Nawalan na ng gana pang magtungo sa hotel si Avrielle, kaya naman inutos niya na doon na sila dumeretso sa mansyon. Habang nasa byahe ay walang kibo si Ella, ngayon na lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong, "Madam, hindi po ba alam ni Mr. Ricafort na isa kang Madrigal?" "Oo." Matipid na sagot ni Avrielle. Ngayon ay naiintindihan na ni Ella kung bakit kinailangan pang magkaroon ng substitute si Avrielle nang pumunta si Brandon sa opisina nito. "Ella, hindi ko sinasadyang itago sa'yo ang tungkol doon..." "Okay lang po 'yon. Eh sino naman po ba ang may gustong magkwento ng tungkol sa malulungkot na karanasan? Naturally, sinisikreto lang ang ganyan at itinatabi sa isang sulok ng puso. Nag-aalala lang po ako sa inyo. Nag-aalala rin ako na kapag nalaman ni Sir Armand ay mai-stress siya nang sobra-sobra." Madiin ang pagkakakapit ni Ella sa manibela kaya naman halos maglabasan ang mga ugat niya sa kamay, ang kanyang mga mata nama'y bahagyang namamasa sa luha. Sa isip-isip
Pakiramdam ni Brandon ay para siyang nasa kawalan habang pauwi sa Ricafort Mansion. Tila ilang libong beses na lumipad ang kanyang utak mula sa kanyang ulo. Ang dibdib naman niya'y parang may kung anong nakadagan kaya nahihirapan siyang huminga. Hindi maalis sa isipan niya kung paano siyang tinignan ni Amery kanina. Kitang-kita sa mukha nito ang disappointment at resentment na tila ba sila'y mortal na magkaaway. Ang ipinagtataka ni Brandon, bakit nakakaramdam ng kahungkagan ang puso niya ngayon? Bakit parang may isang napakaimportanteng bagay na nawala sa kanya? Nang binabaybay na niya ang daan patungo sa study room, ay sinundan siya ng kanilang mayordoma. Nasa mukha nito ang pagkadisgusto. "Senyorito, Dumating po ang sasakyan ni Ms. Samantha. Nasa garden po siya at hinihintay kayo." "Ayoko." "Ehh?" Nagtaka ang mayordoma sa naging sagot ni Brandon. Hindi ito dating ganoon kaya kitang-kita ang pagiging iba nito ngayon. "Alam ko naman kung bakit siya nandito." Pasalampak na umu
Sa nakita ay palihim na nabigla ang mayordoma. Nagtataka ito kung hindi ba nakita ng kanyang Senyorito na gumagamit lang ng taktika si Samantha? Hindi naman siguro istupido ang kanyang amo.Nang sandali ring iyon, dumampot si Brandon ng isang itim na payong bago tuluyang lumabas ng pintuan. Mukhang kasing lalim ng karagatan ang iniisip nito."Senyorito!" nag-aalalang tawag ng mayordoma kay Brandon.Ngunit hindi siya pinansin ni Brandon, at sa halip ay tuluyang lumabas na ito. Nagpapadyak na lang tuloy ang mayordoma sa kanyang pagka inis.Sa labas, sa gitna ng malakas na ulan, ay parang paralisado na si Samantha sa pagkakasalampak sa lupa. Tila hindi na niya kinakaya pa ang kanyang sitwasyon. Ngunit nang makita niya ang makisig na pigura ni Brandon na tila diyos na naglalakad patungo sa kanya, ay ginamit niya ang natitira niyang lakas upang lalong galingan ang paghagulgol.Nang marinig naman iyon ni Brandon ay nagsalubong ang kanyang mga kilay at mabilis na dinaluhan si Samantha. Sinuk
Mula nang maaresto si Ash Gonzaga, ang tahanan nila'y tila nawalan ng buhay.Nakauwi si Samantha sa mansyon nila na ang hitsura'y mukhang naligo sa putikan. Namumutla ang kanyang mukha at sobrang lungkot ng kanyang ekspresyon. Nagmistula tuloy siyang kaluluwang umahon mula sa pagkakalunod sa malalim na ilog. Nang makita naman siya ng kanyang mga magulang, imbes na mag-alala ang mga ito sa kanyang kalagayan, ay kinumusta lang ng mga ito kung nakahanap na ba siya ng makakatulong sa kanila. Bilang sagot sa mga ito, umiling lamang si Samantha habang malungkot na malungkot ang kanyang mukha."Wala ka namang kwenta!" Sa sobrang galit ay napaubo si Senyor Sixto. Dinuro-duro nito sa mukha si Samantha at sinigaw-sigawan."May nagawa ka na bang tulong para sa pamilya mula nang sumiklab ang kaguluhang ito?! Ang tagal mo nang nakikipaglandian d'yan kay Brandon, kahit isang lupain ay hindi ka pa naambunan. Tapos ni isang miyembro ng pamilya nila hindi pa nakakatapak sa pamamahay na ito! Alam mo,
Talagang nasuong ang Aishi Home Furnishing sa isang malaking krisis. Bino-boycott ng mga tao ang kanilang mga produkto. Halos lahat ng kanilang mga tindahan sa bansa na dating ipinagmamalaki ni Ash ay nagsara na. Ang iba namang mga bukas pa ay nagtataas ng presyo para isalba ang pagkalugi. Sa ganoong sitwasyon, pinipilit na lang nilang ibenta ang mga produkto kaysa naman itapon ang mga ito.Sa araw-araw na nakikita ni Senyor Sixto ang kanilang pagkalugi, ang dating mahina na niyang katawan ay lalo nang lumala ang kondisyon. Napilitan na tuloy si Senyora Selina na magtungo sa kanyang kaibigan upang humingi ng tulong. Wala namang magawa si Senyora Carmela kung hindi ang panoorin na lang ang paghihirap ng kaibigan."Nagbigay ng ultimatum ang Papa na kung sinuman ang tutulong sa pamilya ninyo, ay itatakwil niya. Friend, daughter-in-law lang ako na nakatira kasama nila sa iisang bubong... kaya nalulungkot talaga ako." Napabuntong-hininga na lamang si Senyora Carmela at hinawakan ang kamay
"Ano pong sinabi ninyo?" Hindi masyadong naintindihan ni Ella ang ibinubulong-bulong ni Avrielle sa hangin. "Hindi alam ng mga Gonzaga kung ano ang mga ibinibenta nila. Ang kwintas na ito'y nagkakahalaga ng sampung milyon, ngunit ibinenta lamang nila ng limang milyon? Well, malaki ang tutubuin natin dito." Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Avrielle. Nang oras na iyon ay nag-ring ang kanyang cellphone. Ang kanyang Kuya Anton ang tumatawag. "Kuya!" Nagbalik ang composure ni Avrielle at ang kanyang boses ay naging matamis na tulad ng isang candy. "Kumusta ang Avrielle ko? Pagod ka ba? May maitutulong ba ang Kuya Anton sa'yo?" Punong-puno ng paglalambing ang boses ni Anton. "HIndi ako pagod, Kuya... Pero sana huwag mong abusuhin ang sarili mo sa trabaho, magpahinga ka naman paminsa-minsan." Nagkumustahan muna ng sandali ang magkapatid bago sila tumungo sa totoong pakay ni Anton. " Magkakaroon daw ng charity auction sa Sunday. Ikaw na lang ang mag attend para
"Ms. Gonzaga, hindi n'yo naman po kailangang kabahan. Nagtatanong lang po kami. Nagtataka lang naman po ang lahat, dahil sa kabila ng pagiging engage ninyo ni Mr. Brandon Ricafort, ay mukhang hindi po siya tumulong o nagpahayag man lang ng suporta sa inyong pamilya. Kaya hindi po kataka-taka na magkaroon ng spekulasyon ang publiko.""Hindi kami nahiwalay ni Brandon kaya huwag kang magsalita ng mga walang kwentang bagay!" Dahil sa hindi pagkontak ni Brandon kay Samantha nitong mga nagdaang araw, naging dahilan iyon ng pagkakaroon niya ng anxiety. Kaya naman iyon ang dahilan kung bakit nasigawan ni Samantha ang kausap na reporter.Hinila naman ni Senyora Selina ang galit na galit na anak at itinago ito sa kanyang likuran. Nginitian niya ang cameraman. "Walang nagiging problema ang relasyon ng anak ko at ni Mr.Ricafort. Pakiusap, alisin n'yo na ang kung anu-anong iniisip ninyo. Masyadong private ang relasyon nilang dalawa na kahit kaming mga magulang ay halos walang nalalaman.""Narito r
Pa-eleganteng naupo si Brandon, naghuhumiyaw ang malakas niyang awra kaya naman walang sinumang lumalapit sa kanya sa mga naroon.Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niyang sa bawat aisle, ay mayroong pangalan ni Anton Madrigal sa mga upuan. Napadiin tuloy ang pagkakalapat ng kanyang mga labi at sinabayan iyon ng pagkunot ng kanyang mga kilay."Eh Brandon... Wala akong nagawa eh. Ang lolo ko ang nagreserve ng mga seat na 'yan, hindi ko naman mapakialaman." Paliwanag ni Gab na tila nakikita ang iniisip ni Brandon. Bumulong siya sa tainga ng kaibigan, "This seat is the most test of human sophistication. Ang step-mother mo at 'yong dalawang makukulit mong sisters ay nakiusap sa akin na i-arrange 'yang upuan sa likuran mo. Kaso alam mo namang napakamahal dito sa VIP... Hindi naman matatanggihan ng pamilya namin si Anton dahil siya ang presidente ng Madrigal Corporation. Kaya tiisin mo na lang, no?"---Sa lobby na nasa labas ng venue, naroon sina Senyora Selina at Senyora Carmela
"Bakit naman sa pag-uwi mo pa? Dito mo na sabihin sa telepono."Natigilan si Avrielle at pagkatapos ay bumulong, "Kailangan ko kasi ang tulong mo, Kuya Alex...""Wala bang 'please'? Wala na... Wala na talaga. Little sister, sabihin mo nga sa'kin... Hindi mo na ba mahal ang Kuya Alex mo? Hindi na siguro, ano?" Nagsimula na namang umarte si Alex na animo'y isang drama actor sa telebisyon. Pinalungkot pa nito ang boses nang muling magsalita, "Kailangan siguro ay palagi kitang dinadalaw... Hindi maganda kung tuwing dalawang taon lang tayo nagkikita kasi nakakalimutan mo ang gwapo kong mukha, eh.""Tapos ka na ba sa pag-arte mo, Kuya?!" Sumigaw na si Avrielle upang matapos na ang kaartehan ng kapatid. Napatingin tuloy ang mga doktor at nurse na dumaan sa sa paligid niya. Nag-alala tuloy siya na baka isipin na mga itong nakakunok siya ng granada sa kanyang pagsasalita."Sige, sige na nga. Seryoso na ako. Ano bang nangyari?"Nagdilim ang mga mata ni Avrielle at hininaan ang kanyang boses. "M
Napabuntong-hininga na lamang si Aling Elena sa kawalan ng pag-asa.Si Brandon naman ay tila nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan habang naghahalo-halo ang kanyang mga emosyon. Hindi siya makapaniwala na sa tatlong taong kasal si Amery sa kanya, ang pagiging mabait, maamo, at pagiging mapagbigay nito ay hindi isang pagpapanggap lamang. Ganunpaman, hindi ibig sabihin niyon na hindi na ito pwedeng magalit, mawalan ng pakialam, at magselos. Nagtagis tuloy ang kanyang mga ngipin at nilunok ang pait na kanyang nararamdaman. Noon ay halos sambahin siya ni Amery. Ngunit ngayon ay bakit nag-iba na ito at halos isumpa na siya?---Nagising si Avrielle nang dumampi ang mainit-init na sinag ng araw sa kanyang balat. Mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama, ay binaluktot niya ang katawan at inunat ang kanyang mga braso paharap na tila isang inaantok na pusa. Bumangon siya at pinalitan ang kanyang pajamas ng puting sports wear para mag-kayak sa likod ng kanyang villa na tulad ng dati
"Ano?!" sambit ng nabibiglang si Brandon. Nahulog pa mula sa kanyang mga kamay ang chopsticks niyang hawak.Si Avrielle naman ay tila nadismaya nang makita sng hitsura ni Brandon na halos matulala sa kawalan nang dahil sa pag-iisip kay Samantha."Kanina lang po ay todo ang iyak ni Ms. Samantha sa bahay ninyo habang paulit-ulit pong tinatawag ang pangalan ninyo, Sir. She was emotionally unstable. Pinapasabi po ni Senyora Carmela na kung pwede ay umuwi na kayo at kumustahin n'yo ang lagay ni Ms. Samantha. Natatakot daw po kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanyang sarili~"Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Xander, ay bigla nang tumayo si Brandon sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng restaurant."Isinusumpa ko! Kapag itinuloy mo ang pag-alis nang dahil sa Samantha na 'yan, hinding-hindi na kita kikilalanin bilang apo ko!"Sa tindi ng galit ay malakas na hinampas ni Don Simeon ang ibabaw ng lamesa. Ganunpaman, wala nang magagawa ang galit niya dahil wala
Nagmamadaling pumasok sa loob ng study room si Brandon."Bingi ka bang tarantado ka? Hindi mo ba narinig na umiiyak si Amery? Kung hindi ka pa tawagin, hindi ka pa lilitaw?!" Pinagsasampal nang malakas ni Don Simeon ang magkabilang pisngi ni Brandon. Basta't para sa kay Amery, ay handa siyang magbigay ng palabas na dudurog sa puso ng lalaking apo niya."Hindi po." mahinang tugon ni Brandon saka naglakad patungo kay Avrielle. Nang tingnan niya ang babae, ay nakita niya ang dalawang linya ng marka ng luha sa maliit na mukha nito.Bahagyang nakaramdam naman ng hiya si Avrielle, hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil doon, kaya't may isang butil ng luha na namang pumatak mula sa kanyang mata na tila isang bituin na nahulog mula sa langit.Napailing si Brandon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib habang napapapikit ang mga mata."Gago! Bilisan mo rito at aluin mo ang asawa mo!" galit na pagmamadali sa kanya ni Don Simeon."Bakit ako? Eh hindi naman ako ang dahilan ng pag-
Sa kabilang dulo ng linya ay umiiyak din si Samantha."Alam ng babaeng 'yon na hindi ako gusto ni Lolo Simeon, kaya ginagamit niya ito laban sa akin... Bakit ba napaka unfair niya?!"Sa sobrang pagkatulala ni Brandon, ay hindi na niya narinig pa ang mga sinabing iyon ni Samantha. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hindi magandang pag-iyak ng dating asawa, ngunit ramdam niya ang lungkot nito. Bawat patak ng luha ay nakapagpaantig ng kanyang puso."Apo, ano bang problema? Huwag mo namang takutin ang Lolo!" Marami nang nasaksihang nakakatakot na eksena ang matanda, ngunit iba ang takot niyang nang umiyak sa kanyang harapan ang babaeng itinuturing niyang apo.Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Avrielle. "Lolo... Nasira ko po ang bracelet... Sinubukan ko naman pong ayusin iyon nitong mga nakaraang araw... ngunit nabigo po ako. Kaya ang naisip ko po, ay gagawa na lang po ako ng kapareho no'n. Natatakot po akong magalit kayo kapag nalaman ninyo..." Umalog na ang mga balikat ni
Habang nasa corridor, isinandal ni Brandon ang kanyang likod habang tinititigan ang pangalan ni Samantha sa screen ng kanyang cellphone."Brandon, galit ka pa ba sa akin?" bungad na tanong ni Samantha nang sagutin niya ang tawag. At bago pa man siya nakasagot, ay paghagulgol na ng babae ang sumunod niyang narinig."Hindi ako galit." walang mababakas na emosyon sa kanyang tinig.Ngunit hindi naniwala si Samantha dahil tila nararamdaman nitong may galit siya rito. "Eh 'di puntahan mo ako dito para magkita tayo. Miss na miss na kita, Brandon. Halos hindi na nga ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo." may desperasyon sa tono ng babae."Hindi ngayon. Gusto kong makasama ang lolo ko.""Nasa villa ka ba niya? Gusto mo ba ay pumunta ako r'yan? 'Di ba, sabi mo, dadalhin mo ako r'yan paminsan-minsan para magkalapit kaming dalawa? Para matanggap na niya ako? Nagbake pa naman ako ng paborito nating chestnut cake na palihim nating kinakain noong mga bata pa tayo.Magdadala ako para kay Lolo par
Habang nasa parking lot na ang dalawa, patungo na sana si Avrielle sa sarili niyang sasakyan nang bigla siyang pinigilan ni Brandon."Saan ka pupunta?""Sa kotse ko. Bakit?""Doon tayo sa sasakyan ko." saad ni Brandon sa malamig na tinig."Ang isang mabuting kabayo ay hindi lumilingon, at ang isang mabuting babae ay hindi sumasakay sa sasakyan ng dati niyang asawa. Magkita na lang tao mamaya." Kaswal na ikinaway ni Avrielle ang kanyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, ay binuksan na ni Brandon ang pintuan ng sasakyan nito at saka ginamit ang isang kamay upang hapitin siya sa kanyang beywang para mabilis na itulak sa loob ng sasakyan."Hoy! Anong ginagawa mo?! Kinikidnap mo ba ako?!" Sa pagkabalisa ay namula ang mukha ni Avrielle. Pilit niyang hinahampas ang pintuan ng sasakyan sa pagnanais na bumaba."Hindi ka na mapagkakatiwalaan, Amery." Ang kaliwang kamay ni Brandon ay nakasuporta sa bubong ng sasakyan. Ang mga mata nito'y naniningkit na tila nagbabantay ng kan
Sa bandang huli, ay nakipagkompromiso na rin si Avrielle kay Brandon.Dati, noong inaalagaan niya sa nursing home si Lolo Simeon, aaminin niyang hindi pure ang intention niya sa matanda. Nalaman niya kasing malapit nang ikasal si Brandon noong mga panahong iyon. Umasa siya na may magagawang paraan ito upang palagi niyang makita ang lalaking lihim niyang minamahal. Ngunit kalaunan, dahil sa palagi silang nagkakasama ng matanda, ay nakawilihan na rin niya ito at minahal.Kahit na matanda na si Lolo Simeon, ay mayroon itong matalas na mga mata at tainga. Matalino rin ito at madiskarte. Kahit na hindi na ito hands on sa paghawak ng kanilang mga negosyo, minomonitor pa rin nito ang mga iyon lalo na pagdating sa mga major decisions.At dahil sa palaging kasama ni Avrielle si Don Simeon, ay marami siyang natutunan dito. At ngayon ngang na-appoint siya bilang tagapamahala ng kanilang hotel, ang lahat ng kaalamang iyon ay nagagamit na niya.Sa makatuwid, hindi lang pagiging lolo ang naging rol
Agad na isinakay ang chambermaid sa loob ng ambulansya nang dumating ito. Hindi napigilan ni Avrielle ang makaramdam ng pag-aalala, kaya naman pinasunod niya roon si Ella."Ma'am, maraming salamat po at nalapatan ninyo ng paunang lunas ang pasyente. Kung hindi dahil sa inyo, ay baka naging malala ang lagay niya." saad ng isang medical staff."Walang anuman po. Sana'y maging maayos agad ang pasyente."Nang muling makapasok sa hotel, ay agad na nagpaumanhin ang lobby manager sa mga guests na naroon at pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga iyon sa lobby.Sinulyapan ni Avrielle ang kamay niyang may malalim na marka ng mga ngipin ng chambermaid. May mga bakas pa roon ng dugo na tanda ng pagkakaroon ng sugat kaya nakakaramdam siya ng kaunting kirot. Naglalakad na siya patungo sa infirmary ng hotel, nang may tumawag sa kanya."Amery."Nang marinig ang tinig na iyon ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Avrielle. Nang sandaling lumingon siya, ay nakita niyang humahabol nang palapit sa kanya