Tumayong testigo si Chuchay para kay Amery, at dahil doon ay labis nasaktan ang mga babaeng kapamilya niya pati na ang mag-inang Gonzaga. Kung dati ay malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina at kapatid, ngayon ay naging mainit pa sa apoy iyon dahil sa pagpapahirap ng mga ito sa kanya."Bwisit ka! Siguro ay sinuhulan ka ng babaeng 'yon, no?! Ikaw siguro ang spy niya sa pamamahay na 'to!" Nang gabing iyon ay nagmamadaling tinungo ng lasing na si Shaina ang kwarto ng kapatid na si Chuchay. Pinag-sisigawan niya ito at dinuro-duro sa pagmumukha."Tarantada ka! Akala pa naman namin ay napaka inosente mo! Tapos ngayon ano? Kaya mo pala kaming gaguhin?! Hindi ko akalain na nagpapanggap ka lang na isang baboy, iyon pala ay kumakain ka pala ng tigre! Tinatago mo lang pala 'yang lakas mo para maghintay ng pagkakataon. At ngayong nagkaroon ka ng oportunidad, ay bigla ka na lang naging halimaw! Sinasabi ko na nga ba... kapag nakaya mo na 'yang mga buto mo, magsisimula ka nang gumawa ng gulo!""Ho
Nang gabi ring iyon, ay nagtungo ang magkakapatid na Madrigal sa antigong bahay na tinatawag na Falling Star House. Pagmamay-ari iyon ni Robert Lim, kaibigang matalik ng kanilang ama. Hindi iyon kalayuan sa kanilang lugar at wala pang dalawang oras ang byahe. Masasabing ang lugar na iyon ay suportado ng pamilya Madrigal."Mabuti at napasyal kayo rito!" Nasa mukha ng matanda ang pagkasabik nang makita ang mga bagong dating.Napangiti naman si Avrielle. "Tito Robert, kumusta na po ba ang paa ninyo lately? Masakit pa po ba kapag umuulan? Sinusumpong pa po ba kayo ng hika? Nainom n'yo na po ba ang gamot na ipinadala ko sa sekretarya ko kanina?" Nagniningning ang mga mata niya nang humawak sa braso ng matanda."Okay naman ako, hija. Pero mas naging okay ako ngayong dinalaw mo ako rito!" Naluluhang sambit naman ng matanda."Actually, kaya po ako naparito ay dahil may gusto po akong itanong..." Tahimik na napabuntong-hininga si Avrielle at saka dumiretso sa kanyang punto, "May special friend
Nang sumapit ang madaling araw, sa loob ng workshop ng Falling Star Studio, ay mag-isang naroon si Avrielle na nakasuot ng itim na apron. Abala siya sa tumpok ng mga kumikinang na bato habang ang noo niya ay natatakpan ng pinong pawis.Nagbukas siya ng daan-daang materyales, pinroseso niya at pinakintab ang hindi mabilang na mga pulseras na naroon. Ang bawat isa ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa limang numero kapag ibinenta, ngunit walang halaga ang mga ito sa kanyang mga mata."Hindi... Hindi tulad ng lahat!"Wala ni isa sa mga iyon ang maihahambing sa bracelet na ibinigay sa kanya ni Lolo Simeon.Namumula ang mga mata ni Avrielle at nagtatagis ang kanyang mga ngipin habang patuloy na pinapakintab ang materyal na jade sa makina. Tila nagkaroon na ng kalyo ang maselan at mapuputi niyang mga daliri. Sumasakit na rin ang sugat sa kanyang palad ngunit wala siya siyang pakialam. Gusto niyang gumawa ng kaparehong bracelet, at kung hindi ay wala siyang mukhang maihaharap sa kanyang Lolo S
Matapos magpakahirap nang hanggang madaling-araw, ay nabigo pa rin si Avrielle na gumawa ng bracelet. Nakatulog na lang siya nang basta-basta sa tumpok ng mga mamahaling bato nang hindi niya namamalayan.Agad nagpahanda ng magarang silid si Tito Robert upang panatilihan ni Avrielle habang siya ay nasa Falling Star House. Maingat namang dinala roon ni Alex ang kapatid, at maingat na inilapag sa ibabaw ng kama habang mataman siyang tinitignan ni Armand. Matapos kumutan at nasigurong maayos na si Avrielle, ay nagpasya na silang lisanin ang silid."Hoy, kurimaw ka! Talagang lumipad ka pa nang buong araw para lang makarating dito, pero mukhang wala ka pang nagagawang maganda para sa bunsong kapatid natin. Tapos isang tsokolate lang ang dala mo? Mahiya ka nga!" Panunuya ni Armand kay Alex habang ang mga kamay niya ay naka-krus sa kanyang dibdib."Wala naman na akong magagawa sa mga pangyayaring natapos na, 'di ba Kuya?""Huwag mo nga akong tawaging Kuya!" Pinukol pa ni Armand ng masamang ti
Tatlong buong araw na nanatili si Avrielle sa loob ng Falling Star House. Halos hindi siya natulog sa loob ng mga araw na iyon upang makagawa ng bracelet na kawangis ng ibinigay sa kanya ni Don Simeon. Umiidlip lamang siya kapag nakakaramdam ng pagod, at doon mismo siya nakakaidlip sa loob ng pagawaan. At kapag nagising naman siya, kakain lang siya ng kung anu-ano habang patuloy na ginagawa ang bracelet.Kapag sumasapit ang umaga, itinataboy niya ang tatlong kapatid na lalaki upang asikasuhin ang kani-kaniyang obligasyon. At sa gabi'y bumabalik ang mga ito at isinasantabi ang anumang gawain upang makasama siyang kumain sa hapunan.Sa mga oras na ito, ay naroon sila sa hapag-kainan kung saan kaharap ni Avrielle ang mga paborito niyang pagkain na dinala ng mga kuya niya. At tulad ng mga nagdaang araw, nakasimangot na nakapangalumbaba lang si Avrielle habang nilalaro-laro ang kanin sa kanyang plato.Hindi tuloy mapigilan ng mga kapatid niya na mag-alala dahil wala silang maitulong. Lahat
Nang gabi ring iyon, ay nagpaalam na ang magkakapatid na Madrigal kay Tito Robert na aalis na sila sa Falling Star House. Ang Rolls-Royce nilang sasakyan ang naghatid sa kanila pauwi ng kanilang mansyon. Habang nasa byahe, sumandal si Avrielle sa balikat ni Anton at pagod na ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang mga braso ay mahigpit niyang yakap-yakap ang kahon ng alahas. "Avrielle, may sasabihin ako sa'yo... Nakipag-communicate sa akin si Brandon noong first night natin sa Falling Star House." May pag-aalinlangan sa boses ni Anton. "Oh?" Nakadama ng bahagyang pagsikdo ng dibdib si Avrielle, ngunit hindi niya ito pwedeng ipahalata. "Sinabi ko sa kanyang huwag ka na niyang kontakin pa, at sinabi ko iyon sa harsh na paraan. Ewan ko lang kung ano na ang iniisip niya ngayon." "Good job, Kuya. Ako yata ang bulaklak ng pinakamataas na bundok. Paano nga ba naman ako makokontak ng isang ordinaryong tao na katulad niya? Ako yata ang minamahal na babae ng presidente ng Madrigal Co
Kumpol-kumpol ang mga nag-uusyosong guests sa hotel lobby kung saan nagkakaroon ng komosyon."Huminahon po kayo, Ms. Ricafort. Kilalang tao po kayo, at hindi po magandang tignan na gumagawa po kayo rito ng eksena. Kung mayroon po kayong concern, pwede po nating pag-usapan nang mahinahon sa loob ng reception room." Hindi maitago ang pag-aalala sa mukha ng lobby manager na siyang umaawat sa pagwawala ni Shaina."Kilalang tao nga ako! Kaya bakit ang empleyado ng hotel ninyo ay may lakas ng loob na pagnakawan ako?! Paano na lang pala kung hindi pa ako kilala?! Malamang ay napatay na ako dito sa hotel n'yo!" bulyaw ni Shaina habang nakapameywang at pinapalo nang malakas ang marmol na front desk. Galit na galit siya habang nakatingin sa kaharap na lobby manager.Nagkatinginan naman ang mga tao sa paligid, at ang ilan sa kanila ay nakilala si Shaina. Alam nilang siya ang anak na babae ni Don Emilio Ricafort. Ngunit kung tatakpan lamang niya ang kanyang mukha, at kung titignan lang ang ugalin
Ang lahat ay natigilan nang dahil sa sinabi ng pulis. Sina Shaina naman at ang dalawa niyang mga kaibigan ay halos maglaglagan ang mga panga sa sobrang pagkabigla.Kinuha ni Ella mula sa pulis ang kwintas at inilapit iyon sa mukha ni Shaina, habang ang kaibigan nitong si Laura ay nanlalamig ang mga matang tumingin doon."Tigan n'yo po ito, Ms. Ricafort. Ito po ba ang kwintas ninyong nawawala?"'I-Iyan.. Iyan nga." Biglang hinablot ni Shaina ang kwintas, ngunit bigla siyang napasigaw na animo'y pusang natapakan ang buntot. "Jusko, ang kwintas ko! Paano ito naging ganito?! Sinong may gawa nito?!"Pinagmasdang mabuti ng lahat ang kwintas, at kitang-kita nila na putol-putol na ito sa ilang bahagi."Naghalughog kami sa loob ng presidential suite, at sa ilalim ng sofa namin nakita ang kwintas na iyan. Putol-putol na iyan nang aming matagpuan."Dahil sa sinabi ng pulis, ay muling umugong ang bulung-bulungan ng mga tao. Hindi rin napigilan ng mga tao ang magbigay ng komento."Nakita mo na? An
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya