Share

Chapter 32

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2024-11-10 23:12:10

Isang malaking kaguluhan ang nasangkutan ng mga Gonzaga. Bumagsak ang kanilang reputasyon at ang halos lahat ng kanilang mga tindahan ay wala nang laman.

Ang pinakamasaklap pa, hindi na rin nakialam pa si Brandon. Kung hindi nila magagawan ng solusyon ang kanilang problema at maubos na ang perang binigay ni Brandon, malamang ay tuluyang magsasara na ang kanilang negosyo.

Napanalunan ng mga Madrigal ang simpatya ng publiko sa pamamagitan ng pag-expose sa mga depektibong produkto ng Aishi Home Furnishing. Samantalang ang Madrigal Empire naman ay biglang namayagpag matapos ang mahaba nitong pananahimik.

"Tulad po ng instruction ninyo, nagpadala po ako ng mga taong magmamanman kay Mr. Gallardo simula noong nag resign siya. At napag-alaman ko po na may connection pa rin siya kay Ash Gonzaga."

Kinuha ni Ella ang maputing kamay ni Avrielle at pinahiran ng cuticle oil ang mga kuko nitong bagong manicure.

"Ginamit niya ang hotel at nakipagsabwatan kay Ash para sa kanyang sariling interes. Tala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 33

    Nag-iisang naglalakad patungo sa western restaurant si Avrielle. Nakita niya si Gab Olivarez at palihim siyang nabigla ngunit pinanatili niyang kalmado ang kanyang ekspresyon.Tatlong taon silang kasal ni Brandon ngunit inabandona lang siya nito at ginawa lang dekorasyon. Ni minsan ay hindi siya nito inayang lumabas at makilala ang mga kaibigan nito. Ngunit kahit ganoon, alam pa rin ni Avrielle na si Gab Olivarez ang bestfriend ni Brandon. Kahit na hindi niya maintindihan kung bakit naging matalik na magkaibigan ang dalawa, alam niyang higit pa sa kaibigan ang turingan ng mga ito sa isa't isa kahit pa magkaiba sila ng personalidad.Kaunti lang ang mga tao sa loob ng restaurant, at kung may tatawag man sa kanya ng "Ms. Madrigal"ay tiyak ang pagkabulilyaso niya.Sa isang banda, maiging tinititigan naman ni Gab si "Amery. Galit na galit na ang babaeng kasama niya, at halos mapudpod na ang mga ngipin nito sa panggigigil dahil mukhang may bago na naman siyang biktima.Pansin na pansin din

    Huling Na-update : 2024-11-10
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 34

    Mula sa seryosong pagsimsim ni Avrielle sa kanyang kape ay nakuha ang atensyon niya ng babaeng kasama ni Gab kanina.Nasa harapan na pala niya ito at tila nagbabagang apoy ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Itinaas ni Avrielle ang isang kilay niya at tinakpan ng isang kamay ang kanyang ilong. Tila sumasakit yata ang ulo niya dahil amoy ng pabango ng babae. Masangsang iyon at tila sumusundot sa kaloob-looban ng ilong niya ang amoy.Naisip tuloy niya kung nasa tamang kundisyon pa ba ang pang-amoy ni Gab."Kung ayaw kong sundin ang sinasabi mo, ano naman ang gagawin mo sa'kin, aber?" mayamaya'y tanong ni Avrielle sa babae."Eh 'di irereklamo kita! Tignan natin kung hindi ka isumpa ng mga ka-trabaho mo!""Ako, irereklamo mo? At ang rason mo ay dahil nagselos ka sa pagkausap sa'kin ng boyfriend mo?" nagpakawala ng nanunuyang tawa si Avrielle."Ikaw!" biglang nanggigil kay Avrielle ang babae. Namula ang mukha nito at halos maglabasan ang mga ugat sa leeg nito."Sige, magreklamo ka. Kun

    Huling Na-update : 2024-11-11
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 35

    Isang collector ng mga relo si Gab, kaya naman agad niyang napansin ang Patek watch na suot ni Amery sa kanyang pulso. Hindi niya napigilang mapahanga nang mapansing global limited edition iyon.Naisip niyang si Anton Madrigal pala ay galante sa kanyang girlfriend, bagay na hindi kayang gawin ni Gab para sa isang babae.Ang pinakamahalaga lang naman ay nakakapagsuot si Amery ng mamahaling relo para gamitin sa trabaho. Isa talaga itong babaeng probinsyana na ignorante sa mga magagarbong gamit."Amery, anong oras ka natatapos sa trabaho mo? Susunduin kita mamayang gabi, ha?" Habol ni Gab sa nakatalikod nang si Amery."Huwag ka nang maghitay kasi hindi mo kaya." tanggi ni Avrielle na nagniningning ang mga mata. "Hindi ako kakain nang kasama ka."Pinatunog ni Gab ang kanyang dila. "Ganyan ka ba kawalang -puso? Hindi pa ba sapat na tinulungan kitang bigyan ng leksyon si Ash Gonzaga noong naroon tayo sa bar ko? Ituring mo na lang na kabayaran mo ang pagsama mo sa akin sa dinner mamayang ga

    Huling Na-update : 2024-11-11
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 36

    Halos manggalaiti si Brandon sa sobrang galit kay Avrielle. "Gusto mo ba akong inisin o galitin? Bakit hindi mo na lang kaya ako sampalin?" Biglang nataranta si Gab. Aaluin na sana niya si Avrielle nang magsalita ito ng malumanay."Ano bang sa tingin mo, Brandon?"Dahan-dahan itinapat ni Avrielle ang tingin niya sa gwapong mukha ni Brandon. "Sa ganitong sitwasyon natin, bakit hindi pa natin padaliin ang oras? Tapusin natin ang divorce natin ngayong araw. Ayoko nang maging anino mo na palaging naghahabol sa'yo... ayoko nang magmakaawa sa atensyon at pagmamahal mo. At ayoko na ring makita ang pagkadismaya sa mukha mo sa tuwing makikita mo ako.""Amery!" Gumuhit ang hindi maintindihang takot sa mukha ni Brandon.Si Avrielle naman ay nilagpasan na si Brandon dala ang nanunuyang tingin nito sa lalaki. Sa puntong ito'y nakaramdam ng pag-iinit ng sulok ng mga mata si Brandon. Bigla niyang hinablot ang braso ni Avrielle na tila natatakot siyang mawala ito at hindi na niya makita pang muli.

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 37

    "Kailangan na kitang dalhin sa ospital. Hindi pwedeng patagalin 'yang dislocation mo." Walang ekspresyon na mababakas sa mukha ni Brandon maliban sa mga mata niyang nandidilim."Bitawan mo nga ako, Brandon! Noong kasal nga tayo ay walan kang pakialam sa'kin... kaya ngayong divorce na tayo, wala kang kang karapatang hawakan ako!" Punong-puno ng galit at inis si Avrielle na naging sanhi ng kanyang pamamalat.Hindi naman pinansin ni Brandon, at sa halip ay nagtagis na lamang ang mga ngipin nito.Si Gab naman ay nagpatunog ng dila at nagmamadaling humabol sa kanila. "Tama 'yan, Amery. Mas mabuti siguro kung ako ang yayakap sa'yo."Sa sinabing iyon ni Gab ay agad siyang pinukol ng nanlilisik na tingin ni Brandon. ---Nang makarating sa ospital, agad na dinala si Avrielle sa diagnosis ang treatment room. Sina Brandon at Gab naman ay matiyagang naghihintay sa corridor."Alam mo Brandon, jinx ka eh! Masyadong mabigat 'yang kamay mo kaya hindi niya nakayanan no'ng hilahin mo siya." Napapaili

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 38

    Ipinagwalang-bahala na lamang ni Gab ang naging reaksyon ni Brandon. Tumitig siya sa mukha ng kaibigan at bahagyang itinaas ang isang kilay."Pero kung magbabago ang isipan mo bago ang kasal ninyo ni Samantha, at kung gugustuhin mong makipagbalikan kay Amery, ay magpapaubaya ako at hindi ko na siya guguluhin. Walang magiging problema sa'tin 'yon. After all, ikaw lang naman ang nag-iisa at tunay kong kaibigan. Pero kung sakaling kasal na kayo ni Samantha at guguluhin mo si Amery, sinasabi ko sa'yo na magkakagulo tayong dalawa. Kaya kong kalimutan na kaibigan kita.Natikom nang mahigpit ni Brandon ang kanyang may kanipisang labi na naging dahilan ng paglabas ng kanyang mga dimples."Brandon!"Umalingawngaw ang tinig na iyon sa tahimik na corridor ng ospital.Nang lumingon si Brandon sa pinanggalingan ng tinig, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha.Nag-aral si Brandon sa isa sa prestihiyosong military academy sa bansa, at nagsilbi siya sa army ng tatlong taon. Kahit na aba

    Huling Na-update : 2024-11-17
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 39

    Nang makauwi sa mansyon, agad na pinagtimpla ni Armand ng kape si Avrielle habang wala pa rin siyang tigil sa pagsasalita nang masama tungkol kay Brandon."Sorry na, Kuya." Nagpapaawang ipinikit-pikit pa ni Avrielle ang kanyang mga mata."Huh? Bakita nagso-sorry ka sa'kin?" Nagtatakang tanong naman ni Armand sa kapatis saka sinalat ang noo nito. "May lagnat ka na't lahat, kung anu-ano pa 'yang pinagsasabi mo...""Eh kasi para sa secret natin na 'to... Alam mo naman na nasa business trip si Kuya Anton at ikaw lang naman ang maaasahan ko sa ngayon eh. Natatakot ako na isipin mong ginagamit lang kita..." paliwanag ni Avrielle sa nag-aalalang tinig."Ano ka ba? Tigilan mo nga 'yan." Lumambot naman ang puso ni Armand dahil sa sinabi ng kapatid. Nilapitan niya ito at maingat na kinabig sa kanyang dibdib. Tila takot na takot na masaling ang brasong may injury. "Pinanganak kaming mga kuya mo para protektahan ka palagi. Sa susunod na magpapakasal ka, kami ang magiging dowry mo."Matapos sabihi

    Huling Na-update : 2024-11-18
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 40

    Tinulak ni Brandon ang pinto ng tailoring shop upang pumasok sa loob. Ang matangkad at malaking bulto niya ay parang sinukat sa pintuan kaya nagmistula tuloy siyang malaking intruder. Sa loob naman ay naroon ang matandang mananahi at kasalukuyang namamalantsa ng mga damit. Nang makita nito si Brandon ay biglang-bigla ito. "Ikaw pala!" "Handa po akong magbayad nang malaki, may hihingin po sana akong pabor." Bahagyang lumungkot ang mukha ni Brandon at binuksan ang kahon sa harapan ng mananahi. "Hala! Anong nangyari rito? Bakit naman nagkagutay-gutay ang magandang damit na ito?" Masyadong mapagmahal sa damit ang mananahi kaya't bigla itong nalungkot nang makita ang sinapit ng damit na dala ni Brandon. "Kasalanan ko po." Parang may bumara sa lalamunan ni Brandon kaya't iyon lamang ang nasabi niya. "Ito 'yong tinahi ng batang iyon eh... Pinapanood ko siya noon habang ginagawa ang suit na ito... feeling ko nga noon ako 'yong gumagawa eh." Napailing-iling pa ang matandang mananahi. "An

    Huling Na-update : 2024-11-19

Pinakabagong kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 89

    "Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 88

    Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 87

    "Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 86

    Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 85

    Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 84

    Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 83

    Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 82

    Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 81

    Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya

DMCA.com Protection Status