Share

Chapter 39

Author: inKca
last update Last Updated: 2024-11-18 00:16:09

Nang makauwi sa mansyon, agad na pinagtimpla ni Armand ng kape si Avrielle habang wala pa rin siyang tigil sa pagsasalita nang masama tungkol kay Brandon.

"Sorry na, Kuya." Nagpapaawang ipinikit-pikit pa ni Avrielle ang kanyang mga mata.

"Huh? Bakita nagso-sorry ka sa'kin?" Nagtatakang tanong naman ni Armand sa kapatis saka sinalat ang noo nito. "May lagnat ka na't lahat, kung anu-ano pa 'yang pinagsasabi mo..."

"Eh kasi para sa secret natin na 'to... Alam mo naman na nasa business trip si Kuya Anton at ikaw lang naman ang maaasahan ko sa ngayon eh. Natatakot ako na isipin mong ginagamit lang kita..." paliwanag ni Avrielle sa nag-aalalang tinig.

"Ano ka ba? Tigilan mo nga 'yan." Lumambot naman ang puso ni Armand dahil sa sinabi ng kapatid. Nilapitan niya ito at maingat na kinabig sa kanyang dibdib. Tila takot na takot na masaling ang brasong may injury. "Pinanganak kaming mga kuya mo para protektahan ka palagi. Sa susunod na magpapakasal ka, kami ang magiging dowry mo."

Matapos sabihi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 40

    Tinulak ni Brandon ang pinto ng tailoring shop upang pumasok sa loob. Ang matangkad at malaking bulto niya ay parang sinukat sa pintuan kaya nagmistula tuloy siyang malaking intruder. Sa loob naman ay naroon ang matandang mananahi at kasalukuyang namamalantsa ng mga damit. Nang makita nito si Brandon ay biglang-bigla ito. "Ikaw pala!" "Handa po akong magbayad nang malaki, may hihingin po sana akong pabor." Bahagyang lumungkot ang mukha ni Brandon at binuksan ang kahon sa harapan ng mananahi. "Hala! Anong nangyari rito? Bakit naman nagkagutay-gutay ang magandang damit na ito?" Masyadong mapagmahal sa damit ang mananahi kaya't bigla itong nalungkot nang makita ang sinapit ng damit na dala ni Brandon. "Kasalanan ko po." Parang may bumara sa lalamunan ni Brandon kaya't iyon lamang ang nasabi niya. "Ito 'yong tinahi ng batang iyon eh... Pinapanood ko siya noon habang ginagawa ang suit na ito... feeling ko nga noon ako 'yong gumagawa eh." Napailing-iling pa ang matandang mananahi. "An

    Last Updated : 2024-11-19
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 41

    Sa bandang huli, para matapos na ang giyera, ay nangako na lang si Senyor Emilio sa ama na hindi na makikialam pa sa problema ng mga Gonzaga.Matapos na malungkot na lumabas ng study room ang mag-asawa, pinagmasdan ni Don Simeon ang mga nagkalat at nabasag na bagay sa loob ng silid. Dahil doon ay muling nagsiklab sa galit ang kanyang mga mata."Mga bwisit! Mga bwisit sa pamilya! Lahat na lang ng lalaki sa pamilyang ito ay nasisilo ng mga babaeng may pansariling motibo!"Lumuhod si Brandon sa sahig at may pinulot na kung ano roon, sa kanyang utak ay may kung anu-anong tumatakbo. Iniisip niyang posible kayang mayroon lang representative si Anton Madrigal na pinadala sa meeting nito sa Singapore? Pero imposible namang magsinungaling ang ama niya. Maraming beses na nitong naka-engkwentro si Anton, kaya imposibleng hindi nito makilala nang malinaw ang lalaki. Unless, may Alzheimer's disease na ito.Sa puntong ito ay may napulot na folding fan si Brandon."Lolo, sa inyo po ba ito?""Hay nak

    Last Updated : 2024-11-19
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 42

    Matapos ahunin ni Avrielle ang kanyang katawan mula sa bath tub, ay nagsuot siya ng puting bathrobe at nilagyan ng facial mask ang kanyang mukha. Naglakad siya nang dahan-dahan na animo'y isang gansa patungo sa hagdan upang bumaba at maghanap ng maiinom."Madam, kung nahihirapan po kayong kumilos, sana sinabihan n'yo na lang po ako para ako na lang ang kumuha ng kailangan ninyo." Patakbong lumapit kay Avrielle si Ella na alalang alala ang mukha."Hindi naman mahirap kumuha ng isang bote ng red wine. Teka lang, alas nuwebe na, ah... Bakit naka-office attire ka pa?" Tinitigan ni Avrielle ang sekretarya. "Mula ngayon, kapag nandito sa bahay, itrato mo na ring bahay mo 'to. Huwag ka nang mahiya. Magpalit ka ng pambahay na damit sa susunod. Kapag nakasuot ka kasi ng ganyan, feeling ko nasa trabaho pa ako."Bukod sa mga sinabi ni Avrielle, mayroon pa talaga siyang isang dahilan.Naaalala niya si Brandon dahil lagi niya rin itong nakikitang naka-office attire kahit sa bahay. Nakakahiya mang

    Last Updated : 2024-11-20
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 43

    Sa isang kisap-mata ay sumapit na ang weekend. Sa harap ng publiko, nagdaos ng press conference ang Aishi Home Furnishing. Sa isang five-star hotel iyon ginanap, at maraming mga reporters ang dumalo.Sa second-rate group nabibilang ang pamilya Gonzaga kaya naman hindi sila masyadong maimpluwensya. Ganunpaman, dahil sa matalino si Samantha sa pag-anunsyo ng kasal nila ni Brandon, bigla ay naging interesado sa kanila ang publiko.Nang oras na iyon, sa kalsadang nakaharap sa lobby ng hotel, nakaparada ang isang Maybach.Pinapanood ni Brandon ang live telecast ng press conference sa kanyang iPad."Mr. Ricafort, sa tingin ko po, ang main purpose ng Daddy ninyo sa pagbisita sa inyo nitong nakaraan ay para konsensyahin ka niya sa life and death situation ng kumpanya ng mga Gonzaga." nag-aalalang saad ni Xander. "Palagi na lang po kayong nagtatalo, baka maapektuhan na po ang pagiging mag-ama ninyo n'yan. Baka mamaya ay topakin na naman sa inyo si Senyora Carmela.""Kahit pa bumuga siya ng ap

    Last Updated : 2024-11-21
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 44

    Nang makalahati ni Avrielle ang chocolate, ang natitirang kalahati niyon ay patuksong nilagay niya sa chest pocket ni Ella. Tinapik-tapik pa iyon ng kanyang mala-porselanang kamay."Malusog, huh?"Tila tumigil naman ang pagtibok ng puso ni Ella. Nag-init ang kanyang mga pisngi at nanuyo ang kanyang mga labi dahil sa pagbibirong iyon ng kanyang amo.Apat na taon ang tanda ni Ella kay Avrielle. Anak siya ng dating head ng legal department ng Madrigal Corporation kaya naman palagi siyang bumibisita sa kumpanya ng mga Madrigal noong teenager pa lang siya.Tandang-tanda pa ni Ella nang una niyang makilala si Avrielle sa back garden ng Madrigal Corporation. Gandang-ganda siya rito habang nakasuot ng puting bestida. Sabi niya nga noon, mukhang anghel na bumaba sa lupa si Avrielle. Akala nga niya noon ay naghahalusinasyon lang siya, kaya naman nakailang ulit siyang nagkusot ng mga mata. Nilapitan siya nito at nagtanong kung mayroon siyang candy, ngunit sa malas ay wala siyang dala kaya naman

    Last Updated : 2024-11-22
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 45

    Nawala ang tunog ng mga boses, ngunit may mga larawang biglang nag flash sa malaking screen. Makikita roon sina Mr. Gallardo at Ash na papasok at papalabas sa isang nightclub.--Mr. Gonzaga, iba 'to sa pinangako mo sa akin. Ang sabi mo, po-protektahan mo ako!--Pinrotektahan nga kita. Ngayong nalaman na ng lahat ang tungkol dito, gagawin ko pa rin ang pinangako ko. Walang mangyayaring masama sa'yo kung mula ngayon ay sa akin ka lang kakampi. At kapag bumaligtad ka sa akin, sinisigurado ko sa'yo na hinding hindi ka na makakalabas pa sa lungga mo!Naglabasan sa screen ang lahat ng mga ebidensya; mga litrato, recordings, at marami pang iba.Nagkagulo ang mga reporter at sabay-sabay na nag flash ang mga camera ng mga ito kay Ash Gonzaga. Pulang-pula ang mukha ng lalaki habang nagsisisigaw na tila isa nang baliw."Peke! Peke 'yan! Hindi ko boses 'yung nasa recordings! Someone framed me!"Sa puntong ito ay isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa buong hall ng hotel. Kasunod no'n ay a

    Last Updated : 2024-11-22
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 46

    Ang larawang lumabas sa scanner ay mula sa court's official website, kuha iyon tatlong taon na ang nakakaraan.Sa larawan, si Armand ay nakasuot ng ceremonial robe, matikas itong nakatayo sa loob ng korte habang seryosong nakikipag debate.Sa application na dinevelop ni Brandon, basta't malinaw ang kuha ng mukha, ay madaling mahahanap ang pagkatao ng taong nasa larawan. Sa loob ng tatlo hanggang limang minuto, makakakuha ka ng relevant information mula sa photo library na naka upload sa buong mundo. Mas madali iyon kaysa maghanap sa search engine. Mas accurate rin ang resulta niyon.Ngunit noong hinanap niya sa application si Armand Madrigal, inabot iyon ng sampung minuto. Nangangahulugan iyon na ang lalaki ay madalang lang magpakita sa publiko. Wala itong masyadong larawan mapa-public man o private. Wala rin itong social media accounts.Nagtataka tuloy si Brandon dahil isang prosecutor lang naman ang lalaki, ngunit bakit tila napakamisteryoso naman nito?"Anton Madrigal... Armand Mad

    Last Updated : 2024-11-23
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 47

    Bumalik si Armand sa prosecutor's office upang asikasuhin ang mga kasong isasampa kay Ash Gonzaga, habang si Avrielle naman ay pabalik na rin sa Madrigal Empire upang ipagpatuloy ang pagta-trabaho.Habang nasa daan, nakita ni Ella mula sa rearview mirror ang isang Maybach na tila sumusunod sa kanila."Madam, may sumusunod po sa atin! Gusto n'yo po bang tumawag ako ng pulis?"Walang emosyong sumilip rin si Avrielle sa rearview mirror, ngunit ang puso niya'y bahagyang nagririgodon na.Alam niyang sasakyan ni Brandon ang Maybach na iyon. May nakakita sa lalaki na naroon din ito sa press conference ngunit nagtago lamang sa isang madilim na parte ng hotel. Iniisip ni Avrielle na talagang nag-aalala ang dati niyang asawa sa pamilya ng fiancè nito.Kumulot ang dulo ng mga labi ni Avrielle at mula roo'y palihim na sumilay ang isang sarkastikong ngiti. "Hindi muna tayo babalik sa hotel. Doon muna tayo sa McKinley at sumakay tayo ng boat sa Venice Grand Canal.""Pero 'yong humahabol po sa atin.

    Last Updated : 2024-11-23

Latest chapter

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 89

    "Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 88

    Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 87

    "Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 86

    Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 85

    Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 84

    Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 83

    Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 82

    Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 81

    Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya

DMCA.com Protection Status