hindi lang sa kanyang katawan kundi maging sa kanyang mentalidad.Nakarating na siya rito nang isang beses noong nakaraang taon, at bilang kilalang strict at demanding, ay hindi maiiwasang palagi siyang may reklamo.-----"A piece of loose sand with nothing good to say."At ngayon, ang hotel na ito ay tila bagong tayo at pwede nang ihanay sa mga first-class hotels sa bansa.Biglang na-impress tuloy si Brandon sa bagong namamahala sa hotel na iyon na si Ms. Avrielle Madrigal. Naisip niyang hindi ito basta-basta at hindi dapat i-underestimate.Nang matagpuan nila ang administrative secretary ni Ms. Madrigal, agad na pinakilala ni Xander ang boss niya."This is Mr. Pierre Brandon R
Makaraan ang tatlong pagbisita sa hotel, sa wakas ay nagkaroon na rin ng chance na makausap ni Brandon si Avrielle Madrigal.Kalmado man ang hitsura ni Brandon, ang puso naman niya ay dumadagundong sa kaba.Iginiya sila ng administrative secretary patungo sa elevator. Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi napigilan ng mga babaemg empleyado ang humanga sa ka-gwapuhan ni Brandon.Nang sumapit sila sa harap ng elevator ay pipindutin na sana ni Xander ang button, ngunit pinigilan siya ng administrative secretary."Ang elevator na ito ay exclusive lang para kay Ms. Madrigal. Iyong kabila po ang pwede n'yong gamitin.""Tsk. Big deal ba 'yon?" Hindi napigilan ni Xander ang magpa-ikot ng mata.Hindi naman iyon inalintana ni Brandon. Kahit naman kasi siya ay may sariling elevator sa loob ng kanilang kumpanya.Patungo na ang elevator sa ika-apatnapung palapag, nang sa ika-labintatlo pa lang ay himinto na ito."Bumaba na po kayo." sabi ng administrative secretary."Hindi ba't ang opisina ni Ms.
"Nagustuhan mo ba ang pagkakasulat, Mr. Ricafort?" tanong ni Ms. Madrigal na bahagyang nakangiti."Not bad.""Kung nagustuhan mo, pwede mong dalhin sa pag-alis mo. Isipin mo na lang na neeting gift ko 'yan sa'yo.""No need, this calligraphy is sharp and majestic. Parang sinulat naman 'to para sa lahat, so hindi ko ito kukunin." mabilis na tanggi ni Brandon.Biglang natawa si Avrielle, kaya naman ang puppet niya ay nakisabay sa pagtawa.Dahil doon, nagsalubong ang magagandang kilay ni Brandon."Tinatanggap ko naman ang compliment mo, Mr. Ricafort, hindi mo naman kailangang mahiya. Kaya ko namang sumulat n'yan nang kahit gaano karami. So, okay lang naman talagang kunin mo 'yan." sinundan iyon ng nanunuyang pagtawa ni Avrielle. At dahil do'n ay parang nanigas ang mukha ni Brandon. Nakuyom rin niya ang kanyang kamao."Well, Mr. Ricafort, stop beating around the bush. Alam ko namang hindi paintings and calligraphy ang sadya mo rito. C'mon, sabihin mo na kung ano ang tunay na sadya mo.""Sa
Bumalik na sa kanyang opisina si Avrielle at dali-dali namang tumayo ang waitress na naginginig ang mga tuhod."Grabe, nakakatakot! Napakagwapo pa ni Mr. Ricafort at napakalakas ng dating. Feeling ko tuloy ay namula ang mukha ko. Hindi po kaya ako nahalata, Ms. Madrigal?""Hindi naman." Inabotan siya ni Avrielle ng isang envelope. "Kunin mo 'to kasi deserve mo."Tinanggap naman iyon ng waitress. "Maraming salamat, Ms. Madrigal. Grabe, nakakatuwa po, ang kapal!"Sa pagkakataong iyon ay binigyan rin ito ni Ella ng isang dokumento na may nakalagay na "Confidentiality Agreement"."Alam ko namang hindi ka sisira sa pangako, pero para sa kapakanan ng dalawang partido, it is safer na magpirmahan tayo." Nginitian ni Avrielle ang waitress, "Aasahan kong hindi makakalabas ang mga nangyari ngayon dito sa office ko. In the future, except for my own initiative, as long as the third party knows the content of my conversation with Mr. Ricafort today, even if you violate the agreement, I will pursue
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya