Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle.
"Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig. Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito sa noo bago umupo sa tabi nito. "Kumusta po kayo, Lolo? Masama pa po ba ang pakiramdam n'yo?" Hinawakan ni Avrielle ang mga kamay ni Don Simeon. "Apo, kahit anong sama ng pakiramdam ko, basta't makita lang kita ay parang gagaling ako nang mabilis!" Bakas na bakas ang kaligayahan sa tinig nito ngunit agad ring napalitan ng lungkot nang dumako ang tingin nito kay Brandon. "Oh, bakit naman po kayo lumungkot?" "Totoo ba ang sinabi ng damuhong 'yan na divorced na raw kayo?" Napayuko si Avrielle at marahang tumango. "Yes, Lolo. Totoo po, divorced na kami ni Brandon." napakurap kurap ang mga mata ni Avrielle upang pigilan ang mga luhang gustong lumabas. "You evil bastard!" galit na dinuro ni Don Simeon si Brandon. "Wala ka talagang puso! Nasa iyo na ang pinaka mabuting asawa na katulad ni Amery, ngunit pinakawalan mo pa! Sira ulo ka talagang bata ka!" Halos manigas ang matanda at halos habulin din nito ang paghinga dahil sa malakas na pagsigaw. Sa sobrang pag-aalala ay walang maapuhap na sabihin si Brandon. "Sshhh Lolo..." alo naman ni Avrielle sa matanda. "Huwag na po kayong magalit kay Brandon. Ako po ang may gustong makipaghiwalay sa apo ninyo." mahinahong sabi pa niya habang tinatapik-tapik ang likuran nito. Nanlaki ang mga mata ni Brandon dahil sa narinig na sinabi ng dating asawa. Nagtataka siya kung bakit hindi siya sinumbong nito sa kanyang Lolo. Sa katunayan, ito na nga ang tamang panahon para idiin siya nito kay Lolo Simeon at pagbuntunan ng lahat ng sisi. Ngunit naisip din ni Brandon na baka naman strategy lang ito ni Amery, nang sa gayon ay makuha ang loob niya at para hindi na siya makipaghiwalay rito? Napangiti nang may halong panunuya si Brandon. Iniisip niya kasing ang kapal naman ng mukha ni Amery kung aakalain nitong makukuha siya nito sa mga ganoong istilo. "Amery, may naging kasalanan ba sa'yo ang pamilya ko?" Nang mahimasmasan ay malungkot na tanong ni Don Simeon. "Naku wala po, Lolo. Sadyang marami lang po kaming pagkakaiba ni Brandon na dahilan ng hindi namin pagkakasunduan kaya kinailangan na po naming maghiwalay." Hindi na naitago pa ni Avrielle ang kalungkutan sa kanyang mga mata. "Huwag po kayong mag-alala, hindi man maganda ang kinahinatnan ng pagsasama namin, tiyak namang marami kaming babauning magagandang mga alala na nabuo sa loob ng tatlong taon naming pagsasama." Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Brandon. Parang gusto rin niyang matawa dahil kung babalikan niya ang tatlong taong pagsasama nila ni Amery, ni isang magandang memory na kasama niya ang babae ay wala siyang natatandaan. Hindi nga rin niya binigyan ng magandang kasal ang dating asawa, basta't ibinigay na lang sa kanila ni Lolo Simeon ang marriage certificate. At isang araw ay dumating na lang si Amery sa mansyon dala-dala ang maliit na maleta nito. Iyon na ang naging simula ng kanilang pag-aasawa. "Amery, baka naman ako ang nagkamali sa'yo?" Maluha-luha si Don Simeon nang muling magtanong. "Ginusto ko lang naman na maging masaya kayo... iyon nga lang ay hindi ko inaasahan na bibigyan pala ako ng kahihiyan ng isang 'yan." Malakas na napabuntong-hininga ang matanda. "So, siguro ako nga ang nagkaroon ng pagkakamali sa'yo." "Huwag po kayong magsalita ng ganyan, Lolo. Wala po kayong naging kasalanan. Kinailangan ko lang po talagang makipaghiwalay." Bahagyang napiyok si Avrielle sa kanyang huling sinabi. Ngayon napagtanto ni Avrielle na kahit pala mahal na mahal niya si Brandon ay kailangan niya itong pakawalan. Alam ng Diyos kung gaano siyang nasasaktan sa nangyayari. Pakiwari nga niya'y para siyang binalatan nang buhay sa sobrang sakit. Kung hindi siya makikipaghiwalay, tuluyan siyang mawawalan ng dignidad dahil hindi naman tumitigil si Brandon sa pamemeste sa pagsasama nila. Ayaw naman niyang maging toxic at masamang babae para lang magkaroon ng kahit kaunting puwang sa puso nito. "Gilbert!" tawag ni Don Simeon sa sekretaryang nakatayo sa pintuan. "Akina na nga ang regalong inihanda ko para kay Amery." Agad namang tumalima ang sekretarya. Nagsuot pa ito ng puting gloves bago buksan ang isang red velvet jewelry box. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanilang harapan ang isang mamahaling imperial green jade bracelet! Sanay na sanay si Avrielle na kumilatis ng mga ganoong bagay, kaya naman isang kita pa lang niya ay alam niyang ilang dekada na ang pinagdaanan ng alahas na iyon. "Lolo, huwag n'yong sabihing kay Lola ang alahas na iyan..." nabibiglang tanong ni Brandon sa matanda. "Oo, at wala nang iba pa. Binigay ko ito sa pinakamamahal kong si Imelda bilang tanda ng walang hanggan kong pagmamahal. It is an heirloom of Ricafort family, passed down from your great grandfather." Habang nagsasalita si Don Simeon ay hawak-hawak nito ang bracelet habang sinisipat-sipat sa sinag ng araw. "Bago namatay ang Lola n'yo, sinabi niya sa akin na ito ang pinaka paborito niya sa lahat ng kanyang mga alahas. Sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko ito sa magiging granddaughter-in-law ko in the future. At ngayong wala na ang aking asawa, gusto kong ibigay ito sa'yo, Amery. Ikaw lang ang deserving para sa alahas na ito." Mabilis na umiling-iling si Avrielle. "No, Lolo. Hindi ko po matatanggap iyan. Isa pa, hindi n'yo na po ako~" Hindi na natapos ni Avrielle ang pagpoprotesta dahil agad siyang pinutol ni Don Simeon. "Kahit wala na kayo ng apo ko, ikaw pa rin ang kikilalanin kong granddaughter-in-law!" Natigagal si Avrielle dahil sa sinabi ng matanda. At nang hindi siya kumilos akmang itatapon na ng Don ang alahas sa kalapit na basurahan. "Sige po, sige po. Tatanggapin ko na po." nag-aalalang awat ni Amery. Agad niyang inabot ang kanyang braso kay Don Simeon. "Good girl, apo." nakangiti nang sabi ni Don Simeon habang isinusuot sa braso ni Avrielle ang bracelet. "Salamat po, Lolo." Walang masabi si Brandon habang pinapanood ang Lolo niya at si Amery. Bahagya siyang napahanga nang makitang bagay na bagay sa maputing braso ng babae ang alahas. Ngayon lang niya napansin sa malapitan na maganda pala ang mga kamay nito at mukhang napakalambot. "Ikaw lalake, anong binigay mo sa asawa mo noong birthday niya?" Napatiim ang bagang ni Brandon at napakuyom ang kanyang mga palad. Wala siyang iniregalo kay Amery kundi ang kanilang divorce agreement. Nakaramdam tuloy siya ng pagkainis sa dating asawa. Naisip niyang nagdidiwang siguro ang loob nito ngayon dahil mukhang dito pumapabor ang kanyang Lolo. "Wala na ba talagang pag-asa sa inyong dalawa?" "Wala na po, Lolo. Final na po ang desisyon namin ni Brandon." Napabuga na lang ng hangin si Don Simeon sa kawalang pag-asa na magkakabalikan pa ang dalawa. "Okay, sige. Ngayong buo na talaga ang desisyon n'yo, wala na akong magagawa pa. Isa lang ang hiling ko... hintayin n'yo muna ang aking 80th birthday bago kayo tuluyang maghiwalay. Kaunting panahon na lang naman iyon." may himig pagmamakaawa sa tinig ni Don Simeon. "Lolo, this is inappropriate." protesta ni Brandon. "At bakit naman? Ano ba ang appropriate sa'yo? Ang dalhin ang kabit mong si Samantha at ipakilala sa lahat na susunod mong mapapangasawa?!" Sa galit ni Don Simeon ay napahampas pa ito sa kanyang kama. "Kung talagang ginagalang mo ako at gusto mo pang mabuhay ako nang matagal, layuan mo na 'yang kabit mong si Samantha! Sinasabi ko sa'yo, Brandon... hindi-hindi ko matatanggap ang babaeng iyon kahit mamatay pa ako!" --- Sa labas ng pintuan ng silid ay hindi mapakali ang naghihintay na si Samantha. Naroong magpabalik-balik ito sa paglalakad at kapagdaka ay magpapapadyak sa sahig. "Huminahon ka nga." ani ni Senyora Carmela na nakaupo sa tabi ng pintuan. "Nahihilo tuloy ako sa'yo." Hinilot-hilot pa nito ang sentido habang napapapikit. "Hindi ka na nasanay sa Papa... alam mo namang ganyan na ang trato niya sa'yo sa simula pa lang. Pero huwag mo nang pansinin ang matandang iyon, ang mahalaga ay hawak mo sa leeg si Brandon." "Hay naku, Tita. Ang problema lang kasi, habang buhay ang matandang iyon ay hindi ako mapapakasalan ni Brandon." Matapos magsalita ay natutop ni Samantha ang kanyang bibig sa takot na may nakarinig sa kanyang mga sinabi. "Alam mo, ganyan rin siya dati sa akin. Pero kita mo naman... wala siyang nagawa at naging maligaya naman kaming dalawa ng Tito Emilio mo." maarteng tinaas pa ni Senyora Carmela ang mga bagong gawang nail extensions niya. "Alam mo, magsasawa rin ang matanda sa pagiging kontrabida sa inyo. Hangga't patay na patay sa'yo ang anak ko, iintindihin mo pa ba ang galit no'n?" Sa mga sinabi ni Senyora Carmela, kahit papaano ay napakalma nito ang nararamdaman ni Samantha. Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ng silid ni Don Simeon. Lumambot ang kanyang ekspresyon nang makitang palabas na sina Avrielle at Brandon. Ngunit biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang dumako ang kanyang tingin sa braso ni Avrielle. Kitang kita niya ang mamahaling jade bracelet na sa hula niya ay heirloom ng pamilyang Ricafort! Wala namang suot na ganoon si Amery kanina kaya naman nahulaan ni Samantha na binigay iyon ng Don nang makapasok sila sa silid. Matinding selos tuloy ang naramdaman ni Samantha. Dahil doon ay nakaisip siya ng masamang plano. Nang akmang sasalubungin niya ang dalawa ay umarte siyang natapilok sabay kapit sa braso ni Avrielle. "Ahhh!" Ngunit sa malas, naging mabilis ang pag-iwas ni Avrielle kay Samantha na naging dahilan ng tuluyang paglagapak nito sa sahig. At sa gulat ni Samantha, imbes na bracelet ni Avrielle ang mapatid, ang sariling bracelet niya ang siyang nagkahati-hati at kasalukuyang nagkalat sa sahig."Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Senyora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa.Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa halip ay maarteng umiyak."Honey, ang sakit... ang sakit sakit..." humikbi pa si Samantha at pinalaki ang mga butas ng ilong. "Bilisan mo, buhatin mo ako." napangiwi pa ito nang maramdam ang pagkirot ng kanyang tuhod Naiiling na tumalima naman si Brandon. Binuhat niya patayo si Samantha. At nang makatayo na nang maayos ang babae ay yumakap ito sa kanya."Honey, tinulak ako ni Amery." agad na sumbong ni Samantha sabay turo kay Avrielle.Tumaas naman agad ang isang kilay ni Avrielle. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at malamig na tumitig kay Samantha."What?" naguguluhang tanong naman ni Brandon."Sigurado ka bang tinulak kita?" Hindi magawang mainis ni Avrielle at sa halip
Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang EDSA. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night.Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa loob ng tatlong taon, ay heto ngayon at mukhang naging interesado sa kanya.Naisip niyang mean talaga ang mga lalaki. Hahabulin mo at mamahalin tapon ang ibabalik sa'yo ay puro pasakit. Ngayon namang ini-ignore na at tinatrato mong walang kwenta, saka ka naman pepestehin.Nang mapadako ang tingin niya Avrielle sa rearview mirror ay napakunot ang kanyang noo. Hindi kalayuan sa kanyang sasakyan ay natanaw niya ang Lamborghini ni Brandon."Gusto mo akong sundan, huh?"Tumaas ang sulok ng bibig ni Avrielle at madiing tinapakan ang accelerator ng sasakyan.Halos magtalsikan amg mga alikabok nang dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Avriee ng sasakyan.Sa kabilang dako, si Brandon naman ay seryosong na
Pinatay ni Avrielle ang speaker phone at lumayo mula sa mga kapatid. Nagtungo siya sa kanyang kwarto."Bilisan mo at busy ako." iritableng utos niya kay Brandon sa kabilang linya."Bakit nagpalit ka ng contact number?""Bakit, bawal ba? Syempre, kasama 'yon sa pagbabagong-buhay ko.""Eh paano kung bigla kang hanapin ni Lolo? Eh 'di hindi kita makokontak? Ibigay mo sa akin ang bago mong cellphone number." Napataas ang isang sulok ng labi ni Avrielle. Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang bibig."Alam mo, madali lang naman akong hanapin. Tumawag ka lang kay Anton at tiyak ay mahahanap mo ako.""Tsk. At talagang kating-kati ka nang palitan ako, huh? At ano naman ang itatawag mo sa akin sa harapan ng kalaguyo mo?""Brandon!" Nagpanting ang tainga ni Avrielle nang dahil sa mga sinabi ni Brandon. Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa panggigigil."Ang tanga mo naman para maghiganti sa'kin sa ganitong paraan. Akala mo ba ay may pakialam ako sa kung sinumang lalakeng kakasamahin
Kasalukuyang kinakantahan ni Avrielle ang kanyang Kuya Anton ng paborito nitong awitin.Magandang maganda ang kanyang postura, nakataling paitaas ang kanyang itim na itim na buhok na napapalamutian ng jade hairpin. Ang damit naman niya ay isang kulay sky blue costume na ang manggas ay mistulang sa isang fairy.Ang kanyang almond-shaped na mga mata ay nagniningning at masasalamin doon ang kagandahan niyang walang kaparis."Ang galing! Ang galing mo talaga!" Humahangang pumalakpak si Anton nang matapos umawit si Avrielle. "Sabagay, magaling ang mentor mong si Tita Isabel. Kung nabuhay siya noong ancient times, malamang ay tatawagin siyang The Noble Concubine!"Napaismid si Avrielle. "Sino bang gustong maging kerida? Ayokong maging gano'n... kung ako, mas gugustuhin kong maging reyna, reynang pagkaganda-ganda!"Biglang lumungkot ang itsura ni Avrielle at nagpatunog ng mga buto sa daliri."Paanong walang may gusto? Eh kung ganoon, eh 'di sana ay wala tayong tatlong madrasta." nakangiting
Gusto pa sanang matulog ni Avrielle ngunit tila sanay na ang kanyang katawan na gumigising ng alas singko ng madaling araw. Ganitong oras kasi siya kadalasang naghahanda ng agahan noong nasa mansyon pa siya ng mga Ricafort. "Hayy... buti na lang at ngayon ay hindi na ako obligadong magluto ng pagkarami-rami. Ligtas na rin ako mula sa amoy ng usok ng kumukulong mantika!"Naisip niya ito yata ang kinaganda ng pagiging diborsyada!Matapos niyang maligo ay nagsuot siya ng workout outfit at naghanda upang mag jogging sa loob ng subdivision.Hindi alintana ni Avrielle ang pamamawis sapagkat nalilibang siya sa huni ng mga ibon. Idagdag pa ang masarap na simoy ng hanging pang-umaga. Pag-uwi ng bahay ay agad siyang gumayak at inihanda ang sarili para sa araw na iyon.Nanlaki tuloy ang mata ni Ella nang makita siyang pababa ng magarbong hagdanan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Itinali lang naman niyang paitaas ang kanyang buhok, naglagay ng make-up at nagsuot ng red lace dress na pinat
"Magsisisi ka, Avrielle Madrigal! Hindi ko palalgpasin itong ginawa mo sa akin!" Nagtatagis ang mga bagang na sambit ni Mr. Gallardo bago nito binagsak pasara ang pintuan ng opisina ni Avrielle."Grabe talaga si Mr. Gallardo!" Hindi pa rin naaalis sa mukha ni Ella ang takot kahit pa wala na sa harapan nila ang lalaki. "Teka po, paano n'yo po nalaman ang tungkol sa mga pinaggagawa niya dito sa hotel? May nagsumbong po ba sa inyo?"Nagpakawala ng malakas na tawa si Avrielle bago umiling -iling."W-What?" nalilitong tanong ni Ella. "You mean... hinuli n'yo lang po siya?""Umm." Patay malisyang tugon ni Avrielle ngunit sa loob-loob niya ay natatawa siya sa mga nangyari.Sino bang mag aakala na ganoon niya mabilis na mapapaamin si Mr. Gallardo."Well, unahan lang naman kasi 'yan. Nasukol ko siya kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang umamin."Napapalakpak naman si Ella. Hangang hang siya sa ginawa ni Avrielle.Naputol ang pag-uusap nila nang biglang tumunog ang cellphone ni Avrielle na
"Grabe Sir, marami na pong nagrepost ng reports ng tungkol sa nalalapit n'yong kasal ni Ms. Samantha! Marami na rin pong bashers ang tumutuligsa sa kanya ngayon." ani ni Xander habang nag-i-scroll sa social media gamit ang kanyang cellphone."Itigil mo 'yan!" sigaw ni Brandon at tinapunan ng malamig na tingin ang sekretarya.Mainit ang ulo ni Brandon dahil ang unang naglabas ng balita ay ang sikat na TV network na siya ring pinagkakatiwalaan nila kapag mayroon silang mga press release sa kumpanya."Pero Mr. Ricafort, hindi po natin mapipigil ang opinyon ng mga tao..."Hindi umimik si Brandon."Ano kayang mararamdaman ni Ms. Amery kapag nakarating sa kanya ang balitang ito? Pihado ay malulungkot siya nang todo."Lalong nandilim ang awra ng mukha ni Brandon. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Anton Madrigal.Ngunit nang mapagtanto ang kanyang naging aksyon, hindi rin niya itinuloy ang tangkang pagtawag. Napamura na lamang siya sa kanyang sarili nang sumag
Dinala ni Brandon si Samantha sa loob ng president's office.Nang saktong isinara ang pinto, ay yumakap agad si Samantha nang mahigpit kay Brandon at ibinuhos ang pag-iyak sa dibdib nito."Honey, mabuti na lang talaga at sinundo mo ako... takot na takot ako kanina."Nagdilim ang paningin ni Brandon na para bang binahiran ng makapal na tintang hindi natutunaw. Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Samantha at hinawakan ito sa magkabilang balikat."Honey?" na-confuse si Samantha."Bakit mo ginawa iyon?" malamig na balik-tanong ni Brandon."Ang ano?""Bakit mo pinakalat sa media ang tungkol sa kasalan nating dalawa?"Tila nakahinga nang maluwag si Samantha at binalak na muling yumakap kay Brandon. "Hindi na kasi ako makapaghintay na maikasal tayo eh. Dapat ba akong kabahan dahil ang nobyo ko ay mukhanv ayaw akong pakasalan?""Hindi sa ganoon. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon eh." Seryosong tugon ni Brandon. Walang bakas ng lambing ang kanyang boses."At bakit naman? Divorced naman na
Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon.Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon.Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon.Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid."Nandito na ulit si Ms. Wynona!"Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon."Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin natin ulit.
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo
Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku
Sa puntong iyon, ay naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.Si Xander naman, ay tila kating-kati nang puntahan ang dalawa para takpan ang bibig ng kanyang amo.Pagkaraan ng ilang segundo, ay nagpakawala ng malakas na pagtawa si Avrielle habang nagniningning ang mga mata."Brandon, noong una, inaamin ko na masyado akong nagtiwala sa sarili ko. Ginawa ko ang lahat para pakibagayan ka nang maayos. Umasa kasi ako na maaari kitang masandalan, pinilit kong maging isang mabuting asawa at nangarap akong mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Pero sa bandang huli, wala akong napala dahil dinispatsa mo lang ako nang wala akong kalaban-laban. Pero para sabihin ko sa'yo, may mali sa mga sinabi mo kanina. Dahil kahit hiniwalayan mo ako, hindi ako nagalit. Sa totoo lang, gusto kong maging maayos tayo, pero ikaw 'tong palaging nanggugulo. Palagi mong sinisira ang respeto natin sa isa't-isa.. Kung kaya nga lang kitang tuluyang alisin sa sistema ko... Kung kaya lang kitang ipatapon s