Nang magsimulang pumasok si Avrielle sa kumpanya ay hindi na natigil ang bulung-bulungan ng mga empleyado roon. Karamihan sa mga ito ay naiinggit lalong lalo na ang mga senior executives na nagnanais na ma-promote sa posisyong kinalalagyan niya ngayon.
"Hay naku, nakakaloka! Hindi ba nila alam na ang bagong presidente ng Madrigal Corporation ay lehitimo at nag-iisang anak na babae ng may-ari ng company? Nawawalan ba sila ng katinuan?" Hindi maitago ang matinding inis ni Ella, ang sekretarya ni Avrielle. Kasalukuyan itong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan. Hindi naman mapigilan ni Avrielle ang mapatawa. "Sus, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Over reacting ka lang!" Nang sulyapan niya mula sa rear view mirror ang mukha ni Ella ay nakita niyang nakasimangot ito at namumula pa ang mukha sa pagkainis. Kaya naman hindi na niya napigilang abutin ito at pisilin ang isang pisngi. "Avrielle, you are the future president of our company. Can you act someone in power and stop touching Ella like that?" Agad binawi ni Avrielle ang kanyang kamay nang marinig ang seryosong pagsaway ng katabi niyang si Anton. "Bakit? Mga lalaking boss lang ba ang pwedeng mangulit sa mga babaeng sekretarya nila?" nakalabi pang pamimilosopo niya sa kapatid. Sa halip na sumagot si Anton, napailing-iling na lang ito at napapangiti sa kakulitan ng bunsong kapatid. Pagdating nila sa isang hotel na pagmamay-ari nila ay agad silang inasikaso ng mga senior executives doon. Inalalayan sila ng Deputy General Manager patungo sa elevator, ngunit sa halip ay sinabi ni Avrielle na sa restaurant ng hotel niya gustong unang pumunta. Nang pasukin nila ang loob ng restaurant, hindi pinansin ni Avrielle ang mga pagbati dahil dere-deretso na siyang nag-ikot upang magsagawa ng inspection. Kabakasan ng pagkabahala ang mukha ng Deputy General Manager gayundin ang ibang staffs ng buffet restaurant nang magsimulang mag ikot-ikot ni Avrielle. Si Anton naman, bilang kilalang high-profile invisible person, ay tahimik lang at hinahayaan ang kapatid. Nang mga oras na iyon ay wala pang mga customers dahil sarado pa ang restaurant. Gayunpaman, naroon na ang mga staffs at naghahanda sa kanilang pagbubukas. Masusing binubusisi ni Avrielle ang mga pagkain. Sinisiguradong maayos ang pagkaka display ng mga ito. Ngunit nang makarating siya sa seafood section ay bigla siyang napahinto. Agad niyang tiniklop niya ang manggas ng suot niyang blusa at inabot ang babasaging estante. Kumuha siya ng thong at agad na kinuha ang ilang mga patay na hipon na nakahalo sa mga buhay. "Ipaliwanag n'yo 'to." madiin at seryosong wika ni Avrielle. Isa-isa pa niyang tiningnan ang mga staffs na nakapalibot sa kanya. Walang makapagsalita at nang sa wakas ay tila nahagilap ng Deputy General Manager ang kanyang dila ay nagkakanda bulol na sinabi nitong, "H-Hindi naman patay iyong isa..." --- "How do you feel after the inspection?" agad na tanong ni Anton kay Avrielle nang marating nila ang opisina. Dito sila dumeretso upang saglit na makapagpahinga. Napabuntong-hininga muna si Avrielle bago malakas na bumuga ng hangin. "Myghaaad, Kuya! It's a mess! Ang dumi at ang gulo!" Tila nanghihina pa siya habang umuupo sa sofa nang dahil sa frustration. "Pinaglalaruan ba nila ako? This hotel is a complete disaster! Pag-aari ba talaga ng pamilya natin 'to?" Bahagyang natawa naman si Anton dahil sa tinuran ng kapatid. "Avrielle, si Lolo Damian ang nagpatayo ng hotel na ito. Unti-unti, dahil sa pagsisikap ay nag expand ang businesses ng pamilya natin kaya nagkaroon tayo ng Madrigal Corporation. Hindi lang ito basta-basta na hotel… nakapaloob rin dito ang mga alaala ng three generations ng Madrigal family. However, dahil sa marami na tayong negosyo, at medyo mahina rin ang hotels ngayon, unti-unti lang itong napabayaan." Bahagyang lumungkot ang boses ni Anton sa huling sinabi niya. "Kaya Avrielle, sana ayusin mo ang hotel na ito. Ikaw ang aasahan namin pagdating dito." "Yes, Kuya." aniya sa tinig na nangangako. Inilibot ni Avrielle ang kanyang paningin at sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang piano na naka-pwesto sa sulok ng kwarto. Kaya naman, hindi niya napigilan ang mapasinghap. Nakaramdam siya ng excitement. Napansin naman iyon ni Anton kaya naman napangiti ito. "Pinalagay ko talaga iyan dito sa loob ng opisina mo. Naalala ko kasi na tumutugtog ka kapag bad mood ka. Dati-rati, kung di ka man tumutugtog, nagtutungo ka sa racetrack para tumakbo ng ilang laps at pagkatapos ay magiging okay ka na. At syempre dahil wala namang takbuhan dito, mag piano ka na lang. Alam ko namang magaling ka pa ring tumugtog." Agad nag-init ang sulok ng mga mata ni Avrielle dahil sa mga sinabi ng kapatid. "Thank you so much, Kuya Anton. Kaso, matagal na akong hindi tumutugtog ng piano…" Pakiramdam ni Avrielle ay nanakit ang kanyang lalamunan dahil nabuksan na naman ang mga sugat sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay muling nagdugo iyon dahil hindi naman pala tuluyang naghilom. "W-What's wrong?" natatarantang tanong ni Anton sa kanya. "Noon kasing nagta-trabaho pa ako sa war zone, aksidenteng napinsala ang kamay ko habang naggagamot ng mga sugatang sundalo. May nasirang ligament sa daliri ko. Gumaling man, pero useless na kasi hindi na ako makakapiano nang maayos. Kaya naman hindi na ako tumugtog simula noon." Sa gitna ng nararamdamang sakit ay pinilit ni Avrielle na magpakahinahon. Nakaramdam naman ng sakit sa dibdib si Anton nang malaman ang nangyari sa kapatid. Ang tanging magagawa lang niya ay kunin ang kamay ni Avrielle at haplusin iyon. "Nangyari ba 'yan nang dahil kay Brandon?" tanong ni Anton sa himig na nag-iingat. "Yes and No, Kuya." mahinang sagot naman ni Avrielle. Hindi maitatanggi na sa muling pagkarinig ni Avrielle sa pangalan ng dating asawa ay lalo siyang nakaramdam ng sakit sa puso. Gayunpaman ay pinilit niyang magpakawala ng isang magandang ngiti. "I was injured for the sake of world peace, isn't that an honor?" nilangkapan niya ng pagbibiro ang tinig kahit na sa kabila nito, limang taon ang nakakaraan, ay malinaw pa rin sa kanyang isip ang pagtatagpo ng mga landas nila ni Brandon sa isang battlefield.Pakiramdam ni Amery ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang tinititigan ang divorce papers na pirmado na ng kanyang asawa.Tigmak man sa luha ang kanyang mga mata, nagawa niyang itaas ang kanyang paningin sa may bintana kung saan naroon si Brandon. Ang matangkad at makapangyarihang pigura nito ay halos magmistulang diyos sa ilalim ng sinag ng hapon. Nanlalabo man ang kanyang paningin ay hindi niya maitatangging napakalakas ng presensya nito. Nakatalikod man ang lalaki, ramdam ni Amery na wala itong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman niya.“Pumirma na ako. Huwag mo na rin sanang patagalin pa iyan. Gusto ko, bago bumalik si Samantha rito sa Pilipinas ay natapos na natin ang lahat ng legal procedures,” matigas at seryosong wika ni Brandon. Nanatili itong nakatalikod habang ang mga kamay ay naka-krus sa likuran nito.“Since we signed a prenuptial agreement, wala tayong magiging problema sa hatian ng properties. Pero para hindi ka naman magmukhang kaawa-awa at walang-wala, I
Kasalukuyang nagsasalo sa hapunan ang pamilya ng Ricafort. Kasama nila si Samantha na mukhang enjoy na enjoy sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Masayang nag-uusap ang lahat maliban kay Brandon na seryosong seryoso ang hitsura at mukhang walang gana sa pagkain. Hindi mawala sa isipan niya si Amery. Iniisip niya ang pagsama nito kay Anton Madrigal at ang hindi nito pagdadala ng mga personal na gamit kasama ng dalawampung milyon at villa na ibinibigay niya. “Nasaan nga pala si Amery? Hindi ba siya bababa para samahan tayong maghapunan ngayong gabi?” tanong ng ama ni Brandon na may himig pagtataka. “We’re divorced,” sagot naman ni Brandon habang nakababa ang tingin. “We’ll handle the formalities and get the divorce certificate soon.” “Divorced? Why?!” nabibiglang tanong ni Don Emilio. “Honey, sinabi ko naman sa’yo… hindi nababagay si Amery sa anak natin. Ang Papa lang naman ang nagpumilit na ikasal sila.” Napabuntong-hininga pa si Senyora Carmela habang nagpapaliwanag. “Tama na ang
Madrigal Mansion Sa harap ng isang magarang mansyon ay ipinarada ang isang itim na Rolls-Royce. Personal namang binuksan ang pintuan niyon ni Armand, ang pangalawang anak nina Senyor Alejandro at Senyora Minerva Madrigal. "Welcome back, Your Highness!" Yumukod pa ang binata nang tumapak ang mga paa ni Avrielle sa red carpet. Sa ilalim ng maliliwanag na mga ilaw, lalong nagningning ang kagandahang taglay ni Avrielle. Ang mga paa niyang ngayo'y nakasuot ng stilleto, ay kaninang nakasuot lamang ng rubber shoes. Pinalitan niya iyon kanina habang nasa sasakyan. Ngayon tuloy, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nakauwi sa kanyang palasyo. "Kuya Armand, kumusta naman ang lahat dito?" tanong niya habang naglalakad sila papasok ng mansyon. "We're good… pero iba pa rin ngayong nandito ka na ulit sa amin. By the way, nagustuhan mo ba ang birthday present ko sa'yo? Balita ko, nagtrending iyon sa social media!" Bakas na bakas ang tuwa at excitement sa mukha ni Armand habang nagsasalita
Matapos ang board meeting ay agad na pinatawag ni Brandon ang kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina. "Kumusta ang pag-iimbestiga kay Amery, Xander?" agad na tanong ni Brandon. Hindi makatingin ang sekretarya at sa halip ay binaling nito ang paningin sa glass wall ng opisina. Iniiwasan nito ang makapangyarihang tingin ng kanyang amo. "I'm sorry, Mr. Ricafort pero wala pa rin pong progress ang investigation." ani ni Xander habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "After pong umalis ni Ms. Amery ng gabing iyon, hindi na rin po siya bumalik sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Pumunta rin po kami sa address ng dati niyang tirahan pero it turned out na fake po iyong address. Wala raw pong naninirahan doon na may apelyidong Dela Cerna." "Fake address?" Salubong ang kilay na tinitigan ni Brandon ang sekretarya na parang hindi makapaniwala. Mabilis namang sumagot si Xander, "Yes, Mr. Ricafort. Nagpunta rin po kami sa police station upang magtanong pero wala rin d