PLEASE... Pakisupport ang buhay nobela ni Allaric Dela Vega sa " MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE" (the battle between wife and debt) "MARAMING SALAMAT PO, MAHAL KO KAYO"
Mansion ng mga De la Vega... Magkaharap na nakaupo ang Mag-amang Marco at Philip De la Vega sa veranda ng kanilang mansion habang nagkakape ang daddy niya. Tahimik na pinagmasdan ni Marco ang kanyang Ama habang tumitingin sa malayo. Hindi halatang 50 years old na ito, dahil kung titingnan parang mas bata ang mukha nito kaysa sa original nitong edad. Matikas at gwapo pa rin ito at kayang paibigin ang sino mang babae. Ngunit alam niyang simula nang iniwanan sila ng kanyang ina ay hindi na ito muli pang nag-asawa." Marco tawag nito sa kanya. "Ilang taon ka na, kailan ka ba mag aasawa?" "Wala pa sa plano ko ang pag- aasawa dad.. Bakit ba atat na atat kayong mag asawa na ako?" Parang naiirita niyang sagot sa ama. "Anak, matanda na ako. Kailan mo pa ba ako bibigyan ng apo? kung uugod-ugod na ako? O baka naman inaantay mo lang na mamatay ako bago ka mag asawa!" May himig nagtatampong sagot ni Philip sa anak. " Dad, tingnan mo nga yang mga pananalita ninyo! Pag-aasawa ko ho yong pinag-uus
Sa Mall...Kakalabas lang ni Katleah mula sa employees exit nang mapansin niya ang matangkad at maskuladong lalaki na papalapit sa kanya. Hindi niya ito kilala."Ano naman ang pakay sa kanya diba? Wala naman yatang magkakainterest sa kanya dahil wala naman siyang pera." Di nalang niya ito pinansin baka masyado lang siyang nag iisip. "Pero teka...bakit parang nararamdaman niyang sumusunod pa rin sa kanya ang lalaki?" Bigla niya itong nilingon."Mr..sinusundan mo ba ako?" agad niyang tanong dito."Ahmm... Ma'am inimbitahan sana kayo ni boss magdinner sa labas..Gusto niya lang daw kayo makausap.." nag-aalangan na pakiusap ng lalaki sa kanya."Huh?" B-Boss? sinong Boss niyo? ay naku sir baka nagkamali lang po kayo ng nilapitan." agad na niya itong tinalikuran." Hindi po ma'am." Di ba kayo si Ms. Katleah Sanchez? agad naman na sagot ng lalaki habang sumusunod pa rin sa kanya.Tumigil siya saglit sa paglalakad at hinarap ang lalaki. "Ako nga ho.." Teka..bakit ano ang kailangan ng boss niyo
Mabilis na kumawala si Katleah mula pagkakayakap ni Marco sa kanya. Umiwas siya ng tingin at mahinahon itong tinanong."Anong ginagawa mo dito? Di ba umuwi kana kanina?, Bakit ka bumalik?"" Ang tanong ko ang dapat mong sagutin. Bakit ka nakahiga dito at nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" agaw ni Marco sa sasabihin niya." Wala kanang pakialam doon. Tsaka bakit kaba nangingialam? Inaano ba kita? Bakit sinabi ko bang puntahan mo ako dito at magpapaulan din kasama ko? Hindi naman diba?" pilosopong sagot niya kay Marco.Napangiwi si Marco sa naging sagot ng dalaga sa kanya. Hindi niya inaasahan na magiging masungit pa ito sa kabila ng pag-aalala niya."Talaga bang ganyan kayong mga babae? Sadyang nagsusungit pag pinapakitaan ng concern ng isang lalaki? O baka, yong mga katulad mo lang ang sadyang pinaglihi sa tigre. Bakit ba ganyan ka.? Napaka hot-tempered mo". wika ni Marco habang nakasalubong ang dalawang kilay."Oh! So ngayon ako pa ang masama? dahil hindi maganda ang pakikitungo
Nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin at sinuri ang buong paligid.Agad niyang nakita ang maliit na mesa malapit sa kanyang higaan. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na gamot na parang hindi pa nabubuksan at sa tabi nito ay isang maliit na palanggana na may nakababad na maliit na tuwalya sa loob. Akmang babangon na siya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Mabigat pa rin ang ulo niya. Bumalik muna siya sa pagkakahiga. Kailangan niyang makaipon ng lakas para makalabas ng kwarto at hanapin si Marco.Bakit niya, siya dito dinala? Napakalaking kwarto nito, atsaka mukhang mamahalin baka di niya kayang bayaran ang renta dito. Atsaka teka, bakit parang naka pajama siya? takang tanong niya sa sarili.Tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot, kaagad siyang napasigaw at napabalikwas ng makitang iba na ang suot niya na damit.Bakit iba na ang damit ko, sinong nagbihis sa akin? Oh my!!!Kagabi napanaginipan niyang kahalikan niya si Marco.. Sobran
DELA VEGA CORP. CONFERENCE ROOM"Alright! that's all for now. Dismissed.! agad nang tinapos ni Marco ang meeting. Hindi na kasi siya makapag concentrate ng maayos sa mga dinidiscuss na report ng mga department heads ng bawat departamento ng kanyang kompanya. Puro mukha nalang ni Katleah ang kanyang nakikita. Hindi siya mapakali sa sobrang excitement sa tuwing kanyang maiisip na bukas lagi na niya itong makakasama.Makikitang nakayuko ang lahat na mga empleyado habang mabilis ang mga hakbang na nagsisilabasan ng conference room sa takot na baka mapansin at mapagbuntunan pa ng galit ng kanilang boss."James?"" Yes, Boss?"" Ipaayos mo ang loob ng opisina ko. Gusto kong lagyan mo ng isa pang table sa loob. Doon banda sa makikita kaagad ng mga mata ko.""Teka Boss, para saan po ba yung isa pang table sa office nyo?" tanong nito habang nakakamot sa ulo."James? Ako ba ang boss o ikaw? Baka gusto mo nang magbakasyon at mananatili sa bahay mo? sabihin mo lang.. ayoko nang secretary na masya
Ang daming tumatakbo sa isipan ni Katleah sa mga nangyari kanina. Mayroong naiinis siya kay Marco, parang lalo lang kasi nitong ginugulo ang buhay niya. Ayaw niyang isipin na may nararamdaman na ito para sa kanya, ngunit sa lahat ng mga magagandang ipinakita ni Marco sa kanya nitong mga huling araw kailangan ba niyang umasa? "Hindi.. Hindi pwedeng mahulog ang loob niya sa lalaki. Natatakot siyang masaktan. Kaya ayaw niya na munang isipin yon hanggat hindi pa niya nakikita ang tunay niyang mga magulang." Agad siyang nakabawi ng marinig niya na nagsalita si Marco. "Bakit ba atat na atat kang bumalik ng supermall? Di ba sinabi ko na sayo na wala kang ibang gagawin kundi ang magpahinga na muna sa bahay?" "How sweet mo naman Mr. Dela Vega, pero hindi lahat ng gusto kong gawin ay dapat ko pa na ipaalam sayo. Kaano-ano ba kita? Ano ba ako sayo? Wala tayong relasyon para isipin ko pa ang magpaalam sayo bago ako umalis." Na froze siya sa sagot ng dalaga, "pero teka bakit iba yata ang sagot
Pagbukas ni Katleah ng kuwarto agad na bumungad sa kanya ang daming shopping bags na nakalatag sa kanyang kama. Sa gilid nito ay may nakalagay na cards. Kinuha niya ito at binasa kung ano ang nakalagay. "For you my wife. Hope you like it. From: Your Husband." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos niya itong basahin. Aaminin niyang nadadala ang puso niya sa sobrang kasweetan ni Marco sa kanya, pero alam niyang may kakambal din iyon na pagdurusa. Ikakasal siya kay Marco dahil lamang sa daddy nito, at yon ang masakit sa part niya. Ang lungkot niya ay saglit na nawala, ng makita ang laman ng mga shoppings. May mga mamahaling set na pantulog, at office attire, dress at mga ano to... lingeries?" agad siyang pinamulahan sa mukha. Parang ayaw na niyang lumabas at sumabay magdinner kay Marco sa sobrang hiya. Hindi niya inaasahan sa lalaking yon na pati mga lingeries niya ay ito pa ang personal na bibili. KINABUKASAN Maaga siyang nagising at naghanda para sa kanyang First job as a pe
Pagkatapos ng trabaho ay sabay silang lumabas ng opisina" Akmang papasok na siya sa Elevator for employees ng bigla siyang hinatak ni Marco at pinapasok sa Elevator na exclusive lang para sa CEO ng kumpanya. Nagulat ang ibang employees na nakasaksi sa ganitong eksena. "Nakita mo ba kung sino ang babaeng yon na hawak-kamay ni boss?" biglang tanong ni Mazie, head ng finance department. "Hindi. Bago ko lang siya na nakita dito. Pero narinig ko na may bagong personal assistant ngayon si boss na doon mismo sa loob ng opisina niya nakapwesto, baka siya nga yan." sagot ng kanyang assistant. "Sa tingin mo siya na kaya ang naririnig nating balita na Fiancee ni Boss?" sabad naman ng isa pang kasabayan din nila na naglalakad sa hallway. "Kung siya nga yun, paano si Miss Sandra? Eh di ba matagal na yung relasyon nila?" nalilitong tanong ng assistant ni Mazie na si Clare. "Sino naman nagsabi sayo na may relasyon si Sandra at Boss? Nakikita mo bang magkasama sila? Sobrang pihikan ni boss sa b
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”