Umiiyak na umalis ng Ricafort mansion si Samantha. Ang ibang mga kasambahay naman ay nagbubulungan; ayon sa mga ito ay malas daw ang babae. Kapag pupunta raw kasi ito, kakain lang at pagkatapos ay aalis nang umiiyak. Tila ginagawa na raw nitong sementeryo ang mansyon.Si Brandon naman ay tila pagod na umupo sa sofa. Pinagmamasdan nito ang gula-gulanit na suit at natutulala."Senyorito, malalim na po ang gabi. Uminon muna kayo ng gatas para makatulog kayo." Nilapag ng mayordoma ang isang basong gatas, at nang tignan nito ang gula-gulanit na suit at napabuntong-hininga na lamang ito. "Grabe.""Sa susunod na darating si Samantha, bantayan n'yo at huwag n'yo nang papapasukin sa loob ng kwarto ko at sudy room." utos ni Brandon sa mababang tinig."Huwag po kayong mag-alala, masusunod po ang utos n'yo. Kailangan ko ron po sigurong i-lock ang pinto ng kwarto ni Ms. Amery. Baka po pasukin na naman ni Ms. Samantha at may gawin na namang kababalaghan.""Huwag n'yo pong sabihin 'yan. Hindi naman
Isang malaking kaguluhan ang nasangkutan ng mga Gonzaga. Bumagsak ang kanilang reputasyon at ang halos lahat ng kanilang mga tindahan ay wala nang laman.Ang pinakamasaklap pa, hindi na rin nakialam pa si Brandon. Kung hindi nila magagawan ng solusyon ang kanilang problema at maubos na ang perang binigay ni Brandon, malamang ay tuluyang magsasara na ang kanilang negosyo.Napanalunan ng mga Madrigal ang simpatya ng publiko sa pamamagitan ng pag-expose sa mga depektibong produkto ng Aishi Home Furnishing. Samantalang ang Madrigal Empire naman ay biglang namayagpag matapos ang mahaba nitong pananahimik."Tulad po ng instruction ninyo, nagpadala po ako ng mga taong magmamanman kay Mr. Gallardo simula noong nag resign siya. At napag-alaman ko po na may connection pa rin siya kay Ash Gonzaga."Kinuha ni Ella ang maputing kamay ni Avrielle at pinahiran ng cuticle oil ang mga kuko nitong bagong manicure."Ginamit niya ang hotel at nakipagsabwatan kay Ash para sa kanyang sariling interes. Tala
Nag-iisang naglalakad patungo sa western restaurant si Avrielle. Nakita niya si Gab Olivarez at palihim siyang nabigla ngunit pinanatili niyang kalmado ang kanyang ekspresyon.Tatlong taon silang kasal ni Brandon ngunit inabandona lang siya nito at ginawa lang dekorasyon. Ni minsan ay hindi siya nito inayang lumabas at makilala ang mga kaibigan nito. Ngunit kahit ganoon, alam pa rin ni Avrielle na si Gab Olivarez ang bestfriend ni Brandon. Kahit na hindi niya maintindihan kung bakit naging matalik na magkaibigan ang dalawa, alam niyang higit pa sa kaibigan ang turingan ng mga ito sa isa't isa kahit pa magkaiba sila ng personalidad.Kaunti lang ang mga tao sa loob ng restaurant, at kung may tatawag man sa kanya ng "Ms. Madrigal"ay tiyak ang pagkabulilyaso niya.Sa isang banda, maiging tinititigan naman ni Gab si "Amery. Galit na galit na ang babaeng kasama niya, at halos mapudpod na ang mga ngipin nito sa panggigigil dahil mukhang may bago na naman siyang biktima.Pansin na pansin din
Mula sa seryosong pagsimsim ni Avrielle sa kanyang kape ay nakuha ang atensyon niya ng babaeng kasama ni Gab kanina.Nasa harapan na pala niya ito at tila nagbabagang apoy ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Itinaas ni Avrielle ang isang kilay niya at tinakpan ng isang kamay ang kanyang ilong. Tila sumasakit yata ang ulo niya dahil amoy ng pabango ng babae. Masangsang iyon at tila sumusundot sa kaloob-looban ng ilong niya ang amoy.Naisip tuloy niya kung nasa tamang kundisyon pa ba ang pang-amoy ni Gab."Kung ayaw kong sundin ang sinasabi mo, ano naman ang gagawin mo sa'kin, aber?" mayamaya'y tanong ni Avrielle sa babae."Eh 'di irereklamo kita! Tignan natin kung hindi ka isumpa ng mga ka-trabaho mo!""Ako, irereklamo mo? At ang rason mo ay dahil nagselos ka sa pagkausap sa'kin ng boyfriend mo?" nagpakawala ng nanunuyang tawa si Avrielle."Ikaw!" biglang nanggigil kay Avrielle ang babae. Namula ang mukha nito at halos maglabasan ang mga ugat sa leeg nito."Sige, magreklamo ka. Kun
Isang collector ng mga relo si Gab, kaya naman agad niyang napansin ang Patek watch na suot ni Amery sa kanyang pulso. Hindi niya napigilang mapahanga nang mapansing global limited edition iyon.Naisip niyang si Anton Madrigal pala ay galante sa kanyang girlfriend, bagay na hindi kayang gawin ni Gab para sa isang babae.Ang pinakamahalaga lang naman ay nakakapagsuot si Amery ng mamahaling relo para gamitin sa trabaho. Isa talaga itong babaeng probinsyana na ignorante sa mga magagarbong gamit."Amery, anong oras ka natatapos sa trabaho mo? Susunduin kita mamayang gabi, ha?" Habol ni Gab sa nakatalikod nang si Amery."Huwag ka nang maghitay kasi hindi mo kaya." tanggi ni Avrielle na nagniningning ang mga mata. "Hindi ako kakain nang kasama ka."Pinatunog ni Gab ang kanyang dila. "Ganyan ka ba kawalang -puso? Hindi pa ba sapat na tinulungan kitang bigyan ng leksyon si Ash Gonzaga noong naroon tayo sa bar ko? Ituring mo na lang na kabayaran mo ang pagsama mo sa akin sa dinner mamayang ga
Halos manggalaiti si Brandon sa sobrang galit kay Avrielle. "Gusto mo ba akong inisin o galitin? Bakit hindi mo na lang kaya ako sampalin?" Biglang nataranta si Gab. Aaluin na sana niya si Avrielle nang magsalita ito ng malumanay."Ano bang sa tingin mo, Brandon?"Dahan-dahan itinapat ni Avrielle ang tingin niya sa gwapong mukha ni Brandon. "Sa ganitong sitwasyon natin, bakit hindi pa natin padaliin ang oras? Tapusin natin ang divorce natin ngayong araw. Ayoko nang maging anino mo na palaging naghahabol sa'yo... ayoko nang magmakaawa sa atensyon at pagmamahal mo. At ayoko na ring makita ang pagkadismaya sa mukha mo sa tuwing makikita mo ako.""Amery!" Gumuhit ang hindi maintindihang takot sa mukha ni Brandon.Si Avrielle naman ay nilagpasan na si Brandon dala ang nanunuyang tingin nito sa lalaki. Sa puntong ito'y nakaramdam ng pag-iinit ng sulok ng mga mata si Brandon. Bigla niyang hinablot ang braso ni Avrielle na tila natatakot siyang mawala ito at hindi na niya makita pang muli.
"Kailangan na kitang dalhin sa ospital. Hindi pwedeng patagalin 'yang dislocation mo." Walang ekspresyon na mababakas sa mukha ni Brandon maliban sa mga mata niyang nandidilim."Bitawan mo nga ako, Brandon! Noong kasal nga tayo ay walan kang pakialam sa'kin... kaya ngayong divorce na tayo, wala kang kang karapatang hawakan ako!" Punong-puno ng galit at inis si Avrielle na naging sanhi ng kanyang pamamalat.Hindi naman pinansin ni Brandon, at sa halip ay nagtagis na lamang ang mga ngipin nito.Si Gab naman ay nagpatunog ng dila at nagmamadaling humabol sa kanila. "Tama 'yan, Amery. Mas mabuti siguro kung ako ang yayakap sa'yo."Sa sinabing iyon ni Gab ay agad siyang pinukol ng nanlilisik na tingin ni Brandon. ---Nang makarating sa ospital, agad na dinala si Avrielle sa diagnosis ang treatment room. Sina Brandon at Gab naman ay matiyagang naghihintay sa corridor."Alam mo Brandon, jinx ka eh! Masyadong mabigat 'yang kamay mo kaya hindi niya nakayanan no'ng hilahin mo siya." Napapaili
Ipinagwalang-bahala na lamang ni Gab ang naging reaksyon ni Brandon. Tumitig siya sa mukha ng kaibigan at bahagyang itinaas ang isang kilay."Pero kung magbabago ang isipan mo bago ang kasal ninyo ni Samantha, at kung gugustuhin mong makipagbalikan kay Amery, ay magpapaubaya ako at hindi ko na siya guguluhin. Walang magiging problema sa'tin 'yon. After all, ikaw lang naman ang nag-iisa at tunay kong kaibigan. Pero kung sakaling kasal na kayo ni Samantha at guguluhin mo si Amery, sinasabi ko sa'yo na magkakagulo tayong dalawa. Kaya kong kalimutan na kaibigan kita.Natikom nang mahigpit ni Brandon ang kanyang may kanipisang labi na naging dahilan ng paglabas ng kanyang mga dimples."Brandon!"Umalingawngaw ang tinig na iyon sa tahimik na corridor ng ospital.Nang lumingon si Brandon sa pinanggalingan ng tinig, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha.Nag-aral si Brandon sa isa sa prestihiyosong military academy sa bansa, at nagsilbi siya sa army ng tatlong taon. Kahit na aba
Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon.Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon.Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon.Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid."Nandito na ulit si Ms. Wynona!"Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon."Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin natin ulit.
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo
Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku
Sa puntong iyon, ay naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.Si Xander naman, ay tila kating-kati nang puntahan ang dalawa para takpan ang bibig ng kanyang amo.Pagkaraan ng ilang segundo, ay nagpakawala ng malakas na pagtawa si Avrielle habang nagniningning ang mga mata."Brandon, noong una, inaamin ko na masyado akong nagtiwala sa sarili ko. Ginawa ko ang lahat para pakibagayan ka nang maayos. Umasa kasi ako na maaari kitang masandalan, pinilit kong maging isang mabuting asawa at nangarap akong mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Pero sa bandang huli, wala akong napala dahil dinispatsa mo lang ako nang wala akong kalaban-laban. Pero para sabihin ko sa'yo, may mali sa mga sinabi mo kanina. Dahil kahit hiniwalayan mo ako, hindi ako nagalit. Sa totoo lang, gusto kong maging maayos tayo, pero ikaw 'tong palaging nanggugulo. Palagi mong sinisira ang respeto natin sa isa't-isa.. Kung kaya nga lang kitang tuluyang alisin sa sistema ko... Kung kaya lang kitang ipatapon s