Sa naging pag-amin ni Avrielle, ay nabigla si Brandon. Halos magwala tuloy ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Hindi makapaniwalang tinignan niya ang dating asawa na dating sobrang hinhin at hindi makabasag-pinggan. Nagtataka siya kung ano na ang nangyari rito at marunong nang manakit ito ng tao."Totoo ba, Amery?" Naninikip ang lalamunan ni Brandon, at ang kanyang mga mata ay nagsisimula nang magdilim.Daha-dahang itinaas naman ni Avrielle ang sulok ng kanyang mga labi upang magpakawala ng isang evil smile.Sa ginawang iyon ni Avrielle, nasapo ni Gab ang kanyang dibdib dahil tumagos sa puso niya ang ngiting iyon. Sa isip-isip ng lalake, bibihira ang ganoong babae na may pagkamasama pero nakaka-touch pa rin."Brandon, ano bang gusto mong ipahiwatig?" tanong ni Samantha dahil napansin niya ang paulit-ulit na paghingi ng kompirmasyon ni Brandon. Natatakot siyang magkaroon ito ng hinala, kaya ang ginawa niya'y nagpalahaw siya ng iyak. "Hindi ka ba naniniwala sa akin? Hindi na ba ako
Maluha-luha si Avrielle habang bahagyang nakaawang ang kanyang mapupulang labi. Gustuhin man niyang tawagin ang Tita Lily Rose niya, ay hindi niya ginawa."Napakaganda ng kamay mo, hindi naman maganda kung masusugatan lang 'yan." Pilit na nagpapaka kalmado si Tita Lily Rose, ngunit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang pilipitin ang mga leeg ng mga Ricafort na nasa kanyang harapan."Long time, no see, Mrs. Madrigal! Habang tumatagal, paganda ka nang paganda, ah!" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Senyora Carmela habang binabati si Lily Rose. Feeling close siya agad sa bagong dating."Kumusta ka naman, Mrs. Madrigal?" Hindi rin nagpahuli sa pagbati si Senyora Selina. May ngiti sa mga labi niya ngunit naroon ang mapang-asar na ugali.Ayon sa kwento, nang mamatay ang unang asawa ni Don Alejandro, maraming tao ang nagalit nang muling magpakasal ang Don sa pangalawang asawa niyang si Lily Rose Lopez. Ang babae ang bunsong anak ng kanilang pamilya, ngunit tuluyan nitong nilisan
Nang marinig ni Brandon ang sinabi ni Lily Rose, ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na galit. "Amery, baka may gusto kang ihingi ng tawad sa akin?" aniya sa kalmadong tinig.Naiinis namang napabuntong-hininga si Gab. Mangani-ngani na njyang tanggalin ang mga suot niyang medyas at ipasak sa kanyang bibig.Isang matinding kirot naman ang namayani sa puso ni Avrielle kaya naman isang tingin na walang pakialam ang pinukol niya sa lalaki. At pakiramdam ni Brandon ay tumagos ang tingin na iyon hanggang sa kanyang kaluluwa."Hindi ang hipag ko ang gumawa no'n! Hindi ang hipag ko ang may kagagawan!"Isang matamis at malambot na tinig ang bigla nilang narinig nang oras na iyon, animo'y isa itong kidlat na namumuo sa mga ulap sa mahabang panahon at sa wakas ay tumama sa lakas ng kulog, at mahuhuli ang taong may masamang intensyon nang dahil sa pagkakagulat.Nang sundan ni Avrielle ang pinanggalingan ng tinig, ang kaninang madilim niyang mga mata ay muling nagliwanag."Ako ito."Sabay-saba
Pagdating sa ospital, ay dinala sa loob ng general ward si Samantha. Ayos lang naman daw siya sabi ng doktor. Bagama't hindi mababaw ang sugat, hindi ito sapat na malubha upang mangailangan ng mga tahi. Ang pangunahing dahilan lang naman ng pagkahimatay niya ay sobrang panic at stress."Anak, sa wakas ay gising ka na!" sambit ni Senyora Selina. Animo'y dumadalo siya sa isang libing habang kanina pa pumapalahaw ng iyak sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Samantha. "Akala ko'y hindi ka na magigising pang muli!""Tumahan na nga po kayo... Si Brandon nga ay hindi ako iniiyakan nang ganyan. Ang sakit n'yo sa mata, eh."Si Senyora Carmela naman ay mukhang naiinip kaya tumayo siya sa harapan ng bintana habang nakahalukipkip."Naisip n'yo na ba kung paano haharapin ang nangyaring ito? Dapat kasi, kapag gumawa kayo ng isang hakbang, pinag-iisipan n'yo sanang mabuti!" Pinatunog ni Senyora Carmela ang kanyang dila at tinitigan nang masama ang palpak niyang kaibigan. "Totoo nga ang kasabihang kung
"Brandon..." Nabuhay ang takot sa puso ni Samantha nang makita ang bagong dating."May itatanong ako sa'yo."Biglang manginig ang mga kamay ni Samantha na nakahawak sa kumot, at ang mga mata niya'y nagpapasaklolong tumingin kay Senyora Carmela."Grabe, nakakabigla talaga! Nagka trauma pala nang malala si Samantha, ayan nga at kagigising lang niya mula sa coma. Kung may sasabihin ka, maghintay ka hanggang sa gumaling siya." Panghihikayat ni Senyora Carmela kay Brandon."May mga bagay na dapat kong itanong nang malinaw ngayon." Hindi naman sumukong sagot ni Brandon. Ang kanyang manipis na labi'y nakakurba sa isang malamig at matigas na arko."Mr. Ricafort, ako ang may kasalanan ng lahat!"Naisip ni Senyora Selina na sa halip na maakusahan sila, ay mabuti nang umamin na siya nang mas maaga. Ang pagkabulilyaso ng plano nila ay hindi pwedeng makahadlang sa landas ni Samantha patungo sa isang mayamang pamilya! Kaya heto siya at handang lumuhod sa harapan ni Brandon."Alam ko namng hindi lin
Nakaramdam ng matinding panlulumo si Brandon, kaya sa unang pagkakataon, ay nagyaya siyang makipag-inuman sa kaibigan.Kaya naman sinundo siya ni Gab. After all, sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay iilang beses lang siyang inaya ni Brandon."Minsan naiisip ko, kabit mo ako eh." Sumandal si Gab sa tainga ni Brandon at bumulong. Sa harap ng ibang tao, ay isa siyang walang tigil na emperador, ngunit sa harap ng kaibigan, isa siyang maingay at matandang kaibigan. "Kahit minsan ay hindi pa ako naging masama sa harap ng isang babae, pero sa harap mo ay para akong isang kabit na nagbabantay ng isang bakanteng kwarto. Iyong tipong isang tawag mo lang, agad naman akong darating upang samahan ka. Sabihin mo lang na mabait ako, maiiyak ako agad-agad!""Talaga bang hindi ka pa naging masama sa harap ng isang babae?" Malamig na sinulyapan ni Brandon si Gab. "I think medyo naging masama ka rin sa harapan ni Amery.""Minsan lang naman 'yon! Eh napakabait naman kasi ng ex-wife mo... kaya hindi ko n
"Kung sakaling makita mo siya, paano mo siya pakikitunguhan?""Syempre ibabalik ko sa kanya ang pabor. After all, naging savior ko siya." seryosong pahayag ni Brandon.Nang matapos mag-inuman ay nagpasya nang umuwi sina Brandon at Gab. Paglabas nila ng bar ay naghihintay na sa kanila ang kanya-kanyang sasakyan. "Gab, tatanungin nga kita." ani ni Brandon na mukhang kanina pa may gumugulo sa isipan."Ano?" Naghihikab namang tanong ni Gab.Saglit na natahimik si Brandon ngunit agad ding nagsalita ng may namamaos na boses. "Bakit kaya nang inamin ni Amery 'yon, hindi man lang siya nag-explain?""Eh baka dahil wala na siyang pakialam." kaswal na sagot ni Gab."Paanong walang pakialam?""Hiniwalayan ka na niya, sa tingin mo ba ay may pakialam pa siya sa iisipin mo? Wala na siyang pakialam doon, ang iniisip na lang niya ay kung ano ang tingin sa kanya ng pamilya n'yo. Mukha nga siyang frustrated eh. Tapos, ikaw na ex-husband niya, napakasakit ng mga binabato mong salita sa kanya. Hay naku,
Tumayong testigo si Chuchay para kay Amery, at dahil doon ay labis nasaktan ang mga babaeng kapamilya niya pati na ang mag-inang Gonzaga. Kung dati ay malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina at kapatid, ngayon ay naging mainit pa sa apoy iyon dahil sa pagpapahirap ng mga ito sa kanya."Bwisit ka! Siguro ay sinuhulan ka ng babaeng 'yon, no?! Ikaw siguro ang spy niya sa pamamahay na 'to!" Nang gabing iyon ay nagmamadaling tinungo ng lasing na si Shaina ang kwarto ng kapatid na si Chuchay. Pinag-sisigawan niya ito at dinuro-duro sa pagmumukha."Tarantada ka! Akala pa naman namin ay napaka inosente mo! Tapos ngayon ano? Kaya mo pala kaming gaguhin?! Hindi ko akalain na nagpapanggap ka lang na isang baboy, iyon pala ay kumakain ka pala ng tigre! Tinatago mo lang pala 'yang lakas mo para maghintay ng pagkakataon. At ngayong nagkaroon ka ng oportunidad, ay bigla ka na lang naging halimaw! Sinasabi ko na nga ba... kapag nakaya mo na 'yang mga buto mo, magsisimula ka nang gumawa ng gulo!""Ho
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya