Home / Romance / Chased By My Zillionaire Ex-Husband / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Chased By My Zillionaire Ex-Husband: Kabanata 51 - Kabanata 60

89 Kabanata

Chapter 51

Sa nakita ay palihim na nabigla ang mayordoma. Nagtataka ito kung hindi ba nakita ng kanyang Senyorito na gumagamit lang ng taktika si Samantha? Hindi naman siguro istupido ang kanyang amo.Nang sandali ring iyon, dumampot si Brandon ng isang itim na payong bago tuluyang lumabas ng pintuan. Mukhang kasing lalim ng karagatan ang iniisip nito."Senyorito!" nag-aalalang tawag ng mayordoma kay Brandon.Ngunit hindi siya pinansin ni Brandon, at sa halip ay tuluyang lumabas na ito. Nagpapadyak na lang tuloy ang mayordoma sa kanyang pagka inis.Sa labas, sa gitna ng malakas na ulan, ay parang paralisado na si Samantha sa pagkakasalampak sa lupa. Tila hindi na niya kinakaya pa ang kanyang sitwasyon. Ngunit nang makita niya ang makisig na pigura ni Brandon na tila diyos na naglalakad patungo sa kanya, ay ginamit niya ang natitira niyang lakas upang lalong galingan ang paghagulgol.Nang marinig naman iyon ni Brandon ay nagsalubong ang kanyang mga kilay at mabilis na dinaluhan si Samantha. Sinuk
last updateHuling Na-update : 2024-11-26
Magbasa pa

Chapter 52

Mula nang maaresto si Ash Gonzaga, ang tahanan nila'y tila nawalan ng buhay.Nakauwi si Samantha sa mansyon nila na ang hitsura'y mukhang naligo sa putikan. Namumutla ang kanyang mukha at sobrang lungkot ng kanyang ekspresyon. Nagmistula tuloy siyang kaluluwang umahon mula sa pagkakalunod sa malalim na ilog. Nang makita naman siya ng kanyang mga magulang, imbes na mag-alala ang mga ito sa kanyang kalagayan, ay kinumusta lang ng mga ito kung nakahanap na ba siya ng makakatulong sa kanila. Bilang sagot sa mga ito, umiling lamang si Samantha habang malungkot na malungkot ang kanyang mukha."Wala ka namang kwenta!" Sa sobrang galit ay napaubo si Senyor Sixto. Dinuro-duro nito sa mukha si Samantha at sinigaw-sigawan."May nagawa ka na bang tulong para sa pamilya mula nang sumiklab ang kaguluhang ito?! Ang tagal mo nang nakikipaglandian d'yan kay Brandon, kahit isang lupain ay hindi ka pa naambunan. Tapos ni isang miyembro ng pamilya nila hindi pa nakakatapak sa pamamahay na ito! Alam mo,
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

Chapter 53

Talagang nasuong ang Aishi Home Furnishing sa isang malaking krisis. Bino-boycott ng mga tao ang kanilang mga produkto. Halos lahat ng kanilang mga tindahan sa bansa na dating ipinagmamalaki ni Ash ay nagsara na. Ang iba namang mga bukas pa ay nagtataas ng presyo para isalba ang pagkalugi. Sa ganoong sitwasyon, pinipilit na lang nilang ibenta ang mga produkto kaysa naman itapon ang mga ito.Sa araw-araw na nakikita ni Senyor Sixto ang kanilang pagkalugi, ang dating mahina na niyang katawan ay lalo nang lumala ang kondisyon. Napilitan na tuloy si Senyora Selina na magtungo sa kanyang kaibigan upang humingi ng tulong. Wala namang magawa si Senyora Carmela kung hindi ang panoorin na lang ang paghihirap ng kaibigan."Nagbigay ng ultimatum ang Papa na kung sinuman ang tutulong sa pamilya ninyo, ay itatakwil niya. Friend, daughter-in-law lang ako na nakatira kasama nila sa iisang bubong... kaya nalulungkot talaga ako." Napabuntong-hininga na lamang si Senyora Carmela at hinawakan ang kamay
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

Chapter 54

"Ano pong sinabi ninyo?" Hindi masyadong naintindihan ni Ella ang ibinubulong-bulong ni Avrielle sa hangin. "Hindi alam ng mga Gonzaga kung ano ang mga ibinibenta nila. Ang kwintas na ito'y nagkakahalaga ng sampung milyon, ngunit ibinenta lamang nila ng limang milyon? Well, malaki ang tutubuin natin dito." Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Avrielle. Nang oras na iyon ay nag-ring ang kanyang cellphone. Ang kanyang Kuya Anton ang tumatawag. "Kuya!" Nagbalik ang composure ni Avrielle at ang kanyang boses ay naging matamis na tulad ng isang candy. "Kumusta ang Avrielle ko? Pagod ka ba? May maitutulong ba ang Kuya Anton sa'yo?" Punong-puno ng paglalambing ang boses ni Anton. "HIndi ako pagod, Kuya... Pero sana huwag mong abusuhin ang sarili mo sa trabaho, magpahinga ka naman paminsa-minsan." Nagkumustahan muna ng sandali ang magkapatid bago sila tumungo sa totoong pakay ni Anton. " Magkakaroon daw ng charity auction sa Sunday. Ikaw na lang ang mag attend para
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

Chapter 55

"Ms. Gonzaga, hindi n'yo naman po kailangang kabahan. Nagtatanong lang po kami. Nagtataka lang naman po ang lahat, dahil sa kabila ng pagiging engage ninyo ni Mr. Brandon Ricafort, ay mukhang hindi po siya tumulong o nagpahayag man lang ng suporta sa inyong pamilya. Kaya hindi po kataka-taka na magkaroon ng spekulasyon ang publiko.""Hindi kami nahiwalay ni Brandon kaya huwag kang magsalita ng mga walang kwentang bagay!" Dahil sa hindi pagkontak ni Brandon kay Samantha nitong mga nagdaang araw, naging dahilan iyon ng pagkakaroon niya ng anxiety. Kaya naman iyon ang dahilan kung bakit nasigawan ni Samantha ang kausap na reporter.Hinila naman ni Senyora Selina ang galit na galit na anak at itinago ito sa kanyang likuran. Nginitian niya ang cameraman. "Walang nagiging problema ang relasyon ng anak ko at ni Mr.Ricafort. Pakiusap, alisin n'yo na ang kung anu-anong iniisip ninyo. Masyadong private ang relasyon nilang dalawa na kahit kaming mga magulang ay halos walang nalalaman.""Narito r
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

Chapter 56

Pa-eleganteng naupo si Brandon, naghuhumiyaw ang malakas niyang awra kaya naman walang sinumang lumalapit sa kanya sa mga naroon.Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niyang sa bawat aisle, ay mayroong pangalan ni Anton Madrigal sa mga upuan. Napadiin tuloy ang pagkakalapat ng kanyang mga labi at sinabayan iyon ng pagkunot ng kanyang mga kilay."Eh Brandon... Wala akong nagawa eh. Ang lolo ko ang nagreserve ng mga seat na 'yan, hindi ko naman mapakialaman." Paliwanag ni Gab na tila nakikita ang iniisip ni Brandon. Bumulong siya sa tainga ng kaibigan, "This seat is the most test of human sophistication. Ang step-mother mo at 'yong dalawang makukulit mong sisters ay nakiusap sa akin na i-arrange 'yang upuan sa likuran mo. Kaso alam mo namang napakamahal dito sa VIP... Hindi naman matatanggihan ng pamilya namin si Anton dahil siya ang presidente ng Madrigal Corporation. Kaya tiisin mo na lang, no?"---Sa lobby na nasa labas ng venue, naroon sina Senyora Selina at Senyora Carmela
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 57

Wala pang limang minuto ay opisyal nang nag-umpisa ang auction, nakaupo na rin lahat ng mga guests sa kani-kanilang upuan.Sina Senyora Carmela at Shaina ay nakaupo sa third row. Simula nang pumasok sila sa loob, ay kumikinang na ang mga mata ni Shaina habang hinahanap sa paligid si Gab Olivarez. Crush niya kasi ang lalaki dahil sobra itong gwapo para sa kanya."Itong charity event ng mga Olivarez ay sobrang high-standard at talagang gwardyado ang buong lugar. Angbsarap tuloy pumwesto rito sa unahan.Wala sa loob na napanguso naman si Senyora Carmela. "Huwag kang mag-alala, anak. Gagawa ako ng paraan para makalapit ka kay Gab Olivarez sa future. Sa ganda at yaman mong 'yan, isama pa ang pagiging talented mo, paniguradong ma-iinlove siya sa'yo."Kilala man ng lahat na babaero si Gab Olivarez, ay maganda naman ang reputasyon nito. Dahil doon ay determinado pa rin si Senyora Carmela na maging asawa ni Shaina ang lalaki. Hindi lang iyon... Alam naman niya na gustong-gusto ni Shaina ito. K
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 58

Hindi na piniling magsuot pa ng mahaba at makapal na evening dress ni Avrielle katulad ng ibang babaeng dumalo, bagkus ay isang ternong black suit na kanyang idinisenyo ang kanyang pinili. Sa kanyang dibdib naman ay nakakabit ang isang mamahaling brooch na gawa sa yellow diamonds na idinsenyo pa ng isang sikat na jeweller na si Tiffany.Naging katangi-tangi ang hitsura ni Avrielle, ang malinis at organisado niyang istilo ay kakaiba sa lahat. Ang mayayaman at kagalang-galang na kababaihan na nasa paligid ay hindi maitago ang paghanga sa kanya. Kung mala-prinsesa ang mga ito, si Avrielle naman ay isang natatanging reyna!Sa kabilang banda, si Samantha naman ay nginangatngat ng matinding pagkainggit ang puso. Naagaw kasi ni Avrielle ang atensyon ng lahat sa kanyang paligid, at pulos salita ng paghanga ang naririnig niya sa mga ito patungkol sa babae."OMG, kanino kaya siyang anak? Napaka elegante niya!""Mabuti na lang at bata-bata pa siya. Otherwise, mapagkakamalan ko siyang presidente
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 59

Nagsimula na nang opisyal ang auction nang makumpleto na ang lahat ng mga bisita.Bilang kinatawan ng pamilya ng mga Olivarez, ang panganay na anak na si Gab ang umakyat sa stage upang ihatid ang opening speech. Hindi pangkaraniwan ang tindig nito sa suot na YSL haute couture suit.Bahagya namang napanganga si Shaina habang nasa mukha ang pagnanasa. Nakatingin siya sa kanyang "asawa" habang sa kanyang isip ay isa-isa nang pinapangalanan ang walong magiging anak nila.Kasabay ng malakas na palakpakan, ay ang pagbaba ni Gab sa stage. Nakapaskil sa maninipis na labi nito ang isang ngisi habang tila ipinapakita ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Itinaas pa niya ang kanyang kilay nang idako ang paningin kay Avrielle at pagkatapos ay kumindat dito.Nanlamig naman ang hugis almond na mga mata ni Avrielle kaya inirapan niya ang lalaki.Hindi naman nakatakas sa paningin ni Brandon ang walang habas na pag-uugali ng kaibigan. Naging madilim tuloy ang awra ng kanyang mukha na sing-dilim
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 60

Muling nagdilim ang mukha ni Brandon, at ang maninipis niyang mga labi ay lalo niyang itinikom.Siyam na milyon ang nabayaran, at ang sampung milyon ay tiyak namang hindi magiging problema.Kanina'y pinigilan ni Avrielle na itaas ang kanyang kamay, hindi dahil sa hindi niya kayang maglabas ng ganoong kalaking halaga, kundi dahil sinadya niyang sumuko.Wala siyang kailangang ipaliwanag. After all, wala namang nagpilit kay Samantha na gumastos nang ganoon kalaking pera para makuha ang painting na iyon.Pagkatapos ng ilan pang auction, nanatili lamang na kalmado at hindi kumikibo si Avrielle. Si Brandon naman ay inaabangan ang upuang Huanghuali kaya nananatili siya.Ang susunod na lote ay isang pares ng jadeite Ruyi ornaments na donasyon ni Senyora Carmela sa ngalan ng Ricafort Group Of Companies. Ang batayang presyo niyon ay dalawang milyong piso.Bahagyang napabuntong-hininga si Avrielle at saka naiinis na umiling-iling. Mas gugustuhin niyang kunin ang unang kopya kaysa gumastos ng ma
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status