All Chapters of Chased By My Zillionaire Ex-Husband: Chapter 61 - Chapter 70

89 Chapters

Chapter 61

"Ang item sa auction na nasa ibaba ay may pambihirang kahalagahan.Ito ay isang personal na koleksyon ng isang hindi kilalang ginoo sa loob ng limampung taon. Ito ang nangungunang taga-gawa ng huanghuali sa Ming Dynasty!"Masigasig na ipinakilala ng auctioneer na ang huanghuali na upuan ay protektado ng isang takip na salamin at maingat na itinaas ng apat na kawani na nakasuot ng puting guwantes."Bro, ayan na! Ayan na!" Nagmamadaling tinapik ni Gab si Brandon.Sa sumunod na segundo, nakita ni Gab na tila sabay na nagpindot ng start button sina Brandon at Amery. Halos sabay pang gumalaw ang mga ito at inalis ang mga likod sa sandalan ng upuan na para bang may pagkakaintindihan.Ang lahat ay handa nang manalo sa bidding."Ang batayang presyo ay ten million pesos. Simulan na ang pag-bid ngayon!"Sunod-sunod na itinaas ng mga mayayamang mangangalakal at mga investment bank owners ang kanilang mga karatula, habang ang auctioneer ay patuloy na tumatawag ng mga presyo. Masyadong matindi ang
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

Chapter 62

Sa isang iglap, biglang namutla si Samantha na tila tinamaan siya ng kidlat nang mga sandaling iyon, habang si Senyora Selina ay halos magyelo ang lahat ng daluyan ng kanyang dugo."Anong nangyari, Mommy?!" Nagtagis nang mariin ang mga ngipin ni Samantha, habang sa kanyang noo ay naroon ang butil-butil na pawis. "Hindi ba't ibinenta n'yo ang kwintas? Bakit narito 'yan ngayon sa auction?!""Imposible! Binenta ko nga eh!" Gulat na may halong tarantang sagot naman ni Senyora Selina."Anong gagawin ko ngayon?! Narito pa naman si Brandon! Tapos ngayon makikita niyang binebenta rito ang bagay na binigay niya sa'kin? Ano na lang ang iisipin niya? Paniguradong magagalit siya sa akin!" Napuno ng galit at sama ng loob ang dibdib ni Samantha. At dahil doon, ay gusto na niyang umatungal nang malakas."Ayos lang 'yan! Hindi naman pwedeng iisa lang ang ganoong kwintas sa mundo. Baka pareho lang...""Nag-iisa lang 'yon sa mundo, Mom! Pinakilala iyon ng auctioneer, at iyon mismo ang kwintas ko na ibi
last updateLast Updated : 2024-12-01
Read more

Chapter 63

Nang magsimula nabang palabas na siya mismo ang nag-ayos, ay nakadama ng kawalan ng interes si Avrielle kaya nilisan na niya nang maaga ang venue.Habang nasa loob ng washroom, ay masusi niyang tinitigan ang kanyang sarili at napabuntong-hininga.Noon, isang sopistikada at walang kamuwang-muwang si Avrielle. Palagi siyang pinapaboran ng kanyang pamilya at hindi siya marunong gumamit ng mga ganoong taktika. Ngunit pagkatapos niyang maging bahagi ng pamilya ng mga Ricafort at naabandona siya ni Brandon, nagtataka siya kung paanong nabubuo sa kanyang isipan ang ganitong klaseng paghihiganti at pakikipagsabwatan?Hindi maalis sa isipan ni Avrielle ang nakita niyang pagbalatay ng sakit sa mga mata ni Brandon nang ilabas sa stage ang 'Heart Of Red Flame' na kwintas. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Avrielle ay napakalayo na niya. Kung tutuusin, pwede naman siyang magkunwaring hindi nakita ang kwintas. Hindi niya kailangang ipahiya sa publiko si Brandon sa pamamagitan ng pagdo-donate s
last updateLast Updated : 2024-12-01
Read more

Chapter 64

Sa puntong iyon ay tila napugto ang paghinga ni Avrielle.Ang mga usapan at hiling sa kanya ni Lolo Simeon ay ganoin na lamang sinira ni Samantha.Dahil doon ay mabilis na umagos ang galit sa puso ni Avrielle. Gusto niyang bali-baliin sa pira-piraso ang mga buto ni Samantha na katulad ng ginawa nito sa bracelet niya."Samantha!" Galit na sambit ni Avrielle sa pangalan ng babaeng kaharap. Tila nag-aapoy ang kanyang mga mata sa labis na galit.Dahil doon ay nanginig sa takot si Samantha, ngunit madali rin itong nakabawi nang may naisip na kalupitan. Sa isip-isip niya, sinira niya ang bracelet, at silang dalawa lamang ang nasa loob ng wash room. At kahit sabihin niyang sinasaktan siya roon ni Amery nang mga oras na iyon, sa tingin ba nila ay sino ang paniniwalaan ni Brandon?Sa puntong iyon ay isang mala-demonyong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Samantha. Kinuha niya ang sirang bracelet at iniunat ang kanyang pulso.Agad na nag-react si Avrielle nang mahulaan ang gustong gawin ni Saman
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Chapter 65

Sa puntong iyon ay may isang taong pasikretong nagrecord ng video gamit ang cellphone. Nang mapansin iyon ni Gab, ay agad siyang tumawag ng mga security upang paalisin ang mga nag uusyoso sa paligid."Samantha, nandito si Brandon para protektahan ka kaya walang mangangahas na manakit sa'yo!"Si Senyora naman ay nakunwaring nag-aalala. "Anong nangyari sa kamay mo, anak? Sabihin mo sa akin!""Oo nga naman, Ate Samantha. Huwag kang matakot! Magsabi ka lang sa amin dahil hindi ka namin hahayaang ma-bully nang basta basta!" May pagka-plastik ding saad ni Shaina."N-Nakita ko kasi si Amery sa wash room..." Tila hirap na hirap sa paghinga si Samantha habang nasa mga bisig pa rin siya ni Brandon. "Alam ko namang hindi kami okay, pero pinili ko pa rin siyang batiin at kumustahin... Umaaasa kasi ako na magiging maayos din sa amin ang lahat... Pero kabaligtaran no'n ang nangyari, may sinabi siyang mga hindi maganda kaya nauwi kami sa away."Mula sa malayo ay napahalukipkip si Avrielle, ikiniling
last updateLast Updated : 2024-12-02
Read more

Chapter 66

Sa naging pag-amin ni Avrielle, ay nabigla si Brandon. Halos magwala tuloy ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Hindi makapaniwalang tinignan niya ang dating asawa na dating sobrang hinhin at hindi makabasag-pinggan. Nagtataka siya kung ano na ang nangyari rito at marunong nang manakit ito ng tao."Totoo ba, Amery?" Naninikip ang lalamunan ni Brandon, at ang kanyang mga mata ay nagsisimula nang magdilim.Daha-dahang itinaas naman ni Avrielle ang sulok ng kanyang mga labi upang magpakawala ng isang evil smile.Sa ginawang iyon ni Avrielle, nasapo ni Gab ang kanyang dibdib dahil tumagos sa puso niya ang ngiting iyon. Sa isip-isip ng lalake, bibihira ang ganoong babae na may pagkamasama pero nakaka-touch pa rin."Brandon, ano bang gusto mong ipahiwatig?" tanong ni Samantha dahil napansin niya ang paulit-ulit na paghingi ng kompirmasyon ni Brandon. Natatakot siyang magkaroon ito ng hinala, kaya ang ginawa niya'y nagpalahaw siya ng iyak. "Hindi ka ba naniniwala sa akin? Hindi na ba ako
last updateLast Updated : 2024-12-03
Read more

Chapter 67

Maluha-luha si Avrielle habang bahagyang nakaawang ang kanyang mapupulang labi. Gustuhin man niyang tawagin ang Tita Lily Rose niya, ay hindi niya ginawa."Napakaganda ng kamay mo, hindi naman maganda kung masusugatan lang 'yan." Pilit na nagpapaka kalmado si Tita Lily Rose, ngunit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang pilipitin ang mga leeg ng mga Ricafort na nasa kanyang harapan."Long time, no see, Mrs. Madrigal! Habang tumatagal, paganda ka nang paganda, ah!" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Senyora Carmela habang binabati si Lily Rose. Feeling close siya agad sa bagong dating."Kumusta ka naman, Mrs. Madrigal?" Hindi rin nagpahuli sa pagbati si Senyora Selina. May ngiti sa mga labi niya ngunit naroon ang mapang-asar na ugali.Ayon sa kwento, nang mamatay ang unang asawa ni Don Alejandro, maraming tao ang nagalit nang muling magpakasal ang Don sa pangalawang asawa niyang si Lily Rose Lopez. Ang babae ang bunsong anak ng kanilang pamilya, ngunit tuluyan nitong nilisan
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

Chapter 68

Nang marinig ni Brandon ang sinabi ni Lily Rose, ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na galit. "Amery, baka may gusto kang ihingi ng tawad sa akin?" aniya sa kalmadong tinig.Naiinis namang napabuntong-hininga si Gab. Mangani-ngani na njyang tanggalin ang mga suot niyang medyas at ipasak sa kanyang bibig.Isang matinding kirot naman ang namayani sa puso ni Avrielle kaya naman isang tingin na walang pakialam ang pinukol niya sa lalaki. At pakiramdam ni Brandon ay tumagos ang tingin na iyon hanggang sa kanyang kaluluwa."Hindi ang hipag ko ang gumawa no'n! Hindi ang hipag ko ang may kagagawan!"Isang matamis at malambot na tinig ang bigla nilang narinig nang oras na iyon, animo'y isa itong kidlat na namumuo sa mga ulap sa mahabang panahon at sa wakas ay tumama sa lakas ng kulog, at mahuhuli ang taong may masamang intensyon nang dahil sa pagkakagulat.Nang sundan ni Avrielle ang pinanggalingan ng tinig, ang kaninang madilim niyang mga mata ay muling nagliwanag."Ako ito."Sabay-saba
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

Chapter 69

Pagdating sa ospital, ay dinala sa loob ng general ward si Samantha. Ayos lang naman daw siya sabi ng doktor. Bagama't hindi mababaw ang sugat, hindi ito sapat na malubha upang mangailangan ng mga tahi. Ang pangunahing dahilan lang naman ng pagkahimatay niya ay sobrang panic at stress."Anak, sa wakas ay gising ka na!" sambit ni Senyora Selina. Animo'y dumadalo siya sa isang libing habang kanina pa pumapalahaw ng iyak sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Samantha. "Akala ko'y hindi ka na magigising pang muli!""Tumahan na nga po kayo... Si Brandon nga ay hindi ako iniiyakan nang ganyan. Ang sakit n'yo sa mata, eh."Si Senyora Carmela naman ay mukhang naiinip kaya tumayo siya sa harapan ng bintana habang nakahalukipkip."Naisip n'yo na ba kung paano haharapin ang nangyaring ito? Dapat kasi, kapag gumawa kayo ng isang hakbang, pinag-iisipan n'yo sanang mabuti!" Pinatunog ni Senyora Carmela ang kanyang dila at tinitigan nang masama ang palpak niyang kaibigan. "Totoo nga ang kasabihang kung
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

Chapter 70

"Brandon..." Nabuhay ang takot sa puso ni Samantha nang makita ang bagong dating."May itatanong ako sa'yo."Biglang manginig ang mga kamay ni Samantha na nakahawak sa kumot, at ang mga mata niya'y nagpapasaklolong tumingin kay Senyora Carmela."Grabe, nakakabigla talaga! Nagka trauma pala nang malala si Samantha, ayan nga at kagigising lang niya mula sa coma. Kung may sasabihin ka, maghintay ka hanggang sa gumaling siya." Panghihikayat ni Senyora Carmela kay Brandon."May mga bagay na dapat kong itanong nang malinaw ngayon." Hindi naman sumukong sagot ni Brandon. Ang kanyang manipis na labi'y nakakurba sa isang malamig at matigas na arko."Mr. Ricafort, ako ang may kasalanan ng lahat!"Naisip ni Senyora Selina na sa halip na maakusahan sila, ay mabuti nang umamin na siya nang mas maaga. Ang pagkabulilyaso ng plano nila ay hindi pwedeng makahadlang sa landas ni Samantha patungo sa isang mayamang pamilya! Kaya heto siya at handang lumuhod sa harapan ni Brandon."Alam ko namng hindi lin
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status