Bumalik na sa kanyang opisina si Avrielle at dali-dali namang tumayo ang waitress na naginginig ang mga tuhod."Grabe, nakakatakot! Napakagwapo pa ni Mr. Ricafort at napakalakas ng dating. Feeling ko tuloy ay namula ang mukha ko. Hindi po kaya ako nahalata, Ms. Madrigal?""Hindi naman." Inabotan siya ni Avrielle ng isang envelope. "Kunin mo 'to kasi deserve mo."Tinanggap naman iyon ng waitress. "Maraming salamat, Ms. Madrigal. Grabe, nakakatuwa po, ang kapal!"Sa pagkakataong iyon ay binigyan rin ito ni Ella ng isang dokumento na may nakalagay na "Confidentiality Agreement"."Alam ko namang hindi ka sisira sa pangako, pero para sa kapakanan ng dalawang partido, it is safer na magpirmahan tayo." Nginitian ni Avrielle ang waitress, "Aasahan kong hindi makakalabas ang mga nangyari ngayon dito sa office ko. In the future, except for my own initiative, as long as the third party knows the content of my conversation with Mr. Ricafort today, even if you violate the agreement, I will pursue
Nang makarating sa RGC si Brandon, agad siyang nag attend ng sunod-sunod na meetings at nagpirma ng ga-bundok na mga papeles. Nang matapos ang lahat ay pagod niyang isinandal ang likod sa upuan at napahinga nang malalim.Noong naghiwalay sila ni Amery, ang buong akala niya ay magiging maayos na ang takbo ng relasyon nila ni Samantha, na sa wakas ay mararamdaman na niya ang totoong pahinga sa piling ng minamahal niya... Ngunit bakit ngayong malaya na siyang mahalin ang totoong tinitibok ng puso niya ay tila bakit hindi siya masaya? Sa totoo lang, hindi niya magawa ang mga gusto niyang gawin sa kanilang relasyon.Pinutol ang pag-iisip ni Brandon ng mga pagkatok sa pintuan. At nang sagutin niya iyon ay agad pumasok si Xander dala ang isang impormasyon."Mr. Ricafort, napag-alaman ko pong kinancel ng Madrigal Empire ang transactions nila sa Aishi Home Furnishing nine days ago, at tinerminate na nila ang kaugnayan sa mga Gonzaga. Ngunit noong panahon na iyon, hindi pa nilalabas ng mga Madr
Nang makauwi sa mansyon si Brandon ay basangbasa ito na tila isdang bagong huli sa dagat. Halos patakbong sinalubong siya ng mayordoma na may dala-dalang tuwalya, ngunit tinabig lang siya ni Brandon bago umakyat sa malaking hagdan nang galit na galit. "Ano pong nangyari sa inyo, Senyorito?" nagtatakang tanong ng mayordoma, at pagkatapos ay bumaling ito kay Xander. "Sinong nakaaway niya?" "Mamaya n'yo na lang po siya usisain. Naloko po kasi siya eh." "Ha? Si Senyorito na mas tuso pa sa unggoy, ay madedenggoy? Tumawag na ba kayo sa pulis? Tumawag ka ng pulis, bilis!" nahihintakot na utos ng mayordoma. Umiling-iling naman si Xander. "Masyado pong komplikado at hindi naman po kailangan ng pulis. Matinik pa po sa demonyo ang nakabangga ng amo natin." "Sinabihan ko na siya na mag d******d ng anti-fraud app dati, eh. Kaso, hindi naman nakikinig. Paano naman siyang nakalakad sa ilog nang hindi mababasa ang kanyang sapatos?" Mapait na napangiti si Xander. "Nakabangga na po niya ang katap
"Hindi ko naman po iyon ginalaw, Senyorito. Sinabihan n'yo po kasi akong kapag lilinisin ang kwarto n'yo ay huwag na huwag iyong papakialaman. Saka nang pumunta po rito si Ms. Samantha kanina, binilinan ko rin pong huwag na huwag papakialaman ang kahon na ibinigay sa inyo ni Senyorita Amery." paliwanag ng mayordoma at pagkatapos ay pinukol si Samantha ng nang-iintrigang tingin.Sinadya ng mayordomang banggitin ang pangalan ni Amery sa harap ni Samantha upang mapwersa ang babaeng magsabi ng totoo."Tinapon ko ang kahon!" Hindi na napigilan pa ni Samantha ang tinitimping galit."At saan mo naman itinapon?" tanong ni Brandon habang nanlilisik ang mga mata."Honey, bakit ba napakaimportante sa iyo ang kahon na binigay ni Amery? Baka nakakalimutan mo, divorce na kayo at ako na ang mapapangasawa mo ngayon! Hanggang ngayon tinatago mo pa 'yong mga bigay n'ya na parang kayamanan... Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko?" Pinawalan ni Samantha ang kanyang masaganang luha. Ayon kasi kay Seny
Umiiyak na umalis ng Ricafort mansion si Samantha. Ang ibang mga kasambahay naman ay nagbubulungan; ayon sa mga ito ay malas daw ang babae. Kapag pupunta raw kasi ito, kakain lang at pagkatapos ay aalis nang umiiyak. Tila ginagawa na raw nitong sementeryo ang mansyon.Si Brandon naman ay tila pagod na umupo sa sofa. Pinagmamasdan nito ang gula-gulanit na suit at natutulala."Senyorito, malalim na po ang gabi. Uminon muna kayo ng gatas para makatulog kayo." Nilapag ng mayordoma ang isang basong gatas, at nang tignan nito ang gula-gulanit na suit at napabuntong-hininga na lamang ito. "Grabe.""Sa susunod na darating si Samantha, bantayan n'yo at huwag n'yo nang papapasukin sa loob ng kwarto ko at sudy room." utos ni Brandon sa mababang tinig."Huwag po kayong mag-alala, masusunod po ang utos n'yo. Kailangan ko ron po sigurong i-lock ang pinto ng kwarto ni Ms. Amery. Baka po pasukin na naman ni Ms. Samantha at may gawin na namang kababalaghan.""Huwag n'yo pong sabihin 'yan. Hindi naman
Isang malaking kaguluhan ang nasangkutan ng mga Gonzaga. Bumagsak ang kanilang reputasyon at ang halos lahat ng kanilang mga tindahan ay wala nang laman.Ang pinakamasaklap pa, hindi na rin nakialam pa si Brandon. Kung hindi nila magagawan ng solusyon ang kanilang problema at maubos na ang perang binigay ni Brandon, malamang ay tuluyang magsasara na ang kanilang negosyo.Napanalunan ng mga Madrigal ang simpatya ng publiko sa pamamagitan ng pag-expose sa mga depektibong produkto ng Aishi Home Furnishing. Samantalang ang Madrigal Empire naman ay biglang namayagpag matapos ang mahaba nitong pananahimik."Tulad po ng instruction ninyo, nagpadala po ako ng mga taong magmamanman kay Mr. Gallardo simula noong nag resign siya. At napag-alaman ko po na may connection pa rin siya kay Ash Gonzaga."Kinuha ni Ella ang maputing kamay ni Avrielle at pinahiran ng cuticle oil ang mga kuko nitong bagong manicure."Ginamit niya ang hotel at nakipagsabwatan kay Ash para sa kanyang sariling interes. Tala
Nag-iisang naglalakad patungo sa western restaurant si Avrielle. Nakita niya si Gab Olivarez at palihim siyang nabigla ngunit pinanatili niyang kalmado ang kanyang ekspresyon.Tatlong taon silang kasal ni Brandon ngunit inabandona lang siya nito at ginawa lang dekorasyon. Ni minsan ay hindi siya nito inayang lumabas at makilala ang mga kaibigan nito. Ngunit kahit ganoon, alam pa rin ni Avrielle na si Gab Olivarez ang bestfriend ni Brandon. Kahit na hindi niya maintindihan kung bakit naging matalik na magkaibigan ang dalawa, alam niyang higit pa sa kaibigan ang turingan ng mga ito sa isa't isa kahit pa magkaiba sila ng personalidad.Kaunti lang ang mga tao sa loob ng restaurant, at kung may tatawag man sa kanya ng "Ms. Madrigal"ay tiyak ang pagkabulilyaso niya.Sa isang banda, maiging tinititigan naman ni Gab si "Amery. Galit na galit na ang babaeng kasama niya, at halos mapudpod na ang mga ngipin nito sa panggigigil dahil mukhang may bago na naman siyang biktima.Pansin na pansin din
Mula sa seryosong pagsimsim ni Avrielle sa kanyang kape ay nakuha ang atensyon niya ng babaeng kasama ni Gab kanina.Nasa harapan na pala niya ito at tila nagbabagang apoy ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Itinaas ni Avrielle ang isang kilay niya at tinakpan ng isang kamay ang kanyang ilong. Tila sumasakit yata ang ulo niya dahil amoy ng pabango ng babae. Masangsang iyon at tila sumusundot sa kaloob-looban ng ilong niya ang amoy.Naisip tuloy niya kung nasa tamang kundisyon pa ba ang pang-amoy ni Gab."Kung ayaw kong sundin ang sinasabi mo, ano naman ang gagawin mo sa'kin, aber?" mayamaya'y tanong ni Avrielle sa babae."Eh 'di irereklamo kita! Tignan natin kung hindi ka isumpa ng mga ka-trabaho mo!""Ako, irereklamo mo? At ang rason mo ay dahil nagselos ka sa pagkausap sa'kin ng boyfriend mo?" nagpakawala ng nanunuyang tawa si Avrielle."Ikaw!" biglang nanggigil kay Avrielle ang babae. Namula ang mukha nito at halos maglabasan ang mga ugat sa leeg nito."Sige, magreklamo ka. Kun
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya