He's a demon King in the eyes of the world, but she's the only one who can bring him under control.
View MoreSAMANTALA nakaupo si Katleah sa kanyang higaan ng marinig niya ang malakas na katok mula sa pintuan ng kanyang inuupahang silid.
Tok! Tok!
"KatLeah! Ano ka ba? Bingi? Buksan mo ang pinto! Kanina pa ako kumakatok!""Opo aling Rosa andyan na, teka lang, bubuksan na po.""Hoy babae ka! ano ba ang nangyari sayo at ang tagal-tagal mong mag bukas ng pinto ha? May balak ka bang pag taguan ako?"sigaw ni Aling Rosa ng mabuksan na niya ang pinto."Bakit ko naman kayo pinagtataguan, Aling Rosa, wala naman akong kasalanan. Bakit po ba, may kailangan kayo?""Hah! magtatanong ka pa? Nakalimutan mo na ba!? Pangalawang buwan na ngayon, di ka pa rin nagbabayad ng renta mo sa bahay. Abah! hindi pwede yan, kung wala kang pambayad lumayas ka!""Naku po aling Rosa maawa naman po kayo sa akin, promise po itong darating na linggo magbabayad na ako para sa 2 months delay ko. Bigyan niyo pa ho ako ng kaunting palugit, makakasahod na ho ako ngayong darating na linggo.""Ano? sa darating pa na linggo? Hindi pwede! Hindi na uubra sa akin ang mga paawa effect mo na yan, binigyan na kita ng dalawang buwan na palugit noong nakaraan, tapos hihingi ka pa ulit sa akin ng extension? Ano ka sinuswerte?""Sige na po Aling Rosa, last na po ito, wala na po kasi akong mahanap na mas mura pa na pwedeng mauupahan maliban dito sa bahay nyo""Ay Naku! Katleah! tigil-tigilan mo ako sa kakadrama mo!. Maghihintay ako hanggang mamayang gabi. Kung wala ka pa ring maibigay sa akin na bayad mamaya, huwag mo akong sisihin sa pagpapalayas ko sayo! Wala akong pakialam kung saan ka pupunta! Aba, kailangan ko rin nang pera dahil marami rin akong bayarin. Mayroong uupa bukas nitong kwarto mo at hindi ako nagbibiro tandaan mo Katleah! Pupulutin yang mga gamit mo sa labas ng bahay bukas kung wala ka pa ring ibabayad sa akin mamaya!" Sabay talikod ni Aling Rosa.Napabuntong hininga na lang si Katleah habang nakatingin sa likuran ng papalayong si Aling Rosa..Kinakailangan niyang humanap ngayon ng paraan kung saan hihiram ng pera para pambayad sa renta. Umupo siya sa kanyang higaan habang binubuklat ang laman ng wallet niya. Agad naman siyang nadismaya ng makitang limang daang piso nalang ang natirang laman ng kanyang pitaka. Tipirin niya na lang ito hanggang sa umabot sa una niyang sahod bilang isang salesgirl sa mall. Mag dalawang linggo palang kasi siyang nagtatrabaho doon. Ang unang sahod niya ay ngayong kensenas at sa katapusan ng buwan. Ang problema niya ngayon ay kung saan siya hihiram ng pambayad sa renta ng bahay. Kilala pa naman si Aling Rosa sa pagiging Tigre. Hindi niya pinapalampas ang mga boarders niya na hindi nagbabayad on time. Sa apat na buwan na nangungupahan niya dito, kilala niya na ang ugali nito. Talagang hindi ito nagbibiro na palayasin siya bukas kung wala siyang ibabayad mamaya.Maganda siya, Matalino, Palaban at loner pero malalim kung magmahal. Let me say na siya yung tipong babae na sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, hindi siya basta-basta sumusuko. Siya si Katleah Sanchez. Sampung taon pa lang siya, nang mamatay ang mga magulang dahil sa isang aksidente.
Simula noon ang lola lamang niya ang lagi niyang kasama. Sa kasamaang palad ilang buwan pagkatapos ng graduation niya sa high school, ito naman ang inatake sa puso. Naalala pa niya ang huling sinabi nito bago mamatay."Katleah, Alam kong hindi na ako magtatagal, kaya dapat lang malaman mo ang tunay mong pagkatao''. Apo, pangako mo sa akin.. kahit anong mangyari hahanapin mo ang tunay mong mga magulang."
Laking gulat niya sa sinabi ng kanyang Lola. "N-Naguguluhan ho ako Lola, sino ba ang tunay kong mga magulang? Di ba patay na po sila sa aksidente?" tanong ni Katleah habang pinapahid ang luha na pinipigilan nyang lumabas sa kanyang mga mata."Totoo ang sinasabi ko apo,natagpuan ka lang ng nanay mo sa labas ng nasusunog na bahay ampunan."There were a stunned expression on her face. Di siya makapaniwala na sa loob ng labing walong taon, matutuklasan niyang ampon lang pala siya ng mga itinuturing niyang tunay na pamilya. Kung gayon, sino ang tunay niyang mga magulang? Bakit nila hinayaan na mawalay siya sa kanila? Bakit di nila siya hinanap gayong matagal na pala siyang nawawala? Paano niya mahahanap kung sino ang tunay niyang mga magulang kung kahit na sa pangalan o address manlang ay wala siyang nalalaman?" sunod-sunod nyang tanong sa sarili.Pagkatapos ng libing ng kanyang lola ay napagpasyahan niyang ebenta ang lahat ng mga natirang ari-arian na iniwan sa kanya ng kinilala nyang pamilya. Ang pera mula sa pagbebenta ng bahay at lupa ay binayad niya sa utang nila sa hospital at sa pagpapalibing. Ang natitirang pera ay napagdesisyunan niyang gamitin upang lumuwas ng maynila para makahanap ng matinong trabaho. Isa iyon sa pinakaunang hakbang niya upang makaipon ng pera sa kanyang pag aaral at sa paghahanap ng tunay niyang pamilya. "Teka? ano oras na pala? Oh my, malalate na ako sa trabaho!" Tarantang sambit niya sa sarili.Napabilis ang kanyang pagpasok sa banyo upang maligo. Dali-dali siyang nagbihis ng kanyang uniform at lumabas nang inuupahan kahit hindi pa nagsusuklay. Mabuti na lang at isang kilometro lang ang layo ng inuupahan niya papunta sa pinapasukan niyang mall. Binilisan niya ang paglalakad habang nagsusuklay ng kanyang buhok ng biglang."Ayyyy Kabayo!" sigaw niya sa sobrang pagkagulat at agad siyang napatilapon sa may gilid ng drainage. Buti na lang hindi siya tumama sa mismong drainage kung nagkataon, papasok siya sa trabaho na amoy canal. Galit niyang tiningnan kung sino ang walang modong bumangga sa kanya."Sino ba kasing walang mo......oh my gush!" hindi na niya natapos ang gusto pa sanang sabihin ng mapatitig siya sa napakagwapong mukha ng lalaking nasa harapan niya. Ang perfect ng hugis ng mukha nito, makapal ang kanyang kilay at mahaba ang pilikmata. Ang mga mata nito ay parang naglagay ng contact lens. Matangos ang kanyang ilong, at ang kanyang maninipis na labi ay may natural na pula na lalong nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Mayroon siyang divided chin makisig at matapang na aura. Sa isang tingin lamang masasabi mong siya na ang pinakagwapong nilalang na adonis sa buong mundo."Hoy, Miss...Sabi ko, okay ka lang? Tapos ka na ba sa kakatitig sa mukha ko? O ano? Satisfied ka ba sa kagwapuhan ko?" parang naiirita nitong tanong.Umarko pa itaas ang isang kilay ni Katleah sa kanyang mga narinig. Oo napakagwapo nya pero syempre hindi niya aaminin. Agad na kasi siyang naturn-off sa kakapalan ng mukha ng lalaking kaharap niya.''At sinong nagsabi sayo na gwapo ka? Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo lalaki.. Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!'' Naiirita niyang sagot sa lalaki.Lalo lang siyang nainis ng makita niyang ngumisi lang ito sa kanya."Abah, may malalim na dimple pa pala ang mayabang na ito". Sa loob-loob ni Kathleah.''Huh? ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Eh ikaw ang kanina ko pa sinasabihan na tumayo na dahil ang bigat-bigat mo.Kanina ka pa nakapatong diyan sa ibabaw ko. Ano may balak kang mag pagabi dito?'' Nang-iinsultong sagot din nito sa kanya.Bigla tumayo si Katleah ng mapansin niya ang awkward na position nila. Nakapatong nga siya sa ibabaw ng lalaki. Parang gusto niyang maghukay ng lupa at ibaon ang sarili sa sobrang kahihiyan. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha sa sobrang hiya."Bakit ka ba kasi nakaharang sa dinadaanan ko eh ang lawak- lawak ng kalsada?" Pagalit niyang tanong sa lalaki habang tinatanggal ang mga dumi na dumikit sa uniform niya."Ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Bakit ka kasi naglalakad na parang kabayo habang nagsusuklay ng buhok? Public place itong dinadaanan mo, at ang pagsusuklay nasa bahay ginagawa yan. Na gets mo bal huh? Babaeng kabayo?" nang-iiritang tanong sagot nito sa kanya."Aaaahhhh! ang kapal talaga ng pagmumukha mo, Unggoy ka! Ah No, mas may mukha pa pala ang Unggoy kaysa sayo!" Ganting insulto niya sa lalaki.Namumula na ang kanyang mukha sa sobrang pagtitimpi. Gusto na niyang umalis dahil ayaw niyang masira pa ang buong araw niya sa lalaking kaharap.Aktong nag isang hakbang pa lang siya, nang biglang may humablot sa kanyang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak nito, na parang takot na mawala ang kanyang bihag. Lumingon siya at nagtama ang kanilang mga mata. Naramdaman niya ang nag aapoy na galit nito habang tumitingin sa kanya."Bitiwan mo ako." Utos niya sa lalaki sabay hila ng kanyang kamay."Saan ka pupunta huh?" Sa tingin mo ba madadala mo ako sa mga lousy tactics mo woman? Alam kong isa lang yan sa mga taktika mo para mapalapit sa akin. Gusto mo ba ng pera? Sabihin mo lang hindi mo na kailangan mag-isip ng kung ano-anong tricks para mapansin." Deretsahang sabi nito sa kanya na parang mababang uri siya.Kunot ang noo niya sa narinig.. "Ano bang tricks ang pinagsasabi mo? Haler? Okay ka lang MadMan? Nauntog ba yang ulo mo kanina sa gutter? Bitawan mo na ako. Malalate ako sa trabaho..hindi ka nakakatulong!" Sabay hila ulit ng kamay niya.Nagpupumiglas siya sa higpit ng pagpkakahawak nito sa kanyang kamay pero walang nangyari, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya."Huwag ka nang mag maang-maangan pa, dahil alam na alam ko ang mga tipo mong babae..Playing innocent, kunwaring babangga kuno sa isang mayaman na lalaki para madaling makalapit at aakitin, upang madaling magkapera. Pare-pareho kayong lahat na mga babae...pera lang ang habol..Wala kang...."Slap! napangiwi siya sampal nito." Wala kang karapatan na sabihin sa akin yan at wala ka rin sa posisyon para husgahan ang pagkatao ko..kung ano man ang pinagdaanan mo huwag mo akong idamay. Tandaan mo hindi lang ikaw ang nag iisang tao sa mundo na mas mahirap ang pinagdaanan. At ito sasabihin ko at i*****k mo dyan sa bugok na kokote mo; kahit magdildil man ako ng asin o matulog man ako sa bangketa wala ka nang pakialam doon. Eh ano kung mayaman at gwapo ka? Sapat na ba yon para husgahan mo ako? Para sa akin hindi ikaw ang lalaki sa pangarap ko, kaya wag kang masyadong bilib sa sarili mo. At pwede ba tigilan mo na yang ilusyon mo? Dahil kung totoo mang mayaman ka, pwes wala akong balak makishare diyan sa yaman mo".Hindi na matiis ni Katleah ang matalas na dila ng lalaking kaharap kaya niya ito biglang nasampal. Nanginginig siya sa sobrang galit.Hindi niya na kayang tanggapin ang kung ano pang susunod na sasabihin nito sa kanya. Siguro nga mayaman ang lalaki dahil napansin niyang maraming bodyguard ang nakapaligid dito pero wala siyang pakialam, hindi niya hahayaan na inaapakan ang pagkatao niya ng kung sino-sino lang. Pagalit siyang tumalikod dito at dali-daling pumunta sa mall na kanyang pinagtatrabahuhan.Napaawang ang labi ni Marco habang sinusundan ng tingin ang likod ng papalayong si Katleah. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang pamamanhid at pamumula ng kanyang kaliwang pisngi dahil sa lakas ng sampal nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang isang Marco De la Vega na katulad niya ay makakayang sampalin ng isang babae na ngayon lang siya nakilala? Aaminin nyang napasobra siya sa kanyang sinabi kanina sa babae. Tama nga naman talaga. wala siya sa posisyon para husgahan ito dahil ngayon nya lang ito nakita.. Hmmm. Interesting Woman. Matapang ito at palaban. Sa lahat ng babaeng nakilala niya ito lang ang bukod tanging nangahas na kalabanin siya.Naisip ni Marco na siguro, sobra siyang naapektuhan sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Seven years old palang kasi siya ng umalis ang kanyang ina at sumama sa ibang lalaki na mas mayaman pa kaysa sa kanyang ama. Simula noon laging sinasabi ng kanyang ama na hindi basta- basta magtiwala sa mga babae dahil pera lang daw ang habol ng mga ito sa kanya. Kaya natutunan niyang maging bato ang kanyang puso sa kahit sino mang babae na lumalapit sa kanya. Mayroong isang beses na kinaladkad niya ang kanyang sekretarya palabas ng kanyang opisina ng minsang magpakita ito ng motibo sa kanya. Kahit mga kaibigan niya hindi na nagtangkang maghanap ng magiging girlfriend niya dahil sa takot na baka ganoon din ang mangyayari sa kanila. Let say allergic siya sa mga babae, ayaw niya ng commitment. Naniniwala siyang sagabal at nakakasira lang yon sa kanyang mga plano sa pagpapalago ng kanilang negosyo. In the span of three years nagawa niyang ilagay sa tuktok ng pyramid ang negosyo ng kanyang pamilya. Dahil sa mataas niyang IQ kaya siya naging isa sa pinaka tanyag na business magnate ngayon sa buong pilipinas.Binalingan niya ng makahulugang tingin ang kanyang right hand secretary na si James at naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin. Mabilis naman itong lumapit sa kanya."Boss, sabihin mo lang, tuturuan ba namin ng leksyon ang babaeng yon?” Tanong ni James sa boss niya ng magkalapit na ito."I want you to investigate that woman." agad namang sagot ni Marco na halata ang curiousness sa mukha."Yesss Boss.. Ahhmm, pero boss maganda siya ah, kahit hindi pa gaanong nakasuklay. Kahit sino siguro na lalaki ma mesmerize sa kakaiba niyang ganda. kaya siguro...." tinamaan kayo sa kanya. Sinarili na lang ni James ang gusto pa sana niyang sabihin. Hindi niya na lang ito isinatinig dahil ramdam niya na nag-aapoy na sa galit ng boss niya. Pinagpawisan siya ng malamig. "Bakit ba kasi ang daldal ko." bulong niya sa sarili. Mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta sa isang black maybach na sasakyan upang pagbuksan ng pinto ang boss niya."B-Boss." nauutal niyang sabi habang hinihintay si Marco na pumasok sa loob ng sasakyan."Drive.!" utos nito sa kanya."Y-Yes Boss," nagkamot na lang ng ulo si James. Dahan-Dahan niyang sinara ang pinto bago lumipat sa driver seat at tahimik na nagmamaneho ng sasakyan. Sa limang taon niyang pagiging personal secretary ay kilala na niya ang ugali nito. Kaya isinara na lang niya ang bibig at diretso ang focus sa daan. Napagitnaan sila ng dalawang sasakyan na puro body guard ang sakay. Sa tuwing aalis ang boss niya laging tatlong sasakyan ang minamaneho nila. Marami kasi itong pinataob na mga kalaban sa negosyo kaya marami ang galit sa kanya. Minsan na kasing may nagtangkang patayin siya, mabuti na lang at hindi siya napuruhan. Simula noon umaalis na siyang walo o sampung body guard ang kasama.10:00 P.M Oras na ng uwian. Unti-unti na ring nagsi-labasan ang lahat ng mga empleyado sa employees exit ng mall na kanilang pinapasukan.. Nakapag desisyon si Katleah na umuwi na lang muna ng inuupahan at subukang paki-usapan uli si Aling Rosa. Minalas kasi siya ngayong araw dahil walang kahit isa sa mga nilapitan niya ang nagpahiram ng pera. Expected na niyang mangyari ito dahil wala pang gaanong nagtitiwala sa kanya na pahiramin siya dahil isa siyang baguhan na empleyado. Nagpasya na lang siyang umuwi.Kinabukasan......Umalis si Katleah sa kanyang inuupahan na walang ibang dala maliban lamang sa kanyang nag-iisang maleta.Ang kanyang mga natirang gamit tulad ng mumurahing ceiling fan at rice cooker na dinala pa niya galing sa probinsya ay pinaiwan ni Aling Rosa dahil kulang pa nga daw yon bilang pambayad sa dalawang buwan niyang pangungupahan sa kanyang bahay. Kahit anong pakiusap niya kay Aling Rosa ay ayaw na talaga nitong makinig, buo na ang desisyon nito na ibigay sa bagong uupa ang kanyang kwarto. Salamat nalang at hinayaan pa siyang matulog doon kagabi.Napagod na sya sa kakaikot, pero wala pa rin siyang makita na pwedeng paupahan malapit lang sa kanyang pinagtatrabahuhan. Mayroon nang ibang medyo mura at kaya nasa budget niya pero nanghihingi sila ng dalawang buwan na downpayment. Kaya lang 5 days pa bago siya nakapag sahod. Ibig sabihin 5 days din siyang matutulog sa bangketa? Ang importante muna sa ngayon ay makahanap siya ng kanyang matutuluyan habang wala pa ang kanyang sahod.Umupo muna siya sa isang bench na nakapwesto sa gilid ng malaking park upang magpahinga. Limang minuto lamang ang nakaraan simula ng umupo siya ng mapansin niya sa di kalayuan ang isang matandang lalaking nakahandusay sa sahig na parang walang malay. Marami na rin ang nakakita sa matanda pero dinadaanan lang nila ito.. Agad nyang nilapitan ang matanda upang kumpirmahin ang nasa isip niya."Hoy! Miss wag kang lumapit diyan!..Baka kung anong gawin sayo. Maraming modus sa panahon ngayon." Saway ng isang ginang sa kanya.Hindi ito pinansin ni Katleah, maigi niyang pinagmasdan ang matanda..humihinga pa ito. marahil ay hinimatay ito dahil masama ang pakiramdam. Agad niyang kinuha ang isang maliit na bote ng white flower sa kanyang maleta at pinahid ang laman nito sa bandang ibaba ng ilong ng matanda. Di nagtagal at nagkamalay naman ito. Bigla pa itong nagulat ng makita siya. Dahan-dahan niya itong tinulungan na makatayo at inalalayan para umupo sa isang bench na sa lilim ng Punong Kahoy."Lolo..kumusta na poh ang pakiramdam ninyo? Atsaka bakit kayo nag iisa? wala po ba kayong ibang kasama?" Sunod-sunod niyang tanong sa matanda.Umiling-iling lang ang matanda habang titig na titig parin sa mukha niya..Nagtataka siya kung bakit mula pa noong nagkamalay ang matanda ay hindi na maalis ang tingin nito sa kanya at sa suot niyang kwentas."Hindi naman siguro ito magnanakaw diba? Atsaka mukhang mabait naman ang matanda. Pero bakit ang klase ng tingin niya para bang may inaalala?" Sa loob-loob ni Katleah." Lolo, saan po ba kayo umu-uwi? Tulungan ko na po kayong maihatid sa sakayan.. Sa susunod ho pag umalis kayo ng bahay kailangan may kasama po kayo.. Baka anong mangyari sa inyo sa daan." Sabay tayo ni Katleah ngunit hinawakan ng matanda ang kanyang kamay."Maraming salamat sa tulong mo iha. Niligtas mo ang buhay ko. Kung hindi mo ako tinulungan baka na tuluyan na ako. Bigla kasing nagdilim ang paningin ko kanina. Nakalimutan ko umalis pala ako ng bahay ng hindi nakapag almusal. Iyan siguro ang dahilan kaya nanilim ang paningin ko at bigla akong nawalan ng malay." mahinang sagot ng matanda sa kanya." Naku!! wala hong ano man Lolo kahit ho na sino gagawin din ang ginawa ko. Okay na po ba ngayon ang pakiramdam ninyo? ihahatid ko na kayo sa sakayan ng bus. Pagkatapos ko kayong maihatid saka na rin akong maghanda papasok ng trabaho ko."Speaking of trabaho, naghahanap pa pala ako ng pwedeng paliguan. Yong maghuhulog kalang ng sampung piso sa bote tapos nakaligo ka na." Sa loob-loob niya."Wag kang mag alala iha.. magpapasundo nalang ako dito.. Medyo mabuti-buti naman ang pakiramdam ko." Paliwanag ng matanda."Sigurado ho kayo Lolo? may susundo sa inyo?" Nag-aalangan tanong niya." Sigurado ako iha. mayroon akong cellphone dito. tatawagan ko nalang ang susundo sa akin..Ano nga pala ang pangalan mo?" agad nitong tanong." Katleah Sanchez po." sige po maiwan ko na kayo Lolo, may trabaho pa kasi ako. Ingat po kayo." Kumaway pa siya bago umalis.Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Katleah. Buntong-hininga siya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Hinahanap niya ang numero ng kanilang butler saka ito tinawagan."Hello? Lucas, magpadala ka ng driver para sunduin ako dito sa Forbes park ngayon din." Ang baritonong utos ng matanda."Yes Sir." Agad namang sagot ng kabilang linya.After 5 minutes, pumarada ang isang kulay itim na Bently sa harapan ng matanda. Pumasok siya sa loob na hawak- hawak ang isang lumang litrato."Sir Harry, nag-alala po ang madame sa inyo. Bigla nalang kasi kayong umalis kanina na walang kasama." Agad na report sa kanya ni Lucas pagpasok niya sa loob ng sasakyan." Saan siya ngayon?" Nag-aalala na tanong din niya sa butler."Nasa Amarah Manor po siya ngayon sir. Iyak ng Iyak. Kanina pa po kayo hinihintay." Agad na sagot ni Lucas.Ang Amarah Manor ay isa mga bahay bakasyunan nila dito sa pilipinas. At isa ito sa ipinamana niya sa kanyang nawawalang apo na si amarah.Tumango siya at nilingon muli ang butler. " Lucas, may lead na ba sa matagal ko nang pinapaimbistigahan sayo?"Tumango ang butler. "Pupunta mamaya sa mansion ang Private Detective na pinagkatiwalaan kong mag imbestiga sir. Mayroon na daw siyang impormasyon tungkol kay Amarah. Isang linggo palang niyang hinawakan itong kaso kaya expect na po natin na hindi pa ganun ka kumpleto ang impormasyon na nakalap niya.""Hmm.. Ilang taon ko nang pinapahanap ang apo ko. Pang - ilang Private Detective na yang kinuha mo. Are you sure, you can trust him? Baka kukuha lang ulit yan ng pera tapos mali-maling impormasyon na naman ang ibibigay, katulad ng mga nauna mong kinuha?" may himig pagdududa na tanong ni Harry kay Lucas."Siguradong-sigurado na ako ngayon sa kanya sir. "Si Mr. Morris ay isa sa pinakamagaling na Private Detective sa buong pilipinas maging sa ibang bansa. Lahat ng hinahawakan niyang kaso ay nareresolve niya ng mabilis. Kaya ng mabalitaan kong uuwi siya ng Pilipinas ay agad ko siyang tinawagan at pinagkatiwala ang paghahanap kay Amarah." Paliwanag ni Lucas." Okay, pero wag mo siyang iharap sa akin hanggat hindi pa kumpleto ang impormasyon na hinihingi ko sa kanya, tsaka, Lucas, idagdag mo sa iimbistigahan niya ang babaeng nag ngangalang Katleah Sanchez. Gusto kong malaman lahat ng impormasyon tungkol sa pagkatao niya. Kung kailangan dagdagan mo ang bayad sa Mr. Morris na yan gawin moh.." seryosong utos ni Harry.Nagulat si Lucas sa inutos ng kanyang amo. Nagtataka siya kung anong mayroon sa Katleah Sanchez na ito at bakit nito naisipang paimbestigahan.? Hindi na siya nagtanong pa at agad nalang na sumang ayon sa kanyang amo. "Ahh Mmm..Sige po sir, sasabihin ko sa kanya."Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments