Home / Romance / Chased By My Zillionaire Ex-Husband / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Chased By My Zillionaire Ex-Husband: Kabanata 41 - Kabanata 50

89 Kabanata

Chapter 41

Sa bandang huli, para matapos na ang giyera, ay nangako na lang si Senyor Emilio sa ama na hindi na makikialam pa sa problema ng mga Gonzaga.Matapos na malungkot na lumabas ng study room ang mag-asawa, pinagmasdan ni Don Simeon ang mga nagkalat at nabasag na bagay sa loob ng silid. Dahil doon ay muling nagsiklab sa galit ang kanyang mga mata."Mga bwisit! Mga bwisit sa pamilya! Lahat na lang ng lalaki sa pamilyang ito ay nasisilo ng mga babaeng may pansariling motibo!"Lumuhod si Brandon sa sahig at may pinulot na kung ano roon, sa kanyang utak ay may kung anu-anong tumatakbo. Iniisip niyang posible kayang mayroon lang representative si Anton Madrigal na pinadala sa meeting nito sa Singapore? Pero imposible namang magsinungaling ang ama niya. Maraming beses na nitong naka-engkwentro si Anton, kaya imposibleng hindi nito makilala nang malinaw ang lalaki. Unless, may Alzheimer's disease na ito.Sa puntong ito ay may napulot na folding fan si Brandon."Lolo, sa inyo po ba ito?""Hay nak
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 42

Matapos ahunin ni Avrielle ang kanyang katawan mula sa bath tub, ay nagsuot siya ng puting bathrobe at nilagyan ng facial mask ang kanyang mukha. Naglakad siya nang dahan-dahan na animo'y isang gansa patungo sa hagdan upang bumaba at maghanap ng maiinom."Madam, kung nahihirapan po kayong kumilos, sana sinabihan n'yo na lang po ako para ako na lang ang kumuha ng kailangan ninyo." Patakbong lumapit kay Avrielle si Ella na alalang alala ang mukha."Hindi naman mahirap kumuha ng isang bote ng red wine. Teka lang, alas nuwebe na, ah... Bakit naka-office attire ka pa?" Tinitigan ni Avrielle ang sekretarya. "Mula ngayon, kapag nandito sa bahay, itrato mo na ring bahay mo 'to. Huwag ka nang mahiya. Magpalit ka ng pambahay na damit sa susunod. Kapag nakasuot ka kasi ng ganyan, feeling ko nasa trabaho pa ako."Bukod sa mga sinabi ni Avrielle, mayroon pa talaga siyang isang dahilan.Naaalala niya si Brandon dahil lagi niya rin itong nakikitang naka-office attire kahit sa bahay. Nakakahiya mang
last updateHuling Na-update : 2024-11-20
Magbasa pa

Chapter 43

Sa isang kisap-mata ay sumapit na ang weekend. Sa harap ng publiko, nagdaos ng press conference ang Aishi Home Furnishing. Sa isang five-star hotel iyon ginanap, at maraming mga reporters ang dumalo.Sa second-rate group nabibilang ang pamilya Gonzaga kaya naman hindi sila masyadong maimpluwensya. Ganunpaman, dahil sa matalino si Samantha sa pag-anunsyo ng kasal nila ni Brandon, bigla ay naging interesado sa kanila ang publiko.Nang oras na iyon, sa kalsadang nakaharap sa lobby ng hotel, nakaparada ang isang Maybach.Pinapanood ni Brandon ang live telecast ng press conference sa kanyang iPad."Mr. Ricafort, sa tingin ko po, ang main purpose ng Daddy ninyo sa pagbisita sa inyo nitong nakaraan ay para konsensyahin ka niya sa life and death situation ng kumpanya ng mga Gonzaga." nag-aalalang saad ni Xander. "Palagi na lang po kayong nagtatalo, baka maapektuhan na po ang pagiging mag-ama ninyo n'yan. Baka mamaya ay topakin na naman sa inyo si Senyora Carmela.""Kahit pa bumuga siya ng ap
last updateHuling Na-update : 2024-11-21
Magbasa pa

Chapter 44

Nang makalahati ni Avrielle ang chocolate, ang natitirang kalahati niyon ay patuksong nilagay niya sa chest pocket ni Ella. Tinapik-tapik pa iyon ng kanyang mala-porselanang kamay."Malusog, huh?"Tila tumigil naman ang pagtibok ng puso ni Ella. Nag-init ang kanyang mga pisngi at nanuyo ang kanyang mga labi dahil sa pagbibirong iyon ng kanyang amo.Apat na taon ang tanda ni Ella kay Avrielle. Anak siya ng dating head ng legal department ng Madrigal Corporation kaya naman palagi siyang bumibisita sa kumpanya ng mga Madrigal noong teenager pa lang siya.Tandang-tanda pa ni Ella nang una niyang makilala si Avrielle sa back garden ng Madrigal Corporation. Gandang-ganda siya rito habang nakasuot ng puting bestida. Sabi niya nga noon, mukhang anghel na bumaba sa lupa si Avrielle. Akala nga niya noon ay naghahalusinasyon lang siya, kaya naman nakailang ulit siyang nagkusot ng mga mata. Nilapitan siya nito at nagtanong kung mayroon siyang candy, ngunit sa malas ay wala siyang dala kaya naman
last updateHuling Na-update : 2024-11-22
Magbasa pa

Chapter 45

Nawala ang tunog ng mga boses, ngunit may mga larawang biglang nag flash sa malaking screen. Makikita roon sina Mr. Gallardo at Ash na papasok at papalabas sa isang nightclub.--Mr. Gonzaga, iba 'to sa pinangako mo sa akin. Ang sabi mo, po-protektahan mo ako!--Pinrotektahan nga kita. Ngayong nalaman na ng lahat ang tungkol dito, gagawin ko pa rin ang pinangako ko. Walang mangyayaring masama sa'yo kung mula ngayon ay sa akin ka lang kakampi. At kapag bumaligtad ka sa akin, sinisigurado ko sa'yo na hinding hindi ka na makakalabas pa sa lungga mo!Naglabasan sa screen ang lahat ng mga ebidensya; mga litrato, recordings, at marami pang iba.Nagkagulo ang mga reporter at sabay-sabay na nag flash ang mga camera ng mga ito kay Ash Gonzaga. Pulang-pula ang mukha ng lalaki habang nagsisisigaw na tila isa nang baliw."Peke! Peke 'yan! Hindi ko boses 'yung nasa recordings! Someone framed me!"Sa puntong ito ay isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa buong hall ng hotel. Kasunod no'n ay a
last updateHuling Na-update : 2024-11-22
Magbasa pa

Chapter 46

Ang larawang lumabas sa scanner ay mula sa court's official website, kuha iyon tatlong taon na ang nakakaraan.Sa larawan, si Armand ay nakasuot ng ceremonial robe, matikas itong nakatayo sa loob ng korte habang seryosong nakikipag debate.Sa application na dinevelop ni Brandon, basta't malinaw ang kuha ng mukha, ay madaling mahahanap ang pagkatao ng taong nasa larawan. Sa loob ng tatlo hanggang limang minuto, makakakuha ka ng relevant information mula sa photo library na naka upload sa buong mundo. Mas madali iyon kaysa maghanap sa search engine. Mas accurate rin ang resulta niyon.Ngunit noong hinanap niya sa application si Armand Madrigal, inabot iyon ng sampung minuto. Nangangahulugan iyon na ang lalaki ay madalang lang magpakita sa publiko. Wala itong masyadong larawan mapa-public man o private. Wala rin itong social media accounts.Nagtataka tuloy si Brandon dahil isang prosecutor lang naman ang lalaki, ngunit bakit tila napakamisteryoso naman nito?"Anton Madrigal... Armand Mad
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Chapter 47

Bumalik si Armand sa prosecutor's office upang asikasuhin ang mga kasong isasampa kay Ash Gonzaga, habang si Avrielle naman ay pabalik na rin sa Madrigal Empire upang ipagpatuloy ang pagta-trabaho.Habang nasa daan, nakita ni Ella mula sa rearview mirror ang isang Maybach na tila sumusunod sa kanila."Madam, may sumusunod po sa atin! Gusto n'yo po bang tumawag ako ng pulis?"Walang emosyong sumilip rin si Avrielle sa rearview mirror, ngunit ang puso niya'y bahagyang nagririgodon na.Alam niyang sasakyan ni Brandon ang Maybach na iyon. May nakakita sa lalaki na naroon din ito sa press conference ngunit nagtago lamang sa isang madilim na parte ng hotel. Iniisip ni Avrielle na talagang nag-aalala ang dati niyang asawa sa pamilya ng fiancè nito.Kumulot ang dulo ng mga labi ni Avrielle at mula roo'y palihim na sumilay ang isang sarkastikong ngiti. "Hindi muna tayo babalik sa hotel. Doon muna tayo sa McKinley at sumakay tayo ng boat sa Venice Grand Canal.""Pero 'yong humahabol po sa atin.
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Chapter 48

"Wala na akong pakialam sa kung anuman ang iisipin ng ibang tao sa'kin... Kahit ikaw, Brandon. Kung gugustuhin ko mang magbayad ang mga Gonzaga sa kanilang mga pinaggagagawa, gagawin ko ang lahat at walang sinuman ang makakapigil sa akin!" Sa mga narinig ay nangatal si Brandon, naikuyom niya ang mga palad kaya halos maglabasang lahat ang mga ugat sa kanyang kamay. Sa isip-isip niya, masyado nang nagmamatapang si Amery at may katalasan na rin ang dila nito. Alam niyang mali ang iniisip ng babae, ngunit hindi niya ito maitama. Nagagalit si Brandon hindi dahil sa paggamit ni Amery sa magkapatid na Madrigal, kundi doon sa paraan ng pagngiti nito kay Armand na tila ito isang rosas na bago pa lang namumukadkad. Samantalang siya, ang damdamin niya ngayon ay kailangan pang pagtimbang-timbangin at parang isang problem solving na kailangan ng solusyon. "Makapal ang mukha!" Naramdaman ni Brandon ang pagbigat ng kanyang paghinga. "Ganyan ka ba kakapal? Salamat, huh! Nagsayang lang ako ng ora
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Chapter 49

Nawalan na ng gana pang magtungo sa hotel si Avrielle, kaya naman inutos niya na doon na sila dumeretso sa mansyon. Habang nasa byahe ay walang kibo si Ella, ngayon na lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong, "Madam, hindi po ba alam ni Mr. Ricafort na isa kang Madrigal?" "Oo." Matipid na sagot ni Avrielle. Ngayon ay naiintindihan na ni Ella kung bakit kinailangan pang magkaroon ng substitute si Avrielle nang pumunta si Brandon sa opisina nito. "Ella, hindi ko sinasadyang itago sa'yo ang tungkol doon..." "Okay lang po 'yon. Eh sino naman po ba ang may gustong magkwento ng tungkol sa malulungkot na karanasan? Naturally, sinisikreto lang ang ganyan at itinatabi sa isang sulok ng puso. Nag-aalala lang po ako sa inyo. Nag-aalala rin ako na kapag nalaman ni Sir Armand ay mai-stress siya nang sobra-sobra." Madiin ang pagkakakapit ni Ella sa manibela kaya naman halos maglabasan ang mga ugat niya sa kamay, ang kanyang mga mata nama'y bahagyang namamasa sa luha. Sa isip-isip
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa

Chapter 50

Pakiramdam ni Brandon ay para siyang nasa kawalan habang pauwi sa Ricafort Mansion. Tila ilang libong beses na lumipad ang kanyang utak mula sa kanyang ulo. Ang dibdib naman niya'y parang may kung anong nakadagan kaya nahihirapan siyang huminga. Hindi maalis sa isipan niya kung paano siyang tinignan ni Amery kanina. Kitang-kita sa mukha nito ang disappointment at resentment na tila ba sila'y mortal na magkaaway. Ang ipinagtataka ni Brandon, bakit nakakaramdam ng kahungkagan ang puso niya ngayon? Bakit parang may isang napakaimportanteng bagay na nawala sa kanya? Nang binabaybay na niya ang daan patungo sa study room, ay sinundan siya ng kanilang mayordoma. Nasa mukha nito ang pagkadisgusto. "Senyorito, Dumating po ang sasakyan ni Ms. Samantha. Nasa garden po siya at hinihintay kayo." "Ayoko." "Ehh?" Nagtaka ang mayordoma sa naging sagot ni Brandon. Hindi ito dating ganoon kaya kitang-kita ang pagiging iba nito ngayon. "Alam ko naman kung bakit siya nandito." Pasalampak na umu
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status