Home / Romance / Chased By My Zillionaire Ex-Husband / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng Chased By My Zillionaire Ex-Husband: Kabanata 71 - Kabanata 80

89 Kabanata

Chapter 71

Nakaramdam ng matinding panlulumo si Brandon, kaya sa unang pagkakataon, ay nagyaya siyang makipag-inuman sa kaibigan.Kaya naman sinundo siya ni Gab. After all, sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay iilang beses lang siyang inaya ni Brandon."Minsan naiisip ko, kabit mo ako eh." Sumandal si Gab sa tainga ni Brandon at bumulong. Sa harap ng ibang tao, ay isa siyang walang tigil na emperador, ngunit sa harap ng kaibigan, isa siyang maingay at matandang kaibigan. "Kahit minsan ay hindi pa ako naging masama sa harap ng isang babae, pero sa harap mo ay para akong isang kabit na nagbabantay ng isang bakanteng kwarto. Iyong tipong isang tawag mo lang, agad naman akong darating upang samahan ka. Sabihin mo lang na mabait ako, maiiyak ako agad-agad!""Talaga bang hindi ka pa naging masama sa harap ng isang babae?" Malamig na sinulyapan ni Brandon si Gab. "I think medyo naging masama ka rin sa harapan ni Amery.""Minsan lang naman 'yon! Eh napakabait naman kasi ng ex-wife mo... kaya hindi ko n
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Chapter 72

"Kung sakaling makita mo siya, paano mo siya pakikitunguhan?""Syempre ibabalik ko sa kanya ang pabor. After all, naging savior ko siya." seryosong pahayag ni Brandon.Nang matapos mag-inuman ay nagpasya nang umuwi sina Brandon at Gab. Paglabas nila ng bar ay naghihintay na sa kanila ang kanya-kanyang sasakyan. "Gab, tatanungin nga kita." ani ni Brandon na mukhang kanina pa may gumugulo sa isipan."Ano?" Naghihikab namang tanong ni Gab.Saglit na natahimik si Brandon ngunit agad ding nagsalita ng may namamaos na boses. "Bakit kaya nang inamin ni Amery 'yon, hindi man lang siya nag-explain?""Eh baka dahil wala na siyang pakialam." kaswal na sagot ni Gab."Paanong walang pakialam?""Hiniwalayan ka na niya, sa tingin mo ba ay may pakialam pa siya sa iisipin mo? Wala na siyang pakialam doon, ang iniisip na lang niya ay kung ano ang tingin sa kanya ng pamilya n'yo. Mukha nga siyang frustrated eh. Tapos, ikaw na ex-husband niya, napakasakit ng mga binabato mong salita sa kanya. Hay naku,
last updateHuling Na-update : 2024-12-09
Magbasa pa

Chapter 73

Tumayong testigo si Chuchay para kay Amery, at dahil doon ay labis nasaktan ang mga babaeng kapamilya niya pati na ang mag-inang Gonzaga. Kung dati ay malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina at kapatid, ngayon ay naging mainit pa sa apoy iyon dahil sa pagpapahirap ng mga ito sa kanya."Bwisit ka! Siguro ay sinuhulan ka ng babaeng 'yon, no?! Ikaw siguro ang spy niya sa pamamahay na 'to!" Nang gabing iyon ay nagmamadaling tinungo ng lasing na si Shaina ang kwarto ng kapatid na si Chuchay. Pinag-sisigawan niya ito at dinuro-duro sa pagmumukha."Tarantada ka! Akala pa naman namin ay napaka inosente mo! Tapos ngayon ano? Kaya mo pala kaming gaguhin?! Hindi ko akalain na nagpapanggap ka lang na isang baboy, iyon pala ay kumakain ka pala ng tigre! Tinatago mo lang pala 'yang lakas mo para maghintay ng pagkakataon. At ngayong nagkaroon ka ng oportunidad, ay bigla ka na lang naging halimaw! Sinasabi ko na nga ba... kapag nakaya mo na 'yang mga buto mo, magsisimula ka nang gumawa ng gulo!""Ho
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Chapter 74

Nang gabi ring iyon, ay nagtungo ang magkakapatid na Madrigal sa antigong bahay na tinatawag na Falling Star House. Pagmamay-ari iyon ni Robert Lim, kaibigang matalik ng kanilang ama. Hindi iyon kalayuan sa kanilang lugar at wala pang dalawang oras ang byahe. Masasabing ang lugar na iyon ay suportado ng pamilya Madrigal."Mabuti at napasyal kayo rito!" Nasa mukha ng matanda ang pagkasabik nang makita ang mga bagong dating.Napangiti naman si Avrielle. "Tito Robert, kumusta na po ba ang paa ninyo lately? Masakit pa po ba kapag umuulan? Sinusumpong pa po ba kayo ng hika? Nainom n'yo na po ba ang gamot na ipinadala ko sa sekretarya ko kanina?" Nagniningning ang mga mata niya nang humawak sa braso ng matanda."Okay naman ako, hija. Pero mas naging okay ako ngayong dinalaw mo ako rito!" Naluluhang sambit naman ng matanda."Actually, kaya po ako naparito ay dahil may gusto po akong itanong..." Tahimik na napabuntong-hininga si Avrielle at saka dumiretso sa kanyang punto, "May special friend
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Chapter 75

Nang sumapit ang madaling araw, sa loob ng workshop ng Falling Star Studio, ay mag-isang naroon si Avrielle na nakasuot ng itim na apron. Abala siya sa tumpok ng mga kumikinang na bato habang ang noo niya ay natatakpan ng pinong pawis.Nagbukas siya ng daan-daang materyales, pinroseso niya at pinakintab ang hindi mabilang na mga pulseras na naroon. Ang bawat isa ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa limang numero kapag ibinenta, ngunit walang halaga ang mga ito sa kanyang mga mata."Hindi... Hindi tulad ng lahat!"Wala ni isa sa mga iyon ang maihahambing sa bracelet na ibinigay sa kanya ni Lolo Simeon.Namumula ang mga mata ni Avrielle at nagtatagis ang kanyang mga ngipin habang patuloy na pinapakintab ang materyal na jade sa makina. Tila nagkaroon na ng kalyo ang maselan at mapuputi niyang mga daliri. Sumasakit na rin ang sugat sa kanyang palad ngunit wala siya siyang pakialam. Gusto niyang gumawa ng kaparehong bracelet, at kung hindi ay wala siyang mukhang maihaharap sa kanyang Lolo S
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Chapter 76

Matapos magpakahirap nang hanggang madaling-araw, ay nabigo pa rin si Avrielle na gumawa ng bracelet. Nakatulog na lang siya nang basta-basta sa tumpok ng mga mamahaling bato nang hindi niya namamalayan.Agad nagpahanda ng magarang silid si Tito Robert upang panatilihan ni Avrielle habang siya ay nasa Falling Star House. Maingat namang dinala roon ni Alex ang kapatid, at maingat na inilapag sa ibabaw ng kama habang mataman siyang tinitignan ni Armand. Matapos kumutan at nasigurong maayos na si Avrielle, ay nagpasya na silang lisanin ang silid."Hoy, kurimaw ka! Talagang lumipad ka pa nang buong araw para lang makarating dito, pero mukhang wala ka pang nagagawang maganda para sa bunsong kapatid natin. Tapos isang tsokolate lang ang dala mo? Mahiya ka nga!" Panunuya ni Armand kay Alex habang ang mga kamay niya ay naka-krus sa kanyang dibdib."Wala naman na akong magagawa sa mga pangyayaring natapos na, 'di ba Kuya?""Huwag mo nga akong tawaging Kuya!" Pinukol pa ni Armand ng masamang ti
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 77

Tatlong buong araw na nanatili si Avrielle sa loob ng Falling Star House. Halos hindi siya natulog sa loob ng mga araw na iyon upang makagawa ng bracelet na kawangis ng ibinigay sa kanya ni Don Simeon. Umiidlip lamang siya kapag nakakaramdam ng pagod, at doon mismo siya nakakaidlip sa loob ng pagawaan. At kapag nagising naman siya, kakain lang siya ng kung anu-ano habang patuloy na ginagawa ang bracelet.Kapag sumasapit ang umaga, itinataboy niya ang tatlong kapatid na lalaki upang asikasuhin ang kani-kaniyang obligasyon. At sa gabi'y bumabalik ang mga ito at isinasantabi ang anumang gawain upang makasama siyang kumain sa hapunan.Sa mga oras na ito, ay naroon sila sa hapag-kainan kung saan kaharap ni Avrielle ang mga paborito niyang pagkain na dinala ng mga kuya niya. At tulad ng mga nagdaang araw, nakasimangot na nakapangalumbaba lang si Avrielle habang nilalaro-laro ang kanin sa kanyang plato.Hindi tuloy mapigilan ng mga kapatid niya na mag-alala dahil wala silang maitulong. Lahat
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Chapter 78

Nang gabi ring iyon, ay nagpaalam na ang magkakapatid na Madrigal kay Tito Robert na aalis na sila sa Falling Star House. Ang Rolls-Royce nilang sasakyan ang naghatid sa kanila pauwi ng kanilang mansyon. Habang nasa byahe, sumandal si Avrielle sa balikat ni Anton at pagod na ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang mga braso ay mahigpit niyang yakap-yakap ang kahon ng alahas. "Avrielle, may sasabihin ako sa'yo... Nakipag-communicate sa akin si Brandon noong first night natin sa Falling Star House." May pag-aalinlangan sa boses ni Anton. "Oh?" Nakadama ng bahagyang pagsikdo ng dibdib si Avrielle, ngunit hindi niya ito pwedeng ipahalata. "Sinabi ko sa kanyang huwag ka na niyang kontakin pa, at sinabi ko iyon sa harsh na paraan. Ewan ko lang kung ano na ang iniisip niya ngayon." "Good job, Kuya. Ako yata ang bulaklak ng pinakamataas na bundok. Paano nga ba naman ako makokontak ng isang ordinaryong tao na katulad niya? Ako yata ang minamahal na babae ng presidente ng Madrigal Co
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Chapter 79

Kumpol-kumpol ang mga nag-uusyosong guests sa hotel lobby kung saan nagkakaroon ng komosyon."Huminahon po kayo, Ms. Ricafort. Kilalang tao po kayo, at hindi po magandang tignan na gumagawa po kayo rito ng eksena. Kung mayroon po kayong concern, pwede po nating pag-usapan nang mahinahon sa loob ng reception room." Hindi maitago ang pag-aalala sa mukha ng lobby manager na siyang umaawat sa pagwawala ni Shaina."Kilalang tao nga ako! Kaya bakit ang empleyado ng hotel ninyo ay may lakas ng loob na pagnakawan ako?! Paano na lang pala kung hindi pa ako kilala?! Malamang ay napatay na ako dito sa hotel n'yo!" bulyaw ni Shaina habang nakapameywang at pinapalo nang malakas ang marmol na front desk. Galit na galit siya habang nakatingin sa kaharap na lobby manager.Nagkatinginan naman ang mga tao sa paligid, at ang ilan sa kanila ay nakilala si Shaina. Alam nilang siya ang anak na babae ni Don Emilio Ricafort. Ngunit kung tatakpan lamang niya ang kanyang mukha, at kung titignan lang ang ugalin
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Chapter 80

Ang lahat ay natigilan nang dahil sa sinabi ng pulis. Sina Shaina naman at ang dalawa niyang mga kaibigan ay halos maglaglagan ang mga panga sa sobrang pagkabigla.Kinuha ni Ella mula sa pulis ang kwintas at inilapit iyon sa mukha ni Shaina, habang ang kaibigan nitong si Laura ay nanlalamig ang mga matang tumingin doon."Tigan n'yo po ito, Ms. Ricafort. Ito po ba ang kwintas ninyong nawawala?"'I-Iyan.. Iyan nga." Biglang hinablot ni Shaina ang kwintas, ngunit bigla siyang napasigaw na animo'y pusang natapakan ang buntot. "Jusko, ang kwintas ko! Paano ito naging ganito?! Sinong may gawa nito?!"Pinagmasdang mabuti ng lahat ang kwintas, at kitang-kita nila na putol-putol na ito sa ilang bahagi."Naghalughog kami sa loob ng presidential suite, at sa ilalim ng sofa namin nakita ang kwintas na iyan. Putol-putol na iyan nang aming matagpuan."Dahil sa sinabi ng pulis, ay muling umugong ang bulung-bulungan ng mga tao. Hindi rin napigilan ng mga tao ang magbigay ng komento."Nakita mo na? An
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status