HELLO MY FANREADER, Thank you dahil nagustuhan ninyo ang story na ito, Hihingi sana ako ng favor, Pwede mo ba akong supportahan, sa pamamagitan ng pagbigay ng gems sa story ko? Maraming salamat, sana isa ka sa number 1 fan ko.
ALAS, DYES NA NG GABIKanina pa siya pabiling biling at pabali-balikwas sa higaan, ngunit hindi parin siya dalawin ng antok. Panay ang labas niya sa kanyang silid upang e check kung dumating na ba si Marco, pero mula pa kanina hindi parin ito bumabalik ng Mansion. Hindi niya rin ito matawagan dahil hindi pa siya nakakabili ng kanyang sariling cellphone.Nag-alala na siya baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa. Nangako ito kanina sa kanya na susunod itong uuwi sa bahay pagkatapos nitong ma settle ang problema ng kanilang kompanya, pero bakit hanggang ngayon wala parin siya? Lumabas siya ulit ng kanyang silid upang hintayin ang asawa sa veranda.( DELA VEGA MANSION)Magkaharap ngayon ang mag-amang Marco at Don Philip Dela Vega sa Study room. Hindi alam ng kanyang ama kung ano ang isasagot sa mga tanong niya. Bakas ang paghihirap nito na magsalita at hindi ito tumitingin ng diretso sa kanyang mga mata."Dad, please.. sagutin mo ang tanong ko! Kilala mo ba kung sino si Don Simon C
Maingat niyang inilapag si Katleah, sa malambot na kama. Matagal muna niya itong tinitigan bago pinasadahan ng mga maliliit na mga halik ang buong mukha nito. "I love you so much my wife, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Ang isipin ko palang na may mangyayaring masama sayo ay ikakabaliw ko na." "Babe ano ka ba? Bakit ba mula pa ng dumating ka kanina, yan na ang bukambibig mo? Walang mangyaring masama sa akin okay? Di ba sumumpa ako sayo nung kasal natin na lagi akong naririto para sayo? Sayong-sayo ako babe at hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo.” malambing na sabi niya sa asawa. Masuyong pinagmasdan ng mabuti ni Katleah ang kanyang asawa, at nakikita niyang may namumuong luha sa mga mata nito. Naramdaman niyang may tinatago itong problema. "Babe, sabihin mo na sa akin kung ano ang gumugulo diyan sa utak mo, handa akong makinig. Asawa mo na ako ngayon, ayoko rin na mawala ka sa buhay ko babe, hindi ko kaya, Baka magugulat nalang ak..... "S
DELA VEGA MANSION"Tito, totoo ang sinasabi ko na inakit lang ng babaeng yan si Marco. Pina Imbestigahan ko ang family background niya at nalaman ko na lumaki siya sa bundok sa probinsya. Sa tingin ko pera lang ang habol niya sa anak ninyo. Tito Philip, bakit hindi mo subukan na pa puntahin dito yung babaeng yan para turuan natin siya ng leksyon? Kung matitiis niya ang mga pahirap natin sa kanya ibig sabihin mahal nga niya si Marco, pero kung hindi siya magtatagal, isa lang ibig sabihin nun, kayamanan lang ni Marco ang gusto niya." wika ni Sandra. Desperado na siyang gawin ang lahat para lang mangyari ang lahat ng pinaplano niya."Pero Iha, ayokong pakialaman ang buhay ni Marco, atsaka mahal niya ang asawa niya. Kilala ko ang anak ko,hindi siya basta-bastang magpapakasal kapag ayaw niya sa babae, kaya hayaan nalang muna natin siya sa kanyang mga desisyon." wika ni Don Philip."Tito papayag ka na lang ba na iiwan rin niya ang anak mo sa bandang huli pagkatapos niyang makuha ang gusto n
Masayang lumabas ng company building ang mag-asawang Marco at Katleah, habang magkahawak kamay, nang biglang inabot ng bata ang isang bouquet ng white roses sa sa kamay ni Katleah. Nakakunot noo na tinanong niya ang bata. "Bata, kanino galing to?"Tumingala ang bata sa kanya. “Hindi ko po kilala ang gwapong mama eh. Sabi, po niya tingnan mo nalang daw yong card." at agad na itong tumakbo papalayo sa kanila. Mabilis niyang tiningnan ang card na nakasabit sa bouquet at binasa ang nakalagay doon."A flowers cannot blossom without sunshine, and I cannot live without your Love." - frm. Raven ColsterUmangat siya ng ulo para lang makita ang kanyang asawa na kanina pa nagdidilim ang paningin sa galit. Hinablot nito ang ponpon ng bulaklak sa kamay niya, pinag hahampas sa sahig atsaka inapak-apakan. Nagwawala ito, at pinagsusuntok suntok ang malaking haligi ng parking lot."Raven Colster! papatayin kita!” sigaw nito habang nanlilisik at namumula ang kanyang mga mata sa galit. Pati mga tauhan
SHANGRILA HOTEL" Sandra, hindi ka parin nagbabago. Paano kung sasabihin ko sa yo na hindi ako sang-ayon sa mga plano mo? "" Wala kang magagawa Raven, kundi ang sumunod sa mga plano ko. Alam ko ang totoo mong pagkatao. "Saglit na natigilan si Raven, bago humarap ulit kay Sandra. "Sabihin mo nga sa akin? Bakit mo ba ito ginagawa?" galit na tanong niya kay Sandra." Sinabi ko na sayo diba? Akin lang si Marco, at hinding hindi ako papayag na mapupunta siya sa Katleah na yan. Gagawin ko ang lahat, para lang maghiwalay sila. Matagal akong naghihintay kay Marco, tapos sa isang iglap lang, ang babaeng yon pa ang pinakasalan niya? Kaya kailangan mo akong tulungan. "" Sandra, may iba akong plano at kung hindi ka makapaghintay, gawin mo ang plano mo. Huwag mo akong idamay. Iba ako, kung magplano Sandra. Hindi ako nagpa padalos dalos ng desisyon.""May gusto kanaman kay Katleah noon pa diba? Magkasama tayo noon nung makalaban mo siya sa Taekwondo. Alam kong sinadya mo na manalo siya, dahil n
Maagang nagbihis si Katleah at naghanda ng bumaba ng hagdan. Hindi na siya naka tulog pa hanggang umaga dahil sa kakaisip niya ng kanyang panaginip. Parang andoon talaga siya sa eksena na yon, ngunit hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi maalis sa isip niya ang pangalang Amarah." Hinimas himas niya ang kwintas niyang suot, bakit niya nakikita ang kwintas niya sa kanyang panaginip? may malaking parte kaya ito sa nakaraan niya? Hindi na siya makapaghintay pa na makausap ang lalaking tumawag. Akmang nasa pintuan na siya palabas ng Mansion ng tawagin siya ni Don Philip."Katleah, saan ka pupunta, bakit hindi ka muna mag-almusal?” pag-aaya nito sa kanya.Nahiya naman si Katleah, kaya bumalik siya at pumunta na rin sa dining upang kumain.""Mamaya na ako kakain manang, nawalan na ako ng gana,” Padabog na tinulak ni Marie ang sariling plato ng akmang uupo na si Katleah sa harap ng mesa."Marie!, Huwag kang bastos.! Bumalik ka dito!” sigaw ni Don Philip sa anak ngunit parang wala
" Kamusta na siya doc? Bakit bigla siyang nawalan ng malay pagkatapos sumakit ang ulo niya,” tanong ni Harry." Walang namang problema sa kanya. Sa ngayon kailangan muna niya ng sapat na pahinga at iwasan ang sobrang pag-iisip. Hindi kinaya ng utak niya ang sobrang pressure na maalala ang nakaraan kaya nagtriger ito ng stress dahilan para mawalan siya ng malay.”"Doc, may pag -asa pa bang maalala ko ang aking nakaraan?" tanong ni Katleah ng magising na rin ito. Kanina ng magising siya, napagtanto niyang nakahiga pala siya sa loob ng private room at nagkataong narinig niya ang lahat ng sinabi ng doctor." Iha, normal na sa tao na habang tumatanda ay nakalimutan niya ang ala-ala ng kanyang pagkabata. Ngunit minsan may mga karanasan sa kanyang pagkabata na hindi kayang kalimutan sa pagdaan ng panahon at bumabalik ito lalo na kung mararanasan niya ulit iyon. Huwag mong epressure ang iyong utak para piliting maka-alala dahil lalo lang itong sasakit. Hayaan mong kusa itong lalabas sa tamang
3 YEARS AFTER"Katleah!.. Sandali!..”Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Marie na humahangos habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. “Pwede ba kitang makausap sandali?, doon sa may coffee shop sa labas nitong University natin nalang tayo mag-usap ng maayos.""Bakit? wala akong oras.. Kailangan ko nang umuwi ngayon para mag-aral, may exam pa ako bukas.""Kailangan mo pa ba yan? Simula ng pumasok ka dito sa University, Ikaw lagi ang nangunguna. Lahat ng professor bilib na bilib sa katalinuhan mo, kaya pwede bang mag chill chill ka na lang muna kahit sandali , Sister?"Saglit siyang natigilan ng tinawag siya nitong sister. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo Marie nagmamadali ako. ""Umaasa ka pa bang susunduin ka ni Kuya? Hindi mo ba alam na magkasama sila ngayon ni Sandra?”"Anong ibig mong sabihin?'’ nakakunot-noong tanong niya dito."Well, dahil hindi ka naman sasama sa akin para magcofee
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”